Nag-angat ng tingin si Cali dahil
ang naririnig niyang bulongan kanina ay unti-unting lumalakas. Kitang kita niya
sa mukha ng mga kaklase niya ang kilig at pagkabigla. 'Yung iba ay nanlalaki pa
ang mga mata at napapasinghap.
Nakayuko siya noon at nagtetext sa
loob ng classroom nila habang hinihintay ang kanilang instructor kaya napaangat
ang tingin niya. Naguguluhan man ay sinundan niya ang tingin
ng mga kaklase niya-na noon ay sa
may pintuan lahat nakatitig-lalo na ang mga kababaihan at mga kagaya niyang
bading.
Nang masundan ang tingin ng mga
kaklase niya ay maski siya nabigla at napasinghap sa nakita. Bahagya pang
napaawang ang bibig niya.
Diyos ko! Martin del Rosario?
Ay teka!
Parang hindi.
Oo, siya nga!
Hindi, kamukha lang 'ata, nagtatalo
ang isip niya. Bakit naman pupunta doon si Martin del Rosario? dugtong pa niya
sa naisip.
Naglakad ang lalaki papunta sa
direksyon ng kinauupuan niya. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaupo
sa isang silya malapit sa kinauupoan niya. Isang silya lang ang pagitan nila.
Kaklase kaya nila ito? Ba't wala ito nung last week?
"Akala ko si Papa Martin na.
Hayy!" napalakas ata ang buntong-hininga niya kaya napalingon ang lalaki
sa kanya. Agad naman niyang iniiwas ang tingin at itinuon ang pansin sa hawak
na cellphone. Umakto nsiyang busy sa pagtetext. Hindi pa nagtatagal ay pumasok
na si Mrs. Velasco, ang kanilang instructor sa English 103 kaya nilagay niya sa
silent mode ang cellphone niya at itinago muna sa kanyang mumurahing bag.
"Good morning class. Seems like
there are new students huh! Let me know who's new? Please stand up" utos
ng guro nila. May tumayong tatlong baguhang studyante. Ang isa sa kanila ay
lalaki-yung umupo malapit sa kanya-at dalawang magagandang babae.
"Okay, please sit down. Class,
may I request you to introduce yourself again like what you did last meeting?
It is for the sake of the new students" sabi ng kanilang guro na
nagpasimangot sa kanya.
Self-intro na naman? 'Di na nagsawa.
Kaloka, reklamo ng isip niya.
"Let's start with the first
row" utos ng kanilang guro. Agad namang tumayo ang nasa pinakaharap na
upuan at nagpakilala. Nasa ikatlong row siya kaya medyo natagalan bago siya
nagpakilala.
"Uhmm. Hi! Good morning
classmates. My name is Callisto Bautista, ah, C-cali nalang for short. I am
eighteen years old. Thank you" pakilala niya sa sarili.
Hindi na siya masyadong kinabahan
dahil kilala narin naman niya ang ilan sa mga kaklase niya.
Nasa second year college na sila at
ang karamihan sa mga kaklase niya ay hindi na bago sa kanya. Pagkatapos niyang
magpakilala ay tumayo agad ang susunod sa kanya at ito naman ang nagpakilala.
Nang matapos ito ay sumunod ang
lalaking kanina lang ay pinagbubulungan ng mga kaklase niya. Nang pumunta ito
sa harap ay mababakas sa mga mukha ng kababaihan ang tinitimping paghanga at
kilig.maging siya ay hindi na napigilang mapangiti dahil napakagwapo naman kasi
talaga ng lalaking nasa harap.
"Class, will you please behave
and remain silent? Give this mister a time to introduce himself" awat ng
guro nila sa kanila. Nilingon naman nito ang lalaki pagkatapos. "You may
start, son"
Natahimik ang klase pero hindi mo
parin maaalis sa mukha nila ng kilig. Wari'y gustong tumili ang ilan.
"Napapa-OA ata ang mga tao
rito. Ang lalandi! My gosh. Oo nga't gwapo pero kung makareact sila, wagas!
Kala mo may diyos na bumaba mula sa Mount Olympus! Hayy Dios ko"
napapailing na naisaisip ni Cali. Tumingin siya sa lalaki na noon ay
nagsisimula nang magpakilala ng sarili.
"G-good morning classmates. Uhmm,
my name is Kevin Alexander Baverino. I am nineteen years old. You can call me
Alex for short. I'm from Manila pero napagpasyahan kong lumipat nalang dito
since may bahay naman kami dito. Thank you" magalang na pakilala nito.
Aalis na sana ito sa harap para bumalik sa upuan pero may nagtanong na kaklase
nila.
"Kuya, kaano-ano mo po ba si
Martin del Rosario?" tanong nito na ikinatawa ni Alex.
"Hindi eh. Bakit mo naman
natanong 'yan?" natatawang balik-tanong ni Alex na napapakamot sa batok.
"Kamukha mo po kasi siya"
sagot ng kaklase nila. Napangiti lang ang lalaki. Maglalakad na sana si Alex
papunta sa upuan nito nang may magtanong ulit. Si Janine.
Maarte at sosyalera ang first
impression niya rito. Hindi niya ito naging kaklase noong first year sila kaya
hindi niya ito masyadong kilala.
Maganda ito pero ang sabi niya sa
sarili, "Sa inyo na ang ganda, sakin naman ang talino"
Hindi lang maganda ito. Mayaman pa
daw ito sabi ng mga kaklase niya. Halata naman kasi sa mga suot nito. Pati ang
bag. Siguro pwede nang pagpatayo ng isang bahay ang halaga nito. May tatak
kasi. Hermes 'ata kung di siya nagkakamali. Pero hindi siya nakadama ng inggit.
Bakit naman siya maiinggit sa bag na pang-Aling Dionisia? Napaismid siya sa
isipin na 'yun.
"Ah Alex, I'm Janine. May
girlfriend ka na ba?" walang pagkikiming tanong nito na ikinakunot-noo ni
Alex pero agad napangiti rin.
"Sa ngayon, wala pa eh"
sagot ni Alex. Napa-ahh ang mga babaeng kaklase niya na para bang nabuhayan ng
loob.
Nang wala nang nagtatanong ay pumunta
na si Alex sa upuan nito. Tiningnan naman niya si Janine. Napapangiti ito. Para
bang masayang-masaya sa isiping single at available si Alex. Well, wala na
siyang pakialam dun. Hindi siya interesado sa lalaki.
Pagkatapos nun ay naging maingay ang
klase nila dahil sa isa-isang pagpapakilala ng mga kaklase niya sa kanilang mga
katabi. Naging tahimik lamang siya sa tabi. Nang matapos ang
getting-to-know-each-other process nila ay nagsalita na ang kanilang guro.
"Okey, that's enough class. I
hope you are already familiar with your classmates. At tsaka nga pala, I made a
seat plan. Total naman, I already had the list of the enrolees of this section,
gumawa na ako kagabi. The sort of the seat plan I made will be from A to
Z" paliwanag ng guro nila. Sinabihan silang magsitayo muna sa likuran at
isa-isa nalang silang pupunta sa upuang itatalaga para sa kanila para mas
maayos ang kalakaran.
"Class, this will be your
permanent seat in my subject for the whole semester. Any questions?"
"None Ma'am" medyo
matamlay na sagot nila.
"Okey. Bautista, your seat will
the 10th one and will be followed by Mister Baverino. Then after him..."
tuloy-tuloy ang pagsasalita ng kanilang guro habang sila namang nasabihan ng
upuan ay nagsimula nang maglakad papunta sa upuan nila.
"Bakit naman puro lalaki na
naman ang katabi ko? Hayst kainis ka Ma'am!" sigaw niya sa isip. Matamlay
siyang naglalakad papunta sa upuan niya ng may humawak sa mga balikat niya.
Napalingon siya. Napasinghap siya nang malaman niyang si Alex ang may-ari ng
mga kamay na nakadantay sa balikat niya.
"Magkatabi ta'yo di ba?"
tanong nito.
"O-oo."
"Ah! 'Dun yung upuan natin,
bilisan mong maglakad" sabi nito at halos itulak siya papunta sa upuan
nila.
Naupo na siya sa itinalagang upuan
niya, naupo naman si Alex sa tabi niya. Nilingon niya ito. Ngumiti ito kaya
nginitian narin niya.
"Nakakahiya ka Cali, wag kang
ngumiti. Naiinsulto ang mga ngipin mo sa mga ngipin niya!" sigaw ng utak
niya. Dahil dun, umiwas siya ng tingin at idineretso ang tingin sa blackboard.
"Alex nga pala" maya-maya
ay narinig niyang sabi nito. Nang lingunin niya ito ay nakalahad ang mga kamay
nito. Atubiling tinanggap niya ang palad nito.
"Cali" mahinang sabi niya.
"Nice to meet 'ya bro"
sabi nito at ngumisi. Binawi agad niya ang kamay na hawak nito at saka umirap.
Napahagikgik ito. Wow hanep, Dracula effect si loko.
"Bro? mukha ba akong
maton?" tanong niya rito. Itinuro pa niya ang sarili.
"Joke lang, 'to naman.
Peace" paumanhin nito at nag-V sign.
"Wag mo na akong tatawaging bro
ha? Babatukan kita!" pinanlakihan niya ito ng mga mata na lalong
ikinalakas ng hagikgik nito.
"Highblood ka pala. Oo na.
Hindi na kita tatawagin ng bro" sabi nito na nakangiti. Dahil doon,
natitigan niya ang mga ngipin nito. White to pinkish ang kulay ng mga ito.
"Hindi naman. Basta keep quiet
ka na. may sinasabi si Ma'am" at natahimik na silang dalawa. Focused na
focused siya sa sinasabi ng kanilang guro nang kinalabit siya ni Aex. Nilingon
niya ito.
"Ano na naman?" pabulong
pero may diin na tanong niya.
"Pwedeng samahan mo akong
mag-cr?"
"Anong gagawin mo dun?"
tanong niya rito.
"Shunga ka rin ano? Kakain
siguro ako sa CR! May spaghetti dun. Ang sarap nga eh, natikman ko kanina kaya
niyayaya kita. Cali naman! Ano pa bang gagawin ko sa cr? Eh di iihi"
papilosopong sagot nito.
Ngali-ngaling batukan niya ito.
"Heh! Pumunta kang mag-isa mo.
Taray mo ha! Tsaka baka sabunutan ako ni Janine"
"Bakit ka naman sasabunutan
nun? Eh sasamahan mo lang naman ako. Hindi ka papasok sa loob. Sasamahan mo
lang ako kung saan ang cr. Di ko kasi alam kung nasaan eh" sabi nito.
Bahagya siyang nadismaya. Akala ko sasamahan ko sa loob, sayang!
"Kay James ka na magpasama. Mas
maganda na 'yun, pareho kayong lalaki" kaklase nila ang tinutukoy niya.
Patuloy sila sa pagbubulongan nang sitahin sila ng kanilang guro.
"Any problem there Cali and
Alex? You're whispering something to each other. Can we hear from the both of
you?" sabi ng kanilang guro na sinundan ng matunog na "uyyy"
galing sa kanilang mga kaklase.
Napakagat-labi siya.
"Ahh. Ma'am, nagpapasama po
kasi siya sa cr. Hindi niya po kasi alam kung saang banda ang cr eh"
pagdadahilan niya.
"Okey. Pakisamahan mo na lang
siya Cali. He's new to our school. Maybe naninibago siya. Go on, go on. I'm
giving you 10 minutes"
Naku, patay! Ma'am sabihin niyong
bawal siyang lumabas! Sabihin mong mamaya nalang pagkatapos ng subject niyo!
Please, please, please! Ayokong samahan siya. Nakakailang! protesta niya sa
isip. Napapakagat-labi pa siya.
"Uyy tara na! Excused na ta'yo.
Bilis, sasabog na ang pantog ko" hindi mapakaling yaya nito sa kanya.
Bahagya pa nitong iniipit ang harapan na parang lalabas na talaga ang
tinitimping ihi nito. Kaya napilitan na siyang tumayo at samahan ito sa cr sa
ibaba ng building na kinaroroonan ng classroom nila. Mahirap na. Baka maihi pa
ito sa pantalon nito at mapahiya. Malaki ang mababawas sa pogi points nito,
sayang naman.
Pagkatapos nilang makababa sa
building ay iginiya niya ito sa Men's Restroom. Nang maituro niya ang cr ay
agad-agad itong pumasok. Bahagya siyang natatawa sa inaakto ng lalaki. Parang
bata!
Lumipas ang limang minuto bago ito
lumabas. Huminga ito ng matunog na parang nabunutan ng tinik.
"Ayun! Solve. Tara!" sabi
nito na itinataas pa ang zipper ng pantalon. Nakayuko ito kaya napagmasdan niya
ang umbok na natatabingan ng pantalon. Nang maitaas na nito ang zipper ay
ibinaling na niya sa ibang direksyon ang tingin niya. Mahirap na. Baka mahuli
siya nitong nakatitig sa "pet" nito.
Cali, let me tell you this again.
Bakla ka ha!? Sapat na yun na dahilan para hindi ka respetohin ng mga tao. 'Wag
ka nang gagawa pa ng mga bagay na ikasisira lalo ng image mo. Ok?, sabi ng
isang maliit na tinig sa isip niya.
Dahil sa isiping 'yun ay
napabuntong-hininga siya.
"Bakit?" tanong ni Alex.
"H-ha? Wala"
"Unang napansin ko sa'yo, ang
lakas ng buntong-hininga mo" natatawang sabi nito.
"Ganun? Whatever. Halika na. We
only have ten minutes sabi ni Ma'am"
"Teka, ba't di ka sumama sa
loob kanina?" nakangising tanong nito. Itinaas-taas pa nito ang mga kilay.
Tiningnan naman niya ito ng matalim.
"Anong gagawin ko sa loob?
Panuorin ang pagpatak ng urine mo sa inidoro? Eww. No thanks"
Bumunghalit ito ng tawa.
"Hindi naman sa ganun. Tsk tsk!
Ibang klase ka rin ano?"
"Oo na! Oo na! Halika ka na.
Ten minutes is over" sabi niya at hinila na ito paakyat sa ikalawang
palapag ng gusaling kinaroroonan nila. Ang hirap hilahin ito. Paano kasi, ang
tangkad nito. Maliit parin ang height niyang 5"6 sa tangkad nito. Siguro
nasa 6"1 ito.
Pagkapasok nila sa kanilang
silid-aralan ay tahimik ang buong klase kung kaya't napalingon ang mga ito sa
kanila. Agad siyang umupo sa kanyang silya. Nakasunod naman ang asungot.
"What took you so long, the two
of you?" seryosong tanong ng kanilang guro.
"Ahh-"
"Ahh Ma'am, pasensya na po.
Nag-ayos pa po kasi ako ng sarili sa loob eh" agap ni Alex sa sasabihin
sana niya.
Natahimik nalang siya at di na
umimik. Umayos siya ng upo at itinuon ang atensyon sa dinidiscuss ng kanilang
professor.
Hindi niya namalayan ang oras
hanggang sa dismissal na. Nang magsitayuan na ang mga kaklase niya, sumunod
nain siya pero may pumigil sa kanang braso niya kaya maagap siyang napalingon.
"Saan ka pupunta?" si
Alex.
"Sa boarding. Bakit ba?
Magpapasama ka na naman bang mag-cr? Alam mo na kung saan di ba? Ikaw nalang.
Kailangan ko nang umuwi. Gutom na ako" sabi niya rito. Ngumiti naman ito
na parang naaliw sa kanya. Pagkatapos ay tumayo na ito.
"Pwede sumama? Doon nalang din
ako kakain" seryosong sabi nito.
"Ha?! Naku.. Eh.."
napapakamot siya sa batok. Alam kasi niyang wala siyang ipapakain dito dahil
wala na siyang stock na ulam. Ang plano niya ay bibili nalang ng noodles para
yun nalang ang kakainin niya. Tapos sasama pa 'tong asungot na 'to?
"Bakit?" nagtatakang
tanong nito sa inaakto niya.
"Ah wala!"
"Anong wala?"
"Wala kang kakainin doon.
Walang ulam eh. Pasensiya na" sabi niya at aktong tatalikod na pero
pinigilan siya nito sa balikat.
"Bibili tayo ng lechon diyan sa
tapat ng campus. Para ma-try natin kung masarap o hindi" nakangiting sabi
nito. Nakuh! Sumasakit ang ulo niya rito. Makulit din pala ang kumag.
"Okey sige. Basta ikaw ang
magbabayad ah? Wala akong pera. Tinitipid ko 'yun para sa projects" sabi
niya rito. Nagkibit-balikat ito kaya naman lumabas na siya na nakasunod ito.
Maya-maya, umakbay ito na ikinagulat niya.
Tinanggal niya ang mga braso nito sa
kanyang balikat.
"Huwag ka ngang ganyan!"
sabi niya rito. Hindi naman siya naiinis dito. Ayaw lang kasi niyang ginaganun
siya. Napakunot-noo naman ito pero ngumiti pagkatapos. Hindi ito nagsalita.
Sumunod nalang ito sa kanya pero napakabagal maglakad kaya napapahinto siya
para hintayin ito.
"Hoy! Pakibilisan ang paglakad,
pwede? Gutom na talga ako!" sigaw niya rito. Pero natatawa ito. Naiinis na
siya. Ano bang nakakatawa?
"Oo na! Oo na! Ayan na."
sabi nito at nagjog. Nilagpasan siya nito.
"Oh sige. Mauna ka na sa
boarding ha?" sabi niya rito. Tumigil ito at nilingon siya.
Napakamot ito sa batok.
"Sige pa. Takbo! Alam mo ang
boarding namin diba?" sabi niya rito.
Hindi ito sumagot kaya napatawa
siya. Parang paslit ito.
"Sabay na nga tayo" sabi
niya at naglakad papunta rito.
Naglakad na sila at tumigil sa harap
ng karinderya na katabi ng boarding niya.
"Huwag nalang lechon" sabi
niya.
"Sige. Ano bang gusto mo?"
tanong nito sa kanya.
"Dinuguan na lang"
"Panglalaking ulam ah"
"Ui hindi ah. Sarap kaya"
Umorder na ito ng dalawang order na
dinuguan at dalawa din sa mechado.
SA BOARDiNG Ni CALi.
"Whew. Hanep! Anlinis
ah!!" bulalas ni Alex pagpasok sa kanyang room. Napasipol pa ito. May
dalawa siyang kakwarto dahil medyo maluwang naman ang kwarto. Meron itong
sariling banyo, lababo, kusina at maliit na sala na may tv.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito
at iginiya niya ito sa kusina.
"Pasensiya na, walang aircon
eh. Medyo mainit. Teka lang at kukunin ko ang electric fan" paalam niya.
Pumasok na siya sa kanilang kwarto.
Nadatnan niya doon si Liam. Kakwarto niya ito. Puro lalaki ang kakwarto niya.
Sina Liam at Eric. Mababait ang mga ito at nirerespeto siya kaya nakagaanan
agad niya ng loob ang mga ito. Kaibigan narin niya ang mga ito. Gwapo si Eric
ganun din si Liam. Maputi si Eric. Si Liam naman, tama lang ang puti na akma
dito. Si Alex ay tan ang kutis.
Parehong Computer Science ang
kinukuhang kurso nina Liam at Eric samantalang Bachelor of Science in Secondary
Education naman sa kanila ni Alex. Kakasimula palang ang first sem. 3rd year
college na sila sa kasalukuyan.
"Cali, parang may kasama ka ata
ah. Sino yun? Bf mo?" tanong ni Liam sa tonong nang-aasar habang sumisilip
sa giwang ng pinto.
"Li!! Hindi ah. Kaklase ko.
Ewan ko nga eh. Unang meeting palang namin, nangungulit na." paliwanag niya.
Li ang tawag niya rito.
"Uyy. Destiny" tudyo nito.
"Destiny yang mukha mo.
Parehong lalaki, destiny?"
"Lalaki ka?"
"H-hindi. Ah I mean oo pero
hello, bading ako"
"Oh di destiny kayo"
"Hindi nga! Kahit naman bading
ako, lalaki parin ako at hindi pwedeng majuntis"
"Adik! Juntis agad?? Pwede sex
muna?" sabi nito at natawa ng malakas. Binatukan niya ito.
"Aray!"
"Ano nga pala kukunin ko dito?
Ahh. Ai Li! Yung electric fan?"
"Andun oh. Tanga talaga
nito" sabi nito at inginuso ang likuran niya. Kinuha niya agad ang
electric fan.
Lalabas na siya ng kumindat si Liam
at ngumiti ng makahulugan.
"Che! Bastos!" sabi niya
at lumabas na.
"Wala akong sinabi"
narinig pa niyang sinabi nito.
Inabutan niyang inaayos ni Alex ang
plato at kutsarang gagamitin nila. Nakalagay narin sa mangkok ang ulam na
binili nila sa labas.
"Oh! Bakit ikaw ang gumagawa
niyan?" tanong niya.
"Ah! Nakakahiya naman kung
hihintayin pa kitang ikaw ang mag-ayos nito." sabi nito habang patuloy sa
ginagawa nito.
"Sosyal kang lalaki ka ha. O
baka naman sister din kita." sabi niya pero tumatawa naman siya.
"Sister? You mean bading? Loka
loka! Halikan kita diyan eh."
Nagulat siya sa banta ni Alex na
halikan siya pero hindi niya pinahalata.
"Oh come on boy. Kiss me."
sabi niya at sumayaw sa harap nito ng maharot.
Tinulak naman siya nito ng mahina
kaya napatigil siya. Ginulo pa nito ang buhok niya.
"Loka loka. Joke lang
yun." tumawa ito ng malakas.
"Che!" dumulog na sila sa
mesa. Akmang kukuha na ng ulam si Alex pero pinigilan niya ito.
"Alam mo ung word na
pray?"
"Ah sorry. Di ako nasanay
magpray pag kakain eh" sabi nito at medyo napayuko. Napangiti siya sa
inasal nito.
"In the name of the Father, the
Son and the Holy Spirit.." simula niyang panalangin. Nakakuyom ang
dalawang kamay niya habang nakapatong ang baba niya rito at nakapikit ang mga
mata niya.
Nang nananalangin siya ay naramdaman
niyang hindi sumasabay sa kanya si Alex at iba ang ginagawa nito.
"At sana po patahimikin Niyo po
ang katabi ko. Sana turuan Niyo po siyang manahimik pag may nananalangin.
Amen" panalangin niya.
"Sorry po" sabi naman ni
Alex na lumingon sa taas. Pagkatapos nito ay sabay silang napahagikgik na
naging tawa.
"Adik ka! Kumain na nga tayo.
Salamat nga pala sa ulam" pasasalamat niya rito. Minsan kasi ay hindi siya
kumakain para lamang makatipid. Alam iyon nina Liam at Eric.
"Walang anuman. 40 pesos lang
naman yan."
Wow! LANG? Mayaman kaya ito? Later
na niya aalamin. Basta ang alam niya ay gutom na gutom na siya.
Habang kumakain sila, may mga
tinatanong ito.
"Tagasaan ka nga pala
Cali?"
"Taga-probinsya ako. Dun sa San
Mariano."
"Saang banda yun?"
"Basta. Mahirap iexplain kasi
liblib yung probinsya namin"
"Ah. Ganun ba? Malayo ba dun sa
inyo?"
"Oo" patuloy parin siya sa
pagsubo. Nilulunok muna niya ang pagkain bago sumagot.
"Bakit dito ka nag-aaral?"
"Ano ka, slambook? Daming
tanong ah. Ibigay mo nalang sakin yung slambook mo at sasagutan ko
mamaya." pamimilosopo niya. Napahagikgik ito.
"Nakakatawa talaga ang mga
bading no? Sarap kasama."
Napatigil siya sa pagsubo at
nilingon ito. Seryoso naman ang mga mata nito. Pero nakangisi. May pagkamanyak
kaya ito? Naku birhen pa ako, naisaisip niya.
"Oh bakit?" tanong nito.
"Alam kong gwapo ako. Wag mo na akong tingnan ng ganyan." dugtong pa
nito.
"Ang kapal. May kanin sa ilong
mo shunga. Grabe ka naman kung kumain. Pati ilong, sinusubuan" sabi niya.
Totoong may kanin malapit sa ilong nito.
"Cali, say NGEE" sabi nito
pagkatanggal sa kanin sa ilong nito.
Sinunod naman niya ito pero agad
naman niyang itinikom ang bibig dahil narealize niya na dinuguan nga pala ang
ulam niya.
"Itim ang ngipin!"
tumatawang sabi nito. Sapo pa nito ang tiyan na para bang puputok.
"Atleast may rason naman ako
kung bakit itim ang ngipin ko. Dinuguan kaya ang ulam, hello?? Alangan namang
asul ano? Eh ikaw, wild kumain."
"Nye nye. Whatever."
Napigil ang plano sana niyang
pagsasalita dahil may pumasok sa unit nila. Si Eric. Mukhang katatapos lang ng
klase niya.
"Ay Eric, halika kain tayo.
Alex, si Eric nga pala, kakwarto ko. Eric, si Alex, kaklase ko." sabi
niya. Nagkamay naman ang mga ito.
"Hello pare" sabi ni Alex.
"Hi pare" ganting bati
naman ni Eric.
"Kain tayo"
"Sige salamat. Magpapahinga
muna ako sa kwarto. Cali, si Liam?"
"Andun sa kwarto. Tingnan mo
baka nanunuod na naman ng porn sa laptop niya. Hahaha" biro niya.
"Baliw. Sige sige. Kain lang
kayo diyan"
"Sige" sabi nila.
Mayamaya, nakatingin lang si Alex si
kanya habang sarap na sarap siya sa dinuguan na ulam nila.
"Bakit? Walang kanin sa ilong
ko ha" sabi niya.
"Hindi. Nakakatawa lang kasi
ung sinabi mo kanina"
"Ang alin?"
"Yung porn. Ginagawa niyo
talaga un dito?"
"Sila lang ah. Lumalabas kasi
ako pag nanunuod sila. Buti nalang hindi sila manyak. Baka hindi na ako birhen
pag nagkataon" sabi niya na ngingiti-ngiti. Sige parin siya sa pagsubo.
"Birhen? Ang kapal. Babae
ka?" tawa.
"Ang sama. Mabulunan ka
sana"
Tinapos na nila ang pagkain. Siya na
ang naghugas ng kanilang pinagkainan.
Nang matapos, iginiya niya si Alex
sa kwarto nila.
Naabutan nilang nanunuod nga ng porn
si Liam sa laptop nito. Nakalagay ang headset nito sa magkabilang tenga kaya
hindi nito narinig ang pagpasok nila.
Binatukan niya ito. "Hoy"
Inis naman na lumingon si Liam pero
nang makitang may kasama siya ay parang nahiya ito at agad pinatay ang
pinapanuod.
"Tong taong 'to. Adik!"
singhal niya. "Tabi nga diyan!" sabi niya at pinaalis sa kama niya.
Tatawa-tawa naman si Eric na
nakahiga sa kama nito. Tig-iisa sila ng kama dahil nga may kaluwangan ang unit
nila.
"Boyfriend mo?" si Liam.
"Gago. Si Alex nga pala.
Kaklase ko. Alex, si Liam. Ang adik sa porn" pakilala niya sa mga ito.
Mamayang 3 o'clock pa ang susunod na
klase nila. Alas dose palang.
Pumunta na si Liam sa kama nito
dala-dala ang laptop.
"Pare. Gusto mong manuod?"
si Liam.
Pinandilatan niya ito.
"Hoy Li ah! Wag mong idamay si
Alex sa kalibogan mo" singhal niya rito.
"Hush darling. Hindi porn ang
papanuorin namin. Avengers. Astig 'to! Halika pare" lumapit naman si Alex
dito at tumabi kay Liam. Bumangon din si Eric at nakisali sa kanila.
"Alex. Ok lang sayo kung iidlip
muna ako? Inaantok kasi ako eh. Total naman may ginagawa kayo diyan"
paalam niya kay Alex.
"Aah. Sige lang" sabi
nito.
Nagtanggal na siya ng sapatos.
"Ang baho" sabi ni Liam na
kunwari ay nagtakip ng ilong.
"Gago. Pakain ko sayo 'tong
medyas ko eh. Baho ka diyan. Ni wala ngang amoy" sabi niya. Alam na
ng mga itong "gago" ang expression niya. Ewan ba niya kung hindi niya
maiwasang lagyan ng "gago" ang mga pangungusap niya. Buti nalang at
makukulit din ang dalawang kakwarto niya kaya good vibes sila.
Nagtaas ng dalawang kamay si Liam na
parang sumusuko.
Nang mahiga na siya, agad siyang
inantok. Pagod na pagod ang pakiramdam niya. Naiinitan siya kaya sapilitang
bumangon ulit siya at kinuha ang electric fan sa kusina at dinala sa kwarto
nila. Isinaksak niya ito at itinapat sa kama niya saka humiga. Nakatulog na
siya maya-maya pa.
Nang magising na siya ay nanunuod
parin ang tatlong mokong. Patapos na raw ito.
Isang oras at trenta minutos ang
itinulog niya.
Bumangon siya at nagpunta sa kusina.
Nagsipilyo siya at naghilamos saka bumalik sa kwarto nila.
"Anong oras na Alex?"
tanong niya kay Alex na tutok sa pinapanuod nila dahil nasa climax na.
Hindi ito lumingon.
"Alex?" Parang di parin
siya nito narinig. Pumitik siya sa harap ng mukha nito.
"Ha?"
"Anong oras na?" Tiningnan
nito ang relo.
"Alas dos" sabi nito at
tumutok ulit sa laptop.
Napapailing siyang pumunta sa kama
at nahiga ulit. Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bag. Nokia C3 ang
unit ng cellphone niya. Regalo ito ng mga magulang niya noong graduation niya
nung highschool dahil siya ang valedictorian.
Magtatatlong taon na pala ito sa
kanya pero hindi parin nasisira dahil maingat siya. Tiningnan niya kung meron
siyang text. Wala.
Inion na lang niya ang WiFi ng
cellphone niya dahil may free WiFi ang boarding nila at nagfacebook gamit ito.
May dalawa siyang friend request.
Isa ay babae at ang isa ay lalaki. Nang makita ang profile pictures ng mga ito
ay napag-alaman niyang isa ang mga ito sa mga kaklase niya.
Nang magsawa ay ni-log out na niya
ito at dinisconnect ang WiFi.
"Alex, tara na?" sabi niya
rito. Lumingon ito sa kanya.
"Sandali lang. Malapit na
matapos 'to"
Tumayo siya at nagsapatos saka umupo
sa tabi ni Liam. Pinapagitnaan kasi nila ni Eric si Alex. Nakipanuod na siya.
Sampung minuto pa ay natapos na ang movie. Nag-inat sina Eric at Liam. Si Alex
naman, bumaba sa kama at saka nag-inat. Bahagyang naitaas ang damit nito kaya
nakita niya ang tiyan nito. Pati narin sa baba nito. May pinong buhok doon.
"Ang mata, kung saan-saan
tumitingin" parinig ni Liam sa kanya. Nilingon niya ito at inirapan.
"Ready na?" tanong niya
kay Alex.
"Sige. Tara. Mga pare, una na
kami. May klase pa kami hanggang 4:30" paalam nito sa dalawa.
"Sige pare. Balik ka ulit
bukas" sabi ni Eric.
"Oo ba" sagot naman ni
Alex.
Lumabas na sila ng kwarto nila.
Pagkatapos naman ay sa maindoor ng boarding nila sila lumabas.
"Ang swerte mo naman. May
dalawa kang ka-room na lalaki" sabi nito.
"Umamin ka nga sa akin Alex,
bading ka? O BI kaya?"
"Bakla? BI? Anong pinagsasabi
mo? Hoy, lalaking lalaki 'to" itinuro pa nito ang sarili. "Sinasabi
ko lang na maswerte ka kasi di ba ung mga ibang bading gustong gusto ng
lalaking kakwarto?" dugtong nito.
"Pwes ako hindi. Ah oo na nga
pala ngayon kasi friends ko narin naman sina Eric at Liam. Mababait naman kasi
ung mga 'yun kahit medyo may kalawang ang utak at sinusumpong ng kabaliwan
minsan. Pero ok sila. Nirerespeto nila ako." may emosyong sabi niya kay
Alex.
Natahimik naman si Alex habang
naglalakad sila papuntang school. Malapit lang kasi ang boarding niya sa school
nila.
"Hi Alex!"
Halos sabay silang napalingon ni
Alex sa likuran nila.
Si Janine pala ang nagsalita. Kasama
nito ang mga kaibigan nitong kaklase rin nila.
"Pwede sumabay?" tanong
nito na hindi man lang siya sinusulyapan at tanging kay Alex lang nakatingin at
nakangiti ng ubod-tamis.
"Naks. Pa-cute? In
public?" ngali-ngaling sabihin niya ito sa babae pero piniling kimkimin
nalang. Mahirap na. Baka sampalin siya ng one thousand pesos nito.
"Sure" sabi naman ni Alex
at ngumiti rin ng matamis. "You are?" dugtong nito.
"Ano ka ba. Nakalimutan mo
agad? I'm Janine" sabi ng babae at inilahad ang kamay. "Wag mo nang
kakalimutan ha?"
"Oo naman. Janine"
"Yan! Oh sige tara na guys.
Sabay na tayo sa kanila. Ay wait. May kasama pala si Alex. Uhm Cali, pwede bang
kami na muna ang kasama ni Alex? Kasi may mga bagay kaming tatanungin sa kanya
at ayaw naming marinig ng iba. Kaya kung pwede. Kung pwede lang naman. Pwede
bang-"
"Oo naman. Sure. Why not? Ah
Alex, mauuna na ako ha? Sa kanila ka muna sasama para naman makilala mo
sila" sabi niya kahit hindi pa natatapos magsalita si Janine.
"Mabuti pa nga siguro. Kita
nalang tayo mamaya sa classroom ha?" sabi naman ni Alex.
"Thanks" sabi naman sa
kanya ni Janine at umabrisete na kay Alex. Binilisan na niya ang paglakad para
makalayo na siya kina Janine. Naiirita siya. Naiinis. Bakit?
Parang naiilang naman si Alex na
kasama sina Janine at ang mga kasama nito.
Aaminin niya sa kanyang sarili na sa
lahat ng pinakaayaw niya ay ang mga taong masyadong showy sa nararamdaman. At
iyon ang isang ugali ni Janine. Dinala siya ng mga ito sa canteen sa school
nila. Marami rin silang napag-usapan ng grupo nito. Napag-alaman niyang mayaman
pala ito. Engineer ang ama nito at ang ina naman ay manager ng isang bangko.
Pero 'di siya natutuwa doon. Dahil siya mismo ay hindi natutuwa sa estado ng
pamumuhay niya.
Hindi siya pumunta noong unang week
ng pasukan dahil alam naman niyang maraming conflicts ang aayusin ng mga
teachers. Halimbawa ay ang mga schedules at classrooms kung saan sila magmemeet
kaya minabuti nalang niyang wag munang pumasok.
Nanggaling siya sa isang kilala at
mamahaling paaralan pero napag-isipan niyang lumipat ng ibang school dahil ayaw
niya ang atensyong ibinibigay ng mga tao sa kanya doon. Lalo na ang mga
studyante. Ayaw niya yung kahit dumaan lang siya sa hallway ng isang building
ay pinagtitilian na siya ng mga bading. Kung minsan pa ay nakikisama pa ang
ilang mga babae. Naiinis siya sa ganun pero di niya pinapahalata.
Nung pumasok siya kanina,
nadisappoint siya kasi parang ganun din ang magiging resulta ng paglipat niya.
Halos lahat ng mga studyante sa room
na hinahanap niya ay may gusto sa kanya kahit unang kita palang sa kanya.
Meron siyang napansin na isang
studyante na parang wala siyang epekto dito. At yun si Cali. Mas gusto niya
yung mga ganun kasi hindi siya maiilang makipagkaibigan. Kahit pa sabihing
bading ito.
"Alex. Hoy!"
"H-ha?"
"Tagasaan ka sabi ko"
tanong ni Janine.
"Ah. Tagarito ang papa ko pero
tagaManila ang mama ko. So bale, tagarito rin ako sa Adamson pero may bahay din
kami sa Manila. Sa manila ako nag aral nung 1st year at 2nd year ako"
sagot niya sa tanong nito.
Napatango-tango ito.
"Magmeryenda muna tayo?
Guys" maya-maya ay sabi nito.
"2:50 na ah. 3 o'clock ang
susunod na klase natin" sabi niya rito.
"Aw. Who cares! Alam ko namang
getting-to-know-each-other na naman ang drama ng susunod na teacher"
Pinaikot pa nito ang bola ng mata
habang sinasabi iyon.
"Kahit na. Malay lang natin,
terror yung susunod na professor. Eh kung ano pa gagawin nun satin"
paliwanag niya.
"Ok fine. Then let's go"
tumayo na ito kaya tumayo na rin siya pati ang mga barkada nito.
Habang naglalakad sila papuntang
classroom nila ay nakaabrisete ito sa kanya.
Kahit sinong titingin sa kanila,
mapagkakamalan silang magsyota.
"Janine. Ano ka ba" sabi
niya at iniiwas ang mga braso.
"Ang oa mo pala Mr. Baverino.
You know what? I like you" diretsahang sabi nito.
Natahimik siya pero tuloy parin ang
lakad nila.
"Hey. Aren't you going to say
something?" tanong nito sa kanya.
"Uhm. Thanks" tipid niyang
sabi. Bumagsak ang balikat nito.
"Yun lang?"
"Yun lang"
"Urrghh! Fine"
Tuloy tuloy na silang naglakad
hanggang sa makarating sa classroom nila.
Gaya ng dati, napalingon na naman sa
kanya ang mga kaklase niya.
Hinanap niya si Cali. Nakaupo ito sa
likod. Sa may bandang bintana. Nakayuko at nagtetext yata dahil hawak nito ang
cellphone.
"Alex. Come. Dito ka na sa tabi
ko maupo. Siguro naman ay walang seating arrangement ang susunod na prof
natin" sabi sa kanya ni Janine.
"Ah. Dun na lang muna ako kay
Cali"
"Ha? My gosh. Ba't ka ba
nakikipaglapit sa baklang yun? He's not even cute. And I bet, he don't have
money"
sabi nito pero hindi nilakasan. Yung
sapat lang para marinig niya.
Ganun lang kung manlait ito? Totally
turned off na siya. Maganda pa naman.
Hindi na siya nagsalita at pumunta
na sa kinaroroonan ni Cali na abala sa pagtitipa sa cellphone nito.
"Sino katext mo? Bf mo?"
nagulat siya kaya napaangat agad ang tingin niya. Si Alex pala ang nagsalita.
Umupo ito sa tabi niya dahil bakante. Pinili niyang maupo sa may bintana para
mas malamig. Hindi kasi masyadong mayaman ang eskwelahan nila kaya walang
aircon na gaya ng iba.
"Shungik! Si mama. Boyfriend ka
diyan" sagot niya at muling binalingan ang cellphone niya. Kasalukuyan
siyang nagtetext para kumustahin ang mama niya pati narin ang papa at ang
nag-iisang kapatid niyang lalaki na kinse anyos. Si Colossus.
Adik daw sa XMen ang mama niya noong
pinagbubuntis sila kaya pangXmen ang mga pangalan nila.
"Mama? Anong sinasabi mo sa
mama mo? Nanghihingi ka ng allowance no?" tanong nito. Nahalata na niyang
mang-aasar na naman ito kaya di niya pinansin ang sinabi nito.
"Kinukumusta ko sila. Tsaka
nadengue daw si Colossus. Tinatanong ko ang kalagayan niya. Dinala daw kanina
sa ospital" madamdaming wika niya.
"Colosus? Kapatid mo?"
"Oo. Yung sumunod sakin na
siyang bunso narin"
"Tapos may sinundan ka?"
"Wala. Dadalawa lang kami"
"Pareho pala tayong panganay.
Ilang taon na si Colossus?"
"6"
Tumango-tango ulit ito. Bahagyang
natahimik ito pero nagtanong ulit.
"Ilang oras nga pala ang biahe
papunta sa inyo?"
"Bakit?"
"Tinatanong lang"
"Tatlong oras. Mahirap kasi ang
daan"
"Ah"
"Oh. Kumusta namang kasama sina
Janine?" tanong narin niya rito.
"Hindi ayos eh. Arte!"
pabulong na sabi nito sa kanya.
Napahagikgik siya.
"Bakit naman?"
tatawa-tawang sabi niya.
"Basta" sabi nito.
"Ganun?" sabi niya.
Biglang tumunog ang cellphone niya. Binasa niya ang mensahe. Ayos na raw ang
kapatid niya. Ikoconfine nga lang daw.
"Thanks God" mahinang usal
niya.
"Oh anong sabi?"
"Ayos na raw si Colossus. Pero
ikoconfine daw eh"
"Ay teka!" sabi nito at
biglang may kinuha sa bulsa. Inilibas nito ang cellphone nito.
"Whew! Nakakahiyang itabi ang
cellphone ko diyan ah" sabi niya. Narecognize agad niyang ito ang latest
release ng brand na samsung. Samsung S3 ba yun?
"Ito? Ayoko nga sanang
magkacellphone ng ganito eh. Kasi hindi ako maingat. Baka hindi magtatagal ng
dalawang buwan 'to sakin. Kung di ko mahuhulog ay nakakalimutan ko sa bulsa ng
pantalon ko at nailalaba" sabi nito. Napapailing naman siya.
"Dapat 1100 lang sayo para
kahit limang ganun ang mahuhulog mo, hindi madaling masira" sabi niya.
"Naku. Wag naman un. Masyadong
boring na yun. Yung number mo nga pala? Lagay mo nga" sabi nito at iniabot
ang cellphone nito sa kanya.
Hindi agad niya inabot ito.
"Oh bakit?" nagtatakang
tanong nito.
"Baka mabasag ko eh. Mahal pa
naman ang ganyan" sabi niya.
"Adik ka no? Ilalagay mo lang
naman number mo. Mababasag agad? Oh lagay mo na" sabi nito at
ipinagduldulan pa nito ang cellphone nito.
"Ikaw nalang maglalagay"
sabi niya. Agad niyang tiningnan ang cellphone niya at dinala sa contacts. Dun
sa MY NUMBER.
"Yan ang number ko. Ikaw na
maglagay"
Natatawa itong inabot ang cellphone
niya at kinopya ang numero niya. Ibinalik nito pagkatapos.
"Ayaw mo talagang
hawakan?" tanong nito. Umiling siya. Natawa ulit ito.
"Hindi ko alam kung paano
galawin eh. Hindi ako updated sa mga ganyang cellphone. Ang hahaytek naman kasi
ng mga cp niyo"
"Tuturuan kita. Heto, lumapit
ka para makita mo. Anong gusto mong matutunan?"
"Games?" nangingiting sabi
niya.
"Parang bata. Games pa talaga
ha. Dadalawa lang games ko dito eh. Sandali" sabi nito at may ginawa ito
sa cp nito. Ini-slide nito ang screen ng cp nito.
"Teka. Tuturuan mo ba talaga
ako o hindi? Ang bilis ng kamay mo ha" sabi niya.
"Akala ko ba games muna ang
gusto mong matutunan?" tanong naman nito.
"Paano ko mahahanap ang games
mo kung dinadala mo agad sa folder nito?"
"Clever. Oo nga no? Hehe. Sige.
Lumapit ka kasi para makita mo"
Sumunod naman siya. Halos magkadikit
na ang mga balikat nila.
"Una, i-slide mo muna 'tong
screen para maunlock. Tapos ayan, may mag-aappear na mga icons. Iclick mo dito.
Ito na muna ang lalaruin mo. Maganda 'to. Fruit ninja" sabi nito at
binuksan ang application.
Nagsalita ulit ito.
"Yan! Pag nag-open na, i-slide
mo sa New Game. Ganito oh, parang nag-eespada ka lang" sabi nito. Mataman
naman siyang nakikinig. Interested siya sa laro. Ipinagpatuloy nito ang
pagtuturo nito sa kanya.
"Pag nagawa mo na yun, yan, may
mag-aappear ulit na choices. Ikaw, kung gusto mo ng Zen Mode o classic, i-slide
mo lang sa icon. Sa classic muna tayo" ini-slide nito sa icon ng classic
at may mga prutas na lumalabas mula sa baba pataas at mahuhulog din.
Nang may mga prutas na lumabas,
ini-slide-slide ni Alex ang screen ng cellphone nito na parang nag-eespada at nahahati
naman ang mga prutas.
"Lahat ng lalabas na prutas,
espadahin mo para mas tataas ang score mo" paliwanag nito. Nang biglang
may mga lumabas na bomba ay hindi nito inespada.
"Bakit di mo inespada ung
bomba? Bawal ba?" tanong niya.
"Exactly. Pag nakaespada ka ng
kahit isang bomba, game over. Kaya iwasan mo ang mga yun. At isa pa, dapat
walang mahuhulog na prutas na hindi nahahati ok? Pag nakatatlo ka ng prutas na
nahulog na hindi mo nahati, game over din. Oh 'eto. Try mo na" sabi nito at
iniabot sa kanya ang cellphone.
Inabot na niya ang cellphone nito.
Ginawa niya ang mga instructions nito. Pero bago pa man siya nakapagsimulang
maglaro ay biglang dumating ang professor nila.
"Ay bwisit! Wrong timing ka
mam!!" nagngangalaiting sabi niya. Ibinulong niya ito kay Alex na para
bang ito ang Mam na tinutukoy niya.
Napahagikgik naman ito.
"Hetong cellphone mo" sabi
niya.
"Itago mo muna. Wala akong bag
eh" sabi nito.
"Sosyal mo naman kasing
estudyante ka. Walang bag. Walang notebook. Walang ballpen"
"Nyenyenye. Daming
satsat!"
Pinandilatan niya ito.
Aminin ni Alex na natutuwa siya kay
Cali. Kung babae sana ito ay ito ang matatawag na inosente. Yung tipong never
been kissed at never been touched. Yung tipong simple lang. Nakapolbo lang ito.
Medyo malago ang tubo ng buhok nito. Nakaahit ang kilay pero hindi ung manipis.
Makakapal at mahahaba ang mga pilik mata nito. Hindi mo masasabing gwapo ito
pag naging lalaki. Hindi rin naman yung pambabae ang mukha.
Hindi niya alam. Basta iba. Kung ano
si Cali, yun na yun.
First meeting palang nila iyon pero
parang close na close na sila. Madali kasing makapalagayan ng loob ito.
May pagkataray pero nakakachallenge.
Hindi niya inexpect na magiging magkaibigan sila nito. Ang gusto lang niya
noong una ay makakausap at makakasama.
Nilingon niya ito sa tabi niya.
Nakatingin ito sa harap at matamang nakikinig sa teacher nila na idinidiscuss
ang course outline ng subject nila. Naramdaman yata nitong nakatingin siya rito
kaya napatingin din ito sa kanya.
"Problema mo?" tanong
nito.
"Wala. Naiihi ako"
pagdadahilan niya.
"At ano naman ngayon?
Magpapasama ka na naman sa cr? Pumunta kang mag-isa mo" pagtataray nito.
Naamused naman siya.
"Hindi ah. Kaya ko pa namang
tiisin. Malapit narin naman ang dismissal" sabi niya.
"Mabuti nga. Tsaka makinig ka
nga sa harap" sabi nito at tumingin ulit sa harap. Ganun na din ang ginawa
niya. Nakinig na siya nga mabuti.
"Class. In our subject, meron
tayong reporting. Anong gusto niyo? By twos or individual?" tanong ni Mrs.
Casaliya, ang theory teacher nila.
Madaming nagsabi ng by twos. Mas
madali nga naman pag may kasama ka.
"Ok. By twos. Find your partner
nalang para mas comfortable kayo. Kilala narin naman ninyo ang mga kaklase niyo
diba? Although may nadagdag eh, nagpakilala narin naman" sabi ng teacher
nila.
Tiningnan niya si Cali na nakikinig.
"Tayo nalang Cali?" sabi
niya rito. Lumingon ito sa kanya at kumunot ang noo.
"Sure ka?"
"Oo" sabi niya.
"Ayoko ng tamad ah. Kailangang
magtulongan tayo para maipresent natin ng mabuti ang magiging topic natin"
sabi nito sa kanya.
"Oo. Ako pa" sabi niya.
"Class, pass a one-eight sheet
of paper with the name of ur partner. Yun na magiging final ah. Wala nang bawian
pag naipasa na so choose ur best partner" sabi ng kanilang teacher.
Nagsitayo ung iba at lumapit sa mga
gusto nilang partner.
"Alex. Can we be
partners?" nilingon niya si Janine.
"Ah. Kami na eh" sabi niya
at inginuso si Cali.
"Ay! Ok. Kami nalang siguro ni
Jessie" sabi nito na ang tinutukoy ay ang isa sa mga barkada nito. Bumalik
na ito sa upuan nito.
"Ano raw?" tanong sa kanya
ni Cali.
"She asked me kung pwede raw na
kami nalang ang partners. Pero i said na tayo na" sabi niya.
"Tayo na ba?" kunot ang
noong sabi niya.
"Shunga. Hindi tayo na magsyota
na tayo. Ang ibig kong sabihin, tayo na ang magpartner" sabi niya at
natawa. Silly. Nakitawa rin ito.
"I know. Joke lang yun"
sabi nito. Agad itong naghanap ng one-eight sa bag nito at nang makahanap ng one-fourth
ay kinuha nito at ipinahati sa kanya.
Itinupi niya ito at dinilaan sa
banda kung saan natupi. Ganun talaga ang ginagawa niya. Mas madali kasing
mahahati pag ganun.
"Yerks!" sabi nito sa
ginawa niya.
"Ha?"
"Wala. Sige na bilisan mo"
Hinati na niya ito at ibinigay kay
Cali. Agad namang isinulat nito ang mga pangalan nila. Ang ganda ng sulat-kamay
nito.
"Pangteacher talaga ang
penmanship ah" puri niya rito.
"Whatever. Thanks. Heto, pasa
mo na" sabi nito at iniabot ang papel sa kanya. Siya raw ang magpapasa sa
harap.
"Ba't ako? Ikaw nalang"
"Anong sabi ko kanina? Ayoko ng
tatamad-tamad" sabi nito.
"Ang taray! Ok sige. You
win" sabi niya at kinuha ang papel dito. Halatang pinipigilan nitong
matawa.
Pumunta na siya sa harap at ibinigay
sa guro nila ang papel.
Pagbalik niya, humahagikgik naman si
Cali.
"Good boy" sabi nito.
"Ginulo niya ang buhok
nito"
"Grrr. I hate you when you're
doing that. Ayokong nagugulo ang buhok ko!" sabi nito.
"Kalbuhin na natin?" asar
niya rito.
"Che"
Pabagsak na nahiga si Cali sa kama
niya pagkarating na pagkarating niya sa kanilang boarding.
"Hoy! Masisira yang kama. Taong
'to" saway sa kanya ni Liam.
"Kebs!" sabi niya at
parang batang nagpagulong-gulong. That was quite a day.
Katatapos ang klase niya. Umuwi na
rin si Alex sa bahay nila.
Naidlip siya at naalimputangan nang
marinig ang isang tunog ng cellphone.
"Kanino bang phone yan? Patayin
niyo nga! Ang ingay" sabi niya na medyo paos pa ang boses niya.
"Bah! Malay namin diyan sa
cellphone sa bag mo" sagot ni Liam na nakatapis lang ng tuwalya. Halatang
katatapos lang nitong maligo.
Tuluyan na siyang nagising.
"Cellphone sa bag? Hindi naman
ganyan ang ringtone ko ah!" bulalas niya.
"Eh di tingnan mo" sabi ni
Liam at akmang tatanggalin ang tuwalyang nakatapis dito. Awtomatiko siyang
tumalikod at pumikit. Narinig niya ang palatak ni Liam.
"Bastos!" sabi niya rito
pero hindi niya ito nililingon.
"Bakit? Nakasuot naman ako ng
brief ah. Hindi ako hubo. Arte nito. Gusto mo rin naman ng ganito" sabi
nito.
Humarap siya at pinanlisikan niya
ito ng mata.
"Gago--"
"Hush bebe. Joke lang un"
sabi nito. Hindi niya naiwasang tingnan ang harapan nito. Infairness. May
ipinagmamalaki pala ito. Maganda ang abs. May mga butil pa ng tubig sa katawan
nito na parang ang sarap patuyuin.
"Oh! Akala ko ba ayaw mo?"
sarkastikong sabi nito na nangingisi. "Sagutin mo na yang tumatawag diyan
sa cellphone. Kanina pa yan eh" sabi nito at nagsimula nang magbihis.
Nagtataka naman niyang hinalungkat
ang kanyang bag. At nanlaki ang mga mata niya nang makita ang samsung s3 sa
loob nito.
"Oh my gosh!! Nakalimutang
kunin ni Alex 'tong cellphone niya!" malakas na bulalas niya.
"Oh? Anong problema dun? Eh di
ibalik mo bukas" sabi ni Liam na nagsusuot ng damit.
"Di ba wala daw pasok bukas?
Tsaka sa susunod na araw?"
"Oh di ibalik mo sa kanya
ngayon. Puntahan mo siya sa kanila"
"Ang problema, di ko natanong
kung saan ang address niya" nagkakamot siya ng ulo.
Nagring ulit ang cellphone. Number
lang ang nakaappear. Walang pangalan. Nag-aatubili siyang sagutin kaya kinuha
na ni Liam ang cellphone sa kamay niya at agad sinagot ang tawag.
"Hello?"
Nakatunganga lang siya rito. Hindi
niya marinig kung ano ang sinasabi ng nasa ibang linya.
"Oh pre? Oo. Nakalimutan nga
daw niyang ibalik kanina... Oo, sige ba. Di nga raw niya alam ang address mo...
Mas maganda na yun. Oo pre, hihintayin ka namin dito. Sige sige. Bye"
Iyon lang at ibinalik na nito sa
kanya ang aparato.
"Ano daw sabi? Si Alex yun?
Pupunta raw dito? Ngayon na?" sunod-sunod na tanong. Binigyan lang siya
nito ng makahulugang titig.
"Ano??!" ulit niya.
"Ang sagot sa unang tanong mo
ay pupunta raw siya rito. The rest is oo! Now shut up! Di ako makabihis dahil
sayo" sabi nito at naghanap ng pang-ibaba sa kabinet nito.
Ngumunguso naman siya.
"Ang sarap punutin ang brief
nito" bulong niya sa sarili.
"Narinig ko yun" sabi nito
na abala sa paghahanap. Ni hindi siya nilingon. "Punitin mo at may
mapupunit din sayo. Sige ka!" sabi nito. "Maligo ka na rin. Baho mo
na eh" sabi nito na nagsusuot na ng jersey shorts.
"Sige na nga. Nakakahiya sa mga
amoy-silka!" asik niya at padabog na inabot ang tuwalya niya sa kabinet.
"Gusto mo, ligo ulit ako?"
tanong nito. Asar! Pero lihim siyang natutuwa rito. Ang kulit talaga.
"Huwag na. Ang mahal ng sabon.
Baka maubos na. Pakiigib nalang ako ng tubig"
"Lul! Ano ako, katulong mo?
Tsaka mag-igib? Adik ka? Ang lakas ng buhos ng tubig sa banyo"
"Si Eric nga pala?"
pag-iiba niya sa paksa habang naghahanap ng maisusuot. Ganun ang ginagawa niya.
Dinadala na niya sa banyo ang mga damit na pagbibihisan niya dahil nahihiya
siyang magbihis sa loob ng kanilang kwarto.
"Andun sa baba. Naglalaro yata
ng dota. Pupunta nga rin ako. Magluluto ka ng kanin mamaya ha? Damihan mo na
kasi pupunta rito si Alex mo"
Napatigil siya sa ginagawa at
nilingon ito.
"Kakain pa ba yun? Eh di ba
kukunin lang niya yung cellphone niya!?"
"Oo pero kakain yun kung
pakakainin mo" sabi nito at tumalikod na. Lumabas na ito ng kwarto pero
bago nito isinara ang pinto ay nagsalita pa ito.
"Wag mo kakalimutan ha?"
Naligo na siya nang makaalis ito.
Gaya ng utos ng hari, nagsaing siya ng bigas pagkatapos niyang maligo at
dinagdagan narin. Yung alam niyang sapat sa apat.
Habang hinihintay na kumulo, kinuha
niya sa kwarto nila ang cellphone niya at nagpatugtog. Kinuha niya ang speaker
ni Liam at isinaksak. Ipinatong niya sa mesang kainan nila at pinatugtog ang
Party Shakers ni Rio. Paborito niya yun at sa tuwing naririnig niya,
napapasayaw siya. Yun ay kung mag-isa lamang siya. Sinabayan niya ang kanta ng
medyo matipid na kembot hanggang sa hinayaan niya ang katawan niyang sabayan
ang kanta. Sinasabayan din niya ng kanta sa mga bandang alam niya ang lyrics.
"Yung niluluto mo! Kumukulo
na" nagulat siya nang may magsalita sa pintuan ng unit nila. Marahas
siyang napalingon at nakita si Liam dun. Kasama sina Eric at Alex!! Parang
umurong bigla ang dila niya. Sigurado siyang ang pula na ng mukha niya kahit
hindi naman yung gaanong maputi dahil sa hiya.
"Ang galing mo palang
sumayaw" sabi naman ni Alex na nangingiti. Si Eric naman ay inaasar siya
sa pamamagitan ng tingin. Nakangisi pa ito.
"Ba't bumalik ka agad?"
tanong niya kay Liam. Pangsave-face.
"Buti nga bumalik ako agad.
Nagwawala ka na pala" sabi nito at napahagikgik. Ganun din ang dalawa.
Hindi na niya kaya ang hiya kaya tumalikod na siya at agad pumasok sa kwarto
nila.
Narinig pa niya ang tawanan ng
tatlo.
Nakakahiya naman kasi talaga. Hataw
na hataw siya na parang nagcoconcert tapos may nanunuod pala sa kanya??
Sumubsob siya sa unan niya at
itinago ang mukha na para bang maiiwasan ang kahihiyan sa aktong yun.
"Hoy! Wag ka ngang madrama
diyan. Ganda nga ng sayaw mo eh. Halika na. Malapit na maluto yung kanin mo.
Kain tayo! May dalang lechon si Alex mo" sabi ni Liam sa kanya. Umupo ito
sa tabi niya at hinawakan ang balikat niya. Nakadapa siya at nakasubsob parin
ang mukha sa unan.
"Hoy!"
Bigla siyang napaigtad ng kurutin
nito ang tagiliran niya. Malakas ang kiliti niya roo.
"Ay! May kiliti ka dun?"
tanong nito at inulit ang ginawa.
"Ano ba??? Ikaw ha--"
bumaliktad na siya at inabot niya ang damit nito sa may bandang leeg at hinila.
Nabigla naman ito kaya hindi ito nakalaban. Inilapit niya ang mukha nito sa
mukha niya.
"Pinahiya mo akoLi! At natawa
pa talaga kayo ha? Ba't kasi kayo bumalik agad?" napapapikit ito sa bawat
salita niya.
"Wag mong gawin yan! Hindi
mabaho ang hininga ko!" sita niya rito.
"Hindi nga pero mababasa na ang
mukha ko sa laway mo. Dami nang talsik oh!" sabi nito. Kunwari naman ay
ipinakita nito ang banda ng mukha na natalsikan "daw" ng laway niya.
Ang kamay nito ay nakahawak sa kama para hindi ito matumba sa kanya.
"Bitiwan mo na ako. Pag napagod
ako sa pagkapit, matutumba ako sayo"
Hindi niya pinansin iyon.
"Nakakahiya talaga kay--"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin
dahil bigla na lamang itong sumubsob sa kanya. At ang labi nito ay diretso sa
mga labi niya!
Nanlaki ang mga mata niya.
Awtomatiko ang mga reaksyon nila. Itinulak niya ito ng marahan at pinunasan ang
labi gamit ang likod ng palad niya. Ganun din ang ginawa nito. Napabangon narin
siya.
"Yerks!" sabay nilang
sambit.
"Mas yerks ka kasi hindi ka
nagbrush kanina!!" singhal niya rito.
"Mas yerks ka kasi-" hindi
nito naituloy ang sasabihin.
"Wala kang maisip no? Yerks,
Li! Ewww. Ba't ka kasi bumitaw?"
Ambisyosa na siya kung ambisyosa
pero ito ang first kiss niya sa totoo lang.
"Sinabi ko naman kasi na
bitiwan mo ako pero hindi ka nakinig. Ang bigat mo kaya. Tsaka mapupunit na
'tong damit ko" sabi nito.
Kumuyom ang palad niya at napapikit
siya.
"Sorry" sabi nito. Nung
narinig niya 'yun ay narealize niyang wala nga pala itong kasalanan.
"Li!" naluluha niyang
sambit.
"Hoy! Kayong dalawa diyan? Ano
nang ginagawa niyo?" si Eric ang bumungad sa pinto. "Halina
kayo!"
"Sige Ric! Susunod na
kami." sabi niya rito. Lumabas na ito. Tumayo na siya nang hindi
nagsasalita. Si Liam naman ay sinusundan lang siya ng tingin. Kinuha niya ang
cellphone ni Alex sa bag niya.
"Oh, anong ginagawa mo diyan?
Parang affected ka sa kiss ah. Yerks Li! Kalimutan mo na yun. Aksidente lang
naman yun. Come" sabi niya. Hindi niya alam ang mararamdaman niya. Umakto
nalang siyang hindi apektado kahit parang may ibang emosyong pilit pumapasok sa
isip at puso niya. Hindi parin ito tumayo at nakatingin lang sa kanya. Parang humihingi
parin ito ng sorry sa pamamagitan ng tingin.
Hinawakan na niya ang kamay nito at
pinatayo. Pagkatapos ay inakbayan kahit hirap siyang abutin ang balikat nito.
Mas matangkad ito ng di hamak sa kanya.
"Li, forget it. Sorry kung di
kita binitawan agad. Quits na tayo" lumambot na ang boses niya. Lumabas na
sila.
Nakita niya si Alex na nakaupo sa
sala. Bumitaw na siya ng akbay kay Liam at pinuntahan si Alex.
"Alex! Pasensya na ha? Di ko
nabalik kanina" sabi niya at inabot dito ang cellphone nito.
"Ok lang" sabi nito at
kinuha na nito ang aparato sa kanya.
"Halika na sa kusina. Kain
tayo. Luto na raw yung kanin"
"Sandali. Napano yang labi
mo?" sabi nito. Awtomatikong dinama niya ang labi at may naramdaman siyang
konting hapdi sa gilid.
"Dumudugo ah" sabi nito.
Tinakpan niya ang bibig.
"Wag mo nang pansinin 'to.
Nakagat ko kanina" pagdadahilan niya. Grabe naman ang lips mo Li!
Nakakasugat! Sigaw niya sa isip.
"Ah!" sambit nito at
pumunta na sila sa kusina.
Alas siyete na ng gabi.
Nang magkakaharap na sila ay
napansin niyang tahimik si Liam. Siya naman ay nakatakip parin ang palad sa
bibig.
"Napano yan?" tanong sa
kanya ni Eric.
"Wala-"
"Dumudugo" sagot ni Alex.
"Ha? Bakit?" may halong
pag-aalang tanong ni Eric. Si Liam naman ay bahagyang bumuka ang bibig at akmang
tatayo. Tiningnan niya ito at sinabi sa pamamagitan ng tingin na tumahimik ito.
Hindi dapat malaman ng mga itong lips ni Li ang sumugat sa labi niya.
Siguradong kakantyawan sila ng mga
ito.
"Ayos lang 'to Ric. Nakagat ko
kanina. May nakaalala siguro sakin" sabi niya rito. Bakit ngayon lang niya
maramdamang nasugat pala ang labi niya? Siguro dahil intense kanina ang
pakiramdam niya.
Nilapitan siya ni Eric at pinilit
tinanggal ang palad niya na nakatakip sa bibig niya. Wala naman siyang nagawa.
Tiningnan nito ang maliit na sugat sa gilid ng labi niya.
"Teka. Parang hindi naman
nakagat eh" nakakunot ang noong saad nito.
"Wag niyo na ngang pansinin
yan. Malayo sa bituka yan" bumalik na ang dating pananalita ni Liam. Yun
bang parang palaging nang-aasar.
"Oo nga eh" segunda niya.
Pumunta na si Eric sa upuan nito.
May lechon ngang nakalagay sa mesa. Nakahain narin ang kanin na umuusok pa. May
mga plato at kutsara narin.
"Oh Pastor Cali, lead the
prayer" suhestiyon ni Eric.
Sumunod naman siya.
Pagkatapos ng panalangin ay masaya
silang nagsalo-salo.
Ang daming kwento ni Alex tungkol sa
mga kalokohan nito. Nakalimutan na niya tuloy ang nangyari kanina sa kanila ni
Liam.
Malaki ang ipinagpapasalamat niya sa
Maykapal sapagkat merong nakakatanggap sa kanya sa kung ano siya liban sa
pamilya niya.
Naalala niya ang sinabi sa kanya ng
tatay at nanay niya noong hindi na talaga mapigilan ang paglabas ng tunay na
kasarihan niya.
"Anak, wag kang mag-alala dahil
hindi kami nagagalit. Tanggap ka namin kahit maging sino ka man. Regalo ka sa
amin ng Diyos at tinatanggap ka namin ng bukal sa aming kalooban. Basta
ipangako mong mag-aaral ka ng mabuti at tulungan mo at iyong sarili nang sa gayon,
pagdating ng panahon, magiging maayos ang pamumuhay niyo ng kapatid mo kahit
wala na kami. Lagi mong tatandaan na hindi nakikita sa panlabas na kaanyuan at
kung ano ang kasarian ng isang tao ang kagandahan kundi nasa puso" sabi sa
kanya ng mga magulang niya. Naiyak siya ng sobra doon. Yun ay noong grumadweyt
na siya ng highschool. Napayakap siya ng mahigpit sa tatay niya. Alam niyang
maraming tatay ang binubugbog ang kanilang anak na bakla pero ang tatay niya,
tanggap siya.
"Cali?" nagulat siya at agad
bumalik sa tamang hwisyo ang pag-iisip niya.
"Naluluha ka" sabi ni
Liam.
"Ay! Baka naguguwapohan kay
Alex"
"Tanga! Naguguwapohan lang,
naiiyak na?" sumbat naman ni Liam.
"Ah guys. Stop it. May naalala
lang ako" sabi niya at pinunasan ang mata. Naluha pala siya? Punyeta.
"Ano naman yun?" si Alex
naman ang nagtanong.
"Ah wala. Never mind it"
sabi niya. Tumango nalang ang mga ito. Nang matapos silang kumain ay walang
gustong maghugas ng pinagkainan nila kaya bato-bato pick sila. Ung dalawang
matatalo ay magbabato-bato pick din para ang pinakatalunan ang siyang
maghuhugas ng pinggan. Una sila ni Alex. Tinalo niya ito. Sumunod naman sina
Eric at Liam.
Napahagikgik siya nang matalo ng
bato ni Eric ang gunting ni Liam. Ngumuso si Liam.
"Oh kayo na. Good luck" natatawang
sabi niya.
Nagbato-bato pick sina Alex at Liam.
Habang tabla ang mga defense ng
dalawa ay mas lalo siyang naexcite.
Hindi naghuhugas ng pinggan si Liam.
Hindi niya kailanman nakitang naghugas ito ng pinggan.
Nung unang araw niya sa boarding
niya, si Eric ang naghugas ng pinagkainan nilang dalawa. Ganun din sa mga
sumunod na mga araw. Mukhang magkababata ang mga ito at tama naman ang hinala
niya noong nakilala na niya ang mga ito. Nang makaclose na niya ang mga ito,
siya na ang tagahugas ng pinggan. Wala naman siyang reklamo doon dahil sila
naman ang laging taya sa ulam.
Si Alex naman, ewan lang niya kung
naghuhugas ito ng pinggan. Napansin kasi niya ang mga daliri nito. Mukhang mas
malambot pa sa kanya.
Bato-bato pick! Bato-bato pick!
"Ah talo ka!!" sigaw ni
Alex. Nagulat naman siya. Nakita niya na papel ang defense ni Liam samantalang
gunting kay Alex.
"Awww seryoso 'to!?"
reklamo ni Liam. Sumimangot ito.
"Abah! Kakalbuhin ka naming
tatlo. At kapag hindi ka tumupad sa pustahan, sa labas ka matutulog" sabi
naman ni Eric. Isa iyon sa ugali ni Eric, kapag sinabi nito, matutupad.
Kakamot-kamot sa ulo si Liam.
Nag-aatubili pa itong dalhin ang mga pinggan sa lababo.
"Iba nalang ipagawa niyo sakin.
Wag 'to! Ayokong maghugas ng pinggan" reklamo parin nito.
"Cali, pakilabas nga yung unan
at kumot niya" utos sa kanya ni Eric. Nagkunwari naman siyang pupunta sa
kwarto para kunin ang unan at kumot ni Liam pero pinigilan siya nito.
"Oo na! Oo na! Bwisit! Di
nalang sana ako kumain" bubulong-bulong pa ito habang dinadala ang mga
pinggan sa lababo.
"Tara sa kwarto Alex. Hayaan
niyo na yan" sabi ni Eric at inakay si Alex papunta sa kwarto nila.
Hindi siya sumunod.
Gusto niyang asarin si Liam kaya
kumuha siya ng monobloc chair at dinala malapit sa kinatatayuan nito na abala
na sa pagsasabon. Umupo siya doon at pinanuod si Liam. Naconscious naman ito
kaya pinapaalis siya.
"Umalis ka nga rito Cali!
Ayokong pinapanuod ang mga ginagawa ko. Lang'ya kayo. First time kong maghugas
ng pinggan. Masasakal ko kayo mamaya" sabi nito pero hindi siya
tinitingnan bagkus ay binibilisan nito ang pagsabon sa mga plato.
"Ui! Fair yung ginawa natin ah.
Nagbato-bato pick nga tayo di ba?" depensa naman niya.
"Nyenyenye" umakto itong
parang bata. Meron itong ginawa sa labi na tinawanan niya.
"Ang cute mo pala Li! Gawin mo
nga ulit?" sabi niya na tumatawa.
Hindi ito sumunod. Tumayo siya at
tumabi rito. Kumuha siya ng bula sa sinasabon nitong plato at ipinahid sa ilong
nito.
"Ano ba Cali!??" inis na
sabi nito. Alam niyang wala pa doon! Hindi pa talaga ito naiinis. Alam niya
kaya inulit niya ang ginawa niya. At sa ginawa niyang iyon, sukat-akalain ba
niyang hahawakan nito ang ulo niya gamit ang basang kamay at ang mukha niya ay
iginiya papunta sa mukha nito.
Hinalikan siya nito!! Ulit!! Pero
hindi na aksidente.
"Anong nangyayari sayo Li! Li!
Please bitiwan mo ako, please" sabi niya sa isip.
Pumalag siya pero niyakap siya nito
at hinigpitan. Naamoy niya ang sabon na nalagay sa buhok niya.
Nanlalaki ang mga mata niya. Nakita
niyang pumikit ito pero hindi niya ito magawa.
Malakas na malakas ang kabog sa
dibdib niya.
Naramdaman nalang niyang may umagos
sa pisngi niya.
Lumuluha na siya. Napadilat naman si
Liam at agad bumitaw ang mga labi nito sa mga labi niya nang makita nito ang
mga luha niya. Nakita niyang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.
"B-bakit mo ginawa yun
Li?" umiiyak na sabi niya.
"Sorry Cali. Patawarin mo ako.
Nagalit lang siguro ako kaya nabigla ako at nagawa ko yun. Sorry" parang
alalang-alala ito habang nagsasalita. Ang kamay nito ay gumalaw upang abutin
ang kamay niya pero iniiwas niya ito.
My gosh Cali, ang arte-arte mo!
Aminin mo nang nagustuhan mo ung halik. Ang lambot kaya ng lips niya, sabi ng
isang tinig sa isip niya.
"Liam naman eh!" alam
niyang nanginginig ang buong katawan niya. Hindi na niya alam ang sasabihin
kaya tumakbo siya palabas ng unit nila.
"Liam, si Cali?"
Tulala siya habang nakaupo sa sala.
Katatapos niyang maghugas ng pinggan.
Hindi niya maintindihan ang sarili
kanina kung bakit niya nagawang halikan ang isang bading. Hindi niya
maipaliwanag kung bakit parang nagustohan ng katawan niya ang paglalapat ng mga
labi nila kanina. Labis siyang nag-alala nang makitang umiiyak ito. Walang
siyang madamang pagsisisi sa halik pero nagsisisi siya kung bakit hinayaan niya
ang sariling gawin iyon. Hindi iyon dapat! Marami narin siyang nahalikang babae
dahil marami ang mga naging ex niya. Gwapo naman kasi siya at matipuno ang
katawan. Pero nakakahiya mang aminin ay ito ang may pinakamalambot na labi.
Ipinangako niya sa kanyang sarili na
hinding-hindi na yun mauulit. Nandidiri siya sa kanyang sarili na humalik sa
kapwa niya lalaki. Pero iba kasi si Cali. Mabait ito, palakaibigan, masayahin, masipag
at simple. Hindi katulad ng ibang bading na kilala niya na naglalagay ng kung
ano-anong kolorete sa mukha. Nagdadamit din ng mga pambabae ang iba pero si
Cali, simpleng tshirt lang na pang-unisexual ang mga damit. At mga pantalong
fitted. Gusto niya ang mga pilik-mata nito dahil malalago at makakapal ang mga
ito. Hindi naman ito maputi pero hindi rin maitim. Hindi ito payat pero hindi
rin mataba. Katamtaman ang katawan nito. Maganda ang mga binti nito na para
bang hindi sa lalaki. Siguro dahil sa bading ito kaya alaga ang binti.
Hindi rin niya makalimutan ang first
meeting nila. Kararating lang niya noon rito sa boarding house nila. Naglipat
kasi siya ng gamit at nag-ayos narin. Dahil mainit noon ay naisipan niyang
maligo. Nagtagal siya sa banyo dahil nag-enjoy siya sa tubig dahil malamig.
Nagulat na lamang siya nang biglang
bumukas ang pinto ng banyo. Agad siyang napalingon sa pinto at nakita niya roon
si Cali na gulat na gulat at hindi inaasahang may tao pala sa loob ng banyo na
naliligo at hubo't-bubad. Agad naman niyang tinakpan ang pribadong parte ng
katawan niya gamit ang dalawang palad. Bigla ding sumara ang pinto.
"Liam! Kinakausap kita!"
nagulat siya. Tiningnan niya si Eric.
"H-ha?"
"Ang sabi ko, nasaan si Cali?
Mukhang malalim ata iniisip mo ah" sabi nito.
Saka lamang niya naalalang tumakbo
nga pala palabas ng unit nila si Cali. Napatayo siya. Gabi na ah! Saan pupunta
yun?
"Lumabas eh" sabi niya.
"Aa. Magpapaalam daw sana si
Alex dahil uuwi narin" sabi nito.
"Pare, sasabihin na lang naming
umuwi ka na. Baka kung saan pumunta yun" binalingan niya si Alex.
"Ah oh sige pre. Itetext ko
nalang siguro siya. Kinuha ko na kay Eric ung number niya. Sige pare, una na
ako. Salamat sa pagkain"
"Salamat ka diyan. Ikaw nga
nagdala ng ulam eh. Salamat pare" sabi niya rito.
Natawa naman ito ng bahagya.
"Wala yun pre. Sige, aalis na
ako" paalam nito.
"Ingat sa pagmomotor pre"
sabi nila ni Eric. May dala kasing motor si Alex nang dumating ito sa boarding
nila.
Nang maihatid nila ito sa labas ay
binalingan siya ni Eric.
"May nangyari ba sa inyong
dalawa kanina? Nag-away ba kayo?" tanong nito sa kanya. Kinabahan siya.
"H-hindi naman. B-bakit?"
"Ngayon lang siya lumabas ng
gabi. Tawagan mo nga?"
"Wala akong load. Tsaka naiwan
yata niya ang cellphone niya sa kwarto"
"Pero sure kang hindi mo siya
inaway? Baka inaway mo siya dahil ikaw ang naghugas ng pinggan kanina?"
"Hindi ko siya inaway!"
bahagyang lumakas ang boses niya kaya nagulat si Eric.
"Hush pare. Ok ok. Hahanapin ko
nalang siya" sabi nito at tumalikod na. Pinigilan naman niya ito.
"Ako na"
Dinadama parin niya ang mga labi
niya. Parang ramdam parin niya doon ang mga labi ni Liam.
Parehong tanong ang umiikot sa isip
niya, "Bakit ginawa niya yun?"
Hindi niya ito mabigyan ng sagot.
Sapat ba na nagalit ito kaya siya hinalikan? Hindi ba dapat sinuntok siya nito,
tinadyakan, sinampal o ano pa man? Hindi ang halikan nalang?
Sumasakit na ang sentido niya sa
kakahanap ng kasagutan.
Nang tumakbo siya palabas ng unit
nila ay umakyat agad siya sa open rooftop ng boarding nila. First time niyang
lumabas ng unit nila ng gabi. Pumupunta siya sa rooftop pero sa tanghali lang.
Natatakot siya sa gabi pero ngayon, hindi niya alintana ang takot. Pagkalito
ang umiikot sa buong katauhan niya.
Napuntahan na niya lahat ng parte ng
boarding nila. Nagtanong rin siya sa mga kalapit-unit nila baka nanduon si Cali
pero wala daw. Isa nalang ang naisip niyang puntahan.. Sa rooftop! Baka kasi
nagpunta ito roon dahil alam niyang natatakot itong lumabas ng boarding nila
pag gabi na.
Dali-dali siyang tumakbo papunta
doon.
Pagkarating niya, agad naghanap ang
mga mata niya. Hindi naman masyadong madilim dahil maliwanag ang sinag ng
buwan.
At nakita niya sa isang sulok si
Cali. Tulala.
Naglakad siya papunta rito. Dahil sa
kalaliman ng pag-iisip, di nito naramdaman ang paglapit niya.
Nang maupo nalang siya sa tabi nito
saka ito nagulat at lumingon sa kanya.
"Li!"
"Sorry na. Hindi ko talaga
sinasadya. Sabihin mo kung anong gusto mong gawin ko" hirap ang kaloobang
sabi niya.
Naaninag niyang napalunok ito.
"S-sabihin mo lang kung anong
dahilan kung bakit mo ginawa un. Li! Hindi kita maintindihan"
Natahimik siya.
"Hindi ko alam Cali-"
"Hindi pwedeng hindi mo
alam!" Napalakas ng bahagya ang boses ni Cali.
"Cali, hindi ko alam. Hindi ko
alam!" yun lang ang nabanggit niya. Bakit naman kasi niya ito hinalikan?
Hindi rin niya maintindihan kung bakit eh.
Umayos ito ng upo at tumahimik na.
Tumingala ito at tila pinanuod ang buwan.
"Ang ganda ng buwan ano?"
usal niya habang nakatingin sa mukha nito. Hindi naman ito lumingon pero
nagsalita.
"Tumahimik ka"
"Sorry na kasi. Cali naman,
ba't ka masyadong affected dun? Kiss lang naman. Tsaka alam ko namang nakahalik
ka na dati"
"Hoy, ikaw ang una-"
natutop nito bigla ang bibig kapagkuwan ay tumingala ulit ito.
Na-amuse naman siya. Siya ang first
kiss nito? Bahagyang may bumahid na saya sa puso niya. Di niya maintindihan
kung bakit pero nasiyahan siya sa nalaman kaya napangiti siya. Sinundot niya
ito sa tagiliran kung saan alam niyang malakas ang kiliti nito. Napaigtad naman
ito.
"Li! Magsisimula ka na
naman" inis na saad nito.
"Ako ang una?" abot-tainga
ang ngiti niya. Hindi ito sumagot kaya inulit niya ang pagsundot sa tagiliran
nito.
"Oo! Bwisit ka Li!" sabi
nito at hinila ang kwelyo ng damit niya. Hinawakan naman niya ang mga kamay
nito at inalis sa kanyang leeg. Nang matanggal niya ang kamay nito sa leeg niya
ay sinunggaban siya nito kaya natumba siya. Pumaibabaw ito sa kanya at pinaghahampas
nito ang dibdib niya. Hindi naman masakit ang paghampas nito sa kanya. Bading
nga, naisaisip niya.
"Cali, sinasabi ko sayo. Pag di
mo ako binitawan, hahalikan ulit kita" banta niya rito kaya umalis ito sa
ibabaw niya, tumayo at pumadyak-padyak.
Parang natalo ito sa isang
napakalaking pustahan.
Nang makabangon naman siya ay
sinampal siya nito.
Yun ang masakit! Aray!
"Binabaliw mo ako sa kakaisip
kung bakit mo ginawa yun kanina!" sabi nito sa kanya. Garalgal na ang
boses nito. Halatang naiiyak. Naawa naman siya. Mas lalo niyang napatunayang
"kakaibang" bading ito. Kung siguro iba ito, baka hindi lang sa halik
humantong ang nangyari kanina sa kanila sa lababo.
"Bakit ba napakalaking issue
sayo ang kiss ha Cali?" madiing sabi niya habang sapo ang pisngi na sinampal
nito kanina.
"Dahil ang pagkakaalam ko sa
halik ay sagrado at para lamang sa mga magkasintahan! Hindi kita boyfriend
Li!!" pasigaw na sabi nito.
"Ganun ba? Walang problema dun.
Eh di boyfriend mo na ako ngayon" gusto sana niyang bawiin ang sinabi pero
huli na.
Nakita niyang mariing pumikit ito,
ang mga ngipin ay naggalaiti. Ang kamao nito ay sumara.
"Errrr!! Ewan ko sayo!!"
sigaw nito sa mukha niya at dali-daling umalis sa harapan niya at tumakbo
pababa sa hagdan ng rooftop. Alam niyang papunta ito sa room nila.
Sinundan naman niya ito na sapo
parin ang pisngi. Ang bigat pala ng kamay nito. Parang nabingi pa siya sa
impact ng sampal kanina.
Nang makababa siya at pumasok ay
nakita niyang nakahiga na si Cali sa kama nito at nakatalukbong. Muntik siyang
natawa.
Bakit ba ang parang babaeng babae
ito kung umasta. Hindi lang basta babae ah kundi babaeng disente.
"Anong ginawa mo diyan?
Pinagalitan mo ba kaya umiiyak?" tanong sa kanya ni Eric. Napalingon siya
rito.
Napakunot-noo ito.
"Anong nangyari sa pisngi mo
bro?"
Napahawak ulit siya sa pisngi niya.
Pumunta siya sa may full-length mirror at nakita niyang namumula at nakabakat
ang palad ni Cali sa pisngi niya.
Sapo-sapo niya ito nang lumingon kay
Eric.
Isinenyas niya sa pamamagitan ng
pagngunguso kay Cali. Agad naman nitong nakuha ang gusto niyang ipaabot.
Lumapit siya rito at binulungan.
"Sinampal ako eh" bulong
niya. Bumulong din ito para hindi marinig ni Cali ang usapan nila.
"Bakit daw?"
"Eh bro, mahirap ipaliwanag
eh" napakagat-labi siya.
"Anong mahirap ipaliwanag?
Sabihin mo na. Ako lang naman eh. Hinipuan mo siya? Ui, kahit bading yan,
conservative yan" bulong parin nito.
"Hindi bro"
"Eh ano? Baka mas malala.
Hinalikan mo siguro?"
Nagulat siya at marahang lumingon
siya rito. Alam ba nito ang nangyari kanina?
"Oh! Bakit ganyan ang reaksyon
mo? Hinalikan mo nga ba?" tanong nito.
Para silang mga baliw na
nagbubulongan.
"Hindi ah!"
"Hmm. Sounds defensive ka ah
bro. Aminin mo na. Ok lang naman yun pag totoo eh. Baka ikaw siguro nakauna pag
totoo ngang nahalikan mo siya" tumango-tango pa ito.
"Oo daw e" nakagat niya
ang pang ibabang labi niya nang masabi iyon.
Gulat naman ang reaksyon ni Eric.
Aktong sisigaw ito kaya agad niyang tinakpan ang bibig nito.
"Wag na wag mong sasabihin o
ipapahalata sa kanyang sinabi ko sayong hinalikan ko siya. Bubugbogin
kita" mariing sabi niya habang nakatakip parin ang kamay niya sa bibig
nito.
Tumango ito kaya tinanggal na niya
ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig nito.
Tumayo ito sa kama at hinila siya
palabas ng kwarto nila.
Hindi siguro nito makayanan ang
hindi magreact ng wagas!
"Bro!! Ang tinik mo! Pati ba
naman si Cali, di mo pinalagpas? Manyak ka!" duro sa kanya ni Eric pero
hindi naman galit.
"Eh inaasar niya ako kanina
eh"
"Babaw mo naman. Yun lang ang
dahilan kaya mo siya hinalikan? Panu na lang kaya pag nilandi ka na? Siguro
bibigay ka agad! Hanep ka bro"
"Hephep! Depende na yun"
"Aba aba at depende pa talaga
ha. Depende kung ano?"
"Depende. Depende kung may mood
ako"
Nagtawanan sila.
"Ayun! Umamin ka sakin bro, now
na! Gusto mo si Cali no?"
Napaisip siya sa tanong nito. Dinama
niya kung may nararamdaman na ba siya kay Cali. Pero sa ngayon ay wala pa.
"Amm. Hindi" sabi niya.
Parang nabigo ang reaksyon nito dahil kanina ay parang nag-aabang ng resulta ng
isang kompetisyon at nang sabihin niyang hindi parang natalo ito.
"Ay! Akala ko gusto mo na siya.
Pero bro, wala akong maipipintas sa kanya liban sa pagiging bading niya. Pero
di naman un problema eh. May butas parin un" at natawanan ulit sila.
Nag-apir pa sila.
"Adik! Ikaw pala ang manyak
eh" sabi niya rito habang tumatawa.
"Hindi ah. Pero bro, seryoso na
'to. Sa tingin mo, hinding hindi mo ba magugustuhan si Cali?"
"Ofcourse bro! Ikaw ang
magkagusto sa kanya kung gusto mo. Ang dami-daming babae, ba't sa bading pa ako
papatol?"
"Correction, pinatulan mo na
siya by means of kissing her este him"
"Hindi ko yun sinasadya"
"Hindi sinasadya? Hoh! Maniwala
naman ako sayo" tumayo na ito dahil umupo sila kanina sa sala.
"Bro, kahit sinabi mong
hinding-hindi mo siya magugustuhan, sana naman, huwag na huwag mo siyang
sasaktan. Kaibigan ko siya, natin! At itinuturing ko na siyang kapatid kahit
maikling panahon pa lang ang pagkakasama natin. Kababata kita, ikaw ang una
kong naging bestfriend pero kapag ikaw ang nanakit sa kanya, bubugbogin kita.
Sige bro" tinapik siya nito sa balikat. Tumalikod na ito at pumasok sa
kwarto nila. Naiwan naman siyang nag-iisip.
KiNAUMAGAHAN..
Nagising si Cali bandang alas alas
singko. Pagkagising niya, bumangon na siya at gaya ng nakagawian, nagsaing muna
siya ng kanin bago nagpakulo ng tubig.
Tulog pa ang dalawang mokong sa
ganung oras. Alas sais kung magising ang mga ito. Palibhasa walang maagang
pasok.
Naghilamos na siya pagkatapos niyang
makapagsaing ng kanin.
Nagwalis narin siya sa buong unit
nila para hindi mainip habang hinihintay na kumulo ang kanin at tubig.
Pagkatapos naman niyang magwalis ay
saktong kumukulo na ang kanin at tubig. Pinatay muna niya ang apoy ng dalawa at
isinalin sa thermos ang mainit na tubig. Pagkatapos, kumuha siya ng tatlong
noodles sa kabinet. Kumuha narin siya ng hotdog sa ref sa loob ng unit nila.
Lahat ng mga ulam na nandun ay kina Eric at Liam pero libre siyang kumuha doon
dahil siya naman lahat ang gumagawa ng gawain sa kanilang unit. Kumbaga, yun na
yung parang sahod niya kung nagtatrabaho siya. Libreng pagkain.
Binalatan na niya ang hotdog
pagkatapos magpakulo ulit ng tubig para sa noodles.
Nang mabalatan ang sampung piraso ng
beefies hotdog ay iprinito naman niya ito. Nilagay narin niya ang noodles nang
kumulo na ang tubig.
Malapit ng mag alasais. Maya-maya
lang ay gising na ang dalawang mokong. Gusto na niyang matapos ang mga ginagawa
niya nang makaligo na. Gusto na niyang maligo nang sa gayon ay hindi niya
makasabay kumain si Liam. Nahihiya siya rito dahil sa pagsampal niya rito
kagabi. Nainis naman kasi siya sa kakulitan nito.
"Good morning Cali!"
Muntik nang mahulog ang hotdog na
ipit-ipit niya sa tong dahil sa gulat.
--LiAM--
Alas sais na ng umaga ng magising
siya. Gaya ng nakagawian, nagstretching muna siya pagkabangon. Wala na si Cali
sa kama nito. Meron siyang naaamoy na hotdog na niluluto. Alam niyang si Cali
ang nagluluto.
"Tsk! Sipag talaga" nasabi
niya sa sarili. Inayos na niya ang higaan dahil alam niyang kapag hindi niya
ginawa iyon, si Cali na naman ang gagawa para sa kanya. Nahihiya na siya rito.
Bigla siyang napahawak sa labi niya pagkatapos ay umiling.
"Ano ba! Bakit ba hindi ko
makalimutan yun?" napapailing siya.
Pagkatapos niya sa ginagawa ay
lumabas na siya at tumungo sa kusina.
Tama ang hinala niya. Si Cali nga
ang nagluluto.
"Good morning Cali!" bati
niya rito. Muntik pa nitong mabitawan ang hotdog na ipit-ipit nito gamit ang
tong.
Napaismid naman siya.
Hindi nalang muna niya pinansin
iyon.
"May mainit na tubig
naba?" tanong niya rito.
"Andun na sa thermos"
sagot nito.
Hindi man lang ito lumingon sa kanya
nang sabihin iyon.
"Ah sige. Salamat Cali"
sabi niya rito.
"Walang anuman" sagot
naman nito at halatang nagmamadali sa ginagawa.
Hindi niya pinansin iyon at nagsalin
na ng mainit na tubig sa tasa. Nilagyan na niya ng kape at asukal. Adik siya sa
kape. Yun ang una sa listahan pag naggogrocery siya. Hindi iyon pwedeng mawala
sa kusina nila.
Habang nagkakape ay pinagmamasdan
naman niya si Cali habang niluluto nito ang hotdog. Bigla na lamang niyang
naalala ang halik na namagitan sa kanila kagabi. Marahas siyang umiling at
uminom ulit ng kape.
"Good morning lovers!!"
bigla namang may nagsalita. Sabay pa silang napalingon ni Cali sa nagsalita. Si
Eric na gulo-gulo ang buhok. Gising na rin pala ito.
"Lovers???" sabay ulit
sila ni Cali sa pagkakasabi niyon.
"Joke!" sabi nito at
nagpeace sign.
Ipinagpatuloy na ni Cali ang
ginagawa. Siya naman ay itinuloy ang pagkakape.
Tumabi sa kanya si Eric pagkatapos
kumuha ng tasa at kutsara. Nagsalin naman ito ng mainit na tubig mula sa
thermos at nilagyan ng kape at asukal.
Natapos na si Cali sa ginagawa.
Ibinuhay nito ang apoy ng kanin sa maliit lamang.
"Kumain na kayo pag naluto yang
kanin. Malapit narin naman eh. Maliligo na muna ako" paalam nito. Nanibago
siya. Ngayon lang ata hindi sasabay itong kumain sa kanila.
"Hindi ka sasabay samin?"
tanong ni Eric. Yun din sana ang itatanong niya pero naunahan siya nito.
"Hindi na. Mamaya nalang
pagkatapos kong maligo" sabi nito.
"Ah. Hihintayin ka nalang
namin. Total naman, nagkakape pa kami at tsaka kabubuhay mo lang ng apoy niyang
kanin"
Halatang parang wala nang ibang
idadahilan si Cali kaya "Sige na nga. Sandali lang at maliligo ako"
Hinintay nilang matapos maligo si
Cali bago sila kumain. Habang kumakain sila ay walang nagsasalita. Hindi naman
nakatiis si Eric at ito ang nagsalita.
"Teka nga. May problema ba?
Ngayon lang ata kayo hindi ngumangawa?" naguguluhang tanong nito.
"Ha? Wala naman" sagot ni
Cali. Siya naman ay tuloy lang sa pagkain.
"Nakakapanibago kayo ha.
Kanina, plano mong hindi sasabay samin sa pagkain. Ngayon, ang tahi-tahimik
niyo. At kagabi, bigla bigla kang pumasok sa kwarto at nagtalukbong ng kumot.
Sandali nga, kayong dalawa ha. Umamin nga kayo! Kayo na ba?" tuloy tuloy
na saad ni Eric. Napalingon silang dalawa ni Cali dito. Umiling silang dalawa.
"Hindi ah!" sabay nilang
banggit. Napangiti ng malawak si Eric. Tumango tango nalang ito at itinuloy ang
pagkain. Halatang hindi ito naniniwala sa sagot nilang dalawa. Ganun din naman
ang ginawa nila pero nakikita niyang napapatingin sa kanya si Cali. Tiningnan
niya ito at nakita sa mga mata na parang may gusto itong itanong sa kanya.
"Tara sa beach mamaya?"
maya-maya ay yaya ni Eric sa kanila. "Wala namang pasok eh. Para naman
makapagbonding tayong tatlo. Bro, samahan mo mamaya si Cali ha? Punta kayo ng
bayan. Bili kayo ng mga makakain natin sa beach. Picnic kumbaga. Tsaka,
magwithdraw ka narin sa ATM ko. Ibibigay ko sayo mamaya yung card ko"
Marami pang sinabi si Eric na
bibilhin nila sa bayan.
"Wait lang naman. Di pa ako
pumapayag ha" protesta ni Cali.
"Sa ayaw mo't sa gusto, papayag
ka. Ikaw naman bro, wag kang aangal. Ako na ang maghahanda ng mga magagamit
natin" sabi parin ni Eric. Bossy parin ito pero sa paraang hindi
nakakairita.
"Sige" sabi nalang niya at
tumango. Tumayo na siya dahil tapos nang kumain. Ganun din si Eric. Si Cali na
naman ang natira sa lamesa dahil as usual, ito ang maglilinis ng pinagkainan
nila.
SA BAYAN..
"Ano na nga ulit yung bibilhin
natin?" tanong ni Liam kay Cali.
"Yung empe daw tsaka pulutan
niyo narin daw. Teka, nakawithdraw ka na ba?"
"Hindi pa nga eh. Halika na.
Dun muna tayo sa may ATM" yaya niya rito at nagpunta na sila sa may ATM at
nagwithdraw ng 2 Thousand. Tama na yun para sa mga bibilhin nila.
Pagkatapos nilang magwithdraw ay
pumasok naman sila sa isang grocery store at binili ang mga ibinilin ni Eric.
"Li, pwede ba akong kumuha
nito?" paalam ni Cali sa kanya. Nilingon niya ito at nakitang hawak-hawak
ang isang supot ng marshmallows. Napakunot-noo siya.
"Gusto mo yan?"
"Oo. Favorite ko 'to eh.
Gustong gusto ko kahit noong bata pa ako"
"Ah sige. Yung malaki na yung
kunin mo. Magkano ba yung pinakamalaki?" tanong niya.
"Uhmm.. Teka.. 300 eh"
napakagat labi ito.
"Sige kunin mo na" sabi
niya. Tuwang tuwa naman si Cali.
"18 years old ka na, para ka
paring bata kung umasta" saway niya rito nang yakapin nito na parang unan
ang malaking bag ng marshmallow.
"Thank you Li!" sabi nito
na nangingiti at nilagay na nito ang bag ng marshmallow sa push cart.
Nagpunta na sila sa liqour section
ng grocery store. Kumuha siya ng isang malaking bote ng emperador light. Lingon
ng lingon naman ng mga paninda si Cali.
"May gusto ka pa?" tanong
niya rito. Napatigil naman ito sa paglingon sa mga paninda at tumingin sa
kanya.
"Wala na. Ano, hindi pa ba
kompleto ang mga yan?" tukoy nito sa mga nasa push cart.
"Hindi pa. Wala pang pulutan.
Kumuha ka nga nung malaking Mang Juan. Yung brown ha. Tatlo kunin mo" utos
niya rito.
Napatango nalang ito at nagpunta sa
may section ng mang juan. Pagbalik nito ay may hawak nang tatlong malalaking
size ng mang juan. Nilagay na nito iyon sa push cart.
"Halika na. Bayaran na natin
'to. Baka naiinip na si Boss" yaya niya rito. Binayaran na nila ang mga
kinuha nila at sumakay sa tricycle pagkatapos.
"Tatlo lang ba tayong pupunta
sa beach? Ba't di niyo yayain si Alex?" tanong ni Cali nang nasa tricycle
na sila papuntang boarding nila.
"Oo nga 'no. Sige, sasabihin ko
mamaya kay Eric na tawagan niya si Alex" sabi naman niya rito. Nahahalata
niyang parang may crush ito kay Alex at naiinis siya sa isiping yun. Pero bakit
naman? Sa anong dahilan siya maiinis? Eh di hayaan niyang magkagusto si Cali
kay Alex. Ano ngayon?
SA BOARDING..
"Ang tagal niyo naman! Kanina
pa kami naghihintay ni Alex dito" bungad sa kanila ni Eric pagkarating
nila. Nadatnan si Alex doon.
"Ah! Alex, hello. Plano sana
naming sabihin kay Eric na tawagan ka para sumama samin. Kaso, naunahan na pala
kami. Sorry ha. Medyo natagalan kami sa bayan" sabi ni Cali kay Alex.
"Ayos lang. Pasensiya na kayo
kung ito lang ang dala ko" sabi naman ni Alex at itinaas ang hawak na
supot na maraming lamang mga kutkutin o sitsirya.
"Ayos na yan. Eh kami nga, puro
ganito lang binili namin" sagot ni Cali at ipinakita rin ang hawak na
supot ng binili nila kanina.
"Marshmallow? Wow. Favorite mo
rin?" bulalas ni Alex.
"Oo. Bakit, pati ikaw
rin?" tanong ni Cali dito.
"Oo! Buti naman at bumili ka ng
ganyan. Adik ako niyan eh" abot-tainga ang ngiti ni Alex.
"Tama na 'yan ha. Hello, andito
po kami. Kung makapag-usap, parang sila lang dalawa" saad ni Eric. Hindi
naman siya umiimik. May bumabangong inis sa dibdib niya.
Tumawa sina Cali at Alex.
"Let's go?" maya-maya ay
sabi ni Eric.
"Wait lang. Magdadala lang ako
ng extra shorts ko. Ayokong basa ako pag-uwi" sabi ni Cali.
"Ako rin! Sandali at kukuha
lang kami" sabi naman niya. Pinaikot ni Eric ang mga mata nito.
"Sige lovers! Bilisin niyo lang
ha?"
Pumasok na sila sa kwarto pagkatapos
at naghanap ng shorts. Habang abala siya sa paghahanap ng damit, nakita niya
ang isang shorts na kulay itim na may mga markang puti. Hindi niya iyon
masyadong ginagamit. Semi-jersey shorts ang itsura nun at kapantay lang ng
tuhod niya ang haba kapag sinusuot niya. Hindi niya alam ang nag-udyok sa kanya
para..
"Cali, sa'yo nalang 'to. Hindi
ko na kasi masyadong ginagamit. Bagay naman sayo 'to" alok niya rito.
Tumigil ito sa paghahanap at lumingon sa kanya. Tiningnan nito ang shorts na
iniaabot niya rito. Umiling ito.
"Hindi ko matatanggap yan.
Signatured shorts eh. Mahal siguro yan" sabi nito.
"Hindi naman. Isang libo lang
naman pinambili ko niyan noon"
"Isang libo? Tapos LANG? Aba'y
allowance ko na yun sa dalawang linggo ah"
"Sige na Cali. Tanggapin mo na
'to. It will serve as my peace offering"
"Peace offering?" kumunot
ang noo nito.
"Oo. Kasi hinalikan kita. Sige
na kasi. Tanggapin mo na. Maganda naman ang design di ba?" hindi na talaga
niya maintindihan ang sarili. Bakit ba nagkakaganun na siya? Hindi naman siya
mapagbigay ng gamit niya dati. Hinahayaan lang niyang nandun da cabinet ang mga
gamit niya. Siguro ay dahil gusto lang niyang lubusang mag-sorry. Oo, yun naman
siguro ang dahilan.
Nag-aalangan pa si Cali pero
unti-unti nitong kinuha ang shorts na iniaabot niya. Tiningnan nito ang kabuuoan
nito at saka ngumiti. Hindi rin niya mapigilang mapangiti.
"Salamat Li" sabi nito sa
kanya.
"Lovers!! Ba't ba 'pag kayo ang
magkasama, ang tagal-tagal niyong gumalaw? Ano ang drama niyo?
The-world-go-spinning-slow pag magkasama kayo?! Halina kayo. Sinasabotahe niyo
ang lakad ha" si Eric, nasa may pintuhan at nakapameywang. Napahagikgik
silang dalawa.
"Yung backpack mo Li, pahiram.
Dun ko nalang ilalagay ang mga shorts natin. Tsaka ung empe niyo"
Ibinigay naman niya rito ang maliit
lamang na backpack niya.
"Saan nga pala tayo
sasakay?" tanong ni Cali kay Eric nang nasa hallway na sila ng boarding
nila palabas.
"Sa kotse ni Alex. Dinala niya.
Yaman pala nito eh!" sagot ni Eric.
Halatang namangha rin si Cali.
"Oh talaga Alex? Bakit di mo
sinabi?" baling ni Cali kay Alex. Ngumiti ang lalaki.
"Anong gusto mong gawin ko,
unang araw palang ng meeting natin, sasabihin ko nang mayaman ako? Eh hindi ba
mayabang na ang labas ko dun?"
"Oo nga no? Bakit ka nga pala
nakipagkaibigan samin? Eh, hindi naman kami mayayaman. Ayy, sorry. Mayaman din
pala ang dalawang ito. Ako lang pala ang hindi mayaman sa inyo" natatawang
sabi ni Cali. Natawa naman si Alex. Siya naman ay sumimangot.
Pagkalabas nila ng boarding nila,
sumakay na sila sa kotse ni Alex.
Sa tabi ng driver's seat umupo si
Cali. Sa likod naman sila ni Eric.
"Bro, nahahalata mo?
Nagkakacrush na ata si Cali kay Alex. Salamat naman at nagkacrush din"
bulong sa kanya ni Eric. Hindi siya natuwa sa narinig. Kilala nila si Cali
bilang isang tao na hindi mahilig magcrush. Since nakilala nila ito, wala itong
nababanggit na crush na gaya ng ibang bading. Pero nahahalata narin niya na
parang may crush nga ito kay Alex. Gwapo naman kasi si Alex at mukhang mabait
dito. Pero gwapo naman siya at mabait kay Cali ah.
Teka nga muna, bakit na naman ba
ikinokompara niya ang sarili sa iba? Gusto ba niyang sa kanya magkacrush si
Cali?
"Saang beach tayo guys?"
tanong ni Alex sa kanila.
"Sa Del Rosario beach
resort" sagot ni Eric. Pinaandar na ni Alex ang kotse at umalis na sila.
Habang nasa daan sila, masayang nagkakausap sina Cali at Alex. Titig na titig
si Cali sa lalaki habang abot-tainga ang ngiti.
Sa inis, kinuha nalang niya ang
headset sa bulsa at isinaksak sa cellphone. Ipinasak niya sa tenga ang headset at
pinatugtog ang Kabet ng Gagong Rapper.
Ano kaya ang paboritong kanta ni
Cali?, naisaisip niya. Huh? Bakit naman siya concern sa favorite song nito?
Ipinilig niya ang ulo at pumikit. Pero maya-maya lang ay ang mukha ni Cali nung
hahalikan na niya ito sa may lababo ang nakikita niya. Nanlalaki ang mga mata,
napaawang ang labi at napasinghap noon si Cali.
Marahas siyang dumilat.
"Bwisit!" bulong niya sa
sarili.
"Ano 'kamo?" tanong ni
Eric sa kanya.
"Wala" matamlay niyang
sagot. Halos trenta minutos din silang bumiyahe.
"Wow! Ang ganda! Hindi kaya
mahal ang entrance fee dito? Wow. Ang linis linis pa ng tubig oh!"
namamanghang bulalas ni Cali. Napaismid siya. Parang-bata, sa isip-isip niya.
"Hindi naman. 250 per head
lang. Iba pa yung bayad ng cottage na kukunin natin. 1500 daw isang gabi"
sagot ni Alex.
Biglang napalingon si Cali dito.
Pati siya ay tumingin din sa lalaki.
"One thousand five hundred
pesos!?? Isang gabi? Tsaka 250 ung entrance fee kamo?" nagbilang sa daliri
si Cali. "Tas 1000 pa yung entrance fee natin lahat? Naku, babalik na ako
sa boarding. Wala akong pera" sabi ni Cali at akmang tatalikod pero
hinawakan ni Alex ang mga balikat nito ay iniharap dito.
"Walang aalis. Babayaran ko
lahat ng bills natin" seryosong sabi ni Alex.
"Nakakahiya naman sayo. Kami
ang nag-imbita, tapos ikaw ang gagasto" sabi ni Cali dito.
Bahagyang natahimik sina Eric at
Alex. Nagkatinginan pa ang mga ito.
Maya-maya ay nagsalita ang huli.
"Uhm. Sa totoo lang, ako talaga
ang nagsuggest na magbebeach tayo. Kahit tanungin niyo si Eric"
Nilingon nilang dalawa si Eric.
Nangingiti naman ito.
"Oo. Siya nga ang nagsuggest.
Sinabi niya sakin kagabi" sabi nito.
Napakagat-labi si Cali.
"Uy thank you Alex ha?"
"Walang anuman"
"Hoy. Batiin niyo naman
siya" sabi ni Eric na ikinakunot-noo nilang dalawa.
"Batiin? Ng ano?" tanong
niya.
"Birthday mo Alex?"
inosenteng tanong naman ni Cali.
Tipid na ngumiti si Alex at tumango.
Dahil dun, yumakap si Cali dito at
binati ng magandang kaarawan.
Shit! Ba't may yakap pa?
"Salamat Cali" gumanti ito
ng yakap.
"Ilang taon kana? 20?"
tanong ni Cali nang kumalas ng yakap dito.
"19. Actually, 18 ako noong
self introduction natin pero sinabi ko nang 19 ako kasi after 3 days naman eh
19 na talaga ako" paliwanag naman ni Alex.
Tumango-tango naman si Cali.
"Salamat ulit sa treat mong 'to
ha? Happy birthday ulit"
Tumango nalang si Alex at kapagkuwan
ay nagpunta na sila sa may cashier at nagbayad ng kanilang fees. Pang-dalawang
araw at dalawang gabi ang binayaran ni Alex.
"Guys, the cottages here are
good for only two by room. So ibig sabihin nun, dala-dalawa tau sa isang
kwarto. Lovers, kayo na ang magkakwarto ha? Kami naman ni Alex" maya-maya
ay bulong sa kanila ni Eric.
"What!??" sigaw ni Cali.
Medyo napalakas ang boses niya kaya ang mga tao sa paligid ay napatingin sa
kanila. Nagpeace sign naman si Cali at humingi ng despensa. Maya-maya, pabulong
na itong nagsalita. "Nagpapatawa ka ba Eric? Ayoko. Uuwi nalang ako!"
protesta ni Cali. Parang nasaktan siya. Ayaw ba siya nitong makasama sa iisang
kwarto? Eh magkasama naman sila sa iisang kwarto sa boarding nila, ah. Kasama
nga lang nila si Eric.
"Ba't ayaw mo? Eh magkasama nga
kayo ng iisang kwarto sa boarding" paliwanag naman ni Eric. Parang gusto
na niyang magsalita pero nanahimik muna siya.
"Oo nga pero--"
"Cali, mabait naman yang si
Liam eh. Basta kayo na ang magkasama. Two nights lang naman yun" ani Eric.
Natahimik naman si Cali. Parang nag
iisip habang nakatitig kay Eric.
"Damn!" bulalas nito
maya-maya. Napapiksi pa ito. "Sige na nga. Wag kang malikot kapag sleeping
time ah?! Tatakpan ko ng unan yang mukha mo!" banta ni Cali sa kanya.
Naggagalaiti ang mga ngipin at nanlalaki ang mga mata. Ang cute ng mata niya,
naisaisip niya.
"Sure. No problem. Behave akong
matulog" sabi naman niya.
"Ok! Mukhang ayos naman na,
punta na tau sa mga rooms natin para dalhin tong mga gamit natin and then let's
go to the water. Ligo tayo!" sabi ni Alex. Ibinigay na nito sa kanila ni
Cali ang susi at number ng magiging room nila. Room number 14!
"Ui! San ka pupunta?"
sigaw ni Cali sa kanya. Nauna na siyang naglakad papunta sa magiging room nila.
"Sa room natin. Bakit?"
sagot niya rito. Itinaas nito ang hawak na bag.
"Uh-uh?? So ako ang magbubuhat
nito, ganun?"
"Ay sorry! Oh, akina"
muntik na niyang nakalimutan, o mas tamang sabihing nakalimutan niyang may
karga pala sila. Pagkatapos niyang kinuha kay Cali ang bag ay nauna na ito sa
kanya sa room.
"Hoy! Hintayin mo ako. Nasa
akin ang susi" sabi niya rito kaya binagalan nito ang paglakad.
"Bilisan mo kasing maglakad.
Mukhang andun pa sa dulo ang cottage natin oh! Gusto ko nang mahiga. Ang
init!" reklamo nito.
"Ayos lang 'yan. Cute ka parin
naman kahit mangitim ka" nabigla siya sa binanggit.
"C-cute? Kelan ba ako naging
cute?" halatang nagulat din ito.
"J-joke lang 'yun. Dali mo
namang maniwala" tumawa siya ng mahina. Sumimangot naman ito at inirapan
siya. Napakagat-labi siya. "Oh, ayun na yung cottage #14!" turo niya
rito. Mga tatlong cottages pa ang madadaanan nila at andun na sila.
"Akina yung susi. Ako na
magbubukas" ibinigay niya rito ang susi at ito nga ang nagbukas nang
marating nila ang kanilang cottage.
Bahagya silang humanga sa loob ng
cottage. Maganda ito. May isang hindi kalakihang kama na kutson pero kasya
naman siguro sila ni Cali dun. May sariling banyo, may tv at may sofa. De-aircon
din. Nilingon niya si Cali. Tumingin rin ito sa kanya at ngumiti ng pilyo.
"Sa sofa ka matutulog ha?" tumawa ito.
"Neknek mo! Ikaw nalang kung
gusto mo"
"Li! Alangan namang magkatabi
tayo?"
"So? Anong masama? Mabubuntis
ka ba?"
Tiningnan siya nito ng matalim.
Ngumiti siya.
"Cali, wala namang masama dun
eh. Pareho naman tayong lalaki"
"Oo nga pero hindi ako sanay na
may katabi!"
Oo nga pala. Bigla niyang naalala
noong tumabi si Eric dito noon sa boarding nila. Hindi ito mapakali. Galaw ng
galaw at laging tinutulak si Eric pababa ng kama nito kaya naman napilitang
bumalik rin si Eric sa kama nito. Ganun kaya ang mangyayari sa kanya mamaya
pagtulog nila?
"Bakit, hindi ba kayo magkatabi
ni-- ni-- ano na nga ulit pangalan ng kapatid mo?"
"Colossus"
"Ah, right! Hindi ba kayo
magkatabi ni Colossus pag natutulog?"
"Magkatabi, pero iba yun dahil
magkapatid kami"
"Oh, di isipin mo nalang na ako
si Colossus pagtulog mo para di ka mailang"
"Paano ko gagawin yun eh ang
tangkad mo? Maliit lang si Los. Hindi ko yata kayang isipin na ikaw siya kasi
parang si tatay ka"
"Tatay? Bakit naman ako naging
parang tatay mo?"
"Kasi nga, ang laki mong tao.
18 mo palang, para kanang 22. Ang lapad ng balikat mo tapos ang lalaki ng mga
muscles mo. Tas ang tangkad mo pa"
Hindi na niya naiwasang mapangiti ng
malapad. Itinaas-taas pa niya ang mga kilay niya. Napansin naman nito iyon.
"Bakit?" tanong nito.
"So, you find me hot?"
Namula ang pisngi nito pero agad
namang nakabawi. Sumagot ito.
"Hot? Sinong maysabi? Si
Pacquiao nga, ang lalaki ng mga muscles pero hindi naman hot"
Nawala ang ngiti niya.
"Meaning, ganun ako?"
"Wala rin akong sinabi"
sabi nito at ibinagsak ang katawan sa kamang kutson saka tumawa.
Umupo naman siya sa sofa.
Ibang klase talaga si Cali.
Kadalasang tahimik pero pag bumanat, matatawa ka.
Unang napansin niya rito noong una
silang magkita ay ang mga mata nito. Parang inaantok. Hazel ang kulay nito at
makakapal ang mga pilik-mata nito.
Inimagine niyang mahaba ang buhok
nito at natawa siya dahil mukhang bagay nitong maging babae. Babaeng maliit na
pocahontas. Or in other word, maitim.
Napaupo si Cali mula sa pagkakahiga
at nagtatakang tumingin sa kanya.
"Hala! Li, napano ka?"
takang tanong nito sa inaasal niya. Bigla-bigla nga naman siyang tatawa, anong
iisipin nito?
"Nakita ko singit mo!"
pagrarason niya at hinaluan ng tawa. Tumayo naman si Cali at mabibigat ang mga
hakbang na lumapit sa kanya. Alam na niyang hahampasin siya nito pero sinalag
niya ang mga kamay nito at mahigpit na hinawakan. Nagwala naman ito.
"Bastos ka Lee Amiro
Sabrosa!!!" naggagalaiting sigaw nito sa kanya at tinulak tinulak siya
hanggang sa sumabit ang kanyang paa sa carpet kaya na-out balance siya at
natumba sa sofa. Okay lang sana kung hindi nasama si Cali at dumagan sa kanya.
Dumikit pa ang mga labi nito sa leeg niya. Nakiliti naman siya dahil doon.
Hinampas siya nito at agad tumayo.
"I hate you!!" sigaw ni Cali sa kanya at nagdadabog na lumabas ng
cottage nila. Hindi naman niya maintindihan ang sarili kung bakit siya apektado
sa inis nito sa kanya. Parang ayaw niyang nagagalit o naiinis si Cali sa kanya.
Gusto lang naman niyang patawanin ito. Pero naoffend pala niya ito.
Hindi niya namalayan ang sariling
sumunod dito at hinanap kung saan nagpunta.
"Uy! Tara na. Ligo muna tayo.
San si Cali?" tanong ni Alex nang makasalubong niya ang mga ito ni Eric.
Nagkibit-balikat siya. "Naunang
lumabas eh. Nagswimming na siguro. Parang excited eh" pagsisinungaling
niya.
"Ah. Sige tara. Ligo na tayo.
Wala ka bang dinalang trunks?" tanong ulit ni Alex.
"Meron. Teka at magpapalit lang
ako" sabi niya at pumasok na siya ng kanilang cottage at nagpalit ng
damit. Brief at trunks lang ang sinuot niya dahil maglalangoy lang naman sila.
Pagkatapos ay lumabas na siya.
Sabay-sabay silang nagpunta sa
tubig. Pero may madadaanan pa silang isang cottage na inuman.
Tuloy-tuloy sana sila pero may
napansin siya.
Si Cali, may kausap na lalaki! Hindi
niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng damdaming hindi niya mapangalanan.
Parang naiinggit siya na nagagalit na ewan. Hindi na siya nagdalawang isip at
nilapitan ang mga ito. Nagtataka naman sina Eric at Alex dahil umiba ng daan si
Liam. Sinundan nalang nila si Liam ng tingin.
"Uy! Gwapo ng kausap ah.
Boyfriend mo?" pagsingit ni Liam sa usapan nina Cali at ng lalaki. Mukhang
masaya ang mga ito dahil abot tainga ang ngiti at magkawak-kamay pa!
Bumaba agad ang ngiti ni Cali
pagkakita sa kanya.
"Ha?" gulat namang saad ng
lalaking kausap ni Cali. Gwapo ang lalaki. Crush ba ito ni Cali?
"Liam.."
"Oo. Boyfriend niya ako pre.
Bakit? Pagtatawanan mo ako dahil bading ang syota ko?" matapang na tanong
ng lalaki. Si Cali naman ay namula.
Parang tinulos din ito sa
kinauupoan. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Liam at pakiramdam niya ay parang
nabingi siya. Napatiklop ang mga palad niya ng mahigpit. Tumayo naman agad si
Cali at hinila siya papalayo sa cottage. Nang medyo malayo na sila sa inuman ay
nagsalita si Cali.
"Li! Ano bang problema
mo?"
"Ganun ka ba talaga kababaw
Cali? Akala ko pa naman iba ka sa mga bading na nakilala ko. Ang cheap mo rin
naman pala. 'Landi mo! Kung sinu-sino ang pinapatulan, basta gwapo! Ano, malaki
ba ang titi nun kaya nagustuhan mo ha?! Ako, malaki rin.." naputol ang
pagsasalita niya ng isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang kanang
pisngi. Parang nabingi siya sa lakas ng sampal. Nang makabawi ay tiningnan niya
si Cali. Kitang-kita niya sa mga mata nitong unti-unti nang namamasa ang
pagguhit ng sakit dahil sa mga sinabi niya. Nagsisisi naman siya sa mga sinabi
niya. Bakit nga ba kasi niya nasabi ang mga yun?
"So.. Sorry Cali. H-hindi ko
sinasadyang.. masabi ang mga yun" sabi niya at sinubukang lapitan ito at
hawakan ang kanyang mga kamay.
"W-wag kang lalapit!"
tuluyan nang tumulo ang mga luha nito at nabasag ang boses nito.
"L-Liam? G-ganyan ba agad ang
tingin mo sakin? Nakipag-usap lang ako sa isang lalaki, inisip mo nang malandi
ako?"
"Hindi naman yun eh.. B-at..
Ba't magkahawak ang mga kamay niyo?!"
"Oh my gosh Li!! Para kang
bata! Ganun ba ako kababa para.. Para makipagholding hands sa.. Sa hindi ko
kilala?" bahagyang paputol-putol ang pagbigkas nito dahil sa pag-iyak.
"Li! Sana nagtanong ka man lang. Namiss ko yung tao kasi ang tagal naming
hindi nagkita! Miss na miss ko ang pinsan ko!!" sigaw nito sa kanya at
agad tumakbo papalayo sa kanya.
"P-pinsan? P-pinsan niya yung
lalaki?" tanong niya sa sarili. Pakiramdam niya ay napakasama niyang tao
sa oras na iyon. Bakit ba kasi siya nakaramdam ng galit at inggit kanina?
Naiinis na siya sa kanyang sarili.
Maya-maya ay lumapit sina Alex at
Eric sa kanya.
"Bro, anong ginawa mo kay
Cali?!" seryosong tanong ni Eric.
"Nag-away ba kayo?" tanong
naman ni Alex.
"Ba't ganun bro?"
naguguluhang tanong niya.
"Ang alin?" halos sabay na
bigkas ng dalawa.
"Bakit nainggit ako at nakadama
ng galit kanina nung nakita kong may kausap si Cali na lalaki?" tanong ko.
Nagkatinginan ang dalawa. Bumulong
si Eric kay Alex at sabay silang napahagikgik na hindi nagtagal ay naging tawa.
Nagtataka naman siya.
"Bakit?" tanong niya.
"Bro! Wag mong sabihing
nagseselos ka?" natatawang tanong ni Eric.
"Nagseselos? Sa bading? Hindi
ah!" matigas na tanggi na.
"Eh anong tawag mo sa
naramdaman mo kanina kung hindi selos? Wala ka naman dapat ikagalit sa ginawa
ni Cali kung galit lang ang dahilan" sabi naman ni Alex.
"Basta! Hindi ako
nagseselos!" mariing tanggi niya.
"Ok! Fine. Sabi mo eh. Wag na
pala tayong maligo. Pahinga nalang muna tayo at mag-iinuman tayo mamayang
gabi" sabi ni Eric. Tinapik siya nito sa balikat bago pumunta ang mga ito
sa kanilang cottage. Siya naman ay nagpunta narin sa cottage nila.
Habang naglalakad ay napapaisip si
Liam kung bakit siya nagkakaganun? Ano naman ngayon kung makikipag-usap si Cali
sa ibang lalaki?
"Shit! Ba't di ko naisip
yun?" sabi niya sa sarili at natampal ang noo. Kilala kasi niyang hindi
nakikipag usap si Cali sa mga taong hindi nito kilala. At bakit hindi niya
naisip na baka kilala nito ang lalaki kaya kausap nito?
Pagkapasok niya sa kanilang cottage
ay nanghahapong napabagsak siya sa kama. Gulong-gulo ang isip niya.
"Hindi na tama ito" bulong
niya sa sarili. Ipinikit niya ang mga mata at hindi niya namalayang naidlip
siya.
Naalimpungatan si Liam nang
maramdaman niya ang pagbukas ng pintuan ng cottage nila ni Cali. Napalingon
siya sa pintuan at nakita niyang papasok si Cali habang nakayuko. Awang-awa
siya sa itsura nito dahil halatang galing sa pag-iyak. Namumugto ang mga mata
nito. Marahan siyang bumangon. Sinulyapan naman siya ni Cali pero agad umiwas
ng tingin. Alam niyang galit parin ito sa kanya.
Umupo ito sa sofa at hinalungkat ang
bag na dala nila. Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito. Umusod palayo sa
kanya si Cali pero nilapitan parin niya ito.
"Ano ba?! Wag ka ngang lumapit
sakin! Baka mangati ka pa" sabi nito.
Napakunot ang noo niya sa sinabi
nito.
"Mangati? Bakit naman?"
"Hindi ka kasi sanay sa mga
cheap" sabi nito. Diniinan pa nito ang huling salita.
Nakaramdam siya ng guilt at
pakiramdam niya ay naging napakasama niya.
"So.. Sorry kanina Cali. Alam
kong.."
"Hindi mo alam. Kaya nga ginawa
mo" putol nito sa sasabihin sana niya. Hindi parin ito tumitingin sa
kanya.
"I'm sorry Cali. Naging bastos
ako kanina pero di ko naman sinasadya. Hindi ko nga alam kong bakit ko nasabi
ang mga iyon"
"Nonsense! Anong gusto mong
palabasin, na nasaniban ka kanina!?" lumingon na ito sa kanya.
"H-hindi naman sa ganun Cali.
Pero.. Pero.. Basta!"
"Ewan ko sayo. Weird mo"
sabi nito at muling binalikan ang bag at muling naghalungkat. Napabuntong
hininga siya. Lumabas na muna siya sa cottage at palalamigin muna niya ang ulo
ni Cali. Mamaya nalang niya ito kakausapin at magsosorry.
Pagkalabas niya ay may nadaanan
siyang vendor ng fruits. Napangiti siya ng malapad nang mapatitig sa mansanas
na pula.
"Paborito yata yan ni Cali!
Lagi kasing mansanas ang binibili nito pag bumili ng prutas" sabi niya sa
isip at napahimas pa sa baba.
Lumapit na siya sa ale na nagtitinda
at bumili ng isang kilo ng mansanas na pula.
"Matamis ho ba to ate? Baka
naman maasim ha?" tanong niya sa tindera.
"Ay! Matamis yan iho.
Siguradong magugustuhan yan ng girlfriend mo. Siya ba reregalohan mo?"
Kumunot ang noo niya.
"Ay ate. Wala po akong gf.
Ibibigay ko lang po yan sa kaibigan kong nagtatampurorot" sabi niya at
hinaluan ng mahinang tawa.
"Oh sige. Bibigyan kita ng
malalaki at matatamis pero the same price parin" nakangiting sabi nito.
Natuwa naman siya. Nagpasalamat siya. Pagkatapos bayaran ay bumalik siya sa
cottage dala ang isang supot ng mansanas.
"Hoh Cali! Sana mapatawad mo na
ako" bulong niya sa sarili.
Nang pumasok si Liam sa kanilang
inuupahang cottage si Liam ay nadatnan niyang nakahiga na si Cali sa kama pero
hindi tulog. Hindi niya pinahalata ang hawak niyang supot. Nagpunta siya sa
lavatory at kinuha ang dalawa sa pinakamalaking mansanas na binili niya.
Pagkatapos niyang hugasan ito ay
kumuha siya ng kutsilyo..
(CALI)
Nakahiga si Cali sa kama ng kanilang
cottage. Ipinikit niya ang kanyang mga mata para matulog pero nahihirapan siya.
Umaalingawngaw parin sa isip niya ang sinabi ni Liam sa kanya kanina. Lalo sa
parteng pinagmukha siyang malibog at malandi at naghahanap ng lalaki.
Maya-maya ay naramdaman niya ang
pagbukas ng pintuan. Alam niyang si Liam iyon pero hindi niya ito nilingon.
Naiinis siya rito. Grabeng inis pero hindi niya matatawag na galit ang
nararamdaman niya. Nahaluan narin ng pagtatampo ang inis na iyon kaya lumalala.
Nagtatampo siya kasi akala niya ay mataas at iba ang tingin sa kanya ng
kaibigan, pero hindi pala.
Hindi niya alam kung gaano katagal
mula ng pumasok si Liam at dumiretso sa lababo bago ito lumapit sa kanya.
"Cali.."
"Ano!?" madiin ang
pagkakasabi niya.
"Heto oh. May binili ako para
sayo. Ang alam ko kasi, paborito mo 'tong prutas na to" malambing at
malumanay ang boses nito. Parang sinusuyo siya. Kumabog ang dibdib niya. Sabi
na nga ba at nahuhulog na siya sa binata. Pasaway na puso! Napilitan siyang
bumangon at harapin ito.
Nang makabangon siya ay napatutok
ang kanyang mga mata niya sa hawak nitong babasaging plato na may lamang
dalawang mansanas. Sumikdo ang dibdib niya at lumakas ang tahip nito nang
mabasa niya ang mga letrang nakaukit sa mansanas. Pula ito kaya maliwanag ang
parteng inukitan. "I'm So Sorry" iyon ang nakaukit sa dalawang
mansanas.
Gusto na niyang ngumiti pero pinigil
muna niya. Pero hirap na hirap ang dibdib niya dahil parang nakulong doon ang
kilig kaya kahit ayaw ay napangiti siya.
"Yes!" mahinang usal ni
Liam. Tiningnan niya ito at parang batang nagbehave.
"Para saan yan?" seryosong
tanong niya.
"Ah! Peace offering. Sorry na
kasi? Sorry talaga Cali. Please. Bati na tayo" umupo na ito sa tabi ng
kama malapit sa kanya. Bigla siyang napaisip. Shet, ano to? Teleserye?
Napaisip siya.
"Sige.."
"Yes!!" masayang bulalas
nito.
"Pero sa isang kondisyon!"
"Kondisyon? Ano naman
yun?"
"Hatiin mo na yang apple,
dali!" lumapad ang pagkakangiti niya at nahawaan naman ito. Agad nitong
inilapag ang plato at dali-daling kumuha ng kutsilyo. Kinuha niya ang isang
apple at tiningnan ang pagkakaukit ng mga letra. Ang cuuuuute! Eeeee, sigaw
niya sa isip. Napapangiti siya ng malapad.
Maya-maya ay lumapit muli si Liam sa
kanya at agad hinati sa maliliit ang mansanas.
(LiAM)
Masayang-masaya siya dahil bati na
sila ni Cali. Kinabahan siya kanina sa kondisyon na sinasabi nito. Alam na niya
ang weakness nito: Apple!
Abot-tainga ang ngiti niya habang
hinihiwa niya ang apple. Pagkatapos niyang hatiin ito ng maliliit ay kumuha na
si Cali.
"Ang tamis. I love it!"
mahina pero dinig niyang usal ni Cali habang ngumunguya ng mansanas.
"San mo nabili 'to, Li?"
maya-maya ay tanong nito.
"Diyan lang sa labas.
Nagustohan mo ba?"
"Oo naman! Paborito ko ang
mansanas eh. It keeps me away from doctors" sabi nito at tumawa. Nahawa
naman siya pero parang unfair parin. Kahit alam niyang okey na ito, parang ang
dali-dali naman nilang nagkabati. Hindi sa ayaw niyang mahirapan siyang suyuin
ito pero parang kulang ang effort niya para maipakitang nagsisisi siya sa
ginawa niya kanina.
"Sabi sayo Alex eh! Magsyota na
yata ang dalawang yan!" bungad ni Eric sa may pintuan ng kubo nila na
ikinagulat nila. Aktong susubuan kasi niya si Cali at ngumanga naman ito. Yun
ang eksenang naabutan ng dalawang kumag. Awtomatikong nag-pause ang panga ni
Cali at tumingin sa may pintuan.
"Hindi ah! Nakuuu. Ikaw talaga
Eric! Ang dumi ng utak mo" sigaw ni Cali kay Eric na tawang-tawa. Si Alex
naman ay nakangiti ng parang may kahulugan.
"Uyyyy. Nag-lovers quarrel lang
kayo kanina, ngayon nagsusubuan na. Baka kund di pa kami dumating.."
"Hep hep! Tama na bro, tama na.
Peace offering lang yan" awat ni Liam kay Eric na tinakpan pa ang bibig
nito.
"Okey okey! Sige. Pahingi
nga" sabi ni Eric at lumapit kay Cali pero ayaw bigyan nito. Inilayo pa
ang plato ng mansanas at umusod sa kama palayo kay Eric.
"Damot! Porke binigay ng bf eh,
ayaw nang magbigay" parinig ni Eric kay Cali. Sumimangot naman ang huli.
"Hindi ko siya bf!"
"Hindi mo ba siya
bestfriend?"
"Bestfriend.."
"Oh di bf mo siya"
"Hindi ko nga siya bf!"
"Bf mo!"
"Hindi!"
"Bf mo!"
"Hindi!"
Nagsukatan ang dalawa ng tingin na
nakakamatay. Hindi naman papatalo si Cali kay Eric.
"Kahit patayin mo ako, Eric!
Wala kang makukuha sakin kahit na isang hati lang ng mansanas!" sabi nito.
Pumalakpak si Alex dahil doon.
"Ayos ah! Parang teleserye
lang" tumawa pa ito. OA naman na kasi ang dalawa. Pati siya ay napapangiti
sa inaakto ng mga ito.
"Tama na yan. Magready na kayo.
Shot tayo!" sabi ni Alex.
"Buti pa nga" sagot ni
Eric pero muli nitong inirapan si Cali. Gumanti rin naman ang huli.
Sa inuman..
Pansin ni Cali ang maramihang
pagtagay ni Liam sa alak na iniinom nila. Siya naman ay nanunuod lang.
Pinipilit siya ng mga ito na uminom kahit isang shot lang pero talagang ayaw
niya. Ang rason niya ay masyadong mabigat sa kanya ang Emperador. Kaya naman
ibinili nalang siya ni Liam ng Tanduay Ice na blue.
"Hoy Liam! Maglalasing ka ba?
Ayoko ng lasing na katabi ah. Baka magsuka ka pa sa kama" banta niya rito.
"Hindi ako malalasing nito.
Relax" sabi nito pero nang tumingin sa kanya ay namumungay na ang mga mata
nito.
Hindi nalang siya nagsalita.
Sumimsim nalang siya sa Tanduay Ice na hawak niya.
Naroon sila sa tabi ng dagat.
Nakasalampak sila sa buhangin at pinapagitnaan ang bonefire na ginawa ng
tatlong kumag. Ayaw kasi ng mga itong pumasok sa bar ng resort dahil masyadong
maingay daw. Baka hindi pa sila magkakaroon ng time for bonding. Sumang-ayon
siya sa sinabing iyon ni Eric.
Nagtataka naman siya kung bakit
walang nagbawal sa kanila na gumawa ng bonfire doon. Siguro okey lang, sa
isip-isip niya.
"Sure ka na hindi ka malalasing
ah?" muling paalala niya nang mapansin niya na diretso na ang maramihang
pagtagay ni Liam.
Tumugon naman ito sa pamamagitan ng
pag-ungol habang tumutungga.
Maya-maya ay tumabi sa kanya si Eric
at naki-share sa kumot na nakabalot sa kanya. Malamig kasi doon kasi iba ang
simoy ng hangin.
Maya-maya ay bumulong sa kanya ang
lalaki.
"Crush mo si Liam no?"
Nagulat siya sa tanong nito.
Napalingon siya at nahuli niyang nakatitig ito sa kanya. Seryoso ang mukha.
"Ha? H-hindi ah"
"Yung totoo kasi? Kaibigan mo
ako. Dapat umaamin ka sakin"
"Hindi nga. Ang kulit!"
"Hindi kita titigilan hangga't
di ka umaamin"
"'Di wag. Di ko naman talaga
siya crush eh"
Bumuntong-hininga ito ng malalim.
"Alam mo, kapag may crush ka,
wag mong kimkimin. Sige ka, tutubuan ka ng pimples"
"May ganun? Anong
connect?"
"Kasi daw, pag di mo nailabas
ang saloobin mo sa isang tao, sisingaw diyan sa mukha mo" sabi nito at
tumawa ng mahina. Maya-maya ay ito naman ang tumagay. May ibang topic naman
sina Liam at Alex. Tungkol sa mga babae, base sa naririnig niya.
"Pre, may experience ka narin
ba?" tahasang tanong ni Liam kay Alex na ikinaubo ng huli. Maging siya ay
napalaki ang mata sa tanong ni Liam. Well, ganun naman talaga ang mga lalaki
kapag sila ang magkakasama. Pinilit nalang niyang inintindi kahit parang medyo
bastos ang dating nito sa kanya.
"Oo naman pre!" maya-maya
ay sagot ni Alex.
Bumulong siya kay Eric.
"Ric, pwede mo bang takpan ang
tenga ko?"
Napahagikgik ito dahil doon.
"Bakit ba?" tanong nito na
nakangiti. Halos mag-isang linya nalang ang mga mata nito. Chinito kasi si
Eric.
"Ang sagwa" pabulong
niyang sabi.
"Eh hayaan mo na. Ganito talaga
kaming mga 'tunay na lalaki', ganyan ang topic pag kami-kami lang"
"Ay! Nahiya naman ako. Hindi
pala ramdam ang presensiya ko rito" patampong saad niya. Inakbayan naman
siya ni Eric at ginulo ang kanyang buhok.
"Teka, ba't nga pala ang haba
ng buhok mo? Di ba Education ang kinukuha mo?" pansin nito sa kanyang
buhok. Maihahalintulad ang kanyang hairstyle sa mga napapanuod niyang korean
male artists. Yung parang kay Jang Geun-Seok sa movie nitong Baby and I.
"Ipapagupit ko na'to nextyear.
Nanghihinayang nga ako eh" sabi niya. Totoo 'yun. Parang ayaw na niyang
pagupitan ang kanyang buhok.
"Parang ang sagwa namang
tatawagin kang 'Sir' tapos mahaba ang buhok mo? Gupitan kita, gusto mo?"
sabi nito at hinawak-hawakan ang kanyang buhok.
"Bawasan natin dito tapos
dito.. Tapos.." pagpapaliwanag nito. Hindi naman siya makasagot pero
maya-maya ay tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang ulo.
"Ayoko nga! Baka pagtripan mo
lang eh. Di ka ata marunong" pasungit naman niyang tanggi.
"Uy Liam! Di daw ako marunong
maggupit?" baling ni Eric kay Liam na noo'y tumatawa dahil sa topic nila
ni Alex. Lumingon naman ito kapagkuwa'y tumingin sa kanya.
Pagkatapos ay umiwas agad ito ng
tingin nang magtama ang kanilang mga mata.
Pero kahit hindi ito nakatingin sa
kanya ay sumagot naman ito.
Dun nagsimula ang masayang pag-uusap
nilang apat. Hindi muna nag-open sina Alex at Liam ng anumang topic na related
sa sex and experiences. Mag-aalas dose na nang mahalata ni Cali na iba na ang
pananalita ni Liam. Halatang lasing na ito. Nainis siya. Kasasabi lang niyang
huwag itong maglalasing para di ito malikot kapag natulog sila. At baka sukaan
pa siya nito habang nahihimbing siya.
"Li-aaaaam!" nanggigigil
at impit ang pagsigaw niya para di siya makaeskandalo sa beach.
"Huh? Baket?" lumingon ito
sa kanya na nakangisi. Namumungay na rin ang mga mata nito. Pero sisihin niyo
si kupido kung bakit parang tumibok ang kanyang puso dahil sa pagngisi nito at
sa mata nitong nakatitig sa kanyang mga mata.
"D-di ba.. Di ba s-sabi kong
wag kang maglalasing?" shit! Malamig ba? Nauutal na siya.
"Hinde pa ako lasheng! Kulang pa
nga ang ininom ko e"
"Nakuuuu Liam! Tumigil ka.
Nakarami kana. Tama na yan" sabi niya at inagaw ang shotglass dito at
itinapon ang laman. Sina Alex at Eric ay nagtitinginan naman at nangingiti sa
inaakto nila.
Nag-aagawan na sila sa shot glass.
Nang maagaw ito ni Liam sa kanya ay agad niyang kinuha ang huling bote ng
Emperador Light na nilalaklak ni Liam at agad tumayo.
Pagkatayo niya ay tumayo rin si Liam
kaya itinakbo niya ang bote. Narinig pa niya ang pagtawa nina Alex at Eric. Si
Liam naman ay hinabol siya kahit hindi diretso ang pagtakbo nito.
Pero masyado yatang mabilis si Liam,
o baka siya ang mabagal tumakbo kaya naabutan siya nito. Niyakap siya nito mula
sa likod at pilit inaagaw ang alak. Pero iniunat niya ang kanyang kamay para di
ito maabot ni Liam. Pigil naman ni Liam ang kanyang kaliwang kamay habang ang
isa nitong kamay ay inaabot ang kanang kamay niya.
Dahil sa kaiiwas niya, naoutbalance
siya at napasubsob sa pino at malambot na buhangin. Sunod naman sa kanya si
Liam na nakapatong sa kanyang likod. Ang sagwa tuloy tignan. Pero hindi pa iyon
narerealize ni Liam dahil sa kagustuhan nitong maagaw ang alak kay Cali.
"T-teka.."
"Akin na kaseee"
"Li...!!"
"Akin na"
"Li. Ah.. Shit Liam!! Umalis ka
sa likod ko! Ang bastos mo!" sigaw ni Cali.
Napakunot ang noo ni Liam at agad
narealize na ang kanyang harapan ay sakto sa pwetan ni Cali.
"Bitiwan mo na ako! Tumayo
kana. Shit Li, ramdam ko yung ano mo! Kaya umalis kana"
Imbes na bumangon na si Liam ay
nanatili pa itong nakadagan sa kanya na lalong ikinais niya. Pinilit niyang
bumaliktad para kahit papano ay hindi niya maramdaman ang bagay na parang
nabubuhay habang tumatagal.
Pagkaalis ni Liam sa kanyang likuran
ay agad siyang tumayo at pinagpag ang mga buhanging dumikit sa damit at braso
niya.
Pagkatapos ay sinampal niya si Liam.
"Aray! Cali! Sumusobra kana
ha" bulalas ni Liam at ikinagulat niya ang sumunod nitong ginawa. Binuhat
siya nito at itinakbo sa tubig. Ibinagsak siya nito roon. Ramdam niya ang lamig
ng tubig at nalasahan pa niya ang alat nito. Basang-basa ang buong katawan
niya. Nang tumayo siya ay tawang-tawa naman si Liam, parang nabawasan ang
pagkalasing nito.
Agad naman niya itong dinaluhong at
hinila sa tubig.
"Teka.. Teka!"
Pero di na ito nakapagreklamo nang
lumubog narin ito sa tubig.
Tumawa naman siya dahil doon.
Pagkaahon nito ay umatras na siya at pumunta sa buhangin. Medyo madilim na doon
kaya baka mapano pa sila kapag maghilaan pa sila ng maghilaan.
"Tama na Li! Ayoko na"
sabi niya at itinaas ang dalawang kamay.
Hihilain pa sana siya ni Liam pero
umupo siya at umaktong iiyak. Effective naman ang ginawa niya.
"Lage mo nalang kashe akong
senasampal eh. Hik!" kahit nakayuko siya at natatawa siya sa pananalita ni
Liam.
"Eh sorry naman. Ang bastos mo
naman kasi!" asik niya rito.
"Bashtos? Hik! De ko naman
shenasadya eh" sabi nito at humiga sa buhangin sa mismong tabi niya.
Ginawa nitong unan ang dalawang palad. Nang tingnan niya ito ay naaninag niya
sa liwanag ng buwan ang katawan at mukha nito. Nakapikit rin ang mga mata nito.
"Hmm. Maganda pala ang korte ng
lips ng mokong. Pati kilay, maayos. At ang ilong, nakakainsecure. Ang tangos
naman!" naisasaisip niya. Habang tumatagal ang pagtitig niya sa mukha nito
ay nahahalata niyang nagiging banayad at malalim ang paghinga nito.
"Tang-na naman Li! Gumising ka
nga! Wag kang matutulog dito. Ang bigat mo!" bulyaw niya rito at niyugyog
ang katawan nito.
"Mmm?"
"Gumising ka. Tayo na! At
dalhin na kita sa cottage" sabi niya at inalalayan na niya ito sa pagtayo
dahil parang lumakas ata ang tama nito. Nakadagdag pa ang pagod kaya inantok.
"Ilang ulit ko kasing sinabi
kanina..."
"Oo na! Oo na! Nakakashawa na
yang shenashabe mo ah!"
"Abah naman!" di na niya
itinuloy ang sasabihin sana. It's useless to have an argument to a drunk man.
Samantala, nagsimula namang magtaka
sina Eric at Alex kung bakit di pa bumabalik sina Liam at Cali.
"San na kaya yung mga
yun?" tanong ni Eric.
"Baka dumiretso na sa
motel?" sagot naman ni Alex at tumawa silang dalawa.
"Pare, tiwala naman ako kay
Cali eh. Di ganung yung baklang iyon. Maghubad ka na't lahat, hindi ka niya
aanuin. Sasampalin lang" sabi ni Eric sa pagitan ng kanyang pagtawa.
Maya-maya ay naaninag nila ang
dalawa. Ang isang braso ni Liam ay nakapatong sa balikat ni Cali. Pasuray-suray
narin ang paglakad ni Liam. Ang ikinagulat nila ay parehong basa ang mga ito.
"Ric! T-tulong naman oh. Ang
bigat ng mokong na 'to!" sigaw ni Cali. Agad naman silang tumayo at
pinuntahan ang dalawa. Kinuha nila si Liam mula kay Cali at sila na ang nagdala
dito sa cottage ng dalawa.
"Cali, yung mga gamit natin,
kunin mo na muna. Kami na magdadala kay Liam sa cottage niyo"
"Oh sige. Basta, wag niyo muna
siyang ihihiga sa kama ah? Idiretso niyo sa banyo. Puro buhangin na siya
oh" bilin ni Cali sa dalawa.
"Sige" sagot naman ng mga
ito.
Agad niyang pinuntahan ang pinag
iinuman nila kanina at kinuha ang mga kagamitan nila. Agad narin siyang sumunod
sa kanilang cottage. Naabutan pa niya ang pagpasok ng dalawa kay Liam sa banyo.
"Paliguan niyo na" utos
niya sa dalawa.
"Ha? Bakit kami?"
"Alangan namang ako?"
"Oh, eh anong masama? Tsaka
ikaw itong basa. Babasahin mo pa kami. Ikaw na magpaligo sa kanya. Libre ka pa
sa katawan niya" biro ni Eric at ngumisi.
"Gago!"
Tawanan ang dalawa.
"Sige, lock na namin yung main
door ha? Baka may distorbo pa kasi" tawang-tawa parin ang dalawa habang
lumalabas.
"Gago ka Eric!" bulyaw
niya rito. Lalong lumakas ang pagtawa nito.
Nang makalabas ang mga ito ay
pumasok na siya sa banyo. Sumusuka na noon si Liam sa inidoro.
"Yerks! Kadiri!" bulong
niya.
"Liam, kaya mo pa ba ang sarili
mo?" malumanay na tanong niya rito.
Tiningala siya nito at ngumisi.
Pulang pula ang mga mata nito at namumungay na. Nag thumbs up lang ito.
"Sige, tayo na diyan" utos
niya rito. Sinubukan nitong tumayo pero nadupilas kaya inalalayan na niya ito
at itinapat sa may shower.
"Tanggalin mo yang tshirt
mo"
Sumunod naman ito.
Nang matanggal na nito iyon ay
kinuha niya at nilagay sa ibabaw ng lavatory.
Naghintay siyang tanggalin nito ang
pang-ibaba pero di ito gumalaw.
"Hala! Li, tanggalin mo na yang
pantalon mo" sabi niya rito. Sumunod naman ito. Pero nahihirapan ito sa
pagtanggal ng sinturon.
"Ganun ba karami ang nainom mo
Liam at hinang-hina kana? Hina mo palang uminom eh" sabi niya. Nang
matanggal niya ang pantalon nito ay napalunok siya.
Agad siyang tumalikod.
"Ah. Uhmm. Ah.. L-liam, kaya mo
naman sigurong maligo ng mag-isa. Sige na, labas na muna ako ha? Tanggalin mo
yang mga buhanging dumikit sayo" sabi niya na di manlang ito nilingon.
"Cale, favor naman oh. Ekaw na
gumawa plis? Nahihilo kashe ako eh"
Naku, lagot! Sigaw ng utak niya.
"N-naku Liam. Hindi naman pwede
yun. Kaya mo yan, sige na andito yung sabon" sabi niya. Kinuha niya ang
sabon at iniabot dito nang nakatalikod parin. Naramdaman niyang gumalaw ito.
Pero nangalay na ang kanyang kamay ay hindi parin nito inaabot ang sabon kaya
napilitan siyang lumingon.
Gayun na lamang ang gulat niya
pagkalingon. Nabitawan niya ang sabon at tila nanigas sa kinatatayuan.
Nagtanggal na pala ng brief si Liam.
Nakatitig siya sa bagay na iyon. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat.
Agad niyang tinakpan ang kanyang mga
mata at tumakbo palabas ng banyo.
Hindi na siya bumalik. Pagkatapos ng
maraming minutong paghihintay ay sumigaw si Liam sa loob ng banyo. "Cali,
yung tuwalya!"
Hinalungkat niya ang kanilang bag at
kinuha ang tuwalya nito.
"Andito na Li. Buksan mo ang
pinto!"
Bago pa man bumukas ang pinto ay
nakapikit na siya.
"H-heto oh"
Kinuha ni Liam sa kanya ang tuwalya.
Tumalikod na ulit siya pagkatapos nun.
Nang lumabas na ito ay dali dali
siyang pumasok sa banyo dala ang kanyang tuwalya.
Amoy na amoy niya ang sabong ginamit
nito. Naghahalo ang amoy alak at suka at sabon sa loob. Naligo siya ng
tatlumpong minuto.
Nang lumabas na siya at nakapagpalit
na si Liam at nakahiga na ito sa kama nang nakadapa.
Binilisan niya ang pagpapalit ng
damit. Nang matapos siya ay agad niyang pinuntahan si Liam at ibinaliktad sa
pagkakahiga.
Umungol ito.
"Li, basa pa buhok mo. Baka
lumabo ang paningin mo" malumanay na sabi niya rito. Ungol naman ang
sinagot nito. Kinuha siya ng isa pang tuwalya at ibinangon si Liam. Pumunta
siya sa likod nito. Nakaupo na sila sa kama habang siya ay parang nanay na may
kalong na bata at pinupunasan ang basang buhok nito.
Dumilat si Liam at mataman siyang
tinitigan. Ngumiti ito habang pinupunasan niya ng buhok nito.
"Bakit?" tanong niya.
Umiling ito, bumuntong hininga at
muling pumikit. Habang abala siya sa pagpapatuyo ng buhok nito, bumaba ang
tingin niya sa katawan nito. Nang bumaba pa ay nahalata niyang wala itong
panloob na saplot. Muling lumakas ang kabog ng dibdib niya. Pero inabala nalang
niya ang kanyang sarili sa pagpapatuyo ng buhok nito. Nang medyo natuyo na ng
konti ay inayos na niya ang pagkakahiga nito. Nahihimbing na kasi ito.
Natulog na rin pagkatapos.
Naalimpungatan si Cali nang
maramdaman niyang yumakap sa kanya si Liam. Tuloy, naramdaman na naman niya ang
bagay na iyon sa kanya likuran. Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nito na
nakayakap sa kanya pero mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagyakap sa
kanya. Kaya hinayaan nalang niya at pinilit muling matulog.
Pero naramdaman niya ang paghalik
nito sa kanyang batok na nagpatayo sa balahibo niya. Dumaloy ang kiliti sa
kanyang katawan.
"Cali, alam kong gising ka.
Okey na ako. Di na ako lasing" bulong nito sa kanyang tenga at muling
hinalikan ang kanyang batok. Muling dumaloy ang kiliti sa kanyang katawan. Pero
nagsimula siyang makaramdam ng init.
Patuloy ito sa paghalik sa kanyang
batok at papunta sa likod ng kanyang tenga.
"T-teka Liam, baka lasing ka
pa" sabi niya rito.
"Hindi Cali. Alam ko 'tong
ginawa ko at gusto ko 'to" muling bulong nito sa kanya na parang
nang-aakit.
Maya-maya ay pumaibabaw ito sa kanya
at hinawakan ang dalawang kamay niya para di siya makapalag.
"Liam, teka! Ano ba? Pag di ka
pa tumigil, sisigaw na ako" seryosong sabi niya.
Pero hinalikan siya nito. Marahas.
Masakit sa labi ang ginagawa nitong paghalik sa kanya. Inilabas narin nito ang
dila at pilit ipinapasok sa kanyang bibig.
May tumulong luha sa kanyang mga
mata. Masakit na ang kanyang labi at pakiramdam niya ay nasugat na iyon sa
ginagawang paghalik ni Liam sa kanya.
Nang mahalata siguro nitong hindi
siya tumutugon sa halik ay napatigil ito at tiningnan siya sa mukha.
"U-umiiyak ka? S-shit, sorry
Cali. Ahh.. Ano ba kasi 'tong ginagawa ko?" sabi nito at agad umalis sa
pagkakakubabaw sa kanya.
Pagkaalis nito ay agad siyang
tumalikod dito at umiyak nang tahimik. Nagtalukbong narin siya nang sa gayon ay
di nito makita ang pag-iyak niya. Narinig niya ang mahabang buntong-hininga
nito.
"Cali.." tawag nito sa
pangalan niya at hinawakan siya sa balikat pero umusod siya papalayo rito.
"Cali, sorry na oh"
malamyos at malumanay ang boses nito. Pinunasan na niya ang luha niya pero di
pa siya humaharap dito.
"Sorry na naman.."
mahinang usal niya. Yung sapat para marinig nilang dalawa. Hindi siya tunog
nagagalit kundi yung parang nagsasawa na.
"Uhmm. Last na 'to promise.
Please Cali, sorry"
Bumalikwas na siya at hinarap ito.
"Ngayon, sabihin mo sakin,
bakit mo ba ako palaging hinahalikan? Di ka ba nandidiri na humahalik ka sa
bakla?"
"Huwag mong sabihin yan. Hindi
ka nakakadiri"
"Hindi ko sinabing nakakadiri
ako.. Ahhh. Bakit kinakaya ng ego mo na humalik sa isang bakla?"
"Ewan ko" sabi nito at
nagkibit-balikat.
"Oh baka naman kasi puro bakla
ang experiences mo, Liam?"
"Aray naman! Hindi ah. Anong
akala mo sakin, callboy?"
"Ikaw ang nagsabi niyan. Eh
bakit mo nga ako hinahalikan?" gustong-gusto talaga niyang malaman ang
dahilan nito. Hindi kasi niya mabigyan ng kasagutan ang tanong na "bakit
kaya niya ako hinalikan?"
"Uhmm. Wala lang, trip ko
lang"
Napakamot siya sa ulo. Di na siya
nagtanong. Ang labo talaga nito kausap. Muli siyang humiga at nagtalukbong
hanggang sa makatulog siya.
Alas singko nagising si Cali. Tulog
pa si Liam. Bumangon na siya at nagmumog. Nag-ayos narin siya ng sarili. Balak
niyang umorder ng breakfast nila ni Liam sa may restaurant malapit sa resort.
Magtetake out nalang siya.
Kaya naman pagkatapos niyang
mag-ayos ng sarili ay kinuha na niya ang wallet ni Liam. Alam rin naman niyang
magpapaorder ito mamaya, uunahan nalang niya.
Hindi na naman masama ang loob niya
rito. Para kasing useless ang inis niya, maya't maya at hahalikan na naman siya
nito.
"Bakit nga kasi niya ako
hinahalikan?" muling tanong niya sa isip.
"Hayyst! Paki ko. Makalabas na
nga" dugtong pa niya.
Mga sampung minuto siyang naglakad
hanggang sa makita ang Mang Inasal.
Pagpasok niya, sinalubong siya ng
isang lalaking waiter.
"Kakain po kayo Sir?"
Naalala niya si Vice. Magaya nga,
sabi niya sa isip.
"Ay hindi, makikiluto
lang!"
Ngumiti naman ang waiter sa sinabi
niya, not offended.
"Joke lang!" sabi niya at
ngumiti.
"Haha. So, ano pong order niyo
Sir?" tanong nito.
"Uhmm, Kuya, ano pong masarap
na pangbreakfast? Ah, yung tig-102 nalang po" turo niya sa picture sa may
counter.
"Ah, okey po Sir. Isang order
lang po Sir?"
"Naku Kuya, Sir ka ng Sir. Di
naman ako teacher" sabi niya rito nang nakangiti.
"Ayy pasensiya. So, ilang order
po?"
"Uhmm, apat nalang po. Take
out. Salamat" nginitian uli niya ito. Pogi naman ng waiter na 'to, sabi
niya sa isip.
"Okey po Sir" sabi nito at
nilapitan ang babae sa counter sinabi nito ang kanyang order.
"Bale 408 pesos po lahat,
Sir" sabi nung babae.
Nag-abot siya rito ng 500. Sorry
Liam, sabi niya sa isip.
Pagkatapos kunin ang sukli ay umupo
siya. Habang naghihintay ay iginala niya ang paningin niya sa loob. Tinanaw rin
niya ang mga tao at sasakyan sa labas.
Mga dalawampung minuto siyang
naghintay nang iniabot sa kanya ng waiter ang nakaplastic na order niya.
"Heto na po order niyo
Sir"
"Sir again?"
"Ayy. Oo nga pala" sabi
nito at tumawa.
"Sige, salamat Kuya.
Baboo!"
paalam niya at lumabas na siya.
Sampung minuto ulit
siyang naglakad
pabalik sa resort. Masyado kasing mahal ang mga foods sa restaurant
inside the
resort kaya lumabas pa siya. Wala na siyang pakialam kung ano mang
sasabihin ng mga crew sa resort. Hindi naman nila pinagbabawalan ang mga
tao na umorder ng pagkain sa labas.
Pagpasok niya sa cottage nila ay
naabutan niyang nahihimbing pa si Liam.
Nang bigla niyang maalalang, dapat
sana may coffee. Kaya muli siyang lumabas.
Pero sa loob ng resort na siya
naghanap ng mabibilhan ng coffee.
Nakahanap naman siya, yung coffee na
nalalagay sa styrofoam. Bumili ulit siya ng apat.
Pagkabalik niya, inayos na niya sa
may maliit na mesa ang mga pagkain. Nang maiayos, lumabas siya at nagpunta sa
cottage nina Eric para sabihang kakain na.
Nang nasa pintuan na siya, kumatok
siya. Bumukas naman ito pagkatapos ng ilang ulit na katok niya.
"Oh Cali, ikaw pala"
"Kain na tayo. Bumili ako ng
foods sa Mang Inasal. Tara sa cottage, sabihan mo si Alex" sabi niya rito.
"The best ka talaga, sige
salamat! Susunod na kami"
"Okey, sige. Baka kasi lumamig
narin yung coffee"
Bumalik na siya sa cottage nila
pagkatapos. Ginising narin niya si Liam.
"Li, gising na. Tanghali na.
Breakfast na tayo" sabi niya at bahagyang niyugyog. Umungol ito at
pagkatapos ay unti-unting dumilat.
"Bangon na. Kain na tayo"
nakangiting sabi niya. Ang pogi nito kahit bagong gising. Nag-inat na ito at
naghikab.
"Ang baho!" biro niya.
Sinundan pa niya ng paghagikgik.
"Sakit ng ulo ko, shit!"
reklamo nito.
"Kaya nga bumangon ka na diyan.
Bumili ako ng kape. Uminom ka para mawala ang hang-over mo"
Tinitigan siya nito at ngumiti.
Pagkatapos ay bumangon na.
"Cali, sorry talaga kagabi
ha?"
"Li, don't go there. Wala na
yun. Sawa na ako sa kakasorry mo" malamig na sagot niya rito.
Ilang sandali lang ay bumukas ang
pinto at iniluwa ang dalawang kumag, sina Eric at Alex.
"Good morning!" bati sa
kanya ng huli. Binati naman niya ito.
Dumulog na silang tatlo sa mesa at
si Liam naman ay nagmumumog palang.
Naki-join na ito pagkatapos.
"Ahh, nga pala Liam. Pera mo
ang ibinili ko dito ha? Wag kang magreklamo kung gusto mong patawarin kita sa
ginawa mo" sabi niya habang kumakain.
"Ginawa niyang ano? Meron ba
kaming dapat malaman?" makahulugang tanong ni Eric sa kanya.
Bumuntong-hininga siya.
"Ang mga tao nga naman! Parang
kalamansi ang utak. Maliit na nga, green pa" pang-ookray niya dito.
"Bakit? Nagtatanong lang naman
ako ah" nakangising sabi nito.
"Wala kang paki. Kumain ka na
nga!"
Napansin niya na hindi masyadong
nakakakain si Liam.
"Hindi ba masarap, Liam?"
"Ah. Masarap naman. Masakit
lang ulo ko, nakakawala ng ganang kumain"
Binitawan niya ang hawak na
kutsara't tinidor at pumunta sa likuran nito.
"Sabi kasi sayo, wag kang
maglalasing eh! Ang kulit" sabi niya habang minamasahe ang gilid ng ulo
nito. Nakita niyang nagkatinginan ang dalawa nilang kasama.
"Ayy, kelan ba ang
monthsary?" natatawang tanong ni Alex.
"Gago! Di kami magsyota, mukha
lang" sagot naman ni Liam bago pa siya makapagsalita.
Tumawa naman ang tatlo. Hindi na
sila pinansin ng dalawa. Itinuon na nila ang kanilang atensyon sa pagkain.
"Saang restaurant mo binili
'to, Cali?" tanong ni Alex.
"Sa Mang Inasal"
"Ah. Masarap pala"
"Oo naman, mura pa"
"Tama na, medyo okey na"
singit ni Liam. Itinigil na niya ang pagmasahe sa ulo nito at umupo na sa
kanyang upuan. Itinuloy narin niya ang pagkain. Kumain narin si Liam.
"Eto kape mo" sabi niya at
inilagay ang kape sa tabi ng pagkain ni Liam. "Mainit yan, wag kang
shunga. Oh kayong dalawa, eto kape niyo" iniabot narin niya sa dalawa ang
kape.
"Pwede ka nang maging misis,
Cali" sabi ni Eric habang binubuksan ang cover ng kape.
"Salamat! Misis na walang
mister" ganting-biro niya para pagaanin ang umaga nila. Nagtawanan naman
silang apat.
"Cali, may tanong ako ah"
sabi ni Eric.
"Ano na naman?"
"Nagboyfriend ka na ba?"
"Hindi"
"Oww? Kahit minsan?"
"Hindi nga"
"So first boyfriend mo itong
Liam?"
"Ha? Shungik, hindi ko nga
boyfriend yan"
"Ah okey. Eh kiss kaya?"
Naubo bigla si Liam. Natahimik naman
siya. Nagkatinginang muli sina Alex at Eric, parang may hinala ang mga ito sa
halik na namagitan sa kanila ni Liam na hindi lang iisang beses kundi tatlong
beses.
"Hoyy! Kayong dalawa, umamin
nga kayong dalawa samin. Okey lang naman kung kayo na eh. Boto kami sa
inyo"
"Ahh. Eric, hindi naman talaga
kami eh"
"So anong kayo, flings?"
"Hindi rin"
"Walang ganyanan men, dapat
share share"
"Ano 'to, nestea?"
"Huwag kang mamilosopo, Liam!"
asik ni Eric kay Liam.
"Oo, hinalikan ko si Cali. Kaya
nagalit sakin noon at tsa--" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil
tumayo siya at tinakpan ang bibig nito. Mainit ang mukha niya at alam niyang
pulang-pula na ang mga 'yun.
Napayuko siya dahil sa hiya.
Tinanggal naman ni Liam ang kanyang palad sa bibig nito.
"Why, you should be proud that
Liam kissed you!" nagagalak na bulalas ni Alex at napapalakpak pa.
"Shut up!" asik niya rito.
Napahagikgik ang dalawa na lalong
ikinainis niya.
"Wala kayong narinig na sinabi
niya ah?" sabi niya.
Umiling ang dalawa at tinakpan ang
mga tenga. Umupo na siya pero tinapakan niya ang paa ni Liam sa ilalim ng mesa.
"Aray!"
Naguguluhan naman si Liam sa
nararamdaman niya. Masaya siya kapag nasa paligid si Cali. Dahil siguro
palabiro ito at masarap kasama. At hindi ito nagtetake advantage sa kanila.
Kagabi, hindi niya mapagilan ang
sariling huwag halikan ito. Ang amoy ng pabango nito ay gumigising sa kanyang
pagkalalaki. Babaeng-babae itong amuyin. Pati ang amoy ng shampoo'ng gamit nito
ay nananatili sa buhok nito.
Tuwang-tuwa siya sa kaalamang siya
ang unang makatikim sa labi nito. Bading narin kaya siya? Sabi nila, ang mga
lalaking pumapatol sa bading ay bading narin.
"Pero hindi! Hindi ko nakikita
bilang bading si Cali. Isa siyang babae. Disenteng babae" kontra niya sa
isip.
"Posible kayang magkagusto ako
sa bakla? Naku, wag naman Po sana" muling bulong niya.
"Pare, lalim ng iniisip mo
ah" puna ni Eric sa kanya. Nasa boarding na sila, kahapon pa sila nakauwi.
Wala si Cali, may klase ito. Hanggang 12pm, nakita niya sa schedule nito na
nakadikit sa pintuan.
"Anong iniisip mo?" tanong
nito sa kanya.
"Wala. Naiisip ko lang sina
Mama sa bahay. Kumusta na kaya si Livor?" pagrarason niya.
"Ah! Oo nga no? Siguro namimiss
kana ng kapatid mo. Uwi tayo sa bakasyon?" sabi nito.
"Oo naman, di pwedeng di ako
uuwi ngayong bakasyon" seryoso siya. Namimiss narin kasi niya ang kanyang
kapatid. Gusto niyang siya ulit ang mag-alaga dito.
"Bro, may tanong lang ako ah.
At dapat, sagutin mo ako ng totoo"
"Ano yun, bro?" tanong
niya rito kahit may ideya na siya sa magiging tanong nito.
"Bakit mo naman hinalikan si
Cali?"
Napalunok siya.
"Uhmm. Wala, trip ko lang"
"Kilala kita bro. Nanghahalik
ka lang kung gusto mo ang isang tao. Ibig bang sabihin nun, gusto mo si
Cali?"
"Nagpapatawa ka ba? Siyempre
hindi!" mariing tanggi niya.
Napabuntong-hininga ito.
"Okey. Pero uulitin ko bro, wag
na wag mong sasaktang si Cali. At wag mong pagtitripan. He deserves to be
respected. Nirerespeto niya tayo kaya dapat ibalik natin sa kanya iyon"
Natahimik siya sa sinabi nito.
Napaisip siya.
"Sige bro, ligo muna ako"
sabi nito at tinapik siya sa balikat.
Naiwan na naman siyang nag-iisip.
"Callisto Bautista, is there
any problem? Kanina pa kita napapansing parang tulala. And it's so unusual. You
are always enthusiastic. Now, you look differently" puna ni Ma'am Velasco
kay Cali na ikinagulat niya. Napatingin tuloy sa kanya ang mga kaklase niya.
"Uhm, I'm sorry Ma'am. I'm just
having a minor headache" pagdadahilan niya. Ang totoo ay naaalala niya si
Liam.
"It's okey, darling. Have you
taken your meds?" tanong nito. Ito na ata ang pinakamaunawain at
pinakamabait na teacher niya sa lahat.
"Yes Ma'am"
"Okey, let's continue to our
discussion. Please try to listen, darling. I'm calling you for any recitation
anymore. But listen to the topic. I'm not going to like it when you don't have
any lessons learned today from me" pagpapaliwanag nito.
"Okey Ma'am. Thank you"
sabi niya at pinilit nang makinig sa dinidiscuss nito. Kahit hindi na siya nito
tinatawag ay nagrerecite narin siya para maiwala niya ang iniisip.
Natapos ang last subject niya na
hindi na muling pumasok si Liam sa isip niya.
Agad siyang umuwi sa boarding niya.
Excited for something. Or is it for someone?
Pagkarating niya ay agad siyang
dumiretso sa kanilang kwarto. Naabutan niya si Liam na nakatalikod sa may
pintuan at nakaheadset. Hindi nito naramdaman ang pagpasok niya.
Kaya naman dahan-dahan siyang
naglakad papunta sa likuran nito at ginulat.
"Bulaga!!"
"Ay shit!" sigaw ni Liam.
Tawang-tawa naman siya sa reaksyon nito. Napahiga pa siya sa kanyang kama.
Sumakit na ang kanyang tiyan ay tawang-tawa parin siya.
"Hala! Nakakatawa lang
talaga?" nakasimangot na sabi ni Liam.
"Eh kasi naman.. Yung mukha
mo.. Parang nakakita ka ng multo eh!" paputol putol ang pananalita dahil
tumatawa parin siya.
"Oo, nakakita nga ako ng multo.
Ikaw!" sabi nito at muling sinuot ang headset.
Lumapit naman siya rito at dumikit.
"Ano yang pinapanuod mo?"
malambing na tanong niya.
"Sus! Anong nakain mo, Cali at
parang malandi ka ngayon?" pambabasag nito sa kanya.
"Wala, yung panis na kanin na
inihanda mo kaninang umaga" biro niya.
"Hindi yun panis. Ang sabihin
mo, nagayuma ka dun" sabi nito at itinuon ang pansin sa pinapanuod nito.
Inakbayan naman niya ito at nakipanuod narin.
"Ayy! Ang cuuuuute!"
bulalas niya habang nakatitig sa screen ng laptop ni Liam.
"Nilingon siya nito"
"Hindi ikaw, ambisyoso. Si Puss
n Boots!"
"Bakit? Wala naman akong sinabi
ah"
"Whatever!"
Tuwang-tuwa siya sa pinapanuod
nilang Puss n Boots. Ang cute cute ni Puss kapag binibilog nito ang mata at
parang nagpeplease.
Napalingon si Liam kay Cali habang
titig na titig ito sa screen ng laptop niya. Maalinsangan at naiinitan na siya
pero di niya tinatanggal ang mga braso nito sa kanyang balikat. Para bang
sinusulit niya ang pagkakataon dahil once in a blue moon lang maglambing si
Cali.
"Ang haba pala ng pilik-mata
mo, Cali?" puna niya nang mapansin ang pilik-mata nito. Lumingon ito sa
kanya at ngumiti.
"Yeah, thank you!" matipid
na sabi nito at muling tumitig sa screen. Pero muli itong lumingon sa kanya
pagkatapos ng ilang sandali.
"Nag-lunch kana, Li?"
"Nah-uh. Di pa"
"Kain muna tayo?"
"Mamaya na. Tapusin ko muna
'to" sagot niya pero mabilis nitong itiniklop ang laptop niya.
"Kumain na muna tayo!"
parang hindi nagyaya ito kundi nag uutos.
"Ano pa nga ba? Bakit di mo nga
pala kasama si Alex?"
"Absent eh. May sakit daw.
Plano ko ngang puntahan eh"
Nakaramdam siya ng inis. Bakit pa
pupuntahan nito? Siguro naman, maaalagaan na yun ng mga kasambahay nito. Pero
di na siya umimik.
Nagpunta na sila sa hapag-kainan.
Umupo siya at si Cali naman ay naghanda ng kakainin nila.
"Si Eric?"
"Nasa computer shop,
nakikipagcybersex!"
"Yuck!"
"Haha!"
Nang makahanda na ito ay magana
silang kumain. Walang imikan hanggang sa natapos sila.
"Ikaw ulit maghuhugas ha?"
sabi sa kanya ni Cali.
"Opps. Ayoko nga!" sabi
niya sabay talikod at agad pumasok sa kuwarto nila. Natatawa siya sa inaakto
niya.
Pero bago pa man siya makapasok ay
may kumurot sa tagiliran niya at hinihila siya pabalik sa kusina.
"Aray! Aray! Aray!" daing
niya.
"Tulungan mo ako. Let's change
the daily routine. Para matuto kang maghugas!"
"Okey! Okey! Pero bitawan mo na
tagiliran ko, masakit na" sabi niya habang napapasinghap.
"Okey" binitawan siya
nito. Napilitan naman siyang sumunod dito sa lababo habang dinadala nito ang
pinagkainan nila.
"Since dadalawang plato lang
naman 'to, tig-isa tayo" sabi nito.
"Ikaw nalang kasi"
"Hep! Walang reklamo! Yung mga
hinugasan mo noon, di masyadong natanggal ang mga dumikit na kanin. At may sebo
pa yung ilan"
"Eh hindi ko nga alam
maghugas!"
"Kaya nga tuturuan kita"
"Ayoko!"
"Isa!"
"Ayoko!"
"Dalawa!"
"Okey! Fine"
"Good boy!"
"Para naman akong aso
niyan"
"Mukha ka namang aso eh, kaya
okey lang"
Tinuruan siya nito kung paano
sabunin ang bawat parte ng plato. Ginagaya naman niya ito. Nang marami nang
bula sa kamay niya ay ipinahid niya ang ilan sa ilong ni Cali.
"Ano ba? Wag ka na namang
maglaro, Liam" reklamo nito. Hinugasan na nila ang mga sinabon nila at
nagpunas ng mga kamay.
"Di ba, madali?"
"Hirap!"
"Madali" sabi nito at
pinanlakihan siya ng mata. Bakit ba parang umaatras agad siya pag ito ang
nagsalita. Dati naman, hindi siya apektado kahit pa hampas-hampasin siya nito
kapag ayaw niyang maghugas ng pinggan.
Pero ngayon, parang ang dali siya
nitong nauutasan.
"Nirerespeto niya tayo. Dapat
nating ibalik sa kanya iyon" naaalala pa niyang sabi ni Eric. Siguro yun ang
dahilan. Ayaw niyang si Cali ang gumagawa ng lahat ng trabaho para sa kanila.
"Dali, tuloy natin yung Puss n
Boots. Tingnan natin kung makukuha nila yung beans" yaya nito sa kanya at
hinila siya sa kamay papasok sa kwarto.
Pinanuod nila ang movie hanggang sa
matapos.
Nang matapos ay nagbrowse pa si Cali
sa folders ng movie niya.
"Aaaaaaahhh!" tili nito.
"Hoyy. Landi nito" sita
niya rito.
"Thank you Liam!" sigaw
nito at niyakap siya.
"Bakit ba?"
"Yes yes yes! Tagal ko nang
hinahanap sa internet ang full movie nito!"
"Ano ba yan?"
"Warm Bodies!!"
"Ah 'yan ba? Kadadownload ko
lang kanina yan. Di ko pa nga napapanuod eh. Yung trailer lang. Mukha naman
kasing maganda kaya dinownload ko na" paliwanag niya.
"Oh! Buti naman. Let's watch
it! Buti nalang, wala na akong klase. Yiiiiiii!" pumapalakpak pa ito na
parang bata na may cake sa harap.
Nang magsimula na ang movie ay
natahimik na sila pareho. At sa kalagitnaan ng movie ay kilig na kilig si Cali.
Kinakagat pa nito ang damit at nangingiti ng ubod tamis.
"Grabe pala kiligin ang mga
bading, naluluha!" puna niya kay Cali nang medyo mamasa ang mga mata nito.
"Oo Liam. Ganun talaga"
"Hindi kaya OA kalang?"
"Che!"
Pag may scene na nakakakilig,
nahahampas siya nito dahil sa kilig.
Nang patapos na ang movie ay nagring
ang cellphone ni Cali. Nang sagutin ito ni Cali ay nag-iba ang facial
expression nito, mas lalong nagmukhang masaya ito.
"Oh, hello Alex!" sagot
nito sa cellphone.
"Shit" bulalas naman niya
sa isip.
Isinenyas ni Cali sa kanya na
i-pause muna ang movie pero di niya ginawa.
"Sige lang, makipag-usap
ka!" piping sabi niya.
Umupo si Cali sa kama nito habang di
nawawala ang ngiti nito.
"Kumusta na pakiramdam mo?
Nagtake ka na ng gamot mo? Baka di ka pa kumakain? Naku, baka nagpaulan ka kasi
kahapon kaya nagkasakit ka?" sabi nito kay Alex sa pamamagitan ng
cellphone.
Nagngingitngit naman siya pero
tinuon nalang niya ang atensyon niya sa laptop at pinanuod ang movie.
"Oh sige. Pupunta ako mamaya
diyan sa inyo" narinig niyang sabi ni Cali. Marahas siyang lumingon.
"Sige na naman oh!
Please?"
"Eeeee! Nakakainis ka Liam,
promise. Pupunta nga ako kina Alex. Kawawa yung tao, wala daw kasama sa bahay
nila"
"Sige na. Ngayon lang naman 'to
eh. Di ko kasi alam kung paano 'to.
Eh ipapasa na namin nextweek. Sige
na, Cali, pleaaase?"
Nakakainis ang Liam na 'to! Kung
kelan may pupuntahan ako saka magpapatulong! Grrrr!, sigaw ni Cali sa isip.
Ang nakakainis pa, kung kelan
nakabihis na siya saka ito magsasabi. Nagpapatulong itong gumawa ng kung anong
project na related ang grammar at English. Alam kasi nitong magaling siya sa
english.
"Hmmmm"
"Sige na.." paglalambing
nito. Pati boses nito ay pinalambing pa at dumikit-dikit pa sa kanya.
"Ew ka Liam, lumayo ka
nga!"
"Ah basta, tutulungan mo ako sa
project ko. Kung hindi, ipapalipat kita ng unit!"
Namaywang siya at naggalaiti ang mga
ngipin. Gumalaw-galaw din ang mga kilay niya.
"Ah-bahh! Ang mokong na 'to.
Porke't madatung ka ah"
"Umoo kana kasi!"
"Ayoko. Pupunta na ako. Pwede
naman nating gawin mamayang gabi yan"
"Busy na ako mamayang gabi.
Gagawa pa ako ng presentations ko"
"Waaaaahhh! Nakakaloka ka, Liam
promise. Nakakaloka ka!"
"Ganito nalang, kapag natapos
natin 'to ng maaga, sasamahan kita kina Alex"
Tumaas ang isang kilay niya.
"Well?"
"Umoo ka na. Ililibre pa kita
ng pamasahe"
Saglit siyang napaisip. Siguro
naman, madali lang ang project nito kung magtutulungan sila.
"Okey fine!"
"Yess!"
"Shut up!"
"Eeeh. Bakit ganito? Ang hirap
naman!" reklamo ni Cali nang ipaliwanag ni Liam sa kanya ang kanilang
gagawin. Sabi nito, mag-iisip daw siya ng isang novel or story na nabasa na
niya at isasummarize niya. At kasama ang book na iyon na ipapasa sa summary nito.
"Yung Lightning Thief sana kaso
wala akong printed book nun eh. E-book lang yung nasa akin. Pwede ba na iyon
ang ipapasa mo?" tanong niya kay Liam na noo'y nakahilata lang sa kama at
nakikinig ng sounds sa laptop nito.
Parang hindi siya nito narinig dahil
nakasalpak sa mga tenga nito ang headset.
"Hoyy!"
"Ay bakit?"
"Gago! Ang sabi ko, may alam na
ako na story kaso ang problema, wala akong hardcopy nun. E-book kasi yung
binasa ko"
"Ahh. Okey lang yan. Hanap tayo
sa National Bookstore"
"Ah. Okey, mayaman ka pala no?
Sorry ha, nakalimutan ko" he put sarcasm on his words.
"Bibilhan pa kita ng dalawang
books pag maganda ang gagawin mo. Libre ko sayo yun"
Napangiti siya. Mukhang wala sa
ulirat ang mokong, biglang naging mabait.
"Oh? Talaga? Teka, irerecord
natin 'tong agreement natin na ito" sabi niya at kinuha ang cellphone para
irecord ang usapan nila pero pinigilan siya nito.
"Huwag na. Mayron akong isang
salita, Cali"
"Sabi mo eh"
nagkibit-balikat siya at ibinaba na ang hawak na cellphone.
Sa mga sumunod na oras ay abala na
siya sa pag-iisip at pagsusulat habang abala naman si Liam sa pang-aasar sa
kanya. Tanong ito ng tanong ng kung ano para madistract siya.
"Virgin ka pa?" tanong
nito maya-maya.
"Ayy, hindi ka talaga titigil
ano, Liam? Gusto mong matapos 'tong project mo o hindi?"
"Gusto. Pero, hindi nga, virgin
ka pa?"
"Che! Bastos. Shut up! Di ako
makapag isip ng maayos"
"Eh.."
"Shut.. Up!"
Tumayo na siya, kinuha ang papel at
ballpen at lumabas sa kusina.
Hindi na siya sinundan nito. Kaya
naman nakapagconcentrate siya. Naging maayos ang daloy ng mga sunod-sunod na
pangyayari sa kwento sa kanyang isip. Ginandahan niya ang pagsusulat sa
summary. Pakiramdam niya'y dapat maimpress niya si Liam sa gawa niya nang sa
gayon ay matuwa rin ito sa kanya. Kaya naman hindi niya namalayan ang oras at
nang matapos niya'y alas sais y media na ng gabi. Nangalay ang kamay niya at
leeg niya. Pati rin ang kanyang likod ay nanakit.
Pagpasok niya sa room nila ay kasama
na ni Liam si Eric.
"Oyy Eric, andito kana pala? Di
kita namalayang pumasok ah" puna niya.
"Mukhang abalang-abala ka kasi
kanina at ayaw paistorbo kaya dahan-dahan akong pumasok" sabi nito at
tumawa ng mahina.
"Ahh" sabi niya. Lumapit
na siya kay Liam para ibigay dito ang dalawang yellow paper na pinagsulatan
niya sa summary.
"Oh heto na pos Boss ang
summary. May dalawa akong book bukas ha? Ayy teka! Shit, anong oras na? Pupunta
pa ba tayo kina Alex?" tanong niya.
"Uhhm. Di na siguro. Tinawagan
ko na siya kanina. Nagpaalam akong di ka na makakarating kasi may
emergency" sabi nito at ngumisi.
"Nakkuuuu Liam!" sabi niya
at kinurot ito sa tagiliran.
"Aray! Aray aray aray! Masakit,
ahhh. Aray!" daing nito dahil di niya binibitawan ang tagiliran nito.
"Aray! Bitawan mo, masakit
talaga!" daing parin nito kaya binitawan na niya.
"Nakakahiya sa kanya! Baka
sabihin niyang wala akong isang salita!"
"Hindi yun. Okey lang naman daw
eh, sabi niya"
Napasimangot nalang siya. Hinihilot-hilot
niya ang kanyang batok at braso dahil nangangalay.
"Pagod ka?" tanong ni
Liam.
"Ay hindi!"
"Imasahe kita, gusto mo?"
"Naku hindi na. Baka
madislocate pa ang mga buto ko"
"Uyy hindi a. Magaling akong
magmasahe. Sige na, dumapa kana. Imamasahe ko na rin ang likod mo para marelax
ka"
Tumaas ang kilay niya.
"Okey sige. Basta wag masyadong
mabigat ang kamay mo ha?"
"Oo, promise. Baka
hahanap-hanapin mo pa ang mga haplos ko pagkatapos"
"Duhh! Whatever" sabi niya
at dumapa na siya sa kama nito. Umusod ng konti si Eric para makaayos siya ng
dapa.
"Yung baby oil, bro?"
tanong ni Liam kay Eric na noo'y nakatutok sa laptop ng una.
Pagkatapos nitong iabot ang baby oil
kay Liam ay inutusan naman siya ng huli na tanggalin ang tshirt niya pero ayaw
niya kaya itinaas nalang niya hanggang balikat.
Naitaas na niya ang kanyang tshirt
pero hindi pa nito nilalagyan ng oil ang likod niya. Nainip na siya.
"Oyy, ngayon mo ba talaga ako
planong imassage o bukas?" naiinis niyang saad.
"A-ahh. Heto na. Atat!"
Napalunok si Liam ng itinaas ni Cali
ang damit nito. Ang kinis pala ng balat nito. Hindi ito gaanong maputi pero
makinis at wala man lang kahit isang nunal o pilat.
Nanatili siyang nakatitig sa likod
nito kaya naman tila nainip ito.
"Oyy, ngayon mo ba talaga ako
planong imassage o bukas?" sabi nito.
Saka lamang siya parang natauhan.
"A-ahh. Heto na. Atat!"
Nilagyan na niya ng oil ang kanyang
kamay at inihagod sa likod nito. Ang labis niyang ipinagtaka ay kung bakit
parang nakuryente siya sa sandaling sumayad ang kanyang palad sa likod nito.
Imbes na ito ang mapasinghap ay siya.
Pinilit niyang magconcentrate sa
pagmamasahe dito. Kahit konti ay may nalalaman siya sa tamang pagmamasahe dahil
masahista ang kanyang ina.
Di nagtagal ay napapaungol si Cali
sa bawat diin at hagod niya sa likod nito. Kaya naman lalo niyang pinagbuti ang
kanyang ginagawa.
"Ahh. Shit! Ang sarap!"
"Hoyy! Bastos. Para ka namang
inaano diyan!" saway ni Eric dito at bahagya pa niya itong hinampas ng
unan si Cali.
"Haha! Sorry naman. Ang sarap
eh. Ang galing palang magmasahe ng asungot na 'to"
"Hey! Gusto mong ituloy ko o
hindi?" singit niya.
"Gusto"
"Then shut up!"
Napahagikgik ito. Minasahe na niya
ang bawat parte ng likod nito. Pati ang mga braso nito ay di niya pinalagpas.
Pero nang bumaba sa likod nito ang
masahe niya ay napatigil siya.
Sa mismong taas ng puwitan nito ang
susunod niyang mamasahiin. Hindi kaya ito magagalit?
Bahala na, sabi niya sa sarili.
Nang sumayad ang palad niya sa
bandang iyon ay walang naging reaksyon si Cali.
Nang tingnan niya ang mukha nito ay
nakapikit ito. Pinakiramdaman niya ang paghinga nito.
"Nak nam **** naman oh!
Tinulugan ako" bulalas niya.
Napatawa sa tabi niya si Eric.
Maging siya ay napangiti narin.
"Hayaan mo na. Napagod siguro
yan. Tingnan mo naman 'tong sinulat niya oh. Haba tas English pa" sabi
nito habang hawak ang papel na pinagsulatan ni Cali sa project niya.
Napabuntong-hininga siya at itinigil
na niya ang pagmasahe sa taas ng pwit nito. Tumayo na siya at nagpunas ng
kamay. Ibinaba rin niya ang tshirt ni Cali pagkatapos ay tumabi siya kay Eric.
"May nadownload kang new movie,
bro?" tanong nito sa kanya.
"Meron, yung Wizard of Oz. Di
ko alam kung HD yun o baka pirated. Tingnan mo nga!" sagot niya.
Hinanap nito ang movie at nang iplay
nito ay medyo madilim at pirated kaya di nila itinuloy. Maya-maya, narinig
nilang humilik si Cali. Napatawa sila pareho.
"Pagod nga!" bulalas niya.
Hindi namalayan ni Cali na nakatulog
pala siya habang minamasahe siya ni Liam. Hindi niya alam kung masyado bang
nasarapan siya sa masahe nito o dahil sobrang pagod siya sa pag-iisip at
pagsusulat kanina.
Nagising siya na may nakadantay na
braso sa kanyang baywang. Patay na ang ilaw sa kwarto nila kaya naman medyo
madilim. Pero nang makaadjust na ang kanyang mga mata ay naaninag niyang si
Liam ang may-ari ng brasong iyon. Magkatabi sila sa kama nito. Dahan-dahan
niyang tinanggal ang pagkakadantay ng braso nito sa kanyang baywang. At iniayos
ito sa paghiga. Umungol ito kaya kinabahan siya baka nagising ito. Bumangon
siya at bumaba sa kama nito para sana pupunta sa kama niya nang marinig niyang
nagsalita ito habang tulog.
"Karla.. Karla" parang
nangungulila ang boses nito kahit tulog.
Karla? Sino si Karla?, tanong niya
sa isip. Tatalikod na sana siya pero muli itong nagsalita.
"Mahal na mahal kita,
Karla"
Parang may kumurot sa kanyang
dibdib. Nakaramdam siya ng pinong sakit. Kung bakit ay di niya gaanong
maipaliwanag.
"Di ko naman siguro crush si
Liam" bulong niya sa sarili.
Hinintay niyang muling magsalita ito
pero naging payapa na ang paghinga nito kaya naman humiga na siya sa kanyang
kama. At itinuloy ang kanyang pagtulog.
"Who are you, Karla?"
tanong niya sa kanyang isipan. Hanggang sa muli siyang nakatulog.
Amoy ng pinipiritong itlog at hotdog
ang gumising kay Cali. Napabalikwas siya ng bangon at agad tiningnan ang oras
sa kanyang cellphone. 7:46!
"Nakuh! 7:46 na! 7:46 na!
Nakuhh. Late na ako! Late na ako!" natatarantang sigaw niya. Agad niyang
hinablot ang kanyang tuwalya sa kabinet at nagmadali sa banyo. Hindi na niya
napansin si Eric na nagluluto sa kusina. Diretso siya sa banyo. Nang makarating
ay agad niyang binuksan ito.
Bumagsak ang hawak niyang tuwalya at
napanganga siya. Nakatitig lamang siya sa iisang bagay. Tila nakalimutan narin
niyang nagmamadali siya. Basta napatulala nalang siya.
Hindi alam ni Liam kung anong una
niyang tatakpan. Kung mukha ba niya o yung nasa baba. Nabigla siya ng bigla na
lamang bumukas ang pinto at pumasok ang nagmamadaling si Cali.
Sa huli ay ang "sandata"
niya ang tinakpan niya. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha ni Cali. Pati
ang bahagyang pangnganga ng bibig nito.
"Hey! Stop staring!"
bulalas niya. Saka lamang ito parang natauhan. Lumunok ito bago nagsalita.
"So-sorry. Pasensiya. Sorry.
Labas na ako" hinging-paumanhin nito at nagmadali ring lumabas. Hindi na
nito naalalang kunin pa ang tuwalya nito.
Nang makalabas na ito ay pinulot
niya ang tuwalya nito at inilagay sa sampayan. Ini-lock narin niya ang pinto.
Pero nang nagbabanlaw siya, naalala
niya ang ekspresyon ng mukha nito. Napangiti siya ng maluwag.
"Aray! Ano ba-- bakit ba
kasi?" reklamo ni Eric. Kanina pa niya ito hinahampas at kinakagat sa
balikat. Napakalakas ng kabog ng dibdib niya at hiyang-hiya siya kay Liam.
"Eric.."
"Oh! Ano?"
"Huhu. Eric.." naluluha
niyang sambit.
"Huwag mo akong iyakan, oy! Di
pa ako patay" pagpapatawa nito pero walang epekto iyon sa kanya. Wala
siyang mukhang maihaharap kay Liam.
"Kasi.."
"Ano nga?"
"Kasi ano.. Eh! Nakakahiya
ako!" bulalas niya at tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang palad.
"Ang gulo mo!" sabi ni
Eric.
"Kwan.. Uhmm.."
"Ano yun?" nagulat siya
nang biglang nagsalita si Liam sa kanyang likuran. Parang huminto ang tibok ng
kanyang puso.
"Oyy, namumutla ka" puna
sa kanya ni Eric. Parang umurong ang kanyang dila at nanlamig ang kanyang mga
daliri.
"L-Liam, so-sorry! Di ko
sinasadya promise!" humarap siya dito pero nanatili siyang nakayuko.
Nahihiya siyang tingnan ito sa mata.
"Oh ba't nakayuko ka? Tingnan
mo ako" sabi nito. Sa tono ng boses nito ay parang nagpipigil itong tumawa
kaya umangat ang tingin niya.
Ganun na lamang ang tawa nito
pagkakita sa kanyang mukha.
"Parang binuhusan ka ng suka a!
Bigla kang pumuti" sabi nito na natatawa.
"Bakit ba?"
"Namumutla ka? Naku, kung iyon
ang inaalala mo, okey lang yun!Alam ko namang hindi mo iyon sinasadya. Yun nga
lang, di na ako virgin sa mata mo" sabi nito at lumakas ang tawa.
"Ah! Parang alam ko na kung
bakit ka nagkakaganyan, Cali" singit naman ni Eric sa kanyang likuran.
"Heh! Hindi ko yun
sinasadya!" depensa niya sa kanyang sarili.
"Bakit ba kasi nagmamadali kang
pumasok dun at di ka manlang kumatok?" tanong naman ni Liam sa kanya.
"8:00 po ang klase ko! Malelate
na ako!" pabulyaw niyang sabi.
"Ayy! May klase ka?"
"Bakit kayo, wala?"
"Wala!" halos sabay na
sagot ng mga ito. Nagpipigil tumawa.
"Aba! Hoy Liam, 8:00 din kaya
ang klase mo kapag WF!" mataray niyang sabi.
"Alam ko. Pero wala kaming
klase ngayon. Baka ikaw lang ang meron"
"Bakit naman?"
"Holiday po ngayon,
shunga!" sagot sa kanya ni Eric. Nang marealize niya kung ano ang date.
Napakamot siya sa batok.
"Ayy sssh.."
"Don't say bad words!"
pinanlakihan siya ni Eric ng mga mata.
"Kung tiningnan mo muna ang
kalendaryo bago ka nagmadaling pumasok at naki-- ah! Basta, kung tiningnan mo
muna kasi, eh di walang nangyaring ganun" sabi ni Liam at pumasok na sa
kanilang kwarto para magbihis. Habang naglalakad ito papasok ay namasdan niya
ang likod nito. Nakabalabal lang ito ng tuwalya. Napakagat-labi siya nang
maalala ang itsura nung bagay na iyon sa harapan nito. Lalo't semi-erected
dahil siguro umaga.
Muli, hinampas niya si Eric.
"Aray!" daing nito.
Napapagod na ang binti ni Cali dahil
sa tagal ng pagkakatayo niya sa pila. Magpapaclear na siya ng kanyang
clearance. Exam na kasi nila nextweek kaya abala na sila sa pagpapapirma. Para
hindi mabored ay isinalpak niya sa kanyang tenga ang headset niya at
nagpatugtog sa cellphone niya.
"It's a quarter after one. I'm
all alone and I need you now. Said I wouldn't call but I lost all control and I
need you now" mahina niyang pagsabay sa awit sa kanyang cellphone.
Paborito niyang kanta yun.
Hindi niya namalayan na malapit na
siya pero pagod na talaga ang binti niya. Hindi naman siya pwedeng umalis sa
kanyang pwesto dahil baka pagbalik niya, mas marami nang nakapila.
Makalipas ng isang sandali ay may
kumalabit sa kanyang balikat. Akala niya ay aksidente lang na nakalabit siya ng
nasa likuran niya kaya di niya pinansin. Pero muling may kumalabit sa kanyang
balikat. Tinanggal niya ang headset sa kanyang tenga at humarap sa kanyang
likuran.
"Ano ba--"
"Ako na magpapapirma.
Magpahinga ka muna"
"Liam? Tapos ka na ba
magpapirma?" bumaba ang tono ng boses niya ng malamang si Liam ang
kumalabit sa kanya.
"Oo. Kahapon pa kaya akin na
clearance mo. Ako na pipila para diyan. Basta bigay mo yung pambayad at ID
mo" sabi nito. Ayaw pa sana niya pero pagod na talaga ang binti niya kaya
pumayag narin siya. Pagkatapos iabot dito ang mga kailangan nito ay nagsabi
siyang mauupo muna sa foodcourt sa loob ng school nila.
"Oh sige, pupuntahan nalang
kita mamaya doon. Hintayin mo ako ah? Wag ka munang magmemeryenda" utos
nito sa kanya.
"Opo boss. Masusunod"
pagkatapos sumaludo dito ay lumabas na siya ng Administration Building at
dumiretso sa foodcourt. Magkatabi lang ang foodcourt at Admin. building kaya
nakaupo siya agad. Naginhawaan din ang kanyang mga binti sa mahabang minuto o
oras na pagtayo niya para lamang makapagpapirma.
Hindi rin naman nagtagal ay nakita
na niyang paparating na si Liam.
"Uy! Ang bilis ah" sabi
niya.
"Tsk. Ako pa!" sabi nito
at kinindatan siya. Iniabot na rin nito sa kanya ang exam permit niya.
"Naku! Salamat, Li"
madamdaming wika niya dito.
"Salamat lang? Dapat may iaabot
ka sakin" sabi nito at inilahad ang palad nito na parang nanghihingi.
Ampota! Ugali talaga nitong ulol na
'to, nakakainis!, sigaw niya sa utak. Nagngingitngit din ang kalooban niya.
"Magkano ba?"
taray-tarayan niya.
"Ah. Ibili mo nalang ako ng
spaghetti tsaka hotdog. Gutom na kasi ako" sabi nito habang hinihimas ang
tiyan, hindi pansin ang pagtataray niya.
"Okay!" nasabi nalang niya
pumili na sila ng table na mauupuan. Pagkatapos makakita ay pinahawak niya ang
kanyang bag at books kay Liam at pinuntahan ang tindera para umorder ng
meryenda nila ni Liam. Kagaya nito ay umorder narin siya ng spaghetti at isang
hotdog at sa drinks naman, kanya yung buko juice at sting na red naman dito.
Hawak niya ang dalawang platito ng
spaghetti at hotdog habang ang drinks naman ay isinunod ng tindera sa table
nila.
Walang imikan sa pagitan nila ni
Liam habang kumakain sila. Pero madalas niya itong nakatingin sa kanya habang
nakangiti.
"Bakit?" sabi niya habang
ang kanyang bibig ay puno ng spaghetti.
"Ganyan ka talaga kumain no?
Walang arte kahit sa public" sabi nito habang di nawawala ang ngiti sa
labi.
"Itinigil mo na yang kakatitig
sakin at ubusin mo na yang pagkain mo. Alam ko nang maganda ako" sabi niya
at humagikgik.
"Kapalmuks! Tanggalin mo yang
ketchup sa gilid ng bibig mo. Para kang bata" sabi nito. Awtomatiko namang
gumalaw ang kamay niya para kumuha sana ng tissue pero naunahan siya nito at
ito pa mismo ang nagpunas sa gilid ng bibig niya.
"Naku naman! Sweet mo ngayon
ah" sabi niya at di maiwasang di mapangiti.
"Say ahh!" utos nito. Siya
naman itong uto-uto, sumunod. Nilagay nito sa bibig niya ang tissue at
pagkatapos ay tumawa ng malakas. Halos ang lahat ng studyanteng naroroon ay
lumingon sa kanila. Hiyang-hiya siya kaya yumuko nalang.
"Liam! Yang tawa mo nga. Lakas
ng bunganga nito" saway niya rito dahil patuloy ito sa pagtawa.
Maya-maya ay may lumapit sa kanila.
Nang lingunin niya ang mga ito ay sina Andrew, Lea at Faith pala, mga kaklase
niya. Bakla si Andrew. Kilala niya itong mataray at malandi kaya di sila
magkasundo. Pero di rin naman magkaaway.
"Friend. Sino siya?"
tanong nito pagkalapit sa kanila.
"Hi girls! I'm Liam, boyfriend
ni Cali" dire-diretsong pagpapakilala ni Liam na siyang ikinagulat niya.
"Hey! Teka--"
"Wow naman. Ang taray mo naman
te. Ampogi ng boyfriend mo"
"Halla! Hindi ko siya boyfriend
sis"
"Ay ganun? Dinedeny mo na ako?
Hmmp" pagdadrama ni Liam. Naiinis siya rito. Bakit ba lagi siya nitong
pinagtitripan?
"Shut up!" bulyaw niya
rito. "Totoo, hindi ko siya boyfriend" baling niya sa tatlo habang
umiiling.
Nakangiti si Andrew pero halatang
plastic.
"Ano raw, sis? Di niya
boyfriend? Aba naman. Siya pa ang may ganang magdeny. Kala mo kung sinong
maganda" narinig niya sa likuran ng mga ito. Nang makita kung sino ay si
Janine.
Oh! The ugly spoiled brat is here
again! sabi niya sa isip.
"Ha?" tanging naisaboses
niya. Nagtitimpi lamang siya.
"And who are you?" si Liam
ang nagsalita pagkatapos.
"Ah! Hi po! I'm Janine, and you
are?" malanding sabi nito kay Liam at inilahad ang palad para
makipagkamay.
Nakita niyang tiningnan lamang ito
ni Liam pagkatapos ay tumingin sa kanya. Kinindatan siya nito.
"Naghugas ka ba ng kamay?"
tanong nito kay Janine. Muntik na siyang mapaubo dahil umiinom siya noon ng
buko juice.
"Excuse me?" mataray na
tanong ni Janine. Tumaas pa ang isa nitong kilay.
"I cannot repeat. Come on,
honey. We still have things to do" seryosong sabi ni Liam pagkatapos ay
tumayo at binuhat ang mga gamit niya. Na para bang totoong syota siya nito.
Naweweirdohan na siya rito. Bakit ba ganun kung umasta ito?
Kahit nagtataka ay napilitan siyang
tumayo.
"Naku, Janine. Sorry sa inasal
ni Liam ha? Mataray talaga yun. Pero sa maniwala ka't hindi, di ko talaga siya
boyfriend" sabi niya kay Janine na noon ay parang tulala pa sa sinabi ni
Liam.
"Bitch!" mahinang usal
nito. Nagkunwari na lamang siyang di ito narinig.
"Loko-loko ka talaga, Li! Ano
na naman ba ang nakain mo at ganyan ka na naman umasta?" tanong ni Cali
habang naglalakad sila pauwi sa kanilang boarding. Sinubukan na niyang kunin
dito ang kanyang bag at books pero ayaw nito. Ang sabi nito ay baka nakasunod
sina Janine.
"Yung spaghetti" maikling
sagot nito. Ni hindi siya nito nilingon.
"Ay. Galit ka?" tanong
niya. Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Gaano na nila katagal na
ginagawa sayo ang ganun?" seryosong tanong nito.
"Ang alin?"
"Yung kagaya ng ginawa nung
babaeng yun sayo kanina"
"Ang alin nga?"
"Narinig mo naman di ba?"
"Ah! Yun ba? Wala yun. Di ko na
nga pinapansin"
Tumango-tango ito at nagsimula ulit
maglakad. Sinundan nalang niya ito na walang imik. Habang naglalakad sila ay
pasimple niyang hinawakan ang kamay nito na siyang nagpabagal sa paglakad nito.
HHWW o holding hands while walking ang drama nila sa oras na yun.
Natatawa siya sa isipan kaya di niya
maiwasang mapangiti. Nang lingunin siya nito ay napakunot ang noo nito.
"Anong nakakatawa?"
seryosong tanong nito na nagpaluwang sa ngiti niya.
"Liam. Bakit ka badtrip? Di ka
naman inano kanina ah" tanong niya.
"Naiinis ako dahil ikaw ang
tinatarayan nila. At ikaw naman, wala kang ginagawa. Masyado ka kasing
nagpapakabait eh! Kaya ka ginaganun" pagsesermon nito. Unti-unting bumaba
ang ngiti niya at kumunot din ang noo niya.
"Eh bakit ba kasi apektado
ka?"
"Dahil ma.."
"Dahil?" kinabahan siya.
Lumakas din ang kabog ng dibdib niya.
"Dahil ano.. Uhm. Magkaibigan
tayo! Yun, dahil magkaibigan tayo" sabi nito pero halatang pati ito ay
kinakabahan dahil malikot ang mga mata nito at ang kamay nitong hawak niya ay
bahagyang nanlamig.
Nakahinga siya ng maluwag. Akala
niya, mahal siya nito. Ay teka! Mahal? Napakaambisyosa naman niya para mag-isip
ng ganun. Maging siya ay parang napahiya sa naisip. Para maiwala ang
pagkapahiya ay sinubukan niyang magpakakulit.
Hinila niya si Liam dahil hawak niya
ang kamay nito at tumakbo. Napilitan din naman itong sumabay sa kanya.
Nang may nakita silang mauupuan ay
umupo sila na humihingal.
"Pagkatapos ng exam, uuwi ka ba
sa inyo?" maya-maya ay tanong nito. Binitawan na niya ang kamay nito dahil
namamawis na ang palad niya pero ayaw nitong bitawan. Kaya hinayaan nalang
niya.
"Uhmm. Siguro.. Pero oo naman!
Uuwi ako. Miss ko na ang kapatid ko eh. Tsaka sina mama" sabi niya habang
nakatanaw sa malayo. Naramdaman niya ang mariing pagpisil nito sa kanyang
palad.
"Pwedeng sumama?" tanong
nito kaya naman napalingon siya rito.
"Sure ka?"
"Oo naman. Ikalawang taon nang
magkakilala tayo pero di pa ako nakakapunta sa inyo" walang halong birong
sabi nito.
Naku lagot!
"Sure ka talaga? Di ka
nagbibiro?" paninigurado niya.
"Oo nga! Pero wag kang
mag-alala, sakin lahat ng gastusin. Basta isama mo ako sa inyo"
Napakagat-labi siya. Napaisip din
siya sa sinabi nito. Parang nakakahiya kasing isama niya ito sa kanilang lugar
lalo na't madaming chismosa sa kanilang barangay. Baka kapag nakitang may
iniuwi siyang lalaki, mag-iisip na naman ng masama at ichismis siya. Pero okey
lang naman iyon sa kanya dahil sanay na siya. Ang inaalala niya ay si Liam.
Pero sa huli ay nahanap din niya ang isasagot.
"Okay. Pero promise mo, sayo
ang pamasahe ah? At sinasabi ko na sayong maraming chismosa sa aming lugar at
baka kapag nakita nilang may iniuwi akong lalaki, iba na naman ang
iisipin" pagpapaliwanag niya rito. Tumango-tango naman ito.
Dalawang araw na ang nakalilipas
nang matapos ang final exams nila. Wala na silang pasok pero hindi pa siya
umuuwi sa probinsya. Nagdadalawang isip pa kasi siya.
"Cali, ayos na ang gamit ko.
Kelan tayo uuwi sa inyo?" maya-maya ay sumulpot si Liam sa kanyang
likuran. Nasa rooftop siya at nag-iisip. Parang excited na excited ang itsura
nito.
"Sure ka na ba talagang sasama
ka sakin?"
"Alam mo, pang isanglibo't
dalawampung tatlong beses mo nang tinanong sakin yan" sabi nito.
"Heh! Sinisiguro ko lang!"
asik niya rito.
"Masyado mo namang
pinapahalatang ayaw mo akong sumama" ngumuso ito.
"Wag mo ngang gawin yan! Para
kang bata. Ampangit mo pa naman. Di mo bagay" saway niya rito.
Imbes na masupla ito sa sinabi niya
ay tumawa pa ito.
"Kelan pa ako naging pangit?
FYI, gwapo ine kahit anong anggulo!" sabi nito at nagpogi pose pa.
Tinampal niya ang noo nito.
"Aray!"
"Kapal"
"Totoo naman ah. Saan ka pa
makakakita ng ganitong mukha?" ngumiti ito. "May dimple, magagandang
ngipin at ngiti. Bilugang mata. Moreno at siempre, macho!" sabi nito at
pinakita angmasel sa braso.
"Sige, uuwi na tayo bukas.
Pahiram cellphone mo?"
"Bakit?"
"Basta! Akin na. Tatawagan ko
sina mama" hindi pa man nito iniaabot sa kanya ang cellphone nito ay
hinablot na niya rito.
Tiningnan niya ang number ng mama
niya sa cellphone niya at dinial sa cellphone ni Liam. Tumayo siya mula sa
pagkakaupo at lumayo ng bahagya kay Liam.
Natagalan bago sumagot ang nanay
niya.
"Hello?"
"Hello 'nay!"
"Sino 'to?"
"Nanay, si Estong 'to" may
narinig siyang napahagikgik sa likuran niya kaya siya napalingon. Nakikinig
pala si Liam sa likuran niya.
Tinakpan muna niya ang mouthpiece ng
cellphone.
"Bakit ba?"
"Estong?" sabi nito at
saka tumawa. Di na muna niya ito pinansin.
"Ah 'nay? Hello?"
"Hello. Napatawag ka. Bakit
anak? Kaninong number 'tong ginamit mo?"
"Uhmm. Number ho 'to ng
boardmate ko. Actually, kasama ko ho siyang uuwi bukas. Gusto raw niyang
magbakasyon sa probinsiya" sabi niya. Napapakamot siya sa likod ng ulo
niya.
"Naku anak. Okey lang iyon. Mas
mabuti nga iyon nang makilala namin ang mga nakakasama mo diyan" parang
excited ang boses nito. Kahit kailan ay napakabait ng mama niya. Kaya naman
napangiti siya.
"Oh sige po. Yun lang po. Ay
teka! Si Colossus nga po pala?" bigla niyang naalala ang kapatid niya.
"Andun sa silong ng mangga sa
labas. Kasama tatay mo. Kakausapin mo ba?"
"Sige po"
Ilang sandali pa ay medyo naging
maingay sa kabilang linya.
Narinig pa niya ang sinabi ng nanay
niya, "Collong, kuya mo. Gusto ka raw kausapin. Eto oh"
"Kuya!!" malakas na sigaw
sa kabilang linya. Inilayo pa niya ang cellphone sa kanyang tenga.
"Ibor! H-hello. Kumusta na ang
pogi kong kapatid?" biglang naging masaya ang pakiramdam niya. Miss na
miss na pala niya ang nag-iisang kapatid niya.
"Eto po, pogi parin! (tawa)
Kelan ka uuwi kuya?"
"Bukas! Uuwi kami bukas"
excited niyang sabi. Parang bigla-bigla niyang gustong umuwi.
"Kami? Sabi ni teacher, pag
"kami" raw, ibig sabihin marami. Kaya bakit "kami" kuya?
May kasama ka?" usisa nito. Magaling ang kapatid niya. First honor noong
grade one.
"Oo baby. May kasama ako.
Makilala mo siya bukas"
"Baby na naman si kuya eh! Di
na ako baby. Sabi ni tatay, binata na raw ako kasi tuli na ako"
Biglang napalakas ang tawa niya.
Halos hindi siya tumitigil.
"Wow naman! Nagpatuli na pala
ang kapatid ko. Oo nga! Big boy ka na. Pero wag munang magjojowa ha?"
"Dyowa? Ano yun?"
"Girlfriend!"
"Ahh! Oo naman Kuya. Ay! Nga
pala kuya, bili mo daw kami ng pancit Malabon ni tatay sabi niya" sabi
nito. Narinig din niya ang bulong ng tatay niya rito.
Bigla siyang napaisip.
"Naku, baka wala na akong pera.
Pero sige, ibibili ko kayo bukas. Ayaw mo ba ng laruan?" tanong niya.
"Huwag na kuya. Madami pa naman
akong laruan dito eh. Pagkain nalang" napangiti siya. Ramdam niya ang
labis na pagmamahal niya sa kapatid niya.
Halos magtatatlumpong minuto silang
nag-usap bago natapos.
Nang patayin na niya ang cellphone
ni Liam at harapin ito ay kakaiba ang ngiti nito. Hindi yung tipong nang-aasar
o anuman. Ang ngiti nito ay parang may halong paghanga.
"Oh bakit? Eto cp mo"
iniabot niya dito ang gadget. Agad naman nitong kinuha sa kanya.
"Kapatid mo ba talaga yung
Colossus na yun?" tanong nito.
"Oo naman. Bakit ba?"
"Parang anak mo lang ah. Ang
sweet niyo naman. Nakakainggit kayo ah"
"Eh ikaw? Wala ka bang
nakababatang kapatid?"
"Meron"
"Oh. Eh hindi ba kayo
close?"
"Close"
"Eh ba't naiinggit ka pa?"
"Wala lang"
"Ewan ko sayo" tumalikod
na siya rito at naglakad pababa sa rooftop. Babalik na siya sa kwarto para
mag-empake.
Ang bait pala niyang kapatid,
naiisip ni Liam habang sinusundan niya si Cali papunta sa kwarto nila. Hindi
niya maiwasang humanga rito. Minsan, kakaiba talaga ang pagtingin niya rito.
Hindi ito yung mga kakilala niyang bading na oportunista. Nasasabi niyang
oportunista dahil kapag napapalapit ang mga ito sa kanya ay kung ano ang
ginagawa sa kanya. Hindi lang siya minsang nahipuan. Naiinis siya kapag
ginagawa nila iyon.
Si Cali? Halos dalawang taon na
silang magkakwarto pero ni minsan, hindi niya ito kinakitaan ng interes sa
kanya. Kahit nakabrief lang siya sa karapan nito kapag nagpapalit siya ng
damit, hindi nito pinapansin. Nagagalit pa nga minsan.
Naalala niya noong minsang
nagtanggal siya ng tuwalya sa harapan nito. Awtomatikong napatakip ito sa mga
mata at saka tumalikod. Nang makadamit na siya ay hinampas siya nito ng unan
sabay sabing: Bastos! Kung ganyan lagi ang inaasta mo, sino ba ang bading na
rerespeto sayo? Pagnanasaan ka lang nila pero hinding-hindi ka nila
marerespeto.
Kahit tinamaan siya sa sinabi nito
ay pinilit niyang magbiro. "Ey, nagagalit ka?"
Napabuntong-hininga ito at saka
tumingin sa kanya sa mga mata. At sinabing "Liam, hindi ako galit."
Malumanay na ang boses nito.
"Alam mo, hindi naman magiging ganun ang mga bading sa kung ano sila kundi
dahil din sa inyo. Minsan kasi, kayo pa mismo ang nagpapakita ng motibo. Tapos
kapag gumawa sila ng aksyon, galit kayo"
Napalunok siya. Hindi na siya
nakasagot nun.
"Aray!" daing niya ng
mabangga sa pader. Hindi niya napansin dahil sa iniisip. Nagtatakang lumingon
si Cali sa kanya, nakakunot ang noo.
"Wala 'yun, uhmm, may tinik
lang. Pero okay na" pagsisinungaling niya pero masakit ang gilid ng kilay
niya kaya di niya maiwasang hawakan.
"Tinik? Sa gilid ng
kilay?" tanong nito at lumapit sa kanya. Inalis nito ang kanyang palad na
nakatakip sa gilid ng kanyang kilay. Narinig niya ang pagsinghap nito.
"Napano ka? May dugo oh!
Hala" nag-aalalang tanong nito.
Naramdaman niyang sumasakit lalo ang
gilid ng kilay niya. Papanong dumugo? Masyado bang malakas ang pagkakauntog
niya?
"Halika, dali! Tara sa
kwarto" sabay-hila sa isang kamay niya samantalang ang isa ay nakahawak
parin sa sugat niya.
Nang makarating sa kwarto ay agad
siyang pinaupo nito sa kama at naghalungkat sa gamit nito.
Nang humarap ito sa kanya ay may
hawak na itong Betadine at bulak.
"Oy! Wag. Masakit yan.
Ayoko" umusod siya sa kama palayo dito.
"Tanga! Hindi yan. Alcohol,
gusto mo? Yun ang masakit. Hindi masakit ang betadine sa sugat. Lumapit ka
rito, para kang bata" sabi nito at pilit siyang inaabot para hilain.
Umusod parin siya kaya sumampa ito
sa kama at pinigilan siya.
"Akina! Nang matigil na yang
dugo! Ang kulit eh" naiinis na sabi nito sa kanya. Tumahan siya at ibinaba
ang kamay na nakatakip sa sugat niya.
"Ayan. Love na love kita kapag
masunurin ka eh" sabi nito tsaka ngumiti. Napangisi siya dahil sa sinabi
nito. Parang nabasa naman nito ang iniisip niya kaya agad nitong binawi ang
sinabi.
"Hey! Hindi ganun ang ibig kong
sabihin"
"Eh ano?"
"Basta. Wala lang. Tumahimik ka
na nga, wag makulit. Hilahin ko bulbol mo" hindi na siya nito pinagsalita
at nagfocus na ito sa paglilinis sa sugat niya. Ayan na naman siya, sumusunod
sa bawat salita ni Cali. Parang ayaw niyang komontra kung ito ang nag-uutos.
Hmm, pero blessing in disguise yata ang pagkakauntog niya. Naks naman!
Habang seryoso itong nakatunghay sa
mukha niya at nililinisan ang sugat niya, seryoso din siyang nakatitig sa mga
mata nito. Naririnig niya ang malalim na paghinga nito. Totoo kayang concerned
ito sa kanya?
"Hoy! Tama na ang katititig.
Tapos na po" sabi nito. Parang nahimasmasan siya. Agad niyang dinama ang
sugat niya, may band-aid nang nakatapal.
"Ayan, binatang
tatanga-tanga" sabi nito at ibinalik ang mga ginamit sa pinagkuhanan.
Nag-empake na ito pagkatapos. Inabot
sila hanggang hapon dahil naglinis narin sila sa buong unit nila. Nang matapos
nila ang lahat ng gawain ay saka naman dumating si Eric.
"Ay! Andito na po ang mahal na
hari!" sigaw niya habang natatawa. "Bro, hindi pala ako uuwi satin
bukas. Sasama ako kay Estong, este Cali sa probinsiya nila. Tinawagan ko narin
sina mama kanina. Okay lang naman daw sa kanila" sabi pa niya.
"Aba. Sama rin ako,
pwede?" sabi naman nito.
"Hala! Sure ka?"
"Oo. Sure na sure. In fact,
wala pa talaga akong ideya kung ano ang itsura ng town niyo. Kaya gusto ko rin
makita"
Napahawak si Cali sa sentido nito.
"Oh gosh. Dalawang lalaki ang
sasama sakin pag-uwi ko? Katakot-takot na chismis na naman yun" mahinang
usal nito na siyang ikinangiti niya.
"Bakit, ano bang sasabihin nila
kapag may iniuwi kang lalaki?"
"Naku, sinasabi ko sayo, ayaw
mong marinig"
"Gusto ko"
"Well, malalaman natin pag-uwi
natin dun. Pero Eric, sure ka talaga?"
"Oo nga. Tatawagan ko si papa
mamaya. Payag yun" seryosong sagot ni Eric.
"Well then, ayusin mo na gamit
mo. Pero kelan naman kayo babalik sa inyo? Baka kasi di kayo masasamahan
pabalik dito sa lungsod"
"Eh di sama-sama nalang tayo
pagbalik mo dito sa lungsod" sabad niya.
"Oh my gosh!" gulat na
bulalas ni Cali.
"Liam, gising na po. Tanghali
na" nagising siya sa mahinang yugyog sa kanya ni Cali. Nang magmulat siya
ng mata ay nakangiti itong nakatunghay sa kanya.
"Anong oras ba tayo pupunta sa
paradahan ng biahe papunta sa inyo? Inaantok pa ako eh" namamaos pa ang
boses niya at hindi pa niya masyadong maimulat ang mata. Muli niyang ipinikit
at tinangkang matulog ngunit mas lalo lamang siya nitong kinulit.
"Oo na. Babangon na! Nakakainis
ka talaga" reklamo niya. Tatawa-tawa naman itong umalis sa harapan niya at
bumalik sa kama nito para ayusin ang mga maiiwan.
Alam niyang katatapos lamang nitong
maligo dahil basa pa ang buhok nito. Si Eric naman ay nagpapantalon na. Kahit
hihikab-hikab pa ay bumangon narin siya at tumuloy sa banyo.
"Cali, pano mo nagawa
yun?" tanong ni Eric na siyang ikinalingon niya rito.
"Ang alin?" inosenteng
balik-tanong niya.
"Yung pagpapabangon mo kay
Liam" sabi nito habang nagsusuot ng black tshirt na may tatak na Blind
Rhyme. Bagay na bagay dito ang suot. Mas lalong lalaki itong tingnan at mas
lalong gumugwapo kapag nakapantalon at nakatshirt lamang.
"Anong nakakapagtaka dun?"
muli niyang tanong.
"Walang nakakapagpabangon dun,
kahit sina Tita Vilma. Gigising yun kung kelang gusto. Pero ikaw, agad mong
napabangon ah" sabi nito. Siguro nanay ni Liam yung Tita Vilma na yun.
Nagkibit-balikat siya.
"Ewan. Siguro, ayaw lang
machansingan kaya bumangon agad" sabi niya. Wala siyang inaasahang ibang
rason. Tumango-tango na lamang si Eric na parang ayaw nang sumagot pa. Isinunod
nitong nilinis ang sapatos at habang abala ito ay panay ang tanong nito sa
kanya tungkol sa kanilang lugar. Sinabi naman niya ang mga lugar na exciting
puntahan gaya ng hotspring, falls, yung manggahan nila, ilog at marami pa.
Halata naman niyang excite na excite na ito.
Nagbiro din ito na baka marami daw
siyang mapapaiyak na dalagang bukid pagdating nila doon. Natawa naman siya
kahit papano.
"Ulol!" sabi niya rito
habang tumatawa. "Baka ikaw ang iiyak dahil hindi ka papansinin"
"Nakah! 'Tong gwapo kong 'to,
hindi mapapansin? Imposible yun. Pati nga hayop, napapalingon kapag ako ang
dumadaan" sabi naman nito habang nakangiti. Nagpopogi pose pa.
"Ay oo! Maraming kalabaw doon.
Oo nga pala, mapapansin ka. Maraming mamamansin sayo. May kalabaw, may baka,
aso, pusa. At.. Oh! Yung monkey namin!"
"Kj kang beki ka! Bakit di ka
nalang mag-agree?"
"Bleh! Hindi ako agree"
sabi niya at dinilaan ito. Inilagay niya sa kanyang bag ang mga iuuwi niyang
gamit.
"Hindi ka magkakaroon ng papa
niyan kapag di ka nag-agree na gwapo ako" sabi nito sa kanya sa tonong
parang hindi siya titigilan hangga't di siya nagsasabi ng "Oo na! I
agree"
"Eh di mabuti. Magmamadre kaya
ako" sabi niya na siyang ikinatawa nito ng malakas. Halos hindi ito
tumigil. Pero nang mahimasmasan ay nagsalita ito. "Madre na may
sandata!" sabi nito at muling tumawa.
"Okay. At dahil tinawanan mo
ako, mas lalong di ka gwapo!" muli siyang dumila at ibinaling ang
atensiyon sa kanyang ginagawa. Nang matapos ay tumayo na siya at nagpalit.
"Eric, get out" utos niya
rito.
"Arte nito. Bakit ba? Wala ka
namang boobs ah"
"Che. Kahit na. Labas!"
"Ayoko. Eh di ikaw na magpalit
sa labas"
"Fine! Pangit!"
"Aray! Personalan?"
"Honest lamang ako no!"
sigaw niya rito at lumabas sa sala. Total naliligo palang si Liam at nasa loob
naman si Eric, pwede naman siguro siyang maghubad doon. Una niyang tinanggal
ang shorts niya at isinunod ang tshirt. Yumuko siya ng bahagya para abutin sa
sofa ang pantalon niya. Nang maisuot ay nagtshirt na siya ng kulay asul na may
tatak na THE YUMMY RETURNS. Nang maayos na ang damit niya ay nagpivot na siya
para bumalik na sana sa kwarto nang magulat siya dahil andun sa may pintuan ng
banyo si Liam at titig na titig sa kanya. Halos mapalundag siya.
"H-hey! K-kanina ka pa ba
diyan, Liam?" kinakabahang tanong niya. Baka nakita siya nito nang
nagpapalit siya! Oh my gosh!
"H-ha? Ah.. Hindi, k-kalalabas
ko lang" sabi nito at gumalaw ang adam's apple nito tanda na napalunok
ito. Nakahinga siya ng maluwag. Buti naman, sa loob-loob niya
"Ah. Sige, pumasok ka na muna
sa kwarto para magpalit. Mamaya na ako papasok" sabi niya rito.
"T-teka. May naiwan ako sa
loob, kukunin ko lang" sabi nito at agad bumalik sa loob ng banyo sabay
sara ng pintuan.
Patay-malisya naman siyang pumasok
sa kwarto at muling nakipagsigawan kay Eric.
"Shit!!" mahinang usal ni
Liam habang nakatapat ang katawan sa malamig na tubig sa shower. Hindi niya
maintindihan kung bakit ganun ang nararamdaman niya, nag-iinit.
"Nakakainis! Mawala ka
na!" muli niyang usal. Bigla kasing lumukob sa kanya ang isang kakatwang
pakiramdam na di naman dapat maramdaman lalo na't bading ang kanyang nakita.
Paglabas niya kanina sa banyo ay
nakita niya ang pagtanggal ni Cali sa saplot nito at itinira lamang ang
underwear. Gugulatin sana niya ito pero may kung anong bagay na pumigil sa
kanya at nag-utos sa kanyang manahimik at panuorin ang pagpapalit ng damit ni
Cali.
Nasilayan niya ang makinis na binti
nito paakyat sa matambok nitong likod. Doon siya humanga. Hindi kasi niya ito
napapansin dati. Ganun pala ito katambok? Pati ang likod nito ay makinis at
maliit ang beywang nito na parang hindi sa lalaki. Pati ang mga binti nito ay
pangbabae, hindi kaya ito nagtatrabaho ng mabibigat?
Nang lumingon ito ay saka lamang
siya parang natauhan. Kita niya ang kaba sa mukha nito na kung sasabihin niyang
nakita niya ang kahubdan nito ay malamang mamumula ito o mas malala pa kaya
sinabi niyang kalalabas lamang niya. Pero ang pesteng bibig niya, nautal.
Pakiramdam niya kanina ay parang natuyo ang lalamunan niya.
"Hindi pwede 'to. Hindi pwede
'to" bulong niya sa sarili. Nang bumaba na ng bahagya ang temperatura ng
katawan niya at bumaba narin ang naka-salute sa kanya ay muli niyang tinuyo ang
katawan gamit ang tuwalya at lumabas na ng banyo.
"Manong Marnel, sino po
biahe?" tanong ni Cali sa lalaking kakilala niya. Nasa paradahan na silang
tatlo nina Liam at Cali. Hindi niya maiwasang mapatitig kanina kay Liam dahil
sa porma nito. Gwapong-gwapo talaga ito. Nakaayos ang buhok, nakatshirt ng gaya
ng sa kanya. Yung tshirt na may tatak na THE YUMMY RETURNS, yun nga lang, puti
ang kulay nito. Hindi niya alam na may ganun din pala itong tshirt.
"Bakit, uuwi ka ba satin?"
tanong ng lalaki sa kanya.
"Oho"
"Si Mang Fermin pero hintayin
niyo lang muna yung jeep kasi dinala niya sa bodega yung mga tabako"
paliwanag nito.
"Ahh. Sige po. Salamat"
tugon niya rito. Tatalikod na sana siya pero bumulong ito sa kanya.
"Sino'ng mga yun Estong. Kasama
mo ba silang uuwi satin?"
"Ah, opo. Kaklase ko po sila.
Ewan ko nga po eh. Biglang naisipang sumama sakin. Para daw makita nila ang
lugar natin"
"Ay oo! Buti naman. Para naman
makita nila ang ganda ng lugar natin, di ba?"
Napangiti siya.
"Oo nga po eh. Teka lang po
muna ha? Pupuntahan ko lang muna sila" paalam niya rito at nilapitan ang
dalawang bugok.
"Ano raw?" tanong ni Liam
pagkalapit niya rito.
"Tingnan mo 'to, chismoso"
sabi niya rito at ngumuso. "Wala pa daw yung biahe samin kasi nagpunta sa
bodega na pinagbebentahan ng tabako. Mamaya pa yun pupunta rito kaya ilibre mo
na kami ni Eric ng lunch" tuloy-tuloy niyang sabi.
"San ba tayo kakain?"
tanong nito. Di na siya nagtakang agad itong pumayag dahil mapera naman talaga
ito. May sarili itong ATM at Credit Card.
"Sa McDo" si Eric ang
tumugon.
"Hindi, diyan nalang oh. Sa
restaurant na kainan ng tagasaamin. Mura ang pagkain diyan" sabi niya.
"Turo-turo" naisatinig ng
dalawa.
"Oh tapos? Walang sasama sakin
kung ayaw niyong kumain diyan" pagtataray niya at nauna nang naglakad
papunta sa 'turo-turo'. Wala namang nagawa ang dalawa kundi sundan siya.
"Manang, tatlo nga pong rice
tsaka isang extra. At sa ulam naman, isang order po diyan sa adobong sitaw,
sigang na bangus at isa din po sa kaldereta. Tsaka tatlong sabaw narin po.
Salamat!" masiglang sabi niya sa tindera.
"Sige iho, maupo na muna kayo
dun at iseserve nalang namin sa inyo"
Iginiya niya ang dalawa sa isang
table na pangtatluhan. Makalipas ang ilang sandali ay kumakain na sila. Reklamo
ng reklamo nung una ang dalawa dahil sa napili niyang ulam pero nang tikman ay
nagustuhan din.
Nang kumakain sila ay may kumalabit
sa kanya sa likuran kaya napalingon siya.
"Bestfriend!!!" bulalas
niya nang makita ang kumalabit sa kanya. Agad siyang tumayo at niyakap ng
mahigpit ang lalaking nakatayo.
"Ba't bumaba ka dito sa
lungsod?" masayang tanong niya rito.
"Alam ko kasing darating ka
kaya heto, sinasalubong ka" nakangiting tugon ng lalaki. Namiss niya ang
mga ngiting iyon, ang pilyong ngiti. Ang kilay na makapal, ang kutis na sunog
sa araw at ang mga matang sing-itim ng uling.
"Ikaw talaga, gumasto ka
pa" sabi niya rito. May umubo sa likuran niya kaya siya lumingon. Natampal
niya ang noo.
"Ayy oo! Sorry guys. Uhmm,
Dennis, kaklase ko nga pala. Sina Eric at Liam. Guys, si Dennis, bestfriend ko.
Kasama ko siyang uuwi dun sa atin" pakilala niya sa mga ito. Nagkamay
naman ang tatlo.
"Ows?" sabi ni Eric habang
nakataas ang isang kilay.
"Ows ang alin?" tanong
niya.
"Bestfriend ba talaga?"
sarkatikong tanong nito tsaka tiningnan si Liam na noo'y yumuko at itinuloy ang
pagkain.
"Hala. Oo nga" sagot niya
at binalingan si Dennis. "Kain tayo, halika. Order tayo"
"Wag na moks. Kakakain ko lang
eh" sabi nito at bahagyang hinimas ang tiyan.
"Ah. Ganun ba? Upo ka nalang
muna sa tabi ko" sabi niya at kumuha siya ng isang upuan para dito.
Nagsasaya ang kalooban niya. Miss na miss na pala niya ang childhood bestfriend
niya.
Habang masaya silang kumakain ay
kwento naman ng kwento si Dennis na nagpapatawa sa kanya. Halos di niya
namalayang tapos na silang kumain.
"Ako na hahawak sa bag mo. Tara
na sa jeep, andiyan na sa paradahan" sabi ni Dennis pagkatayo nila.
"Teka, magkano lahat yung
kinain natin?" tanong sa kanya ni Liam. Nag-abot ito ng limang daan sa
kanya at sinabing siya na ang magbabayad.
Pagkatapos ay binalikan niya ang mga
ito at isinauli ang sukli ni Liam.
"Hwag na. Di ba may pinapabili
sayo yung kapatid mo? Ibili mo na" sabi nito. Hindi niya alam ang iniisip
nito pero halatang nawalan ito ng gana.
"Sure ka?" tanong niya
rito. Tumango lang ito pagkatapos ay binuhat ang mga gamit at sumunod kay
Dennis. Naiwan sila ni Eric.
"Lagot ka" sabi ni Eric
bago sumunod.
"Bakit?"
"Wala" sagot nito at
tuloy-tuloy nang naglakad. Siya naman ay nagpunta sa tindahan ng Pansit Malabon
para ibili ang tatay at kapatid niya. Pagkatapos ay nagpunta rin siya sa
bilihan ng damit para ibili ang nanay niya ng bestida nito. Nang may magustuhan
ay ibinili rin niya ang tatay at kapatid niya ng tig-isang tshirt para may
magamit ang mga itong bago kapag nagpupunta sa simbahan.
Nang mabili ang lahat ng nais ay
naglakad na siya pabalik sa paradahan. May natitira pang singkwenta sa perang
ibinigay sa kanya ni Liam.
Naabutan niya ang dalawa na kausap
si Dennis. Base sa mga ekspresyon ng mga ito sa mukha ay halatang kasundo nila
ang bestfriend niya.
"Anong topic?" singit
niya. Napalingon ang tatlo.
"Ay! Tungkol sayo moks"
sagot ni Dennis.
"Sakin? Anong tungkol
sakin?"
"Ah wala. Hindi naman masyadong
importante" singit naman ni Eric. Hindi na siya nagtanong sa mga ito.
"Li, pasensiya ka na ah. Eto
nalang natira sa pera mo. Ibinili ko pa kasi sina Mama at papa ng tig-isang
damit eh. Tsaka si Ibor narin" sabi niya sabay abot sa singkwenta pesos
dito pero hindi nito tinanggap.
"Sayo na yan. Keep the
change" sabi nito at ngumiti na nagpalabas sa biloy nito sa magkabilang
pisngi. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Bakit ba sa tuwing lumalabas
ang biloy nito ay ganun ang nararamdaman niya? Ang gwapo-gwapo talaga nito
kapag ganun ang ngiti.
Nabigla siya nang may sumiko sa
kanya ng mahinang. "H-ha?" parang tangang tanong niya.
"Gwapo na ba si Liam at ganyan
kana makatingin sa kanya?" nakangising tanong ni Eric.
"Gago!" asik niya rito.
"Tara na sa jeep. Aandar na ata" akay niya sa mga ito. Binuhat ni
Dennis ang mga karga niya at naglakad papunta sa jeep.
"Sa bubong tayong lahat ah.
Para mangitim din kayo" sabi niya sa mga ito.
"Ayos! Siguradong exciting 'to.
Tapos mamaya, ihuhulog natin si Liam" pilyong sabi ni Eric habang tawa ng
tawa. Binatukan naman siya ng una.
"Tama na yan. Para kayong mga
bata" sabi niya.
ITUTULOY..
