Saturday, August 17, 2013

Call me Cali 1


Nag-angat ng tingin si Cali dahil ang naririnig niyang bulongan kanina ay unti-unting lumalakas. Kitang kita niya sa mukha ng mga kaklase niya ang kilig at pagkabigla. 'Yung iba ay nanlalaki pa ang mga mata at napapasinghap.

Nakayuko siya noon at nagtetext sa loob ng classroom nila habang hinihintay ang kanilang instructor kaya napaangat ang tingin niya. Naguguluhan man ay sinundan niya ang tingin
ng mga kaklase niya-na noon ay sa may pintuan lahat nakatitig-lalo na ang mga kababaihan at mga kagaya niyang bading.

Nang masundan ang tingin ng mga kaklase niya ay maski siya nabigla at napasinghap sa nakita. Bahagya pang napaawang ang bibig niya.
Diyos ko! Martin del Rosario?
Ay teka!
Parang hindi.
Oo, siya nga!

Hindi, kamukha lang 'ata, nagtatalo ang isip niya. Bakit naman pupunta doon si Martin del Rosario? dugtong pa niya sa naisip.

Naglakad ang lalaki papunta sa direksyon ng kinauupuan niya. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaupo sa isang silya malapit sa kinauupoan niya. Isang silya lang ang pagitan nila. Kaklase kaya nila ito? Ba't wala ito nung last week?

"Akala ko si Papa Martin na. Hayy!" napalakas ata ang buntong-hininga niya kaya napalingon ang lalaki sa kanya. Agad naman niyang iniiwas ang tingin at itinuon ang pansin sa hawak na cellphone. Umakto nsiyang busy sa pagtetext. Hindi pa nagtatagal ay pumasok na si Mrs. Velasco, ang kanilang instructor sa English 103 kaya nilagay niya sa silent mode ang cellphone niya at itinago muna sa kanyang mumurahing bag.

"Good morning class. Seems like there are new students huh! Let me know who's new? Please stand up" utos ng guro nila. May tumayong tatlong baguhang studyante. Ang isa sa kanila ay lalaki-yung umupo malapit sa kanya-at dalawang magagandang babae.

"Okay, please sit down. Class, may I request you to introduce yourself again like what you did last meeting? It is for the sake of the new students" sabi ng kanilang guro na nagpasimangot sa kanya.

Self-intro na naman? 'Di na nagsawa. Kaloka, reklamo ng isip niya.

"Let's start with the first row" utos ng kanilang guro. Agad namang tumayo ang nasa pinakaharap na upuan at nagpakilala. Nasa ikatlong row siya kaya medyo natagalan bago siya nagpakilala.

"Uhmm. Hi! Good morning classmates. My name is Callisto Bautista, ah, C-cali nalang for short. I am eighteen years old. Thank you" pakilala niya sa sarili.

Hindi na siya masyadong kinabahan dahil kilala narin naman niya ang ilan sa mga kaklase niya.
Nasa second year college na sila at ang karamihan sa mga kaklase niya ay hindi na bago sa kanya. Pagkatapos niyang magpakilala ay tumayo agad ang susunod sa kanya at ito naman ang nagpakilala.
Nang matapos ito ay sumunod ang lalaking kanina lang ay pinagbubulungan ng mga kaklase niya. Nang pumunta ito sa harap ay mababakas sa mga mukha ng kababaihan ang tinitimping paghanga at kilig.maging siya ay hindi na napigilang mapangiti dahil napakagwapo naman kasi talaga ng lalaking nasa harap.

"Class, will you please behave and remain silent? Give this mister a time to introduce himself" awat ng guro nila sa kanila. Nilingon naman nito ang lalaki pagkatapos. "You may start, son"

Natahimik ang klase pero hindi mo parin maaalis sa mukha nila ng kilig. Wari'y gustong tumili ang ilan.
"Napapa-OA ata ang mga tao rito. Ang lalandi! My gosh. Oo nga't gwapo pero kung makareact sila, wagas! Kala mo may diyos na bumaba mula sa Mount Olympus! Hayy Dios ko" napapailing na naisaisip ni Cali. Tumingin siya sa lalaki na noon ay nagsisimula nang magpakilala ng sarili.

"G-good morning classmates. Uhmm, my name is Kevin Alexander Baverino. I am nineteen years old. You can call me Alex for short. I'm from Manila pero napagpasyahan kong lumipat nalang dito since may bahay naman kami dito. Thank you" magalang na pakilala nito. Aalis na sana ito sa harap para bumalik sa upuan pero may nagtanong na kaklase nila.

"Kuya, kaano-ano mo po ba si Martin del Rosario?" tanong nito na ikinatawa ni Alex.

"Hindi eh. Bakit mo naman natanong 'yan?" natatawang balik-tanong ni Alex na napapakamot sa batok.

"Kamukha mo po kasi siya" sagot ng kaklase nila. Napangiti lang ang lalaki. Maglalakad na sana si Alex papunta sa upuan nito nang may magtanong ulit. Si Janine.

Maarte at sosyalera ang first impression niya rito. Hindi niya ito naging kaklase noong first year sila kaya hindi niya ito masyadong kilala.

Maganda ito pero ang sabi niya sa sarili, "Sa inyo na ang ganda, sakin naman ang talino"
Hindi lang maganda ito. Mayaman pa daw ito sabi ng mga kaklase niya. Halata naman kasi sa mga suot nito. Pati ang bag. Siguro pwede nang pagpatayo ng isang bahay ang halaga nito. May tatak kasi. Hermes 'ata kung di siya nagkakamali. Pero hindi siya nakadama ng inggit. Bakit naman siya maiinggit sa bag na pang-Aling Dionisia? Napaismid siya sa isipin na 'yun.

"Ah Alex, I'm Janine. May girlfriend ka na ba?" walang pagkikiming tanong nito na ikinakunot-noo ni Alex pero agad napangiti rin.

"Sa ngayon, wala pa eh" sagot ni Alex. Napa-ahh ang mga babaeng kaklase niya na para bang nabuhayan ng loob.

Nang wala nang nagtatanong ay pumunta na si Alex sa upuan nito. Tiningnan naman niya si Janine. Napapangiti ito. Para bang masayang-masaya sa isiping single at available si Alex. Well, wala na siyang pakialam dun. Hindi siya interesado sa lalaki.

Pagkatapos nun ay naging maingay ang klase nila dahil sa isa-isang pagpapakilala ng mga kaklase niya sa kanilang mga katabi. Naging tahimik lamang siya sa tabi. Nang matapos ang getting-to-know-each-other process nila ay nagsalita na ang kanilang guro.

"Okey, that's enough class. I hope you are already familiar with your classmates. At tsaka nga pala, I made a seat plan. Total naman, I already had the list of the enrolees of this section, gumawa na ako kagabi. The sort of the seat plan I made will be from A to Z" paliwanag ng guro nila. Sinabihan silang magsitayo muna sa likuran at isa-isa nalang silang pupunta sa upuang itatalaga para sa kanila para mas maayos ang kalakaran.
"Class, this will be your permanent seat in my subject for the whole semester. Any questions?"
"None Ma'am" medyo matamlay na sagot nila.

"Okey. Bautista, your seat will the 10th one and will be followed by Mister Baverino. Then after him..." tuloy-tuloy ang pagsasalita ng kanilang guro habang sila namang nasabihan ng upuan ay nagsimula nang maglakad papunta sa upuan nila.

"Bakit naman puro lalaki na naman ang katabi ko? Hayst kainis ka Ma'am!" sigaw niya sa isip. Matamlay siyang naglalakad papunta sa upuan niya ng may humawak sa mga balikat niya. Napalingon siya. Napasinghap siya nang malaman niyang si Alex ang may-ari ng mga kamay na nakadantay sa balikat niya.
"Magkatabi ta'yo di ba?" tanong nito.

"O-oo."

"Ah! 'Dun yung upuan natin, bilisan mong maglakad" sabi nito at halos itulak siya papunta sa upuan nila.
Naupo na siya sa itinalagang upuan niya, naupo naman si Alex sa tabi niya. Nilingon niya ito. Ngumiti ito kaya nginitian narin niya.

"Nakakahiya ka Cali, wag kang ngumiti. Naiinsulto ang mga ngipin mo sa mga ngipin niya!" sigaw ng utak niya. Dahil dun, umiwas siya ng tingin at idineretso ang tingin sa blackboard.
"Alex nga pala" maya-maya ay narinig niyang sabi nito. Nang lingunin niya ito ay nakalahad ang mga kamay nito. Atubiling tinanggap niya ang palad nito.

"Cali" mahinang sabi niya.

"Nice to meet 'ya bro" sabi nito at ngumisi. Binawi agad niya ang kamay na hawak nito at saka umirap. Napahagikgik ito. Wow hanep, Dracula effect si loko.

"Bro? mukha ba akong maton?" tanong niya rito. Itinuro pa niya ang sarili.

"Joke lang, 'to naman. Peace" paumanhin nito at nag-V sign.

"Wag mo na akong tatawaging bro ha? Babatukan kita!" pinanlakihan niya ito ng mga mata na lalong ikinalakas ng hagikgik nito.

"Highblood ka pala. Oo na. Hindi na kita tatawagin ng bro" sabi nito na nakangiti. Dahil doon, natitigan niya ang mga ngipin nito. White to pinkish ang kulay ng mga ito.

"Hindi naman. Basta keep quiet ka na. may sinasabi si Ma'am" at natahimik na silang dalawa. Focused na focused siya sa sinasabi ng kanilang guro nang kinalabit siya ni Aex. Nilingon niya ito.

"Ano na naman?" pabulong pero may diin na tanong niya.

"Pwedeng samahan mo akong mag-cr?"

"Anong gagawin mo dun?" tanong niya rito.

"Shunga ka rin ano? Kakain siguro ako sa CR! May spaghetti dun. Ang sarap nga eh, natikman ko kanina kaya niyayaya kita. Cali naman! Ano pa bang gagawin ko sa cr? Eh di iihi" papilosopong sagot nito.

Ngali-ngaling batukan niya ito.

"Heh! Pumunta kang mag-isa mo. Taray mo ha! Tsaka baka sabunutan ako ni Janine"

"Bakit ka naman sasabunutan nun? Eh sasamahan mo lang naman ako. Hindi ka papasok sa loob. Sasamahan mo lang ako kung saan ang cr. Di ko kasi alam kung nasaan eh" sabi nito. Bahagya siyang nadismaya. Akala ko sasamahan ko sa loob, sayang!

"Kay James ka na magpasama. Mas maganda na 'yun, pareho kayong lalaki" kaklase nila ang tinutukoy niya. Patuloy sila sa pagbubulongan nang sitahin sila ng kanilang guro.

"Any problem there Cali and Alex? You're whispering something to each other. Can we hear from the both of you?" sabi ng kanilang guro na sinundan ng matunog na "uyyy" galing sa kanilang mga kaklase.
Napakagat-labi siya.

"Ahh. Ma'am, nagpapasama po kasi siya sa cr. Hindi niya po kasi alam kung saang banda ang cr eh" pagdadahilan niya.

"Okey. Pakisamahan mo na lang siya Cali. He's new to our school. Maybe naninibago siya. Go on, go on. I'm giving you 10 minutes"

Naku, patay! Ma'am sabihin niyong bawal siyang lumabas! Sabihin mong mamaya nalang pagkatapos ng subject niyo! Please, please, please! Ayokong samahan siya. Nakakailang! protesta niya sa isip. Napapakagat-labi pa siya.

"Uyy tara na! Excused na ta'yo. Bilis, sasabog na ang pantog ko" hindi mapakaling yaya nito sa kanya. Bahagya pa nitong iniipit ang harapan na parang lalabas na talaga ang tinitimping ihi nito. Kaya napilitan na siyang tumayo at samahan ito sa cr sa ibaba ng building na kinaroroonan ng classroom nila. Mahirap na. Baka maihi pa ito sa pantalon nito at mapahiya. Malaki ang mababawas sa pogi points nito, sayang naman.

Pagkatapos nilang makababa sa building ay iginiya niya ito sa Men's Restroom. Nang maituro niya ang cr ay agad-agad itong pumasok. Bahagya siyang natatawa sa inaakto ng lalaki. Parang bata!

Lumipas ang limang minuto bago ito lumabas. Huminga ito ng matunog na parang nabunutan ng tinik.

"Ayun! Solve. Tara!" sabi nito na itinataas pa ang zipper ng pantalon. Nakayuko ito kaya napagmasdan niya ang umbok na natatabingan ng pantalon. Nang maitaas na nito ang zipper ay ibinaling na niya sa ibang direksyon ang tingin niya. Mahirap na. Baka mahuli siya nitong nakatitig sa "pet" nito.

Cali, let me tell you this again. Bakla ka ha!? Sapat na yun na dahilan para hindi ka respetohin ng mga tao. 'Wag ka nang gagawa pa ng mga bagay na ikasisira lalo ng image mo. Ok?, sabi ng isang maliit na tinig sa isip niya.

Dahil sa isiping 'yun ay napabuntong-hininga siya.

"Bakit?" tanong ni Alex.

"H-ha? Wala"

"Unang napansin ko sa'yo, ang lakas ng buntong-hininga mo" natatawang sabi nito.

"Ganun? Whatever. Halika na. We only have ten minutes sabi ni Ma'am"

"Teka, ba't di ka sumama sa loob kanina?" nakangising tanong nito. Itinaas-taas pa nito ang mga kilay. Tiningnan naman niya ito ng matalim.

"Anong gagawin ko sa loob? Panuorin ang pagpatak ng urine mo sa inidoro? Eww. No thanks"

Bumunghalit ito ng tawa.

"Hindi naman sa ganun. Tsk tsk! Ibang klase ka rin ano?"

"Oo na! Oo na! Halika ka na. Ten minutes is over" sabi niya at hinila na ito paakyat sa ikalawang palapag ng gusaling kinaroroonan nila. Ang hirap hilahin ito. Paano kasi, ang tangkad nito. Maliit parin ang height niyang 5"6 sa tangkad nito. Siguro nasa 6"1 ito.

Pagkapasok nila sa kanilang silid-aralan ay tahimik ang buong klase kung kaya't napalingon ang mga ito sa kanila. Agad siyang umupo sa kanyang silya. Nakasunod naman ang asungot.

"What took you so long, the two of you?" seryosong tanong ng kanilang guro.

"Ahh-"

"Ahh Ma'am, pasensya na po. Nag-ayos pa po kasi ako ng sarili sa loob eh" agap ni Alex sa sasabihin sana niya.
Natahimik nalang siya at di na umimik. Umayos siya ng upo at itinuon ang atensyon sa dinidiscuss ng kanilang professor.
Hindi niya namalayan ang oras hanggang sa dismissal na. Nang magsitayuan na ang mga kaklase niya, sumunod nain siya pero may pumigil sa kanang braso niya kaya maagap siyang napalingon.

"Saan ka pupunta?" si Alex.
"Sa boarding. Bakit ba? Magpapasama ka na naman bang mag-cr? Alam mo na kung saan di ba? Ikaw nalang. Kailangan ko nang umuwi. Gutom na ako" sabi niya rito. Ngumiti naman ito na parang naaliw sa kanya. Pagkatapos ay tumayo na ito.
"Pwede sumama? Doon nalang din ako kakain" seryosong sabi nito.
"Ha?! Naku.. Eh.." napapakamot siya sa batok. Alam kasi niyang wala siyang ipapakain dito dahil wala na siyang stock na ulam. Ang plano niya ay bibili nalang ng noodles para yun nalang ang kakainin niya. Tapos sasama pa 'tong asungot na 'to?
"Bakit?" nagtatakang tanong nito sa inaakto niya.
"Ah wala!"
"Anong wala?"
"Wala kang kakainin doon. Walang ulam eh. Pasensiya na" sabi niya at aktong tatalikod na pero pinigilan siya nito sa balikat.
"Bibili tayo ng lechon diyan sa tapat ng campus. Para ma-try natin kung masarap o hindi" nakangiting sabi nito. Nakuh! Sumasakit ang ulo niya rito. Makulit din pala ang kumag.
"Okey sige. Basta ikaw ang magbabayad ah? Wala akong pera. Tinitipid ko 'yun para sa projects" sabi niya rito. Nagkibit-balikat ito kaya naman lumabas na siya na nakasunod ito. Maya-maya, umakbay ito na ikinagulat niya.
Tinanggal niya ang mga braso nito sa kanyang balikat.
"Huwag ka ngang ganyan!" sabi niya rito. Hindi naman siya naiinis dito. Ayaw lang kasi niyang ginaganun siya. Napakunot-noo naman ito pero ngumiti pagkatapos. Hindi ito nagsalita. Sumunod nalang ito sa kanya pero napakabagal maglakad kaya napapahinto siya para hintayin ito.
"Hoy! Pakibilisan ang paglakad, pwede? Gutom na talga ako!" sigaw niya rito. Pero natatawa ito. Naiinis na siya. Ano bang nakakatawa?

"Oo na! Oo na! Ayan na." sabi nito at nagjog. Nilagpasan siya nito.
"Oh sige. Mauna ka na sa boarding ha?" sabi niya rito. Tumigil ito at nilingon siya.
Napakamot ito sa batok.
"Sige pa. Takbo! Alam mo ang boarding namin diba?" sabi niya rito.
Hindi ito sumagot kaya napatawa siya. Parang paslit ito.
"Sabay na nga tayo" sabi niya at naglakad papunta rito.
Naglakad na sila at tumigil sa harap ng karinderya na katabi ng boarding niya.
"Huwag nalang lechon" sabi niya.
"Sige. Ano bang gusto mo?" tanong nito sa kanya.
"Dinuguan na lang"
"Panglalaking ulam ah"
"Ui hindi ah. Sarap kaya"
Umorder na ito ng dalawang order na dinuguan at dalawa din sa mechado.

SA BOARDiNG Ni CALi.
"Whew. Hanep! Anlinis ah!!" bulalas ni Alex pagpasok sa kanyang room. Napasipol pa ito. May dalawa siyang kakwarto dahil medyo maluwang naman ang kwarto. Meron itong sariling banyo, lababo, kusina at maliit na sala na may tv.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito at iginiya niya ito sa kusina.
"Pasensiya na, walang aircon eh. Medyo mainit. Teka lang at kukunin ko ang electric fan" paalam niya.

Pumasok na siya sa kanilang kwarto. Nadatnan niya doon si Liam. Kakwarto niya ito. Puro lalaki ang kakwarto niya. Sina Liam at Eric. Mababait ang mga ito at nirerespeto siya kaya nakagaanan agad niya ng loob ang mga ito. Kaibigan narin niya ang mga ito. Gwapo si Eric ganun din si Liam. Maputi si Eric. Si Liam naman, tama lang ang puti na akma dito. Si Alex ay tan ang kutis.
Parehong Computer Science ang kinukuhang kurso nina Liam at Eric samantalang Bachelor of Science in Secondary Education naman sa kanila ni Alex. Kakasimula palang ang first sem. 3rd year college na sila sa kasalukuyan.

"Cali, parang may kasama ka ata ah. Sino yun? Bf mo?" tanong ni Liam sa tonong nang-aasar habang sumisilip sa giwang ng pinto.

"Li!! Hindi ah. Kaklase ko. Ewan ko nga eh. Unang meeting palang namin, nangungulit na." paliwanag niya. Li ang tawag niya rito.

"Uyy. Destiny" tudyo nito.

"Destiny yang mukha mo. Parehong lalaki, destiny?"

"Lalaki ka?"

"H-hindi. Ah I mean oo pero hello, bading ako"

"Oh di destiny kayo"

"Hindi nga! Kahit naman bading ako, lalaki parin ako at hindi pwedeng majuntis"

"Adik! Juntis agad?? Pwede sex muna?" sabi nito at natawa ng malakas. Binatukan niya ito.

"Aray!"
 
"Ano nga pala kukunin ko dito? Ahh. Ai Li! Yung electric fan?"

"Andun oh. Tanga talaga nito" sabi nito at inginuso ang likuran niya. Kinuha niya agad ang electric fan.
Lalabas na siya ng kumindat si Liam at ngumiti ng makahulugan.

"Che! Bastos!" sabi niya at lumabas na.

"Wala akong sinabi" narinig pa niyang sinabi nito.

Inabutan niyang inaayos ni Alex ang plato at kutsarang gagamitin nila. Nakalagay narin sa mangkok ang ulam na binili nila sa labas.

"Oh! Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" tanong niya.

"Ah! Nakakahiya naman kung hihintayin pa kitang ikaw ang mag-ayos nito." sabi nito habang patuloy sa ginagawa nito.

"Sosyal kang lalaki ka ha. O baka naman sister din kita." sabi niya pero tumatawa naman siya.

"Sister? You mean bading? Loka loka! Halikan kita diyan eh."

Nagulat siya sa banta ni Alex na halikan siya pero hindi niya pinahalata.
"Oh come on boy. Kiss me." sabi niya at sumayaw sa harap nito ng maharot.
Tinulak naman siya nito ng mahina kaya napatigil siya. Ginulo pa nito ang buhok niya.

"Loka loka. Joke lang yun." tumawa ito ng malakas.

"Che!" dumulog na sila sa mesa. Akmang kukuha na ng ulam si Alex pero pinigilan niya ito.
"Alam mo ung word na pray?"

"Ah sorry. Di ako nasanay magpray pag kakain eh" sabi nito at medyo napayuko. Napangiti siya sa inasal nito.

"In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit.." simula niyang panalangin. Nakakuyom ang dalawang kamay niya habang nakapatong ang baba niya rito at nakapikit ang mga mata niya.
Nang nananalangin siya ay naramdaman niyang hindi sumasabay sa kanya si Alex at iba ang ginagawa nito.

"At sana po patahimikin Niyo po ang katabi ko. Sana turuan Niyo po siyang manahimik pag may nananalangin. Amen" panalangin niya.

"Sorry po" sabi naman ni Alex na lumingon sa taas. Pagkatapos nito ay sabay silang napahagikgik na naging tawa.

"Adik ka! Kumain na nga tayo. Salamat nga pala sa ulam" pasasalamat niya rito. Minsan kasi ay hindi siya kumakain para lamang makatipid. Alam iyon nina Liam at Eric.

"Walang anuman. 40 pesos lang naman yan."
Wow! LANG? Mayaman kaya ito? Later na niya aalamin. Basta ang alam niya ay gutom na gutom na siya.
Habang kumakain sila, may mga tinatanong ito.

"Tagasaan ka nga pala Cali?"

"Taga-probinsya ako. Dun sa San Mariano."

"Saang banda yun?"

"Basta. Mahirap iexplain kasi liblib yung probinsya namin"

"Ah. Ganun ba? Malayo ba dun sa inyo?"

"Oo" patuloy parin siya sa pagsubo. Nilulunok muna niya ang pagkain bago sumagot.

"Bakit dito ka nag-aaral?"

"Ano ka, slambook? Daming tanong ah. Ibigay mo nalang sakin yung slambook mo at sasagutan ko mamaya." pamimilosopo niya. Napahagikgik ito.

"Nakakatawa talaga ang mga bading no? Sarap kasama."

Napatigil siya sa pagsubo at nilingon ito. Seryoso naman ang mga mata nito. Pero nakangisi. May pagkamanyak kaya ito? Naku birhen pa ako, naisaisip niya.

"Oh bakit?" tanong nito. "Alam kong gwapo ako. Wag mo na akong tingnan ng ganyan." dugtong pa nito.

"Ang kapal. May kanin sa ilong mo shunga. Grabe ka naman kung kumain. Pati ilong, sinusubuan" sabi niya. Totoong may kanin malapit sa ilong nito.

"Cali, say NGEE" sabi nito pagkatanggal sa kanin sa ilong nito.
Sinunod naman niya ito pero agad naman niyang itinikom ang bibig dahil narealize niya na dinuguan nga pala ang ulam niya.

"Itim ang ngipin!" tumatawang sabi nito. Sapo pa nito ang tiyan na para bang puputok.

"Atleast may rason naman ako kung bakit itim ang ngipin ko. Dinuguan kaya ang ulam, hello?? Alangan namang asul ano? Eh ikaw, wild kumain."

"Nye nye. Whatever."
Napigil ang plano sana niyang pagsasalita dahil may pumasok sa unit nila. Si Eric. Mukhang katatapos lang ng klase niya.

"Ay Eric, halika kain tayo. Alex, si Eric nga pala, kakwarto ko. Eric, si Alex, kaklase ko." sabi niya. Nagkamay naman ang mga ito.
 
"Hello pare" sabi ni Alex.

"Hi pare" ganting bati naman ni Eric.

"Kain tayo"

"Sige salamat. Magpapahinga muna ako sa kwarto. Cali, si Liam?"

"Andun sa kwarto. Tingnan mo baka nanunuod na naman ng porn sa laptop niya. Hahaha" biro niya.

"Baliw. Sige sige. Kain lang kayo diyan"

"Sige" sabi nila.
Mayamaya, nakatingin lang si Alex si kanya habang sarap na sarap siya sa dinuguan na ulam nila.

"Bakit? Walang kanin sa ilong ko ha" sabi niya.

"Hindi. Nakakatawa lang kasi ung sinabi mo kanina"

"Ang alin?"

"Yung porn. Ginagawa niyo talaga un dito?"

"Sila lang ah. Lumalabas kasi ako pag nanunuod sila. Buti nalang hindi sila manyak. Baka hindi na ako birhen pag nagkataon" sabi niya na ngingiti-ngiti. Sige parin siya sa pagsubo.

"Birhen? Ang kapal. Babae ka?" tawa.

"Ang sama. Mabulunan ka sana"
Tinapos na nila ang pagkain. Siya na ang naghugas ng kanilang pinagkainan.
Nang matapos, iginiya niya si Alex sa kwarto nila.
Naabutan nilang nanunuod nga ng porn si Liam sa laptop nito. Nakalagay ang headset nito sa magkabilang tenga kaya hindi nito narinig ang pagpasok nila.
Binatukan niya ito. "Hoy"
Inis naman na lumingon si Liam pero nang makitang may kasama siya ay parang nahiya ito at agad pinatay ang pinapanuod.

"Tong taong 'to. Adik!" singhal niya. "Tabi nga diyan!" sabi niya at pinaalis sa kama niya.
Tatawa-tawa naman si Eric na nakahiga sa kama nito. Tig-iisa sila ng kama dahil nga may kaluwangan ang unit nila.

"Boyfriend mo?" si Liam.

"Gago. Si Alex nga pala. Kaklase ko. Alex, si Liam. Ang adik sa porn" pakilala niya sa mga ito.
Mamayang 3 o'clock pa ang susunod na klase nila. Alas dose palang.
Pumunta na si Liam sa kama nito dala-dala ang laptop.

"Pare. Gusto mong manuod?" si Liam.
Pinandilatan niya ito.

"Hoy Li ah! Wag mong idamay si Alex sa kalibogan mo" singhal niya rito.

"Hush darling. Hindi porn ang papanuorin namin. Avengers. Astig 'to! Halika pare" lumapit naman si Alex dito at tumabi kay Liam. Bumangon din si Eric at nakisali sa kanila.

"Alex. Ok lang sayo kung iidlip muna ako? Inaantok kasi ako eh. Total naman may ginagawa kayo diyan" paalam niya kay Alex.

"Aah. Sige lang" sabi nito.
Nagtanggal na siya ng sapatos.

"Ang baho" sabi ni Liam na kunwari ay nagtakip ng ilong.

"Gago. Pakain ko sayo 'tong medyas ko eh. Baho ka diyan. Ni wala ngang amoy"  sabi niya. Alam na ng mga itong "gago" ang expression niya. Ewan ba niya kung hindi niya maiwasang lagyan ng "gago" ang mga pangungusap niya. Buti nalang at makukulit din ang dalawang kakwarto niya kaya good vibes sila.
Nagtaas ng dalawang kamay si Liam na parang sumusuko.
Nang mahiga na siya, agad siyang inantok. Pagod na pagod ang pakiramdam niya. Naiinitan siya kaya sapilitang bumangon ulit siya at kinuha ang electric fan sa kusina at dinala sa kwarto nila. Isinaksak niya ito at itinapat sa kama niya saka humiga. Nakatulog na siya maya-maya pa.
Nang magising na siya ay nanunuod parin ang tatlong mokong. Patapos na raw ito.
Isang oras at trenta minutos ang itinulog niya.
Bumangon siya at nagpunta sa kusina. Nagsipilyo siya at naghilamos saka bumalik sa kwarto nila.

"Anong oras na Alex?" tanong niya kay Alex na tutok sa pinapanuod nila dahil nasa climax na.
Hindi ito lumingon.

"Alex?" Parang di parin siya nito narinig. Pumitik siya sa harap ng mukha nito.

"Ha?"

"Anong oras na?" Tiningnan nito ang relo.

"Alas dos" sabi nito at tumutok ulit sa laptop.
Napapailing siyang pumunta sa kama at nahiga ulit. Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bag. Nokia C3 ang unit ng cellphone niya. Regalo ito ng mga magulang niya noong graduation niya nung highschool dahil siya ang valedictorian.
Magtatatlong taon na pala ito sa kanya pero hindi parin nasisira dahil maingat siya. Tiningnan niya kung meron siyang text. Wala.
Inion na lang niya ang WiFi ng cellphone niya dahil may free WiFi ang boarding nila at nagfacebook gamit ito.
May dalawa siyang friend request. Isa ay babae at ang isa ay lalaki. Nang makita ang profile pictures ng mga ito ay napag-alaman niyang isa ang mga ito sa mga kaklase niya.
Nang magsawa ay ni-log out na niya ito at dinisconnect ang WiFi.

"Alex, tara na?" sabi niya rito. Lumingon ito sa kanya.

"Sandali lang. Malapit na matapos 'to"
Tumayo siya at nagsapatos saka umupo sa tabi ni Liam. Pinapagitnaan kasi nila ni Eric si Alex. Nakipanuod na siya. Sampung minuto pa ay natapos na ang movie. Nag-inat sina Eric at Liam. Si Alex naman, bumaba sa kama at saka nag-inat. Bahagyang naitaas ang damit nito kaya nakita niya ang tiyan nito. Pati narin sa baba nito. May pinong buhok doon.

"Ang mata, kung saan-saan tumitingin" parinig ni Liam sa kanya. Nilingon niya ito at inirapan.

"Ready na?" tanong niya kay Alex.

"Sige. Tara. Mga pare, una na kami. May klase pa kami hanggang 4:30" paalam nito sa dalawa.

"Sige pare. Balik ka ulit bukas" sabi ni Eric.

"Oo ba" sagot naman ni Alex.
Lumabas na sila ng kwarto nila. Pagkatapos naman ay sa maindoor ng boarding nila sila lumabas.

"Ang swerte mo naman. May dalawa kang ka-room na lalaki" sabi nito.

"Umamin ka nga sa akin Alex, bading ka? O BI kaya?"

"Bakla? BI? Anong pinagsasabi mo? Hoy, lalaking lalaki 'to" itinuro pa nito ang sarili. "Sinasabi ko lang na maswerte ka kasi di ba ung mga ibang bading gustong gusto ng lalaking kakwarto?" dugtong nito.

"Pwes ako hindi. Ah oo na nga pala ngayon kasi friends ko narin naman sina Eric at Liam. Mababait naman kasi ung mga 'yun kahit medyo may kalawang ang utak at sinusumpong ng kabaliwan minsan. Pero ok sila. Nirerespeto nila ako." may emosyong sabi niya kay Alex.

Natahimik naman si Alex habang naglalakad sila papuntang school. Malapit lang kasi ang boarding niya sa school nila.

"Hi Alex!"
Halos sabay silang napalingon ni Alex sa likuran nila.
Si Janine pala ang nagsalita. Kasama nito ang mga kaibigan nitong kaklase rin nila.

"Pwede sumabay?" tanong nito na hindi man lang siya sinusulyapan at tanging kay Alex lang nakatingin at nakangiti ng ubod-tamis.
"Naks. Pa-cute? In public?" ngali-ngaling sabihin niya ito sa babae pero piniling kimkimin nalang. Mahirap na. Baka sampalin siya ng one thousand pesos nito.

"Sure" sabi naman ni Alex at ngumiti rin ng matamis. "You are?" dugtong nito.

"Ano ka ba. Nakalimutan mo agad? I'm Janine" sabi ng babae at inilahad ang kamay. "Wag mo nang kakalimutan ha?"

"Oo naman. Janine"

"Yan! Oh sige tara na guys. Sabay na tayo sa kanila. Ay wait. May kasama pala si Alex. Uhm Cali, pwede bang kami na muna ang kasama ni Alex? Kasi may mga bagay kaming tatanungin sa kanya at ayaw naming marinig ng iba. Kaya kung pwede. Kung pwede lang naman. Pwede bang-"

"Oo naman. Sure. Why not? Ah Alex, mauuna na ako ha? Sa kanila ka muna sasama para naman makilala mo sila" sabi niya kahit hindi pa natatapos magsalita si Janine.

"Mabuti pa nga siguro. Kita nalang tayo mamaya sa classroom ha?" sabi naman ni Alex.

"Thanks" sabi naman sa kanya ni Janine at umabrisete na kay Alex. Binilisan na niya ang paglakad para makalayo na siya kina Janine. Naiirita siya. Naiinis. Bakit?








Parang naiilang naman si Alex na kasama sina Janine at ang mga kasama nito.
Aaminin niya sa kanyang sarili na sa lahat ng pinakaayaw niya ay ang mga taong masyadong showy sa nararamdaman. At iyon ang isang ugali ni Janine. Dinala siya ng mga ito sa canteen sa school nila. Marami rin silang napag-usapan ng grupo nito. Napag-alaman niyang mayaman pala ito. Engineer ang ama nito at ang ina naman ay manager ng isang bangko. Pero 'di siya natutuwa doon. Dahil siya mismo ay hindi natutuwa sa estado ng pamumuhay niya.
Hindi siya pumunta noong unang week ng pasukan dahil alam naman niyang maraming conflicts ang aayusin ng mga teachers. Halimbawa ay ang mga schedules at classrooms kung saan sila magmemeet kaya minabuti nalang niyang wag munang pumasok.
Nanggaling siya sa isang kilala at mamahaling paaralan pero napag-isipan niyang lumipat ng ibang school dahil ayaw niya ang atensyong ibinibigay ng mga tao sa kanya doon. Lalo na ang mga studyante. Ayaw niya yung kahit dumaan lang siya sa hallway ng isang building ay pinagtitilian na siya ng mga bading. Kung minsan pa ay nakikisama pa ang ilang mga babae. Naiinis siya sa ganun pero di niya pinapahalata.
Nung pumasok siya kanina, nadisappoint siya kasi parang ganun din ang magiging resulta ng paglipat niya.
Halos lahat ng mga studyante sa room na hinahanap niya ay may gusto sa kanya kahit unang kita palang sa kanya.
Meron siyang napansin na isang studyante na parang wala siyang epekto dito. At yun si Cali. Mas gusto niya yung mga ganun kasi hindi siya maiilang makipagkaibigan. Kahit pa sabihing bading ito.
 "Alex. Hoy!"
"H-ha?"
"Tagasaan ka sabi ko" tanong ni Janine.
"Ah. Tagarito ang papa ko pero tagaManila ang mama ko. So bale, tagarito rin ako sa Adamson pero may bahay din kami sa Manila. Sa manila ako nag aral nung 1st year at 2nd year ako" sagot niya sa tanong nito.
Napatango-tango ito.
"Magmeryenda muna tayo? Guys" maya-maya ay sabi nito.
"2:50 na ah. 3 o'clock ang susunod na klase natin" sabi niya rito.
"Aw. Who cares! Alam ko namang getting-to-know-each-other na naman ang drama ng susunod na teacher"
Pinaikot pa nito ang bola ng mata habang sinasabi iyon.
"Kahit na. Malay lang natin, terror yung susunod na professor. Eh kung ano pa gagawin nun satin" paliwanag niya.
"Ok fine. Then let's go" tumayo na ito kaya tumayo na rin siya pati ang mga barkada nito.
Habang naglalakad sila papuntang classroom nila ay nakaabrisete ito sa kanya.
Kahit sinong titingin sa kanila, mapagkakamalan silang magsyota.
"Janine. Ano ka ba" sabi niya at iniiwas ang mga braso.
"Ang oa mo pala Mr. Baverino. You know what? I like you" diretsahang sabi nito.
Natahimik siya pero tuloy parin ang lakad nila.
"Hey. Aren't you going to say something?" tanong nito sa kanya.
"Uhm. Thanks" tipid niyang sabi. Bumagsak ang balikat nito.
"Yun lang?"
"Yun lang"
"Urrghh! Fine"
Tuloy tuloy na silang naglakad hanggang sa makarating sa classroom nila.
Gaya ng dati, napalingon na naman sa kanya ang mga kaklase niya.
Hinanap niya si Cali. Nakaupo ito sa likod. Sa may bandang bintana. Nakayuko at nagtetext yata dahil hawak nito ang cellphone.
"Alex. Come. Dito ka na sa tabi ko maupo. Siguro naman ay walang seating arrangement ang susunod na prof natin" sabi sa kanya ni Janine.
"Ah. Dun na lang muna ako kay Cali"
"Ha? My gosh. Ba't ka ba nakikipaglapit sa baklang yun? He's not even cute. And I bet, he don't have money"
sabi nito pero hindi nilakasan. Yung sapat lang para marinig niya.
Ganun lang kung manlait ito? Totally turned off na siya. Maganda pa naman.
Hindi na siya nagsalita at pumunta na sa kinaroroonan ni Cali na abala sa pagtitipa sa cellphone nito.








"Sino katext mo? Bf mo?" nagulat siya kaya napaangat agad ang tingin niya. Si Alex pala ang nagsalita. Umupo ito sa tabi niya dahil bakante. Pinili niyang maupo sa may bintana para mas malamig. Hindi kasi masyadong mayaman ang eskwelahan nila kaya walang aircon na gaya ng iba.
"Shungik! Si mama. Boyfriend ka diyan" sagot niya at muling binalingan ang cellphone niya. Kasalukuyan siyang nagtetext para kumustahin ang mama niya pati narin ang papa at ang nag-iisang kapatid niyang lalaki na kinse anyos. Si Colossus.
Adik daw sa XMen ang mama niya noong pinagbubuntis sila kaya pangXmen ang mga pangalan nila.
"Mama? Anong sinasabi mo sa mama mo? Nanghihingi ka ng allowance no?" tanong nito. Nahalata na niyang mang-aasar na naman ito kaya di niya pinansin ang sinabi nito.
"Kinukumusta ko sila. Tsaka nadengue daw si Colossus. Tinatanong ko ang kalagayan niya. Dinala daw kanina sa ospital" madamdaming wika niya.
"Colosus? Kapatid mo?"
"Oo. Yung sumunod sakin na siyang bunso narin"
"Tapos may sinundan ka?"
"Wala. Dadalawa lang kami"
"Pareho pala tayong panganay. Ilang taon na si Colossus?"
"6"
Tumango-tango ulit ito. Bahagyang natahimik ito pero nagtanong ulit.
"Ilang oras nga pala ang biahe papunta sa inyo?"
"Bakit?"
"Tinatanong lang"
"Tatlong oras. Mahirap kasi ang daan"
"Ah"
"Oh. Kumusta namang kasama sina Janine?" tanong narin niya rito.
"Hindi ayos eh. Arte!" pabulong na sabi nito sa kanya.
Napahagikgik siya.
"Bakit naman?" tatawa-tawang sabi niya.
"Basta" sabi nito.
"Ganun?" sabi niya. Biglang tumunog ang cellphone niya. Binasa niya ang mensahe. Ayos na raw ang kapatid niya. Ikoconfine nga lang daw.
"Thanks God" mahinang usal niya.
"Oh anong sabi?"
"Ayos na raw si Colossus. Pero ikoconfine daw eh"
"Ay teka!" sabi nito at biglang may kinuha sa bulsa. Inilibas nito ang cellphone nito.
"Whew! Nakakahiyang itabi ang cellphone ko diyan ah" sabi niya. Narecognize agad niyang ito ang latest release ng brand na samsung. Samsung S3 ba yun?
"Ito? Ayoko nga sanang magkacellphone ng ganito eh. Kasi hindi ako maingat. Baka hindi magtatagal ng dalawang buwan 'to sakin. Kung di ko mahuhulog ay nakakalimutan ko sa bulsa ng pantalon ko at nailalaba" sabi nito. Napapailing naman siya.
"Dapat 1100 lang sayo para kahit limang ganun ang mahuhulog mo, hindi madaling masira" sabi niya.
"Naku. Wag naman un. Masyadong boring na yun. Yung number mo nga pala? Lagay mo nga" sabi nito at iniabot ang cellphone nito sa kanya.
Hindi agad niya inabot ito.
"Oh bakit?" nagtatakang tanong nito.
"Baka mabasag ko eh. Mahal pa naman ang ganyan" sabi niya.
"Adik ka no? Ilalagay mo lang naman number mo. Mababasag agad? Oh lagay mo na" sabi nito at ipinagduldulan pa nito ang cellphone nito.
"Ikaw nalang maglalagay" sabi niya. Agad niyang tiningnan ang cellphone niya at dinala sa contacts. Dun sa MY NUMBER.
"Yan ang number ko. Ikaw na maglagay"
Natatawa itong inabot ang cellphone niya at kinopya ang numero niya. Ibinalik nito pagkatapos.
"Ayaw mo talagang hawakan?" tanong nito. Umiling siya. Natawa ulit ito.
"Hindi ko alam kung paano galawin eh. Hindi ako updated sa mga ganyang cellphone. Ang hahaytek naman kasi ng mga cp niyo"
"Tuturuan kita. Heto, lumapit ka para makita mo. Anong gusto mong matutunan?"
"Games?" nangingiting sabi niya.
"Parang bata. Games pa talaga ha. Dadalawa lang games ko dito eh. Sandali" sabi nito at may ginawa ito sa cp nito. Ini-slide nito ang screen ng cp nito.
"Teka. Tuturuan mo ba talaga ako o hindi? Ang bilis ng kamay mo ha" sabi niya.
"Akala ko ba games muna ang gusto mong matutunan?" tanong naman nito.
"Paano ko mahahanap ang games mo kung dinadala mo agad sa folder nito?"
"Clever. Oo nga no? Hehe. Sige. Lumapit ka kasi para makita mo"
Sumunod naman siya. Halos magkadikit na ang mga balikat nila.
"Una, i-slide mo muna 'tong screen para maunlock. Tapos ayan, may mag-aappear na mga icons. Iclick mo dito. Ito na muna ang lalaruin mo. Maganda 'to. Fruit ninja" sabi nito at binuksan ang application.
Nagsalita ulit ito.
"Yan! Pag nag-open na, i-slide mo sa New Game. Ganito oh, parang nag-eespada ka lang" sabi nito. Mataman naman siyang nakikinig. Interested siya sa laro. Ipinagpatuloy nito ang pagtuturo nito sa kanya.
"Pag nagawa mo na yun, yan, may mag-aappear ulit na choices. Ikaw, kung gusto mo ng Zen Mode o classic, i-slide mo lang sa icon. Sa classic muna tayo" ini-slide nito sa icon ng classic at may mga prutas na lumalabas mula sa baba pataas at mahuhulog din.
Nang may mga prutas na lumabas, ini-slide-slide ni Alex ang screen ng cellphone nito na parang nag-eespada at nahahati naman ang mga prutas.
"Lahat ng lalabas na prutas, espadahin mo para mas tataas ang score mo" paliwanag nito. Nang biglang may mga lumabas na bomba ay hindi nito inespada.
"Bakit di mo inespada ung bomba? Bawal ba?" tanong niya.
"Exactly. Pag nakaespada ka ng kahit isang bomba, game over. Kaya iwasan mo ang mga yun. At isa pa, dapat walang mahuhulog na prutas na hindi nahahati ok? Pag nakatatlo ka ng prutas na nahulog na hindi mo nahati, game over din. Oh 'eto. Try mo na" sabi nito at iniabot sa kanya ang cellphone.
Inabot na niya ang cellphone nito. Ginawa niya ang mga instructions nito. Pero bago pa man siya nakapagsimulang maglaro ay biglang dumating ang professor nila.
"Ay bwisit! Wrong timing ka mam!!" nagngangalaiting sabi niya. Ibinulong niya ito kay Alex na para bang ito ang Mam na tinutukoy niya.
Napahagikgik naman ito.
"Hetong cellphone mo" sabi niya.
"Itago mo muna. Wala akong bag eh" sabi nito.
"Sosyal mo naman kasing estudyante ka. Walang bag. Walang notebook. Walang ballpen"
"Nyenyenye. Daming satsat!"
Pinandilatan niya ito.






Aminin ni Alex na natutuwa siya kay Cali. Kung babae sana ito ay ito ang matatawag na inosente. Yung tipong never been kissed at never been touched. Yung tipong simple lang. Nakapolbo lang ito. Medyo malago ang tubo ng buhok nito. Nakaahit ang kilay pero hindi ung manipis. Makakapal at mahahaba ang mga pilik mata nito. Hindi mo masasabing gwapo ito pag naging lalaki. Hindi rin naman yung pambabae ang mukha.
Hindi niya alam. Basta iba. Kung ano si Cali, yun na yun.
First meeting palang nila iyon pero parang close na close na sila. Madali kasing makapalagayan ng loob ito.
May pagkataray pero nakakachallenge. Hindi niya inexpect na magiging magkaibigan sila nito. Ang gusto lang niya noong una ay makakausap at makakasama.
Nilingon niya ito sa tabi niya. Nakatingin ito sa harap at matamang nakikinig sa teacher nila na idinidiscuss ang course outline ng subject nila. Naramdaman yata nitong nakatingin siya rito kaya napatingin din ito sa kanya.
"Problema mo?" tanong nito.
"Wala. Naiihi ako" pagdadahilan niya.
"At ano naman ngayon? Magpapasama ka na naman sa cr? Pumunta kang mag-isa mo" pagtataray nito. Naamused naman siya.
"Hindi ah. Kaya ko pa namang tiisin. Malapit narin naman ang dismissal" sabi niya.
"Mabuti nga. Tsaka makinig ka nga sa harap" sabi nito at tumingin ulit sa harap. Ganun na din ang ginawa niya. Nakinig na siya nga mabuti.
"Class. In our subject, meron tayong reporting. Anong gusto niyo? By twos or individual?" tanong ni Mrs. Casaliya, ang theory teacher nila.
Madaming nagsabi ng by twos. Mas madali nga naman pag may kasama ka.
"Ok. By twos. Find your partner nalang para mas comfortable kayo. Kilala narin naman ninyo ang mga kaklase niyo diba? Although may nadagdag eh, nagpakilala narin naman" sabi ng teacher nila.
Tiningnan niya si Cali na nakikinig.

"Tayo nalang Cali?" sabi niya rito. Lumingon ito sa kanya at kumunot ang noo.
"Sure ka?"
"Oo" sabi niya.
"Ayoko ng tamad ah. Kailangang magtulongan tayo para maipresent natin ng mabuti ang magiging topic natin" sabi nito sa kanya.
"Oo. Ako pa" sabi niya.
"Class, pass a one-eight sheet of paper with the name of ur partner. Yun na magiging final ah. Wala nang bawian pag naipasa na so choose ur best partner" sabi ng kanilang teacher.
Nagsitayo ung iba at lumapit sa mga gusto nilang partner.
"Alex. Can we be partners?" nilingon niya si Janine.
"Ah. Kami na eh" sabi niya at inginuso si Cali.
"Ay! Ok. Kami nalang siguro ni Jessie" sabi nito na ang tinutukoy ay ang isa sa mga barkada nito. Bumalik na ito sa upuan nito.
"Ano raw?" tanong sa kanya ni Cali.
"She asked me kung pwede raw na kami nalang ang partners. Pero i said na tayo na" sabi niya.
"Tayo na ba?" kunot ang noong sabi niya.
"Shunga. Hindi tayo na magsyota na tayo. Ang ibig kong sabihin, tayo na ang magpartner" sabi niya at natawa. Silly. Nakitawa rin ito.
"I know. Joke lang yun" sabi nito. Agad itong naghanap ng one-eight sa bag nito at nang makahanap ng one-fourth ay kinuha nito at ipinahati sa kanya.
Itinupi niya ito at dinilaan sa banda kung saan natupi. Ganun talaga ang ginagawa niya. Mas madali kasing mahahati pag ganun.
"Yerks!" sabi nito sa ginawa niya.
"Ha?"
"Wala. Sige na bilisan mo"
Hinati na niya ito at ibinigay kay Cali. Agad namang isinulat nito ang mga pangalan nila. Ang ganda ng sulat-kamay nito.
"Pangteacher talaga ang penmanship ah" puri niya rito.
"Whatever. Thanks. Heto, pasa mo na" sabi nito at iniabot ang papel sa kanya. Siya raw ang magpapasa sa harap.
"Ba't ako? Ikaw nalang"
"Anong sabi ko kanina? Ayoko ng tatamad-tamad" sabi nito.
"Ang taray! Ok sige. You win" sabi niya at kinuha ang papel dito. Halatang pinipigilan nitong matawa.
Pumunta na siya sa harap at ibinigay sa guro nila ang papel.
Pagbalik niya, humahagikgik naman si Cali.
"Good boy" sabi nito.
"Ginulo niya ang buhok nito"
"Grrr. I hate you when you're doing that. Ayokong nagugulo ang buhok ko!" sabi nito.
"Kalbuhin na natin?" asar niya rito.
"Che"





Pabagsak na nahiga si Cali sa kama niya pagkarating na pagkarating niya sa kanilang boarding.
"Hoy! Masisira yang kama. Taong 'to" saway sa kanya ni Liam.
"Kebs!" sabi niya at parang batang nagpagulong-gulong. That was quite a day.
Katatapos ang klase niya. Umuwi na rin si Alex sa bahay nila.
Naidlip siya at naalimputangan nang marinig ang isang tunog ng cellphone.
"Kanino bang phone yan? Patayin niyo nga! Ang ingay" sabi niya na medyo paos pa ang boses niya.
"Bah! Malay namin diyan sa cellphone sa bag mo" sagot ni Liam na nakatapis lang ng tuwalya. Halatang katatapos lang nitong maligo.
Tuluyan na siyang nagising.
"Cellphone sa bag? Hindi naman ganyan ang ringtone ko ah!" bulalas niya.
"Eh di tingnan mo" sabi ni Liam at akmang tatanggalin ang tuwalyang nakatapis dito. Awtomatiko siyang tumalikod at pumikit. Narinig niya ang palatak ni Liam.
"Bastos!" sabi niya rito pero hindi niya ito nililingon.
"Bakit? Nakasuot naman ako ng brief ah. Hindi ako hubo. Arte nito. Gusto mo rin naman ng ganito" sabi nito.
Humarap siya at pinanlisikan niya ito ng mata.
"Gago--"
"Hush bebe. Joke lang un" sabi nito. Hindi niya naiwasang tingnan ang harapan nito. Infairness. May ipinagmamalaki pala ito. Maganda ang abs. May mga butil pa ng tubig sa katawan nito na parang ang sarap patuyuin.
"Oh! Akala ko ba ayaw mo?" sarkastikong sabi nito na nangingisi. "Sagutin mo na yang tumatawag diyan sa cellphone. Kanina pa yan eh" sabi nito at nagsimula nang magbihis.
Nagtataka naman niyang hinalungkat ang kanyang bag. At nanlaki ang mga mata niya nang makita ang samsung s3 sa loob nito.
"Oh my gosh!! Nakalimutang kunin ni Alex 'tong cellphone niya!" malakas na bulalas niya.
"Oh? Anong problema dun? Eh di ibalik mo bukas" sabi ni Liam na nagsusuot ng damit.
"Di ba wala daw pasok bukas? Tsaka sa susunod na araw?"
"Oh di ibalik mo sa kanya ngayon. Puntahan mo siya sa kanila"
"Ang problema, di ko natanong kung saan ang address niya" nagkakamot siya ng ulo.
Nagring ulit ang cellphone. Number lang ang nakaappear. Walang pangalan. Nag-aatubili siyang sagutin kaya kinuha na ni Liam ang cellphone sa kamay niya at agad sinagot ang tawag.
"Hello?"
Nakatunganga lang siya rito. Hindi niya marinig kung ano ang sinasabi ng nasa ibang linya.
"Oh pre? Oo. Nakalimutan nga daw niyang ibalik kanina... Oo, sige ba. Di nga raw niya alam ang address mo... Mas maganda na yun. Oo pre, hihintayin ka namin dito. Sige sige. Bye"
Iyon lang at ibinalik na nito sa kanya ang aparato.
"Ano daw sabi? Si Alex yun? Pupunta raw dito? Ngayon na?" sunod-sunod na tanong. Binigyan lang siya nito ng makahulugang titig.
"Ano??!" ulit niya.
"Ang sagot sa unang tanong mo ay pupunta raw siya rito. The rest is oo! Now shut up! Di ako makabihis dahil sayo" sabi nito at naghanap ng pang-ibaba sa kabinet nito.
Ngumunguso naman siya.
"Ang sarap punutin ang brief nito" bulong niya sa sarili.
"Narinig ko yun" sabi nito na abala sa paghahanap. Ni hindi siya nilingon. "Punitin mo at may mapupunit din sayo. Sige ka!" sabi nito. "Maligo ka na rin. Baho mo na eh" sabi nito na nagsusuot na ng jersey shorts.
"Sige na nga. Nakakahiya sa mga amoy-silka!" asik niya at padabog na inabot ang tuwalya niya sa kabinet.
"Gusto mo, ligo ulit ako?" tanong nito. Asar! Pero lihim siyang natutuwa rito. Ang kulit talaga.
"Huwag na. Ang mahal ng sabon. Baka maubos na. Pakiigib nalang ako ng tubig"
"Lul! Ano ako, katulong mo? Tsaka mag-igib? Adik ka? Ang lakas ng buhos ng tubig sa banyo"
"Si Eric nga pala?" pag-iiba niya sa paksa habang naghahanap ng maisusuot. Ganun ang ginagawa niya. Dinadala na niya sa banyo ang mga damit na pagbibihisan niya dahil nahihiya siyang magbihis sa loob ng kanilang kwarto.
"Andun sa baba. Naglalaro yata ng dota. Pupunta nga rin ako. Magluluto ka ng kanin mamaya ha? Damihan mo na kasi pupunta rito si Alex mo"
Napatigil siya sa ginagawa at nilingon ito.
"Kakain pa ba yun? Eh di ba kukunin lang niya yung cellphone niya!?"
"Oo pero kakain yun kung pakakainin mo" sabi nito at tumalikod na. Lumabas na ito ng kwarto pero bago nito isinara ang pinto ay nagsalita pa ito.
"Wag mo kakalimutan ha?"

Naligo na siya nang makaalis ito. Gaya ng utos ng hari, nagsaing siya ng bigas pagkatapos niyang maligo at dinagdagan narin. Yung alam niyang sapat sa apat.
Habang hinihintay na kumulo, kinuha niya sa kwarto nila ang cellphone niya at nagpatugtog. Kinuha niya ang speaker ni Liam at isinaksak. Ipinatong niya sa mesang kainan nila at pinatugtog ang Party Shakers ni Rio. Paborito niya yun at sa tuwing naririnig niya, napapasayaw siya. Yun ay kung mag-isa lamang siya. Sinabayan niya ang kanta ng medyo matipid na kembot hanggang sa hinayaan niya ang katawan niyang sabayan ang kanta. Sinasabayan din niya ng kanta sa mga bandang alam niya ang lyrics.
"Yung niluluto mo! Kumukulo na" nagulat siya nang may magsalita sa pintuan ng unit nila. Marahas siyang napalingon at nakita si Liam dun. Kasama sina Eric at Alex!! Parang umurong bigla ang dila niya. Sigurado siyang ang pula na ng mukha niya kahit hindi naman yung gaanong maputi dahil sa hiya.
"Ang galing mo palang sumayaw" sabi naman ni Alex na nangingiti. Si Eric naman ay inaasar siya sa pamamagitan ng tingin. Nakangisi pa ito.
"Ba't bumalik ka agad?" tanong niya kay Liam. Pangsave-face.
"Buti nga bumalik ako agad. Nagwawala ka na pala" sabi nito at napahagikgik. Ganun din ang dalawa. Hindi na niya kaya ang hiya kaya tumalikod na siya at agad pumasok sa kwarto nila.
Narinig pa niya ang tawanan ng tatlo.
Nakakahiya naman kasi talaga. Hataw na hataw siya na parang nagcoconcert tapos may nanunuod pala sa kanya??
Sumubsob siya sa unan niya at itinago ang mukha na para bang maiiwasan ang kahihiyan sa aktong yun.
"Hoy! Wag ka ngang madrama diyan. Ganda nga ng sayaw mo eh. Halika na. Malapit na maluto yung kanin mo. Kain tayo! May dalang lechon si Alex mo" sabi ni Liam sa kanya. Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang balikat niya. Nakadapa siya at nakasubsob parin ang mukha sa unan.
"Hoy!"
Bigla siyang napaigtad ng kurutin nito ang tagiliran niya. Malakas ang kiliti niya roo.
"Ay! May kiliti ka dun?" tanong nito at inulit ang ginawa.
"Ano ba??? Ikaw ha--" bumaliktad na siya at inabot niya ang damit nito sa may bandang leeg at hinila. Nabigla naman ito kaya hindi ito nakalaban. Inilapit niya ang mukha nito sa mukha niya.
"Pinahiya mo akoLi! At natawa pa talaga kayo ha? Ba't kasi kayo bumalik agad?" napapapikit ito sa bawat salita niya.
"Wag mong gawin yan! Hindi mabaho ang hininga ko!" sita niya rito.
"Hindi nga pero mababasa na ang mukha ko sa laway mo. Dami nang talsik oh!" sabi nito. Kunwari naman ay ipinakita nito ang banda ng mukha na natalsikan "daw" ng laway niya. Ang kamay nito ay nakahawak sa kama para hindi ito matumba sa kanya.
"Bitiwan mo na ako. Pag napagod ako sa pagkapit, matutumba ako sayo"
Hindi niya pinansin iyon.
"Nakakahiya talaga kay--"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla na lamang itong sumubsob sa kanya. At ang labi nito ay diretso sa mga labi niya!
Nanlaki ang mga mata niya. Awtomatiko ang mga reaksyon nila. Itinulak niya ito ng marahan at pinunasan ang labi gamit ang likod ng palad niya. Ganun din ang ginawa nito. Napabangon narin siya.
"Yerks!" sabay nilang sambit.
"Mas yerks ka kasi hindi ka nagbrush kanina!!" singhal niya rito.
"Mas yerks ka kasi-" hindi nito naituloy ang sasabihin.
"Wala kang maisip no? Yerks, Li! Ewww. Ba't ka kasi bumitaw?"
Ambisyosa na siya kung ambisyosa pero ito ang first kiss niya sa totoo lang.
"Sinabi ko naman kasi na bitiwan mo ako pero hindi ka nakinig. Ang bigat mo kaya. Tsaka mapupunit na 'tong damit ko" sabi nito.
Kumuyom ang palad niya at napapikit siya.
"Sorry" sabi nito. Nung narinig niya 'yun ay narealize niyang wala nga pala itong kasalanan.
"Li!" naluluha niyang sambit.
"Hoy! Kayong dalawa diyan? Ano nang ginagawa niyo?" si Eric ang bumungad sa pinto. "Halina kayo!"
"Sige Ric! Susunod na kami." sabi niya rito. Lumabas na ito. Tumayo na siya nang hindi nagsasalita. Si Liam naman ay sinusundan lang siya ng tingin. Kinuha niya ang cellphone ni Alex sa bag niya.
"Oh, anong ginagawa mo diyan? Parang affected ka sa kiss ah. Yerks Li! Kalimutan mo na yun. Aksidente lang naman yun. Come" sabi niya. Hindi niya alam ang mararamdaman niya. Umakto nalang siyang hindi apektado kahit parang may ibang emosyong pilit pumapasok sa isip at puso niya. Hindi parin ito tumayo at nakatingin lang sa kanya. Parang humihingi parin ito ng sorry sa pamamagitan ng tingin.
Hinawakan na niya ang kamay nito at pinatayo. Pagkatapos ay inakbayan kahit hirap siyang abutin ang balikat nito. Mas matangkad ito ng di hamak sa kanya.
"Li, forget it. Sorry kung di kita binitawan agad. Quits na tayo" lumambot na ang boses niya. Lumabas na sila.
Nakita niya si Alex na nakaupo sa sala. Bumitaw na siya ng akbay kay Liam at pinuntahan si Alex.
"Alex! Pasensya na ha? Di ko nabalik kanina" sabi niya at inabot dito ang cellphone nito.
"Ok lang" sabi nito at kinuha na nito ang aparato sa kanya.
"Halika na sa kusina. Kain tayo. Luto na raw yung kanin"
"Sandali. Napano yang labi mo?" sabi nito. Awtomatikong dinama niya ang labi at may naramdaman siyang konting hapdi sa gilid.
"Dumudugo ah" sabi nito.
Tinakpan niya ang bibig.
"Wag mo nang pansinin 'to. Nakagat ko kanina" pagdadahilan niya. Grabe naman ang lips mo Li! Nakakasugat! Sigaw niya sa isip.
"Ah!" sambit nito at pumunta na sila sa kusina.
Alas siyete na ng gabi.
Nang magkakaharap na sila ay napansin niyang tahimik si Liam. Siya naman ay nakatakip parin ang palad sa bibig.
"Napano yan?" tanong sa kanya ni Eric.
"Wala-"
"Dumudugo" sagot ni Alex.
"Ha? Bakit?" may halong pag-aalang tanong ni Eric. Si Liam naman ay bahagyang bumuka ang bibig at akmang tatayo. Tiningnan niya ito at sinabi sa pamamagitan ng tingin na tumahimik ito. Hindi dapat malaman ng mga itong lips ni Li ang sumugat sa labi niya.
Siguradong kakantyawan sila ng mga ito.
"Ayos lang 'to Ric. Nakagat ko kanina. May nakaalala siguro sakin" sabi niya rito. Bakit ngayon lang niya maramdamang nasugat pala ang labi niya? Siguro dahil intense kanina ang pakiramdam niya.
Nilapitan siya ni Eric at pinilit tinanggal ang palad niya na nakatakip sa bibig niya. Wala naman siyang nagawa. Tiningnan nito ang maliit na sugat sa gilid ng labi niya.
"Teka. Parang hindi naman nakagat eh" nakakunot ang noong saad nito.
"Wag niyo na ngang pansinin yan. Malayo sa bituka yan" bumalik na ang dating pananalita ni Liam. Yun bang parang palaging nang-aasar.
"Oo nga eh" segunda niya.
Pumunta na si Eric sa upuan nito. May lechon ngang nakalagay sa mesa. Nakahain narin ang kanin na umuusok pa. May mga plato at kutsara narin.
"Oh Pastor Cali, lead the prayer" suhestiyon ni Eric.
Sumunod naman siya.
Pagkatapos ng panalangin ay masaya silang nagsalo-salo.
Ang daming kwento ni Alex tungkol sa mga kalokohan nito. Nakalimutan na niya tuloy ang nangyari kanina sa kanila ni Liam.
Malaki ang ipinagpapasalamat niya sa Maykapal sapagkat merong nakakatanggap sa kanya sa kung ano siya liban sa pamilya niya.
Naalala niya ang sinabi sa kanya ng tatay at nanay niya noong hindi na talaga mapigilan ang paglabas ng tunay na kasarihan niya.
"Anak, wag kang mag-alala dahil hindi kami nagagalit. Tanggap ka namin kahit maging sino ka man. Regalo ka sa amin ng Diyos at tinatanggap ka namin ng bukal sa aming kalooban. Basta ipangako mong mag-aaral ka ng mabuti at tulungan mo at iyong sarili nang sa gayon, pagdating ng panahon, magiging maayos ang pamumuhay niyo ng kapatid mo kahit wala na kami. Lagi mong tatandaan na hindi nakikita sa panlabas na kaanyuan at kung ano ang kasarian ng isang tao ang kagandahan kundi nasa puso" sabi sa kanya ng mga magulang niya. Naiyak siya ng sobra doon. Yun ay noong grumadweyt na siya ng highschool. Napayakap siya ng mahigpit sa tatay niya. Alam niyang maraming tatay ang binubugbog ang kanilang anak na bakla pero ang tatay niya, tanggap siya.
"Cali?" nagulat siya at agad bumalik sa tamang hwisyo ang pag-iisip niya.
"Naluluha ka" sabi ni Liam.
"Ay! Baka naguguwapohan kay Alex"
"Tanga! Naguguwapohan lang, naiiyak na?" sumbat naman ni Liam.
"Ah guys. Stop it. May naalala lang ako" sabi niya at pinunasan ang mata. Naluha pala siya? Punyeta.
"Ano naman yun?" si Alex naman ang nagtanong.
"Ah wala. Never mind it" sabi niya. Tumango nalang ang mga ito. Nang matapos silang kumain ay walang gustong maghugas ng pinagkainan nila kaya bato-bato pick sila. Ung dalawang matatalo ay magbabato-bato pick din para ang pinakatalunan ang siyang maghuhugas ng pinggan. Una sila ni Alex. Tinalo niya ito. Sumunod naman sina Eric at Liam.
Napahagikgik siya nang matalo ng bato ni Eric ang gunting ni Liam. Ngumuso si Liam.
"Oh kayo na. Good luck" natatawang sabi niya.
Nagbato-bato pick sina Alex at Liam.
Habang tabla ang mga defense ng dalawa ay mas lalo siyang naexcite.
Hindi naghuhugas ng pinggan si Liam. Hindi niya kailanman nakitang naghugas ito ng pinggan.
Nung unang araw niya sa boarding niya, si Eric ang naghugas ng pinagkainan nilang dalawa. Ganun din sa mga sumunod na mga araw. Mukhang magkababata ang mga ito at tama naman ang hinala niya noong nakilala na niya ang mga ito. Nang makaclose na niya ang mga ito, siya na ang tagahugas ng pinggan. Wala naman siyang reklamo doon dahil sila naman ang laging taya sa ulam.
Si Alex naman, ewan lang niya kung naghuhugas ito ng pinggan. Napansin kasi niya ang mga daliri nito. Mukhang mas malambot pa sa kanya.
Bato-bato pick! Bato-bato pick!


"Ah talo ka!!" sigaw ni Alex. Nagulat naman siya. Nakita niya na papel ang defense ni Liam samantalang gunting kay Alex.
"Awww seryoso 'to!?" reklamo ni Liam. Sumimangot ito.
"Abah! Kakalbuhin ka naming tatlo. At kapag hindi ka tumupad sa pustahan, sa labas ka matutulog" sabi naman ni Eric. Isa iyon sa ugali ni Eric, kapag sinabi nito, matutupad.
Kakamot-kamot sa ulo si Liam. Nag-aatubili pa itong dalhin ang mga pinggan sa lababo.
"Iba nalang ipagawa niyo sakin. Wag 'to! Ayokong maghugas ng pinggan" reklamo parin nito.
"Cali, pakilabas nga yung unan at kumot niya" utos sa kanya ni Eric. Nagkunwari naman siyang pupunta sa kwarto para kunin ang unan at kumot ni Liam pero pinigilan siya nito.
"Oo na! Oo na! Bwisit! Di nalang sana ako kumain" bubulong-bulong pa ito habang dinadala ang mga pinggan sa lababo.
"Tara sa kwarto Alex. Hayaan niyo na yan" sabi ni Eric at inakay si Alex papunta sa kwarto nila.
Hindi siya sumunod.
Gusto niyang asarin si Liam kaya kumuha siya ng monobloc chair at dinala malapit sa kinatatayuan nito na abala na sa pagsasabon. Umupo siya doon at pinanuod si Liam. Naconscious naman ito kaya pinapaalis siya.
"Umalis ka nga rito Cali! Ayokong pinapanuod ang mga ginagawa ko. Lang'ya kayo. First time kong maghugas ng pinggan. Masasakal ko kayo mamaya" sabi nito pero hindi siya tinitingnan bagkus ay binibilisan nito ang pagsabon sa mga plato.
"Ui! Fair yung ginawa natin ah. Nagbato-bato pick nga tayo di ba?" depensa naman niya.
"Nyenyenye" umakto itong parang bata. Meron itong ginawa sa labi na tinawanan niya.
"Ang cute mo pala Li! Gawin mo nga ulit?" sabi niya na tumatawa.
Hindi ito sumunod. Tumayo siya at tumabi rito. Kumuha siya ng bula sa sinasabon nitong plato at ipinahid sa ilong nito.
"Ano ba Cali!??" inis na sabi nito. Alam niyang wala pa doon! Hindi pa talaga ito naiinis. Alam niya kaya inulit niya ang ginawa niya. At sa ginawa niyang iyon, sukat-akalain ba niyang hahawakan nito ang ulo niya gamit ang basang kamay at ang mukha niya ay iginiya papunta sa mukha nito.
Hinalikan siya nito!! Ulit!! Pero hindi na aksidente.
"Anong nangyayari sayo Li! Li! Please bitiwan mo ako, please" sabi niya sa isip.
Pumalag siya pero niyakap siya nito at hinigpitan. Naamoy niya ang sabon na nalagay sa buhok niya.
Nanlalaki ang mga mata niya. Nakita niyang pumikit ito pero hindi niya ito magawa.

Malakas na malakas ang kabog sa dibdib niya.
Naramdaman nalang niyang may umagos sa pisngi niya.
Lumuluha na siya. Napadilat naman si Liam at agad bumitaw ang mga labi nito sa mga labi niya nang makita nito ang mga luha niya. Nakita niyang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.
"B-bakit mo ginawa yun Li?" umiiyak na sabi niya.
"Sorry Cali. Patawarin mo ako. Nagalit lang siguro ako kaya nabigla ako at nagawa ko yun. Sorry" parang alalang-alala ito habang nagsasalita. Ang kamay nito ay gumalaw upang abutin ang kamay niya pero iniiwas niya ito.
My gosh Cali, ang arte-arte mo! Aminin mo nang nagustuhan mo ung halik. Ang lambot kaya ng lips niya, sabi ng isang tinig sa isip niya.
"Liam naman eh!" alam niyang nanginginig ang buong katawan niya. Hindi na niya alam ang sasabihin kaya tumakbo siya palabas ng unit nila.







"Liam, si Cali?"
Tulala siya habang nakaupo sa sala. Katatapos niyang maghugas ng pinggan.
Hindi niya maintindihan ang sarili kanina kung bakit niya nagawang halikan ang isang bading. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang nagustohan ng katawan niya ang paglalapat ng mga labi nila kanina. Labis siyang nag-alala nang makitang umiiyak ito. Walang siyang madamang pagsisisi sa halik pero nagsisisi siya kung bakit hinayaan niya ang sariling gawin iyon. Hindi iyon dapat! Marami narin siyang nahalikang babae dahil marami ang mga naging ex niya. Gwapo naman kasi siya at matipuno ang katawan. Pero nakakahiya mang aminin ay ito ang may pinakamalambot na labi.
Ipinangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na yun mauulit. Nandidiri siya sa kanyang sarili na humalik sa kapwa niya lalaki. Pero iba kasi si Cali. Mabait ito, palakaibigan, masayahin, masipag at simple. Hindi katulad ng ibang bading na kilala niya na naglalagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha. Nagdadamit din ng mga pambabae ang iba pero si Cali, simpleng tshirt lang na pang-unisexual ang mga damit. At mga pantalong fitted. Gusto niya ang mga pilik-mata nito dahil malalago at makakapal ang mga ito. Hindi naman ito maputi pero hindi rin maitim. Hindi ito payat pero hindi rin mataba. Katamtaman ang katawan nito. Maganda ang mga binti nito na para bang hindi sa lalaki. Siguro dahil sa bading ito kaya alaga ang binti.
Hindi rin niya makalimutan ang first meeting nila. Kararating lang niya noon rito sa boarding house nila. Naglipat kasi siya ng gamit at nag-ayos narin. Dahil mainit noon ay naisipan niyang maligo. Nagtagal siya sa banyo dahil nag-enjoy siya sa tubig dahil malamig.
Nagulat na lamang siya nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Agad siyang napalingon sa pinto at nakita niya roon si Cali na gulat na gulat at hindi inaasahang may tao pala sa loob ng banyo na naliligo at hubo't-bubad. Agad naman niyang tinakpan ang pribadong parte ng katawan niya gamit ang dalawang palad. Bigla ding sumara ang pinto.

"Liam! Kinakausap kita!" nagulat siya. Tiningnan niya si Eric.
"H-ha?"
"Ang sabi ko, nasaan si Cali? Mukhang malalim ata iniisip mo ah" sabi nito.
Saka lamang niya naalalang tumakbo nga pala palabas ng unit nila si Cali. Napatayo siya. Gabi na ah! Saan pupunta yun?
"Lumabas eh" sabi niya.
"Aa. Magpapaalam daw sana si Alex dahil uuwi narin" sabi nito.
"Pare, sasabihin na lang naming umuwi ka na. Baka kung saan pumunta yun" binalingan niya si Alex.
"Ah oh sige pre. Itetext ko nalang siguro siya. Kinuha ko na kay Eric ung number niya. Sige pare, una na ako. Salamat sa pagkain"
"Salamat ka diyan. Ikaw nga nagdala ng ulam eh. Salamat pare" sabi niya rito.
Natawa naman ito ng bahagya.
"Wala yun pre. Sige, aalis na ako" paalam nito.
"Ingat sa pagmomotor pre" sabi nila ni Eric. May dala kasing motor si Alex nang dumating ito sa boarding nila.
Nang maihatid nila ito sa labas ay binalingan siya ni Eric.
"May nangyari ba sa inyong dalawa kanina? Nag-away ba kayo?" tanong nito sa kanya. Kinabahan siya.
"H-hindi naman. B-bakit?"
"Ngayon lang siya lumabas ng gabi. Tawagan mo nga?"
"Wala akong load. Tsaka naiwan yata niya ang cellphone niya sa kwarto"
"Pero sure kang hindi mo siya inaway? Baka inaway mo siya dahil ikaw ang naghugas ng pinggan kanina?"
"Hindi ko siya inaway!" bahagyang lumakas ang boses niya kaya nagulat si Eric.
"Hush pare. Ok ok. Hahanapin ko nalang siya" sabi nito at tumalikod na. Pinigilan naman niya ito.
"Ako na"







Dinadama parin niya ang mga labi niya. Parang ramdam parin niya doon ang mga labi ni Liam.
Parehong tanong ang umiikot sa isip niya, "Bakit ginawa niya yun?"
Hindi niya ito mabigyan ng sagot. Sapat ba na nagalit ito kaya siya hinalikan? Hindi ba dapat sinuntok siya nito, tinadyakan, sinampal o ano pa man? Hindi ang halikan nalang?
Sumasakit na ang sentido niya sa kakahanap ng kasagutan.
Nang tumakbo siya palabas ng unit nila ay umakyat agad siya sa open rooftop ng boarding nila. First time niyang lumabas ng unit nila ng gabi. Pumupunta siya sa rooftop pero sa tanghali lang. Natatakot siya sa gabi pero ngayon, hindi niya alintana ang takot. Pagkalito ang umiikot sa buong katauhan niya.







Napuntahan na niya lahat ng parte ng boarding nila. Nagtanong rin siya sa mga kalapit-unit nila baka nanduon si Cali pero wala daw. Isa nalang ang naisip niyang puntahan.. Sa rooftop! Baka kasi nagpunta ito roon dahil alam niyang natatakot itong lumabas ng boarding nila pag gabi na.
Dali-dali siyang tumakbo papunta doon.
Pagkarating niya, agad naghanap ang mga mata niya. Hindi naman masyadong madilim dahil maliwanag ang sinag ng buwan.
At nakita niya sa isang sulok si Cali. Tulala.
Naglakad siya papunta rito. Dahil sa kalaliman ng pag-iisip, di nito naramdaman ang paglapit niya.
Nang maupo nalang siya sa tabi nito saka ito nagulat at lumingon sa kanya.
"Li!"
"Sorry na. Hindi ko talaga sinasadya. Sabihin mo kung anong gusto mong gawin ko" hirap ang kaloobang sabi niya.
Naaninag niyang napalunok ito.
"S-sabihin mo lang kung anong dahilan kung bakit mo ginawa un. Li! Hindi kita maintindihan"
Natahimik siya.
"Hindi ko alam Cali-"
"Hindi pwedeng hindi mo alam!" Napalakas ng bahagya ang boses ni Cali.
"Cali, hindi ko alam. Hindi ko alam!" yun lang ang nabanggit niya. Bakit naman kasi niya ito hinalikan? Hindi rin niya maintindihan kung bakit eh.
Umayos ito ng upo at tumahimik na. Tumingala ito at tila pinanuod ang buwan.
"Ang ganda ng buwan ano?" usal niya habang nakatingin sa mukha nito. Hindi naman ito lumingon pero nagsalita.
"Tumahimik ka"
"Sorry na kasi. Cali naman, ba't ka masyadong affected dun? Kiss lang naman. Tsaka alam ko namang nakahalik ka na dati"
"Hoy, ikaw ang una-" natutop nito bigla ang bibig kapagkuwan ay tumingala ulit ito.
Na-amuse naman siya. Siya ang first kiss nito? Bahagyang may bumahid na saya sa puso niya. Di niya maintindihan kung bakit pero nasiyahan siya sa nalaman kaya napangiti siya. Sinundot niya ito sa tagiliran kung saan alam niyang malakas ang kiliti nito. Napaigtad naman ito.
"Li! Magsisimula ka na naman" inis na saad nito.
"Ako ang una?" abot-tainga ang ngiti niya. Hindi ito sumagot kaya inulit niya ang pagsundot sa tagiliran nito.
"Oo! Bwisit ka Li!" sabi nito at hinila ang kwelyo ng damit niya. Hinawakan naman niya ang mga kamay nito at inalis sa kanyang leeg. Nang matanggal niya ang kamay nito sa leeg niya ay sinunggaban siya nito kaya natumba siya. Pumaibabaw ito sa kanya at pinaghahampas nito ang dibdib niya. Hindi naman masakit ang paghampas nito sa kanya. Bading nga, naisaisip niya.
"Cali, sinasabi ko sayo. Pag di mo ako binitawan, hahalikan ulit kita" banta niya rito kaya umalis ito sa ibabaw niya, tumayo at pumadyak-padyak.
Parang natalo ito sa isang napakalaking pustahan.
Nang makabangon naman siya ay sinampal siya nito.
Yun ang masakit! Aray!
"Binabaliw mo ako sa kakaisip kung bakit mo ginawa yun kanina!" sabi nito sa kanya. Garalgal na ang boses nito. Halatang naiiyak. Naawa naman siya. Mas lalo niyang napatunayang "kakaibang" bading ito. Kung siguro iba ito, baka hindi lang sa halik humantong ang nangyari kanina sa kanila sa lababo.
"Bakit ba napakalaking issue sayo ang kiss ha Cali?" madiing sabi niya habang sapo ang pisngi na sinampal nito kanina.
"Dahil ang pagkakaalam ko sa halik ay sagrado at para lamang sa mga magkasintahan! Hindi kita boyfriend Li!!" pasigaw na sabi nito.
"Ganun ba? Walang problema dun. Eh di boyfriend mo na ako ngayon" gusto sana niyang bawiin ang sinabi pero huli na.
Nakita niyang mariing pumikit ito, ang mga ngipin ay naggalaiti. Ang kamao nito ay sumara.
"Errrr!! Ewan ko sayo!!" sigaw nito sa mukha niya at dali-daling umalis sa harapan niya at tumakbo pababa sa hagdan ng rooftop. Alam niyang papunta ito sa room nila.
Sinundan naman niya ito na sapo parin ang pisngi. Ang bigat pala ng kamay nito. Parang nabingi pa siya sa impact ng sampal kanina.
Nang makababa siya at pumasok ay nakita niyang nakahiga na si Cali sa kama nito at nakatalukbong. Muntik siyang natawa.
Bakit ba ang parang babaeng babae ito kung umasta. Hindi lang basta babae ah kundi babaeng disente.
"Anong ginawa mo diyan? Pinagalitan mo ba kaya umiiyak?" tanong sa kanya ni Eric. Napalingon siya rito.

Napakunot-noo ito.
"Anong nangyari sa pisngi mo bro?"
Napahawak ulit siya sa pisngi niya. Pumunta siya sa may full-length mirror at nakita niyang namumula at nakabakat ang palad ni Cali sa pisngi niya.
Sapo-sapo niya ito nang lumingon kay Eric.
Isinenyas niya sa pamamagitan ng pagngunguso kay Cali. Agad naman nitong nakuha ang gusto niyang ipaabot.
Lumapit siya rito at binulungan.
"Sinampal ako eh" bulong niya. Bumulong din ito para hindi marinig ni Cali ang usapan nila.
"Bakit daw?"
"Eh bro, mahirap ipaliwanag eh" napakagat-labi siya.
"Anong mahirap ipaliwanag? Sabihin mo na. Ako lang naman eh. Hinipuan mo siya? Ui, kahit bading yan, conservative yan" bulong parin nito.
"Hindi bro"
"Eh ano? Baka mas malala. Hinalikan mo siguro?"
Nagulat siya at marahang lumingon siya rito. Alam ba nito ang nangyari kanina?
"Oh! Bakit ganyan ang reaksyon mo? Hinalikan mo nga ba?" tanong nito.
Para silang mga baliw na nagbubulongan.
"Hindi ah!"
"Hmm. Sounds defensive ka ah bro. Aminin mo na. Ok lang naman yun pag totoo eh. Baka ikaw siguro nakauna pag totoo ngang nahalikan mo siya" tumango-tango pa ito.
"Oo daw e" nakagat niya ang pang ibabang labi niya nang masabi iyon.
Gulat naman ang reaksyon ni Eric. Aktong sisigaw ito kaya agad niyang tinakpan ang bibig nito.
"Wag na wag mong sasabihin o ipapahalata sa kanyang sinabi ko sayong hinalikan ko siya. Bubugbogin kita" mariing sabi niya habang nakatakip parin ang kamay niya sa bibig nito.
Tumango ito kaya tinanggal na niya ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig nito.
Tumayo ito sa kama at hinila siya palabas ng kwarto nila.
Hindi siguro nito makayanan ang hindi magreact ng wagas!
"Bro!! Ang tinik mo! Pati ba naman si Cali, di mo pinalagpas? Manyak ka!" duro sa kanya ni Eric pero hindi naman galit.
"Eh inaasar niya ako kanina eh"
"Babaw mo naman. Yun lang ang dahilan kaya mo siya hinalikan? Panu na lang kaya pag nilandi ka na? Siguro bibigay ka agad! Hanep ka bro"
"Hephep! Depende na yun"
"Aba aba at depende pa talaga ha. Depende kung ano?"
"Depende. Depende kung may mood ako"
Nagtawanan sila.
"Ayun! Umamin ka sakin bro, now na! Gusto mo si Cali no?"
Napaisip siya sa tanong nito. Dinama niya kung may nararamdaman na ba siya kay Cali. Pero sa ngayon ay wala pa.
"Amm. Hindi" sabi niya. Parang nabigo ang reaksyon nito dahil kanina ay parang nag-aabang ng resulta ng isang kompetisyon at nang sabihin niyang hindi parang natalo ito.
"Ay! Akala ko gusto mo na siya. Pero bro, wala akong maipipintas sa kanya liban sa pagiging bading niya. Pero di naman un problema eh. May butas parin un" at natawanan ulit sila. Nag-apir pa sila.
"Adik! Ikaw pala ang manyak eh" sabi niya rito habang tumatawa.
"Hindi ah. Pero bro, seryoso na 'to. Sa tingin mo, hinding hindi mo ba magugustuhan si Cali?"
"Ofcourse bro! Ikaw ang magkagusto sa kanya kung gusto mo. Ang dami-daming babae, ba't sa bading pa ako papatol?"
"Correction, pinatulan mo na siya by means of kissing her este him"
"Hindi ko yun sinasadya"
"Hindi sinasadya? Hoh! Maniwala naman ako sayo" tumayo na ito dahil umupo sila kanina sa sala.
"Bro, kahit sinabi mong hinding-hindi mo siya magugustuhan, sana naman, huwag na huwag mo siyang sasaktan. Kaibigan ko siya, natin! At itinuturing ko na siyang kapatid kahit maikling panahon pa lang ang pagkakasama natin. Kababata kita, ikaw ang una kong naging bestfriend pero kapag ikaw ang nanakit sa kanya, bubugbogin kita. Sige bro" tinapik siya nito sa balikat. Tumalikod na ito at pumasok sa kwarto nila. Naiwan naman siyang nag-iisip.

KiNAUMAGAHAN..

Nagising si Cali bandang alas alas singko. Pagkagising niya, bumangon na siya at gaya ng nakagawian, nagsaing muna siya ng kanin bago nagpakulo ng tubig.
Tulog pa ang dalawang mokong sa ganung oras. Alas sais kung magising ang mga ito. Palibhasa walang maagang pasok.
Naghilamos na siya pagkatapos niyang makapagsaing ng kanin.
Nagwalis narin siya sa buong unit nila para hindi mainip habang hinihintay na kumulo ang kanin at tubig.
Pagkatapos naman niyang magwalis ay saktong kumukulo na ang kanin at tubig. Pinatay muna niya ang apoy ng dalawa at isinalin sa thermos ang mainit na tubig. Pagkatapos, kumuha siya ng tatlong noodles sa kabinet. Kumuha narin siya ng hotdog sa ref sa loob ng unit nila. Lahat ng mga ulam na nandun ay kina Eric at Liam pero libre siyang kumuha doon dahil siya naman lahat ang gumagawa ng gawain sa kanilang unit. Kumbaga, yun na yung parang sahod niya kung nagtatrabaho siya. Libreng pagkain.
Binalatan na niya ang hotdog pagkatapos magpakulo ulit ng tubig para sa noodles.
Nang mabalatan ang sampung piraso ng beefies hotdog ay iprinito naman niya ito. Nilagay narin niya ang noodles nang kumulo na ang tubig.
Malapit ng mag alasais. Maya-maya lang ay gising na ang dalawang mokong. Gusto na niyang matapos ang mga ginagawa niya nang makaligo na. Gusto na niyang maligo nang sa gayon ay hindi niya makasabay kumain si Liam. Nahihiya siya rito dahil sa pagsampal niya rito kagabi. Nainis naman kasi siya sa kakulitan nito.
"Good morning Cali!"
Muntik nang mahulog ang hotdog na ipit-ipit niya sa tong dahil sa gulat.
--LiAM--
Alas sais na ng umaga ng magising siya. Gaya ng nakagawian, nagstretching muna siya pagkabangon. Wala na si Cali sa kama nito. Meron siyang naaamoy na hotdog na niluluto. Alam niyang si Cali ang nagluluto.
"Tsk! Sipag talaga" nasabi niya sa sarili. Inayos na niya ang higaan dahil alam niyang kapag hindi niya ginawa iyon, si Cali na naman ang gagawa para sa kanya. Nahihiya na siya rito. Bigla siyang napahawak sa labi niya pagkatapos ay umiling.
"Ano ba! Bakit ba hindi ko makalimutan yun?" napapailing siya.
Pagkatapos niya sa ginagawa ay lumabas na siya at tumungo sa kusina.
Tama ang hinala niya. Si Cali nga ang nagluluto.
"Good morning Cali!" bati niya rito. Muntik pa nitong mabitawan ang hotdog na ipit-ipit nito gamit ang tong.
Napaismid naman siya.
Hindi nalang muna niya pinansin iyon.
"May mainit na tubig naba?" tanong niya rito.
"Andun na sa thermos" sagot nito.
Hindi man lang ito lumingon sa kanya nang sabihin iyon.
"Ah sige. Salamat Cali" sabi niya rito.
"Walang anuman" sagot naman nito at halatang nagmamadali sa ginagawa.
Hindi niya pinansin iyon at nagsalin na ng mainit na tubig sa tasa. Nilagyan na niya ng kape at asukal. Adik siya sa kape. Yun ang una sa listahan pag naggogrocery siya. Hindi iyon pwedeng mawala sa kusina nila.
Habang nagkakape ay pinagmamasdan naman niya si Cali habang niluluto nito ang hotdog. Bigla na lamang niyang naalala ang halik na namagitan sa kanila kagabi. Marahas siyang umiling at uminom ulit ng kape.
"Good morning lovers!!" bigla namang may nagsalita. Sabay pa silang napalingon ni Cali sa nagsalita. Si Eric na gulo-gulo ang buhok. Gising na rin pala ito.
"Lovers???" sabay ulit sila ni Cali sa pagkakasabi niyon.
"Joke!" sabi nito at nagpeace sign.
Ipinagpatuloy na ni Cali ang ginagawa. Siya naman ay itinuloy ang pagkakape.
Tumabi sa kanya si Eric pagkatapos kumuha ng tasa at kutsara. Nagsalin naman ito ng mainit na tubig mula sa thermos at nilagyan ng kape at asukal.
Natapos na si Cali sa ginagawa. Ibinuhay nito ang apoy ng kanin sa maliit lamang.
"Kumain na kayo pag naluto yang kanin. Malapit narin naman eh. Maliligo na muna ako" paalam nito. Nanibago siya. Ngayon lang ata hindi sasabay itong kumain sa kanila.
"Hindi ka sasabay samin?" tanong ni Eric. Yun din sana ang itatanong niya pero naunahan siya nito.
"Hindi na. Mamaya nalang pagkatapos kong maligo" sabi nito.
"Ah. Hihintayin ka nalang namin. Total naman, nagkakape pa kami at tsaka kabubuhay mo lang ng apoy niyang kanin"
Halatang parang wala nang ibang idadahilan si Cali kaya "Sige na nga. Sandali lang at maliligo ako"
Hinintay nilang matapos maligo si Cali bago sila kumain. Habang kumakain sila ay walang nagsasalita. Hindi naman nakatiis si Eric at ito ang nagsalita.
"Teka nga. May problema ba? Ngayon lang ata kayo hindi ngumangawa?" naguguluhang tanong nito.
"Ha? Wala naman" sagot ni Cali. Siya naman ay tuloy lang sa pagkain.
"Nakakapanibago kayo ha. Kanina, plano mong hindi sasabay samin sa pagkain. Ngayon, ang tahi-tahimik niyo. At kagabi, bigla bigla kang pumasok sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Sandali nga, kayong dalawa ha. Umamin nga kayo! Kayo na ba?" tuloy tuloy na saad ni Eric. Napalingon silang dalawa ni Cali dito. Umiling silang dalawa.
"Hindi ah!" sabay nilang banggit. Napangiti ng malawak si Eric. Tumango tango nalang ito at itinuloy ang pagkain. Halatang hindi ito naniniwala sa sagot nilang dalawa. Ganun din naman ang ginawa nila pero nakikita niyang napapatingin sa kanya si Cali. Tiningnan niya ito at nakita sa mga mata na parang may gusto itong itanong sa kanya.
"Tara sa beach mamaya?" maya-maya ay yaya ni Eric sa kanila. "Wala namang pasok eh. Para naman makapagbonding tayong tatlo. Bro, samahan mo mamaya si Cali ha? Punta kayo ng bayan. Bili kayo ng mga makakain natin sa beach. Picnic kumbaga. Tsaka, magwithdraw ka narin sa ATM ko. Ibibigay ko sayo mamaya yung card ko"
Marami pang sinabi si Eric na bibilhin nila sa bayan.
"Wait lang naman. Di pa ako pumapayag ha" protesta ni Cali.
"Sa ayaw mo't sa gusto, papayag ka. Ikaw naman bro, wag kang aangal. Ako na ang maghahanda ng mga magagamit natin" sabi parin ni Eric. Bossy parin ito pero sa paraang hindi nakakairita.
"Sige" sabi nalang niya at tumango. Tumayo na siya dahil tapos nang kumain. Ganun din si Eric. Si Cali na naman ang natira sa lamesa dahil as usual, ito ang maglilinis ng pinagkainan nila.

SA BAYAN..
"Ano na nga ulit yung bibilhin natin?" tanong ni Liam kay Cali.
"Yung empe daw tsaka pulutan niyo narin daw. Teka, nakawithdraw ka na ba?"
"Hindi pa nga eh. Halika na. Dun muna tayo sa may ATM" yaya niya rito at nagpunta na sila sa may ATM at nagwithdraw ng 2 Thousand. Tama na yun para sa mga bibilhin nila.
Pagkatapos nilang magwithdraw ay pumasok naman sila sa isang grocery store at binili ang mga ibinilin ni Eric.
"Li, pwede ba akong kumuha nito?" paalam ni Cali sa kanya. Nilingon niya ito at nakitang hawak-hawak ang isang supot ng marshmallows. Napakunot-noo siya.
"Gusto mo yan?"
"Oo. Favorite ko 'to eh. Gustong gusto ko kahit noong bata pa ako"
"Ah sige. Yung malaki na yung kunin mo. Magkano ba yung pinakamalaki?" tanong niya.
"Uhmm.. Teka.. 300 eh" napakagat labi ito.
"Sige kunin mo na" sabi niya. Tuwang tuwa naman si Cali.
"18 years old ka na, para ka paring bata kung umasta" saway niya rito nang yakapin nito na parang unan ang malaking bag ng marshmallow.
"Thank you Li!" sabi nito na nangingiti at nilagay na nito ang bag ng marshmallow sa push cart.
Nagpunta na sila sa liqour section ng grocery store. Kumuha siya ng isang malaking bote ng emperador light. Lingon ng lingon naman ng mga paninda si Cali.
"May gusto ka pa?" tanong niya rito. Napatigil naman ito sa paglingon sa mga paninda at tumingin sa kanya.
"Wala na. Ano, hindi pa ba kompleto ang mga yan?" tukoy nito sa mga nasa push cart.
"Hindi pa. Wala pang pulutan. Kumuha ka nga nung malaking Mang Juan. Yung brown ha. Tatlo kunin mo" utos niya rito.
Napatango nalang ito at nagpunta sa may section ng mang juan. Pagbalik nito ay may hawak nang tatlong malalaking size ng mang juan. Nilagay na nito iyon sa push cart.
"Halika na. Bayaran na natin 'to. Baka naiinip na si Boss" yaya niya rito. Binayaran na nila ang mga kinuha nila at sumakay sa tricycle pagkatapos.
"Tatlo lang ba tayong pupunta sa beach? Ba't di niyo yayain si Alex?" tanong ni Cali nang nasa tricycle na sila papuntang boarding nila.
"Oo nga 'no. Sige, sasabihin ko mamaya kay Eric na tawagan niya si Alex" sabi naman niya rito. Nahahalata niyang parang may crush ito kay Alex at naiinis siya sa isiping yun. Pero bakit naman? Sa anong dahilan siya maiinis? Eh di hayaan niyang magkagusto si Cali kay Alex. Ano ngayon?
SA BOARDING..
"Ang tagal niyo naman! Kanina pa kami naghihintay ni Alex dito" bungad sa kanila ni Eric pagkarating nila. Nadatnan si Alex doon.
"Ah! Alex, hello. Plano sana naming sabihin kay Eric na tawagan ka para sumama samin. Kaso, naunahan na pala kami. Sorry ha. Medyo natagalan kami sa bayan" sabi ni Cali kay Alex.
"Ayos lang. Pasensiya na kayo kung ito lang ang dala ko" sabi naman ni Alex at itinaas ang hawak na supot na maraming lamang mga kutkutin o sitsirya.
"Ayos na yan. Eh kami nga, puro ganito lang binili namin" sagot ni Cali at ipinakita rin ang hawak na supot ng binili nila kanina.
"Marshmallow? Wow. Favorite mo rin?" bulalas ni Alex.
"Oo. Bakit, pati ikaw rin?" tanong ni Cali dito.
"Oo! Buti naman at bumili ka ng ganyan. Adik ako niyan eh" abot-tainga ang ngiti ni Alex.
"Tama na 'yan ha. Hello, andito po kami. Kung makapag-usap, parang sila lang dalawa" saad ni Eric. Hindi naman siya umiimik. May bumabangong inis sa dibdib niya.
Tumawa sina Cali at Alex.
"Let's go?" maya-maya ay sabi ni Eric.
"Wait lang. Magdadala lang ako ng extra shorts ko. Ayokong basa ako pag-uwi" sabi ni Cali.
"Ako rin! Sandali at kukuha lang kami" sabi naman niya. Pinaikot ni Eric ang mga mata nito.
"Sige lovers! Bilisin niyo lang ha?"
Pumasok na sila sa kwarto pagkatapos at naghanap ng shorts. Habang abala siya sa paghahanap ng damit, nakita niya ang isang shorts na kulay itim na may mga markang puti. Hindi niya iyon masyadong ginagamit. Semi-jersey shorts ang itsura nun at kapantay lang ng tuhod niya ang haba kapag sinusuot niya. Hindi niya alam ang nag-udyok sa kanya para..
"Cali, sa'yo nalang 'to. Hindi ko na kasi masyadong ginagamit. Bagay naman sayo 'to" alok niya rito. Tumigil ito sa paghahanap at lumingon sa kanya. Tiningnan nito ang shorts na iniaabot niya rito. Umiling ito.
"Hindi ko matatanggap yan. Signatured shorts eh. Mahal siguro yan" sabi nito.
"Hindi naman. Isang libo lang naman pinambili ko niyan noon"
"Isang libo? Tapos LANG? Aba'y allowance ko na yun sa dalawang linggo ah"
"Sige na Cali. Tanggapin mo na 'to. It will serve as my peace offering"
"Peace offering?" kumunot ang noo nito.
"Oo. Kasi hinalikan kita. Sige na kasi. Tanggapin mo na. Maganda naman ang design di ba?" hindi na talaga niya maintindihan ang sarili. Bakit ba nagkakaganun na siya? Hindi naman siya mapagbigay ng gamit niya dati. Hinahayaan lang niyang nandun da cabinet ang mga gamit niya. Siguro ay dahil gusto lang niyang lubusang mag-sorry. Oo, yun naman siguro ang dahilan.
Nag-aalangan pa si Cali pero unti-unti nitong kinuha ang shorts na iniaabot niya. Tiningnan nito ang kabuuoan nito at saka ngumiti. Hindi rin niya mapigilang mapangiti.
"Salamat Li" sabi nito sa kanya.
"Lovers!! Ba't ba 'pag kayo ang magkasama, ang tagal-tagal niyong gumalaw? Ano ang drama niyo? The-world-go-spinning-slow pag magkasama kayo?! Halina kayo. Sinasabotahe niyo ang lakad ha" si Eric, nasa may pintuhan at nakapameywang. Napahagikgik silang dalawa.
"Yung backpack mo Li, pahiram. Dun ko nalang ilalagay ang mga shorts natin. Tsaka ung empe niyo"
Ibinigay naman niya rito ang maliit lamang na backpack niya.
"Saan nga pala tayo sasakay?" tanong ni Cali kay Eric nang nasa hallway na sila ng boarding nila palabas.
"Sa kotse ni Alex. Dinala niya. Yaman pala nito eh!" sagot ni Eric.
Halatang namangha rin si Cali.
"Oh talaga Alex? Bakit di mo sinabi?" baling ni Cali kay Alex. Ngumiti ang lalaki.
"Anong gusto mong gawin ko, unang araw palang ng meeting natin, sasabihin ko nang mayaman ako? Eh hindi ba mayabang na ang labas ko dun?"
"Oo nga no? Bakit ka nga pala nakipagkaibigan samin? Eh, hindi naman kami mayayaman. Ayy, sorry. Mayaman din pala ang dalawang ito. Ako lang pala ang hindi mayaman sa inyo" natatawang sabi ni Cali. Natawa naman si Alex. Siya naman ay sumimangot.
Pagkalabas nila ng boarding nila, sumakay na sila sa kotse ni Alex.
Sa tabi ng driver's seat umupo si Cali. Sa likod naman sila ni Eric.
"Bro, nahahalata mo? Nagkakacrush na ata si Cali kay Alex. Salamat naman at nagkacrush din" bulong sa kanya ni Eric. Hindi siya natuwa sa narinig. Kilala nila si Cali bilang isang tao na hindi mahilig magcrush. Since nakilala nila ito, wala itong nababanggit na crush na gaya ng ibang bading. Pero nahahalata narin niya na parang may crush nga ito kay Alex. Gwapo naman kasi si Alex at mukhang mabait dito. Pero gwapo naman siya at mabait kay Cali ah.
Teka nga muna, bakit na naman ba ikinokompara niya ang sarili sa iba? Gusto ba niyang sa kanya magkacrush si Cali?
"Saang beach tayo guys?" tanong ni Alex sa kanila.
"Sa Del Rosario beach resort" sagot ni Eric. Pinaandar na ni Alex ang kotse at umalis na sila. Habang nasa daan sila, masayang nagkakausap sina Cali at Alex. Titig na titig si Cali sa lalaki habang abot-tainga ang ngiti.
Sa inis, kinuha nalang niya ang headset sa bulsa at isinaksak sa cellphone. Ipinasak niya sa tenga ang headset at pinatugtog ang Kabet ng Gagong Rapper.
Ano kaya ang paboritong kanta ni Cali?, naisaisip niya. Huh? Bakit naman siya concern sa favorite song nito? Ipinilig niya ang ulo at pumikit. Pero maya-maya lang ay ang mukha ni Cali nung hahalikan na niya ito sa may lababo ang nakikita niya. Nanlalaki ang mga mata, napaawang ang labi at napasinghap noon si Cali.
Marahas siyang dumilat.
"Bwisit!" bulong niya sa sarili.
"Ano 'kamo?" tanong ni Eric sa kanya.
"Wala" matamlay niyang sagot. Halos trenta minutos din silang bumiyahe.
"Wow! Ang ganda! Hindi kaya mahal ang entrance fee dito? Wow. Ang linis linis pa ng tubig oh!" namamanghang bulalas ni Cali. Napaismid siya. Parang-bata, sa isip-isip niya.
"Hindi naman. 250 per head lang. Iba pa yung bayad ng cottage na kukunin natin. 1500 daw isang gabi" sagot ni Alex.
Biglang napalingon si Cali dito. Pati siya ay tumingin din sa lalaki.
"One thousand five hundred pesos!?? Isang gabi? Tsaka 250 ung entrance fee kamo?" nagbilang sa daliri si Cali. "Tas 1000 pa yung entrance fee natin lahat? Naku, babalik na ako sa boarding. Wala akong pera" sabi ni Cali at akmang tatalikod pero hinawakan ni Alex ang mga balikat nito ay iniharap dito.
"Walang aalis. Babayaran ko lahat ng bills natin" seryosong sabi ni Alex.
"Nakakahiya naman sayo. Kami ang nag-imbita, tapos ikaw ang gagasto" sabi ni Cali dito.
Bahagyang natahimik sina Eric at Alex. Nagkatinginan pa ang mga ito.
Maya-maya ay nagsalita ang huli.
"Uhm. Sa totoo lang, ako talaga ang nagsuggest na magbebeach tayo. Kahit tanungin niyo si Eric"
Nilingon nilang dalawa si Eric. Nangingiti naman ito.
"Oo. Siya nga ang nagsuggest. Sinabi niya sakin kagabi" sabi nito.
Napakagat-labi si Cali.
"Uy thank you Alex ha?"
"Walang anuman"
"Hoy. Batiin niyo naman siya" sabi ni Eric na ikinakunot-noo nilang dalawa.
"Batiin? Ng ano?" tanong niya.
"Birthday mo Alex?" inosenteng tanong naman ni Cali.
Tipid na ngumiti si Alex at tumango.
Dahil dun, yumakap si Cali dito at binati ng magandang kaarawan.
Shit! Ba't may yakap pa?
"Salamat Cali" gumanti ito ng yakap.
"Ilang taon kana? 20?" tanong ni Cali nang kumalas ng yakap dito.
"19. Actually, 18 ako noong self introduction natin pero sinabi ko nang 19 ako kasi after 3 days naman eh 19 na talaga ako" paliwanag naman ni Alex.
Tumango-tango naman si Cali.
"Salamat ulit sa treat mong 'to ha? Happy birthday ulit"
Tumango nalang si Alex at kapagkuwan ay nagpunta na sila sa may cashier at nagbayad ng kanilang fees. Pang-dalawang araw at dalawang gabi ang binayaran ni Alex.
"Guys, the cottages here are good for only two by room. So ibig sabihin nun, dala-dalawa tau sa isang kwarto. Lovers, kayo na ang magkakwarto ha? Kami naman ni Alex" maya-maya ay bulong sa kanila ni Eric.
"What!??" sigaw ni Cali. Medyo napalakas ang boses niya kaya ang mga tao sa paligid ay napatingin sa kanila. Nagpeace sign naman si Cali at humingi ng despensa. Maya-maya, pabulong na itong nagsalita. "Nagpapatawa ka ba Eric? Ayoko. Uuwi nalang ako!" protesta ni Cali. Parang nasaktan siya. Ayaw ba siya nitong makasama sa iisang kwarto? Eh magkasama naman sila sa iisang kwarto sa boarding nila, ah. Kasama nga lang nila si Eric.
"Ba't ayaw mo? Eh magkasama nga kayo ng iisang kwarto sa boarding" paliwanag naman ni Eric. Parang gusto na niyang magsalita pero nanahimik muna siya.
"Oo nga pero--"
"Cali, mabait naman yang si Liam eh. Basta kayo na ang magkasama. Two nights lang naman yun" ani Eric.
Natahimik naman si Cali. Parang nag iisip habang nakatitig kay Eric.
"Damn!" bulalas nito maya-maya. Napapiksi pa ito. "Sige na nga. Wag kang malikot kapag sleeping time ah?! Tatakpan ko ng unan yang mukha mo!" banta ni Cali sa kanya. Naggagalaiti ang mga ngipin at nanlalaki ang mga mata. Ang cute ng mata niya, naisaisip niya.
"Sure. No problem. Behave akong matulog" sabi naman niya.
"Ok! Mukhang ayos naman na, punta na tau sa mga rooms natin para dalhin tong mga gamit natin and then let's go to the water. Ligo tayo!" sabi ni Alex. Ibinigay na nito sa kanila ni Cali ang susi at number ng magiging room nila. Room number 14!
"Ui! San ka pupunta?" sigaw ni Cali sa kanya. Nauna na siyang naglakad papunta sa magiging room nila.
"Sa room natin. Bakit?" sagot niya rito. Itinaas nito ang hawak na bag.
"Uh-uh?? So ako ang magbubuhat nito, ganun?"
"Ay sorry! Oh, akina" muntik na niyang nakalimutan, o mas tamang sabihing nakalimutan niyang may karga pala sila. Pagkatapos niyang kinuha kay Cali ang bag ay nauna na ito sa kanya sa room.
"Hoy! Hintayin mo ako. Nasa akin ang susi" sabi niya rito kaya binagalan nito ang paglakad.
"Bilisan mo kasing maglakad. Mukhang andun pa sa dulo ang cottage natin oh! Gusto ko nang mahiga. Ang init!" reklamo nito.
"Ayos lang 'yan. Cute ka parin naman kahit mangitim ka" nabigla siya sa binanggit.
"C-cute? Kelan ba ako naging cute?" halatang nagulat din ito.
"J-joke lang 'yun. Dali mo namang maniwala" tumawa siya ng mahina. Sumimangot naman ito at inirapan siya. Napakagat-labi siya. "Oh, ayun na yung cottage #14!" turo niya rito. Mga tatlong cottages pa ang madadaanan nila at andun na sila.
"Akina yung susi. Ako na magbubukas" ibinigay niya rito ang susi at ito nga ang nagbukas nang marating nila ang kanilang cottage.
Bahagya silang humanga sa loob ng cottage. Maganda ito. May isang hindi kalakihang kama na kutson pero kasya naman siguro sila ni Cali dun. May sariling banyo, may tv at may sofa. De-aircon din. Nilingon niya si Cali. Tumingin rin ito sa kanya at ngumiti ng pilyo. "Sa sofa ka matutulog ha?" tumawa ito.
"Neknek mo! Ikaw nalang kung gusto mo"
"Li! Alangan namang magkatabi tayo?"
"So? Anong masama? Mabubuntis ka ba?"
Tiningnan siya nito ng matalim.
Ngumiti siya.
"Cali, wala namang masama dun eh. Pareho naman tayong lalaki"
"Oo nga pero hindi ako sanay na may katabi!"
Oo nga pala. Bigla niyang naalala noong tumabi si Eric dito noon sa boarding nila. Hindi ito mapakali. Galaw ng galaw at laging tinutulak si Eric pababa ng kama nito kaya naman napilitang bumalik rin si Eric sa kama nito. Ganun kaya ang mangyayari sa kanya mamaya pagtulog nila?
"Bakit, hindi ba kayo magkatabi ni-- ni-- ano na nga ulit pangalan ng kapatid mo?"
"Colossus"
"Ah, right! Hindi ba kayo magkatabi ni Colossus pag natutulog?"
"Magkatabi, pero iba yun dahil magkapatid kami"
"Oh, di isipin mo nalang na ako si Colossus pagtulog mo para di ka mailang"
"Paano ko gagawin yun eh ang tangkad mo? Maliit lang si Los. Hindi ko yata kayang isipin na ikaw siya kasi parang si tatay ka"
"Tatay? Bakit naman ako naging parang tatay mo?"
"Kasi nga, ang laki mong tao. 18 mo palang, para kanang 22. Ang lapad ng balikat mo tapos ang lalaki ng mga muscles mo. Tas ang tangkad mo pa"
Hindi na niya naiwasang mapangiti ng malapad. Itinaas-taas pa niya ang mga kilay niya. Napansin naman nito iyon.
"Bakit?" tanong nito.
"So, you find me hot?"
Namula ang pisngi nito pero agad namang nakabawi. Sumagot ito.
"Hot? Sinong maysabi? Si Pacquiao nga, ang lalaki ng mga muscles pero hindi naman hot"
Nawala ang ngiti niya.
"Meaning, ganun ako?"
"Wala rin akong sinabi" sabi nito at ibinagsak ang katawan sa kamang kutson saka tumawa.
Umupo naman siya sa sofa.

Ibang klase talaga si Cali. Kadalasang tahimik pero pag bumanat, matatawa ka.
Unang napansin niya rito noong una silang magkita ay ang mga mata nito. Parang inaantok. Hazel ang kulay nito at makakapal ang mga pilik-mata nito.
Inimagine niyang mahaba ang buhok nito at natawa siya dahil mukhang bagay nitong maging babae. Babaeng maliit na pocahontas. Or in other word, maitim.
Napaupo si Cali mula sa pagkakahiga at nagtatakang tumingin sa kanya.
"Hala! Li, napano ka?" takang tanong nito sa inaasal niya. Bigla-bigla nga naman siyang tatawa, anong iisipin nito?
"Nakita ko singit mo!" pagrarason niya at hinaluan ng tawa. Tumayo naman si Cali at mabibigat ang mga hakbang na lumapit sa kanya. Alam na niyang hahampasin siya nito pero sinalag niya ang mga kamay nito at mahigpit na hinawakan. Nagwala naman ito.
"Bastos ka Lee Amiro Sabrosa!!!" naggagalaiting sigaw nito sa kanya at tinulak tinulak siya hanggang sa sumabit ang kanyang paa sa carpet kaya na-out balance siya at natumba sa sofa. Okay lang sana kung hindi nasama si Cali at dumagan sa kanya. Dumikit pa ang mga labi nito sa leeg niya. Nakiliti naman siya dahil doon.
Hinampas siya nito at agad tumayo. "I hate you!!" sigaw ni Cali sa kanya at nagdadabog na lumabas ng cottage nila. Hindi naman niya maintindihan ang sarili kung bakit siya apektado sa inis nito sa kanya. Parang ayaw niyang nagagalit o naiinis si Cali sa kanya. Gusto lang naman niyang patawanin ito. Pero naoffend pala niya ito.
Hindi niya namalayan ang sariling sumunod dito at hinanap kung saan nagpunta.
"Uy! Tara na. Ligo muna tayo. San si Cali?" tanong ni Alex nang makasalubong niya ang mga ito ni Eric.
Nagkibit-balikat siya. "Naunang lumabas eh. Nagswimming na siguro. Parang excited eh" pagsisinungaling niya.
"Ah. Sige tara. Ligo na tayo. Wala ka bang dinalang trunks?" tanong ulit ni Alex.
"Meron. Teka at magpapalit lang ako" sabi niya at pumasok na siya ng kanilang cottage at nagpalit ng damit. Brief at trunks lang ang sinuot niya dahil maglalangoy lang naman sila. Pagkatapos ay lumabas na siya.
Sabay-sabay silang nagpunta sa tubig. Pero may madadaanan pa silang isang cottage na inuman.
Tuloy-tuloy sana sila pero may napansin siya.
Si Cali, may kausap na lalaki! Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng damdaming hindi niya mapangalanan. Parang naiinggit siya na nagagalit na ewan. Hindi na siya nagdalawang isip at nilapitan ang mga ito. Nagtataka naman sina Eric at Alex dahil umiba ng daan si Liam. Sinundan nalang nila si Liam ng tingin.
"Uy! Gwapo ng kausap ah. Boyfriend mo?" pagsingit ni Liam sa usapan nina Cali at ng lalaki. Mukhang masaya ang mga ito dahil abot tainga ang ngiti at magkawak-kamay pa!
Bumaba agad ang ngiti ni Cali pagkakita sa kanya.
"Ha?" gulat namang saad ng lalaking kausap ni Cali. Gwapo ang lalaki. Crush ba ito ni Cali?
"Liam.."
"Oo. Boyfriend niya ako pre. Bakit? Pagtatawanan mo ako dahil bading ang syota ko?" matapang na tanong ng lalaki. Si Cali naman ay namula.
Parang tinulos din ito sa kinauupoan. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Liam at pakiramdam niya ay parang nabingi siya. Napatiklop ang mga palad niya ng mahigpit. Tumayo naman agad si Cali at hinila siya papalayo sa cottage. Nang medyo malayo na sila sa inuman ay nagsalita si Cali.
"Li! Ano bang problema mo?"
"Ganun ka ba talaga kababaw Cali? Akala ko pa naman iba ka sa mga bading na nakilala ko. Ang cheap mo rin naman pala. 'Landi mo! Kung sinu-sino ang pinapatulan, basta gwapo! Ano, malaki ba ang titi nun kaya nagustuhan mo ha?! Ako, malaki rin.." naputol ang pagsasalita niya ng isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang kanang pisngi. Parang nabingi siya sa lakas ng sampal. Nang makabawi ay tiningnan niya si Cali. Kitang-kita niya sa mga mata nitong unti-unti nang namamasa ang pagguhit ng sakit dahil sa mga sinabi niya. Nagsisisi naman siya sa mga sinabi niya. Bakit nga ba kasi niya nasabi ang mga yun?
"So.. Sorry Cali. H-hindi ko sinasadyang.. masabi ang mga yun" sabi niya at sinubukang lapitan ito at hawakan ang kanyang mga kamay.
"W-wag kang lalapit!" tuluyan nang tumulo ang mga luha nito at nabasag ang boses nito.
"L-Liam? G-ganyan ba agad ang tingin mo sakin? Nakipag-usap lang ako sa isang lalaki, inisip mo nang malandi ako?"
"Hindi naman yun eh.. B-at.. Ba't magkahawak ang mga kamay niyo?!"
"Oh my gosh Li!! Para kang bata! Ganun ba ako kababa para.. Para makipagholding hands sa.. Sa hindi ko kilala?" bahagyang paputol-putol ang pagbigkas nito dahil sa pag-iyak. "Li! Sana nagtanong ka man lang. Namiss ko yung tao kasi ang tagal naming hindi nagkita! Miss na miss ko ang pinsan ko!!" sigaw nito sa kanya at agad tumakbo papalayo sa kanya.
"P-pinsan? P-pinsan niya yung lalaki?" tanong niya sa sarili. Pakiramdam niya ay napakasama niyang tao sa oras na iyon. Bakit ba kasi siya nakaramdam ng galit at inggit kanina? Naiinis na siya sa kanyang sarili.
Maya-maya ay lumapit sina Alex at Eric sa kanya.
"Bro, anong ginawa mo kay Cali?!" seryosong tanong ni Eric.
"Nag-away ba kayo?" tanong naman ni Alex.
"Ba't ganun bro?" naguguluhang tanong niya.
"Ang alin?" halos sabay na bigkas ng dalawa.
"Bakit nainggit ako at nakadama ng galit kanina nung nakita kong may kausap si Cali na lalaki?" tanong ko.
Nagkatinginan ang dalawa. Bumulong si Eric kay Alex at sabay silang napahagikgik na hindi nagtagal ay naging tawa. Nagtataka naman siya.
"Bakit?" tanong niya.
"Bro! Wag mong sabihing nagseselos ka?" natatawang tanong ni Eric.
"Nagseselos? Sa bading? Hindi ah!" matigas na tanggi na.
"Eh anong tawag mo sa naramdaman mo kanina kung hindi selos? Wala ka naman dapat ikagalit sa ginawa ni Cali kung galit lang ang dahilan" sabi naman ni Alex.
"Basta! Hindi ako nagseselos!" mariing tanggi niya.
"Ok! Fine. Sabi mo eh. Wag na pala tayong maligo. Pahinga nalang muna tayo at mag-iinuman tayo mamayang gabi" sabi ni Eric. Tinapik siya nito sa balikat bago pumunta ang mga ito sa kanilang cottage. Siya naman ay nagpunta narin sa cottage nila.
Habang naglalakad ay napapaisip si Liam kung bakit siya nagkakaganun? Ano naman ngayon kung makikipag-usap si Cali sa ibang lalaki?
"Shit! Ba't di ko naisip yun?" sabi niya sa sarili at natampal ang noo. Kilala kasi niyang hindi nakikipag usap si Cali sa mga taong hindi nito kilala. At bakit hindi niya naisip na baka kilala nito ang lalaki kaya kausap nito?
Pagkapasok niya sa kanilang cottage ay nanghahapong napabagsak siya sa kama. Gulong-gulo ang isip niya.
"Hindi na tama ito" bulong niya sa sarili. Ipinikit niya ang mga mata at hindi niya namalayang naidlip siya.
Naalimpungatan si Liam nang maramdaman niya ang pagbukas ng pintuan ng cottage nila ni Cali. Napalingon siya sa pintuan at nakita niyang papasok si Cali habang nakayuko. Awang-awa siya sa itsura nito dahil halatang galing sa pag-iyak. Namumugto ang mga mata nito. Marahan siyang bumangon. Sinulyapan naman siya ni Cali pero agad umiwas ng tingin. Alam niyang galit parin ito sa kanya.
Umupo ito sa sofa at hinalungkat ang bag na dala nila. Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito. Umusod palayo sa kanya si Cali pero nilapitan parin niya ito.
"Ano ba?! Wag ka ngang lumapit sakin! Baka mangati ka pa" sabi nito.
Napakunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Mangati? Bakit naman?"
"Hindi ka kasi sanay sa mga cheap" sabi nito. Diniinan pa nito ang huling salita.
Nakaramdam siya ng guilt at pakiramdam niya ay naging napakasama niya.
"So.. Sorry kanina Cali. Alam kong.."
"Hindi mo alam. Kaya nga ginawa mo" putol nito sa sasabihin sana niya. Hindi parin ito tumitingin sa kanya.
"I'm sorry Cali. Naging bastos ako kanina pero di ko naman sinasadya. Hindi ko nga alam kong bakit ko nasabi ang mga iyon"
"Nonsense! Anong gusto mong palabasin, na nasaniban ka kanina!?" lumingon na ito sa kanya.
"H-hindi naman sa ganun Cali. Pero.. Pero.. Basta!"
"Ewan ko sayo. Weird mo" sabi nito at muling binalikan ang bag at muling naghalungkat. Napabuntong hininga siya. Lumabas na muna siya sa cottage at palalamigin muna niya ang ulo ni Cali. Mamaya nalang niya ito kakausapin at magsosorry.
Pagkalabas niya ay may nadaanan siyang vendor ng fruits. Napangiti siya ng malapad nang mapatitig sa mansanas na pula.
"Paborito yata yan ni Cali! Lagi kasing mansanas ang binibili nito pag bumili ng prutas" sabi niya sa isip at napahimas pa sa baba.
Lumapit na siya sa ale na nagtitinda at bumili ng isang kilo ng mansanas na pula.
"Matamis ho ba to ate? Baka naman maasim ha?" tanong niya sa tindera.
"Ay! Matamis yan iho. Siguradong magugustuhan yan ng girlfriend mo. Siya ba reregalohan mo?"
Kumunot ang noo niya.
"Ay ate. Wala po akong gf. Ibibigay ko lang po yan sa kaibigan kong nagtatampurorot" sabi niya at hinaluan ng mahinang tawa.
"Oh sige. Bibigyan kita ng malalaki at matatamis pero the same price parin" nakangiting sabi nito. Natuwa naman siya. Nagpasalamat siya. Pagkatapos bayaran ay bumalik siya sa cottage dala ang isang supot ng mansanas.
"Hoh Cali! Sana mapatawad mo na ako" bulong niya sa sarili.
Nang pumasok si Liam sa kanilang inuupahang cottage si Liam ay nadatnan niyang nakahiga na si Cali sa kama pero hindi tulog. Hindi niya pinahalata ang hawak niyang supot. Nagpunta siya sa lavatory at kinuha ang dalawa sa pinakamalaking mansanas na binili niya.
Pagkatapos niyang hugasan ito ay kumuha siya ng kutsilyo..

(CALI)
Nakahiga si Cali sa kama ng kanilang cottage. Ipinikit niya ang kanyang mga mata para matulog pero nahihirapan siya. Umaalingawngaw parin sa isip niya ang sinabi ni Liam sa kanya kanina. Lalo sa parteng pinagmukha siyang malibog at malandi at naghahanap ng lalaki.
Maya-maya ay naramdaman niya ang pagbukas ng pintuan. Alam niyang si Liam iyon pero hindi niya ito nilingon. Naiinis siya rito. Grabeng inis pero hindi niya matatawag na galit ang nararamdaman niya. Nahaluan narin ng pagtatampo ang inis na iyon kaya lumalala. Nagtatampo siya kasi akala niya ay mataas at iba ang tingin sa kanya ng kaibigan, pero hindi pala.
Hindi niya alam kung gaano katagal mula ng pumasok si Liam at dumiretso sa lababo bago ito lumapit sa kanya.
"Cali.."
"Ano!?" madiin ang pagkakasabi niya.
"Heto oh. May binili ako para sayo. Ang alam ko kasi, paborito mo 'tong prutas na to" malambing at malumanay ang boses nito. Parang sinusuyo siya. Kumabog ang dibdib niya. Sabi na nga ba at nahuhulog na siya sa binata. Pasaway na puso! Napilitan siyang bumangon at harapin ito.
Nang makabangon siya ay napatutok ang kanyang mga mata niya sa hawak nitong babasaging plato na may lamang dalawang mansanas. Sumikdo ang dibdib niya at lumakas ang tahip nito nang mabasa niya ang mga letrang nakaukit sa mansanas. Pula ito kaya maliwanag ang parteng inukitan. "I'm So Sorry" iyon ang nakaukit sa dalawang mansanas.
Gusto na niyang ngumiti pero pinigil muna niya. Pero hirap na hirap ang dibdib niya dahil parang nakulong doon ang kilig kaya kahit ayaw ay napangiti siya.
"Yes!" mahinang usal ni Liam. Tiningnan niya ito at parang batang nagbehave.
"Para saan yan?" seryosong tanong niya.
"Ah! Peace offering. Sorry na kasi? Sorry talaga Cali. Please. Bati na tayo" umupo na ito sa tabi ng kama malapit sa kanya. Bigla siyang napaisip. Shet, ano to? Teleserye?
Napaisip siya.
"Sige.."
"Yes!!" masayang bulalas nito.
"Pero sa isang kondisyon!"
"Kondisyon? Ano naman yun?"
"Hatiin mo na yang apple, dali!" lumapad ang pagkakangiti niya at nahawaan naman ito. Agad nitong inilapag ang plato at dali-daling kumuha ng kutsilyo. Kinuha niya ang isang apple at tiningnan ang pagkakaukit ng mga letra. Ang cuuuuute! Eeeee, sigaw niya sa isip. Napapangiti siya ng malapad.
Maya-maya ay lumapit muli si Liam sa kanya at agad hinati sa maliliit ang mansanas.

(LiAM)
Masayang-masaya siya dahil bati na sila ni Cali. Kinabahan siya kanina sa kondisyon na sinasabi nito. Alam na niya ang weakness nito: Apple!
Abot-tainga ang ngiti niya habang hinihiwa niya ang apple. Pagkatapos niyang hatiin ito ng maliliit ay kumuha na si Cali.
"Ang tamis. I love it!" mahina pero dinig niyang usal ni Cali habang ngumunguya ng mansanas.
"San mo nabili 'to, Li?" maya-maya ay tanong nito.
"Diyan lang sa labas. Nagustohan mo ba?"
"Oo naman! Paborito ko ang mansanas eh. It keeps me away from doctors" sabi nito at tumawa. Nahawa naman siya pero parang unfair parin. Kahit alam niyang okey na ito, parang ang dali-dali naman nilang nagkabati. Hindi sa ayaw niyang mahirapan siyang suyuin ito pero parang kulang ang effort niya para maipakitang nagsisisi siya sa ginawa niya kanina.
"Sabi sayo Alex eh! Magsyota na yata ang dalawang yan!" bungad ni Eric sa may pintuan ng kubo nila na ikinagulat nila. Aktong susubuan kasi niya si Cali at ngumanga naman ito. Yun ang eksenang naabutan ng dalawang kumag. Awtomatikong nag-pause ang panga ni Cali at tumingin sa may pintuan.
"Hindi ah! Nakuuu. Ikaw talaga Eric! Ang dumi ng utak mo" sigaw ni Cali kay Eric na tawang-tawa. Si Alex naman ay nakangiti ng parang may kahulugan.
"Uyyyy. Nag-lovers quarrel lang kayo kanina, ngayon nagsusubuan na. Baka kund di pa kami dumating.."
"Hep hep! Tama na bro, tama na. Peace offering lang yan" awat ni Liam kay Eric na tinakpan pa ang bibig nito.
"Okey okey! Sige. Pahingi nga" sabi ni Eric at lumapit kay Cali pero ayaw bigyan nito. Inilayo pa ang plato ng mansanas at umusod sa kama palayo kay Eric.
"Damot! Porke binigay ng bf eh, ayaw nang magbigay" parinig ni Eric kay Cali. Sumimangot naman ang huli.
"Hindi ko siya bf!"
"Hindi mo ba siya bestfriend?"
"Bestfriend.."
"Oh di bf mo siya"
"Hindi ko nga siya bf!"
"Bf mo!"
"Hindi!"
"Bf mo!"
"Hindi!"
Nagsukatan ang dalawa ng tingin na nakakamatay. Hindi naman papatalo si Cali kay Eric.
"Kahit patayin mo ako, Eric! Wala kang makukuha sakin kahit na isang hati lang ng mansanas!" sabi nito.
Pumalakpak si Alex dahil doon.
"Ayos ah! Parang teleserye lang" tumawa pa ito. OA naman na kasi ang dalawa. Pati siya ay napapangiti sa inaakto ng mga ito.
"Tama na yan. Magready na kayo. Shot tayo!" sabi ni Alex.
"Buti pa nga" sagot ni Eric pero muli nitong inirapan si Cali. Gumanti rin naman ang huli.


Sa inuman..
Pansin ni Cali ang maramihang pagtagay ni Liam sa alak na iniinom nila. Siya naman ay nanunuod lang. Pinipilit siya ng mga ito na uminom kahit isang shot lang pero talagang ayaw niya. Ang rason niya ay masyadong mabigat sa kanya ang Emperador. Kaya naman ibinili nalang siya ni Liam ng Tanduay Ice na blue.
"Hoy Liam! Maglalasing ka ba? Ayoko ng lasing na katabi ah. Baka magsuka ka pa sa kama" banta niya rito.
"Hindi ako malalasing nito. Relax" sabi nito pero nang tumingin sa kanya ay namumungay na ang mga mata nito.
Hindi nalang siya nagsalita. Sumimsim nalang siya sa Tanduay Ice na hawak niya.
Naroon sila sa tabi ng dagat. Nakasalampak sila sa buhangin at pinapagitnaan ang bonefire na ginawa ng tatlong kumag. Ayaw kasi ng mga itong pumasok sa bar ng resort dahil masyadong maingay daw. Baka hindi pa sila magkakaroon ng time for bonding. Sumang-ayon siya sa sinabing iyon ni Eric.

Nagtataka naman siya kung bakit walang nagbawal sa kanila na gumawa ng bonfire doon. Siguro okey lang, sa isip-isip niya.
"Sure ka na hindi ka malalasing ah?" muling paalala niya nang mapansin niya na diretso na ang maramihang pagtagay ni Liam.
Tumugon naman ito sa pamamagitan ng pag-ungol habang tumutungga.
Maya-maya ay tumabi sa kanya si Eric at naki-share sa kumot na nakabalot sa kanya. Malamig kasi doon kasi iba ang simoy ng hangin.
Maya-maya ay bumulong sa kanya ang lalaki.
"Crush mo si Liam no?"
Nagulat siya sa tanong nito. Napalingon siya at nahuli niyang nakatitig ito sa kanya. Seryoso ang mukha.
"Ha? H-hindi ah"
"Yung totoo kasi? Kaibigan mo ako. Dapat umaamin ka sakin"
"Hindi nga. Ang kulit!"
"Hindi kita titigilan hangga't di ka umaamin"
"'Di wag. Di ko naman talaga siya crush eh"
Bumuntong-hininga ito ng malalim.
"Alam mo, kapag may crush ka, wag mong kimkimin. Sige ka, tutubuan ka ng pimples"
"May ganun? Anong connect?"
"Kasi daw, pag di mo nailabas ang saloobin mo sa isang tao, sisingaw diyan sa mukha mo" sabi nito at tumawa ng mahina. Maya-maya ay ito naman ang tumagay. May ibang topic naman sina Liam at Alex. Tungkol sa mga babae, base sa naririnig niya.
"Pre, may experience ka narin ba?" tahasang tanong ni Liam kay Alex na ikinaubo ng huli. Maging siya ay napalaki ang mata sa tanong ni Liam. Well, ganun naman talaga ang mga lalaki kapag sila ang magkakasama. Pinilit nalang niyang inintindi kahit parang medyo bastos ang dating nito sa kanya.
"Oo naman pre!" maya-maya ay sagot ni Alex.
Bumulong siya kay Eric.
"Ric, pwede mo bang takpan ang tenga ko?"
Napahagikgik ito dahil doon.
"Bakit ba?" tanong nito na nakangiti. Halos mag-isang linya nalang ang mga mata nito. Chinito kasi si Eric.
"Ang sagwa" pabulong niyang sabi.
"Eh hayaan mo na. Ganito talaga kaming mga 'tunay na lalaki', ganyan ang topic pag kami-kami lang"
"Ay! Nahiya naman ako. Hindi pala ramdam ang presensiya ko rito" patampong saad niya. Inakbayan naman siya ni Eric at ginulo ang kanyang buhok.
"Teka, ba't nga pala ang haba ng buhok mo? Di ba Education ang kinukuha mo?" pansin nito sa kanyang buhok. Maihahalintulad ang kanyang hairstyle sa mga napapanuod niyang korean male artists. Yung parang kay Jang Geun-Seok sa movie nitong Baby and I.
"Ipapagupit ko na'to nextyear. Nanghihinayang nga ako eh" sabi niya. Totoo 'yun. Parang ayaw na niyang pagupitan ang kanyang buhok.
"Parang ang sagwa namang tatawagin kang 'Sir' tapos mahaba ang buhok mo? Gupitan kita, gusto mo?" sabi nito at hinawak-hawakan ang kanyang buhok.
"Bawasan natin dito tapos dito.. Tapos.." pagpapaliwanag nito. Hindi naman siya makasagot pero maya-maya ay tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang ulo.
"Ayoko nga! Baka pagtripan mo lang eh. Di ka ata marunong" pasungit naman niyang tanggi.
"Uy Liam! Di daw ako marunong maggupit?" baling ni Eric kay Liam na noo'y tumatawa dahil sa topic nila ni Alex. Lumingon naman ito kapagkuwa'y tumingin sa kanya.
Pagkatapos ay umiwas agad ito ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata.

Pero kahit hindi ito nakatingin sa kanya ay sumagot naman ito.

Dun nagsimula ang masayang pag-uusap nilang apat. Hindi muna nag-open sina Alex at Liam ng anumang topic na related sa sex and experiences. Mag-aalas dose na nang mahalata ni Cali na iba na ang pananalita ni Liam. Halatang lasing na ito. Nainis siya. Kasasabi lang niyang huwag itong maglalasing para di ito malikot kapag natulog sila. At baka sukaan pa siya nito habang nahihimbing siya.

"Li-aaaaam!" nanggigigil at impit ang pagsigaw niya para di siya makaeskandalo sa beach.

"Huh? Baket?" lumingon ito sa kanya na nakangisi. Namumungay na rin ang mga mata nito. Pero sisihin niyo si kupido kung bakit parang tumibok ang kanyang puso dahil sa pagngisi nito at sa mata nitong nakatitig sa kanyang mga mata.

"D-di ba.. Di ba s-sabi kong wag kang maglalasing?" shit! Malamig ba? Nauutal na siya.

"Hinde pa ako lasheng! Kulang pa nga ang ininom ko e"

"Nakuuuu Liam! Tumigil ka. Nakarami kana. Tama na yan" sabi niya at inagaw ang shotglass dito at itinapon ang laman. Sina Alex at Eric ay nagtitinginan naman at nangingiti sa inaakto nila.

Nag-aagawan na sila sa shot glass. Nang maagaw ito ni Liam sa kanya ay agad niyang kinuha ang huling bote ng Emperador Light na nilalaklak ni Liam at agad tumayo.

Pagkatayo niya ay tumayo rin si Liam kaya itinakbo niya ang bote. Narinig pa niya ang pagtawa nina Alex at Eric. Si Liam naman ay hinabol siya kahit hindi diretso ang pagtakbo nito.

Pero masyado yatang mabilis si Liam, o baka siya ang mabagal tumakbo kaya naabutan siya nito. Niyakap siya nito mula sa likod at pilit inaagaw ang alak. Pero iniunat niya ang kanyang kamay para di ito maabot ni Liam. Pigil naman ni Liam ang kanyang kaliwang kamay habang ang isa nitong kamay ay inaabot ang kanang kamay niya.

Dahil sa kaiiwas niya, naoutbalance siya at napasubsob sa pino at malambot na buhangin. Sunod naman sa kanya si Liam na nakapatong sa kanyang likod. Ang sagwa tuloy tignan. Pero hindi pa iyon narerealize ni Liam dahil sa kagustuhan nitong maagaw ang alak kay Cali.

"T-teka.."

"Akin na kaseee"

"Li...!!"

"Akin na"

"Li. Ah.. Shit Liam!! Umalis ka sa likod ko! Ang bastos mo!" sigaw ni Cali.

Napakunot ang noo ni Liam at agad narealize na ang kanyang harapan ay sakto sa pwetan ni Cali.

"Bitiwan mo na ako! Tumayo kana. Shit Li, ramdam ko yung ano mo! Kaya umalis kana"

Imbes na bumangon na si Liam ay nanatili pa itong nakadagan sa kanya na lalong ikinais niya. Pinilit niyang bumaliktad para kahit papano ay hindi niya maramdaman ang bagay na parang nabubuhay habang tumatagal.

Pagkaalis ni Liam sa kanyang likuran ay agad siyang tumayo at pinagpag ang mga buhanging dumikit sa damit at braso niya.
Pagkatapos ay sinampal niya si Liam.

"Aray! Cali! Sumusobra kana ha" bulalas ni Liam at ikinagulat niya ang sumunod nitong ginawa. Binuhat siya nito at itinakbo sa tubig. Ibinagsak siya nito roon. Ramdam niya ang lamig ng tubig at nalasahan pa niya ang alat nito. Basang-basa ang buong katawan niya. Nang tumayo siya ay tawang-tawa naman si Liam, parang nabawasan ang pagkalasing nito.

Agad naman niya itong dinaluhong at hinila sa tubig.

"Teka.. Teka!"

Pero di na ito nakapagreklamo nang lumubog narin ito sa tubig.
Tumawa naman siya dahil doon. Pagkaahon nito ay umatras na siya at pumunta sa buhangin. Medyo madilim na doon kaya baka mapano pa sila kapag maghilaan pa sila ng maghilaan.

"Tama na Li! Ayoko na" sabi niya at itinaas ang dalawang kamay.

Hihilain pa sana siya ni Liam pero umupo siya at umaktong iiyak. Effective naman ang ginawa niya.

"Lage mo nalang kashe akong senasampal eh. Hik!" kahit nakayuko siya at natatawa siya sa pananalita ni Liam.

"Eh sorry naman. Ang bastos mo naman kasi!" asik niya rito.

"Bashtos? Hik! De ko naman shenasadya eh" sabi nito at humiga sa buhangin sa mismong tabi niya. Ginawa nitong unan ang dalawang palad. Nang tingnan niya ito ay naaninag niya sa liwanag ng buwan ang katawan at mukha nito. Nakapikit rin ang mga mata nito.

"Hmm. Maganda pala ang korte ng lips ng mokong. Pati kilay, maayos. At ang ilong, nakakainsecure. Ang tangos naman!" naisasaisip niya. Habang tumatagal ang pagtitig niya sa mukha nito ay nahahalata niyang nagiging banayad at malalim ang paghinga nito.

"Tang-na naman Li! Gumising ka nga! Wag kang matutulog dito. Ang bigat mo!" bulyaw niya rito at niyugyog ang katawan nito.

"Mmm?"

"Gumising ka. Tayo na! At dalhin na kita sa cottage" sabi niya at inalalayan na niya ito sa pagtayo dahil parang lumakas ata ang tama nito. Nakadagdag pa ang pagod kaya inantok.

"Ilang ulit ko kasing sinabi kanina..."

"Oo na! Oo na! Nakakashawa na yang shenashabe mo ah!"

"Abah naman!" di na niya itinuloy ang sasabihin sana. It's useless to have an argument to a drunk man.

Samantala, nagsimula namang magtaka sina Eric at Alex kung bakit di pa bumabalik sina Liam at Cali.

"San na kaya yung mga yun?" tanong ni Eric.

"Baka dumiretso na sa motel?" sagot naman ni Alex at tumawa silang dalawa.

"Pare, tiwala naman ako kay Cali eh. Di ganung yung baklang iyon. Maghubad ka na't lahat, hindi ka niya aanuin. Sasampalin lang" sabi ni Eric sa pagitan ng kanyang pagtawa.

Maya-maya ay naaninag nila ang dalawa. Ang isang braso ni Liam ay nakapatong sa balikat ni Cali. Pasuray-suray narin ang paglakad ni Liam. Ang ikinagulat nila ay parehong basa ang mga ito.

"Ric! T-tulong naman oh. Ang bigat ng mokong na 'to!" sigaw ni Cali. Agad naman silang tumayo at pinuntahan ang dalawa. Kinuha nila si Liam mula kay Cali at sila na ang nagdala dito sa cottage ng dalawa.

"Cali, yung mga gamit natin, kunin mo na muna. Kami na magdadala kay Liam sa cottage niyo"

"Oh sige. Basta, wag niyo muna siyang ihihiga sa kama ah? Idiretso niyo sa banyo. Puro buhangin na siya oh" bilin ni Cali sa dalawa.

"Sige" sagot naman ng mga ito.

Agad niyang pinuntahan ang pinag iinuman nila kanina at kinuha ang mga kagamitan nila. Agad narin siyang sumunod sa kanilang cottage. Naabutan pa niya ang pagpasok ng dalawa kay Liam sa banyo.

"Paliguan niyo na" utos niya sa dalawa.

"Ha? Bakit kami?"

"Alangan namang ako?"

"Oh, eh anong masama? Tsaka ikaw itong basa. Babasahin mo pa kami. Ikaw na magpaligo sa kanya. Libre ka pa sa katawan niya" biro ni Eric at ngumisi.

"Gago!"

Tawanan ang dalawa.
"Sige, lock na namin yung main door ha? Baka may distorbo pa kasi" tawang-tawa parin ang dalawa habang lumalabas.

"Gago ka Eric!" bulyaw niya rito. Lalong lumakas ang pagtawa nito.

Nang makalabas ang mga ito ay pumasok na siya sa banyo. Sumusuka na noon si Liam sa inidoro.

"Yerks! Kadiri!" bulong niya.

"Liam, kaya mo pa ba ang sarili mo?" malumanay na tanong niya rito.

Tiningala siya nito at ngumisi. Pulang pula ang mga mata nito at namumungay na. Nag thumbs up lang ito.

"Sige, tayo na diyan" utos niya rito. Sinubukan nitong tumayo pero nadupilas kaya inalalayan na niya ito at itinapat sa may shower.

"Tanggalin mo yang tshirt mo"

Sumunod naman ito.
Nang matanggal na nito iyon ay kinuha niya at nilagay sa ibabaw ng lavatory.

Naghintay siyang tanggalin nito ang pang-ibaba pero di ito gumalaw.

"Hala! Li, tanggalin mo na yang pantalon mo" sabi niya rito. Sumunod naman ito. Pero nahihirapan ito sa pagtanggal ng sinturon.

"Ganun ba karami ang nainom mo Liam at hinang-hina kana? Hina mo palang uminom eh" sabi niya. Nang matanggal niya ang pantalon nito ay napalunok siya.

Agad siyang tumalikod.
"Ah. Uhmm. Ah.. L-liam, kaya mo naman sigurong maligo ng mag-isa. Sige na, labas na muna ako ha? Tanggalin mo yang mga buhanging dumikit sayo" sabi niya na di manlang ito nilingon.

"Cale, favor naman oh. Ekaw na gumawa plis? Nahihilo kashe ako eh"

Naku, lagot! Sigaw ng utak niya.

"N-naku Liam. Hindi naman pwede yun. Kaya mo yan, sige na andito yung sabon" sabi niya. Kinuha niya ang sabon at iniabot dito nang nakatalikod parin. Naramdaman niyang gumalaw ito. Pero nangalay na ang kanyang kamay ay hindi parin nito inaabot ang sabon kaya napilitan siyang lumingon.

Gayun na lamang ang gulat niya pagkalingon. Nabitawan niya ang sabon at tila nanigas sa kinatatayuan.
Nagtanggal na pala ng brief si Liam. Nakatitig siya sa bagay na iyon. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat.

Agad niyang tinakpan ang kanyang mga mata at tumakbo palabas ng banyo.

Hindi na siya bumalik. Pagkatapos ng maraming minutong paghihintay ay sumigaw si Liam sa loob ng banyo. "Cali, yung tuwalya!"

Hinalungkat niya ang kanilang bag at kinuha ang tuwalya nito.
"Andito na Li. Buksan mo ang pinto!"

Bago pa man bumukas ang pinto ay nakapikit na siya.
"H-heto oh"

Kinuha ni Liam sa kanya ang tuwalya. Tumalikod na ulit siya pagkatapos nun.

Nang lumabas na ito ay dali dali siyang pumasok sa banyo dala ang kanyang tuwalya.

Amoy na amoy niya ang sabong ginamit nito. Naghahalo ang amoy alak at suka at sabon sa loob. Naligo siya ng tatlumpong minuto.

Nang lumabas na siya at nakapagpalit na si Liam at nakahiga na ito sa kama nang nakadapa.

Binilisan niya ang pagpapalit ng damit. Nang matapos siya ay agad niyang pinuntahan si Liam at ibinaliktad sa pagkakahiga.
Umungol ito.
"Li, basa pa buhok mo. Baka lumabo ang paningin mo" malumanay na sabi niya rito. Ungol naman ang sinagot nito. Kinuha siya ng isa pang tuwalya at ibinangon si Liam. Pumunta siya sa likod nito. Nakaupo na sila sa kama habang siya ay parang nanay na may kalong na bata at pinupunasan ang basang buhok nito.
Dumilat si Liam at mataman siyang tinitigan. Ngumiti ito habang pinupunasan niya ng buhok nito.
"Bakit?" tanong niya.
Umiling ito, bumuntong hininga at muling pumikit. Habang abala siya sa pagpapatuyo ng buhok nito, bumaba ang tingin niya sa katawan nito. Nang bumaba pa ay nahalata niyang wala itong panloob na saplot. Muling lumakas ang kabog ng dibdib niya. Pero inabala nalang niya ang kanyang sarili sa pagpapatuyo ng buhok nito. Nang medyo natuyo na ng konti ay inayos na niya ang pagkakahiga nito. Nahihimbing na kasi ito.
Natulog na rin pagkatapos.
Naalimpungatan si Cali nang maramdaman niyang yumakap sa kanya si Liam. Tuloy, naramdaman na naman niya ang bagay na iyon sa kanya likuran. Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nito na nakayakap sa kanya pero mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagyakap sa kanya. Kaya hinayaan nalang niya at pinilit muling matulog.
Pero naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang batok na nagpatayo sa balahibo niya. Dumaloy ang kiliti sa kanyang katawan.
"Cali, alam kong gising ka. Okey na ako. Di na ako lasing" bulong nito sa kanyang tenga at muling hinalikan ang kanyang batok. Muling dumaloy ang kiliti sa kanyang katawan. Pero nagsimula siyang makaramdam ng init.
Patuloy ito sa paghalik sa kanyang batok at papunta sa likod ng kanyang tenga.
"T-teka Liam, baka lasing ka pa" sabi niya rito.
"Hindi Cali. Alam ko 'tong ginawa ko at gusto ko 'to" muling bulong nito sa kanya na parang nang-aakit.
Maya-maya ay pumaibabaw ito sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya para di siya makapalag.
"Liam, teka! Ano ba? Pag di ka pa tumigil, sisigaw na ako" seryosong sabi niya.
Pero hinalikan siya nito. Marahas. Masakit sa labi ang ginagawa nitong paghalik sa kanya. Inilabas narin nito ang dila at pilit ipinapasok sa kanyang bibig.
May tumulong luha sa kanyang mga mata. Masakit na ang kanyang labi at pakiramdam niya ay nasugat na iyon sa ginagawang paghalik ni Liam sa kanya.
Nang mahalata siguro nitong hindi siya tumutugon sa halik ay napatigil ito at tiningnan siya sa mukha.
"U-umiiyak ka? S-shit, sorry Cali. Ahh.. Ano ba kasi 'tong ginagawa ko?" sabi nito at agad umalis sa pagkakakubabaw sa kanya.
Pagkaalis nito ay agad siyang tumalikod dito at umiyak nang tahimik. Nagtalukbong narin siya nang sa gayon ay di nito makita ang pag-iyak niya. Narinig niya ang mahabang buntong-hininga nito.
"Cali.." tawag nito sa pangalan niya at hinawakan siya sa balikat pero umusod siya papalayo rito.
"Cali, sorry na oh" malamyos at malumanay ang boses nito. Pinunasan na niya ang luha niya pero di pa siya humaharap dito.

"Sorry na naman.." mahinang usal niya. Yung sapat para marinig nilang dalawa. Hindi siya tunog nagagalit kundi yung parang nagsasawa na.

"Uhmm. Last na 'to promise. Please Cali, sorry"

Bumalikwas na siya at hinarap ito.

"Ngayon, sabihin mo sakin, bakit mo ba ako palaging hinahalikan? Di ka ba nandidiri na humahalik ka sa bakla?"

"Huwag mong sabihin yan. Hindi ka nakakadiri"

"Hindi ko sinabing nakakadiri ako.. Ahhh. Bakit kinakaya ng ego mo na humalik sa isang bakla?"

"Ewan ko" sabi nito at nagkibit-balikat.

"Oh baka naman kasi puro bakla ang experiences mo, Liam?"

"Aray naman! Hindi ah. Anong akala mo sakin, callboy?"

"Ikaw ang nagsabi niyan. Eh bakit mo nga ako hinahalikan?" gustong-gusto talaga niyang malaman ang dahilan nito. Hindi kasi niya mabigyan ng kasagutan ang tanong na "bakit kaya niya ako hinalikan?"

"Uhmm. Wala lang, trip ko lang"

Napakamot siya sa ulo. Di na siya nagtanong. Ang labo talaga nito kausap. Muli siyang humiga at nagtalukbong hanggang sa makatulog siya.




Alas singko nagising si Cali. Tulog pa si Liam. Bumangon na siya at nagmumog. Nag-ayos narin siya ng sarili. Balak niyang umorder ng breakfast nila ni Liam sa may restaurant malapit sa resort. Magtetake out nalang siya.

Kaya naman pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili ay kinuha na niya ang wallet ni Liam. Alam rin naman niyang magpapaorder ito mamaya, uunahan nalang niya.

Hindi na naman masama ang loob niya rito. Para kasing useless ang inis niya, maya't maya at hahalikan na naman siya nito.

"Bakit nga kasi niya ako hinahalikan?" muling tanong niya sa isip.

"Hayyst! Paki ko. Makalabas na nga" dugtong pa niya.

Mga sampung minuto siyang naglakad hanggang sa makita ang Mang Inasal.

Pagpasok niya, sinalubong siya ng isang lalaking waiter.

"Kakain po kayo Sir?"

Naalala niya si Vice. Magaya nga, sabi niya sa isip.

"Ay hindi, makikiluto lang!"

Ngumiti naman ang waiter sa sinabi niya, not offended.

"Joke lang!" sabi niya at ngumiti.

"Haha. So, ano pong order niyo Sir?" tanong nito.

"Uhmm, Kuya, ano pong masarap na pangbreakfast? Ah, yung tig-102 nalang po" turo niya sa picture sa may counter.

"Ah, okey po Sir. Isang order lang po Sir?"

"Naku Kuya, Sir ka ng Sir. Di naman ako teacher" sabi niya rito nang nakangiti.

"Ayy pasensiya. So, ilang order po?"

"Uhmm, apat nalang po. Take out. Salamat" nginitian uli niya ito. Pogi naman ng waiter na 'to, sabi niya sa isip.

"Okey po Sir" sabi nito at nilapitan ang babae sa counter sinabi nito ang kanyang order.

"Bale 408 pesos po lahat, Sir" sabi nung babae.

Nag-abot siya rito ng 500. Sorry Liam, sabi niya sa isip.

Pagkatapos kunin ang sukli ay umupo siya. Habang naghihintay ay iginala niya ang paningin niya sa loob. Tinanaw rin niya ang mga tao at sasakyan sa labas.

Mga dalawampung minuto siyang naghintay nang iniabot sa kanya ng waiter ang nakaplastic na order niya.

"Heto na po order niyo Sir"

"Sir again?"

"Ayy. Oo nga pala" sabi nito at tumawa.
"Sige, salamat Kuya. Baboo!"
paalam niya at lumabas na siya.

Sampung minuto ulit siyang naglakad pabalik sa resort. Masyado kasing mahal ang mga foods sa restaurant inside the resort kaya lumabas pa siya. Wala na siyang pakialam kung ano mang sasabihin ng mga crew sa resort. Hindi naman nila pinagbabawalan ang mga tao na umorder ng pagkain sa labas.

Pagpasok niya sa cottage nila ay naabutan niyang nahihimbing pa si Liam.

Nang bigla niyang maalalang, dapat sana may coffee. Kaya muli siyang lumabas.

Pero sa loob ng resort na siya naghanap ng mabibilhan ng coffee.
Nakahanap naman siya, yung coffee na nalalagay sa styrofoam. Bumili ulit siya ng apat.

Pagkabalik niya, inayos na niya sa may maliit na mesa ang mga pagkain. Nang maiayos, lumabas siya at nagpunta sa cottage nina Eric para sabihang kakain na.

Nang nasa pintuan na siya, kumatok siya. Bumukas naman ito pagkatapos ng ilang ulit na katok niya.

"Oh Cali, ikaw pala"

"Kain na tayo. Bumili ako ng foods sa Mang Inasal. Tara sa cottage, sabihan mo si Alex" sabi niya rito.

"The best ka talaga, sige salamat! Susunod na kami"

"Okey, sige. Baka kasi lumamig narin yung coffee"

Bumalik na siya sa cottage nila pagkatapos. Ginising narin niya si Liam.

"Li, gising na. Tanghali na. Breakfast na tayo" sabi niya at bahagyang niyugyog. Umungol ito at pagkatapos ay unti-unting dumilat.

"Bangon na. Kain na tayo" nakangiting sabi niya. Ang pogi nito kahit bagong gising. Nag-inat na ito at naghikab.

"Ang baho!" biro niya. Sinundan pa niya ng paghagikgik.

"Sakit ng ulo ko, shit!" reklamo nito.

"Kaya nga bumangon ka na diyan. Bumili ako ng kape. Uminom ka para mawala ang hang-over mo"

Tinitigan siya nito at ngumiti. Pagkatapos ay bumangon na.

"Cali, sorry talaga kagabi ha?"

"Li, don't go there. Wala na yun. Sawa na ako sa kakasorry mo" malamig na sagot niya rito.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at iniluwa ang dalawang kumag, sina Eric at Alex.

"Good morning!" bati sa kanya ng huli. Binati naman niya ito.

Dumulog na silang tatlo sa mesa at si Liam naman ay nagmumumog palang.
Naki-join na ito pagkatapos.

"Ahh, nga pala Liam. Pera mo ang ibinili ko dito ha? Wag kang magreklamo kung gusto mong patawarin kita sa ginawa mo" sabi niya habang kumakain.

"Ginawa niyang ano? Meron ba kaming dapat malaman?" makahulugang tanong ni Eric sa kanya.

Bumuntong-hininga siya.
"Ang mga tao nga naman! Parang kalamansi ang utak. Maliit na nga, green pa" pang-ookray niya dito.

"Bakit? Nagtatanong lang naman ako ah" nakangising sabi nito.

"Wala kang paki. Kumain ka na nga!"

Napansin niya na hindi masyadong nakakakain si Liam.

"Hindi ba masarap, Liam?"

"Ah. Masarap naman. Masakit lang ulo ko, nakakawala ng ganang kumain"

Binitawan niya ang hawak na kutsara't tinidor at pumunta sa likuran nito.

"Sabi kasi sayo, wag kang maglalasing eh! Ang kulit" sabi niya habang minamasahe ang gilid ng ulo nito. Nakita niyang nagkatinginan ang dalawa nilang kasama.

"Ayy, kelan ba ang monthsary?" natatawang tanong ni Alex.

"Gago! Di kami magsyota, mukha lang" sagot naman ni Liam bago pa siya makapagsalita.

Tumawa naman ang tatlo. Hindi na sila pinansin ng dalawa. Itinuon na nila ang kanilang atensyon sa pagkain.

"Saang restaurant mo binili 'to, Cali?" tanong ni Alex.

"Sa Mang Inasal"

"Ah. Masarap pala"

"Oo naman, mura pa"

"Tama na, medyo okey na" singit ni Liam. Itinigil na niya ang pagmasahe sa ulo nito at umupo na sa kanyang upuan. Itinuloy narin niya ang pagkain. Kumain narin si Liam.

"Eto kape mo" sabi niya at inilagay ang kape sa tabi ng pagkain ni Liam. "Mainit yan, wag kang shunga. Oh kayong dalawa, eto kape niyo" iniabot narin niya sa dalawa ang kape.

"Pwede ka nang maging misis, Cali" sabi ni Eric habang binubuksan ang cover ng kape.

"Salamat! Misis na walang mister" ganting-biro niya para pagaanin ang umaga nila. Nagtawanan naman silang apat.

"Cali, may tanong ako ah" sabi ni Eric.

"Ano na naman?"

"Nagboyfriend ka na ba?"

"Hindi"

"Oww? Kahit minsan?"

"Hindi nga"

"So first boyfriend mo itong Liam?"

"Ha? Shungik, hindi ko nga boyfriend yan"

"Ah okey. Eh kiss kaya?"

Naubo bigla si Liam. Natahimik naman siya. Nagkatinginang muli sina Alex at Eric, parang may hinala ang mga ito sa halik na namagitan sa kanila ni Liam na hindi lang iisang beses kundi tatlong beses.

"Hoyy! Kayong dalawa, umamin nga kayong dalawa samin. Okey lang naman kung kayo na eh. Boto kami sa inyo"

"Ahh. Eric, hindi naman talaga kami eh"

"So anong kayo, flings?"

"Hindi rin"

"Walang ganyanan men, dapat share share"

"Ano 'to, nestea?"

"Huwag kang mamilosopo, Liam!" asik ni Eric kay Liam.

"Oo, hinalikan ko si Cali. Kaya nagalit sakin noon at tsa--" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil tumayo siya at tinakpan ang bibig nito. Mainit ang mukha niya at alam niyang pulang-pula na ang mga 'yun.

Napayuko siya dahil sa hiya. Tinanggal naman ni Liam ang kanyang palad sa bibig nito.

"Why, you should be proud that Liam kissed you!" nagagalak na bulalas ni Alex at napapalakpak pa.

"Shut up!" asik niya rito.

Napahagikgik ang dalawa na lalong ikinainis niya.

"Wala kayong narinig na sinabi niya ah?" sabi niya.

Umiling ang dalawa at tinakpan ang mga tenga. Umupo na siya pero tinapakan niya ang paa ni Liam sa ilalim ng mesa.

"Aray!"







Naguguluhan naman si Liam sa nararamdaman niya. Masaya siya kapag nasa paligid si Cali. Dahil siguro palabiro ito at masarap kasama. At hindi ito nagtetake advantage sa kanila.

Kagabi, hindi niya mapagilan ang sariling huwag halikan ito. Ang amoy ng pabango nito ay gumigising sa kanyang pagkalalaki. Babaeng-babae itong amuyin. Pati ang amoy ng shampoo'ng gamit nito ay nananatili sa buhok nito.

Tuwang-tuwa siya sa kaalamang siya ang unang makatikim sa labi nito. Bading narin kaya siya? Sabi nila, ang mga lalaking pumapatol sa bading ay bading narin.
"Pero hindi! Hindi ko nakikita bilang bading si Cali. Isa siyang babae. Disenteng babae" kontra niya sa isip.

"Posible kayang magkagusto ako sa bakla? Naku, wag naman Po sana" muling bulong niya.

"Pare, lalim ng iniisip mo ah" puna ni Eric sa kanya. Nasa boarding na sila, kahapon pa sila nakauwi. Wala si Cali, may klase ito. Hanggang 12pm, nakita niya sa schedule nito na nakadikit sa pintuan.

"Anong iniisip mo?" tanong nito sa kanya.

"Wala. Naiisip ko lang sina Mama sa bahay. Kumusta na kaya si Livor?" pagrarason niya.

"Ah! Oo nga no? Siguro namimiss kana ng kapatid mo. Uwi tayo sa bakasyon?" sabi nito.

"Oo naman, di pwedeng di ako uuwi ngayong bakasyon" seryoso siya. Namimiss narin kasi niya ang kanyang kapatid. Gusto niyang siya ulit ang mag-alaga dito.

"Bro, may tanong lang ako ah. At dapat, sagutin mo ako ng totoo"

"Ano yun, bro?" tanong niya rito kahit may ideya na siya sa magiging tanong nito.

"Bakit mo naman hinalikan si Cali?"

Napalunok siya.
"Uhmm. Wala, trip ko lang"

"Kilala kita bro. Nanghahalik ka lang kung gusto mo ang isang tao. Ibig bang sabihin nun, gusto mo si Cali?"

"Nagpapatawa ka ba? Siyempre hindi!" mariing tanggi niya.

Napabuntong-hininga ito.
"Okey. Pero uulitin ko bro, wag na wag mong sasaktang si Cali. At wag mong pagtitripan. He deserves to be respected. Nirerespeto niya tayo kaya dapat ibalik natin sa kanya iyon"

Natahimik siya sa sinabi nito. Napaisip siya.

"Sige bro, ligo muna ako" sabi nito at tinapik siya sa balikat.

Naiwan na naman siyang nag-iisip.







"Callisto Bautista, is there any problem? Kanina pa kita napapansing parang tulala. And it's so unusual. You are always enthusiastic. Now, you look differently" puna ni Ma'am Velasco kay Cali na ikinagulat niya. Napatingin tuloy sa kanya ang mga kaklase niya.

"Uhm, I'm sorry Ma'am. I'm just having a minor headache" pagdadahilan niya. Ang totoo ay naaalala niya si Liam.

"It's okey, darling. Have you taken your meds?" tanong nito. Ito na ata ang pinakamaunawain at pinakamabait na teacher niya sa lahat.

"Yes Ma'am"

"Okey, let's continue to our discussion. Please try to listen, darling. I'm calling you for any recitation anymore. But listen to the topic. I'm not going to like it when you don't have any lessons learned today from me" pagpapaliwanag nito.

"Okey Ma'am. Thank you" sabi niya at pinilit nang makinig sa dinidiscuss nito. Kahit hindi na siya nito tinatawag ay nagrerecite narin siya para maiwala niya ang iniisip.

Natapos ang last subject niya na hindi na muling pumasok si Liam sa isip niya.

Agad siyang umuwi sa boarding niya. Excited for something. Or is it for someone?

Pagkarating niya ay agad siyang dumiretso sa kanilang kwarto. Naabutan niya si Liam na nakatalikod sa may pintuan at nakaheadset. Hindi nito naramdaman ang pagpasok niya.

Kaya naman dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likuran nito at ginulat.

"Bulaga!!"

"Ay shit!" sigaw ni Liam. Tawang-tawa naman siya sa reaksyon nito. Napahiga pa siya sa kanyang kama. Sumakit na ang kanyang tiyan ay tawang-tawa parin siya.

"Hala! Nakakatawa lang talaga?" nakasimangot na sabi ni Liam.

"Eh kasi naman.. Yung mukha mo.. Parang nakakita ka ng multo eh!" paputol putol ang pananalita dahil tumatawa parin siya.

"Oo, nakakita nga ako ng multo. Ikaw!" sabi nito at muling sinuot ang headset.

Lumapit naman siya rito at dumikit.
"Ano yang pinapanuod mo?" malambing na tanong niya.

"Sus! Anong nakain mo, Cali at parang malandi ka ngayon?" pambabasag nito sa kanya.

"Wala, yung panis na kanin na inihanda mo kaninang umaga" biro niya.

"Hindi yun panis. Ang sabihin mo, nagayuma ka dun" sabi nito at itinuon ang pansin sa pinapanuod nito. Inakbayan naman niya ito at nakipanuod narin.

"Ayy! Ang cuuuuute!" bulalas niya habang nakatitig sa screen ng laptop ni Liam.

"Nilingon siya nito"

"Hindi ikaw, ambisyoso. Si Puss n Boots!"

"Bakit? Wala naman akong sinabi ah"

"Whatever!"
Tuwang-tuwa siya sa pinapanuod nilang Puss n Boots. Ang cute cute ni Puss kapag binibilog nito ang mata at parang nagpeplease.









Napalingon si Liam kay Cali habang titig na titig ito sa screen ng laptop niya. Maalinsangan at naiinitan na siya pero di niya tinatanggal ang mga braso nito sa kanyang balikat. Para bang sinusulit niya ang pagkakataon dahil once in a blue moon lang maglambing si Cali.

"Ang haba pala ng pilik-mata mo, Cali?" puna niya nang mapansin ang pilik-mata nito. Lumingon ito sa kanya at ngumiti.

"Yeah, thank you!" matipid na sabi nito at muling tumitig sa screen. Pero muli itong lumingon sa kanya pagkatapos ng ilang sandali.

"Nag-lunch kana, Li?"

"Nah-uh. Di pa"

"Kain muna tayo?"

"Mamaya na. Tapusin ko muna 'to" sagot niya pero mabilis nitong itiniklop ang laptop niya.

"Kumain na muna tayo!" parang hindi nagyaya ito kundi nag uutos.

"Ano pa nga ba? Bakit di mo nga pala kasama si Alex?"

"Absent eh. May sakit daw. Plano ko ngang puntahan eh"

Nakaramdam siya ng inis. Bakit pa pupuntahan nito? Siguro naman, maaalagaan na yun ng mga kasambahay nito. Pero di na siya umimik.

Nagpunta na sila sa hapag-kainan. Umupo siya at si Cali naman ay naghanda ng kakainin nila.

"Si Eric?"

"Nasa computer shop, nakikipagcybersex!"

"Yuck!"

"Haha!"

Nang makahanda na ito ay magana silang kumain. Walang imikan hanggang sa natapos sila.

"Ikaw ulit maghuhugas ha?" sabi sa kanya ni Cali.

"Opps. Ayoko nga!" sabi niya sabay talikod at agad pumasok sa kuwarto nila. Natatawa siya sa inaakto niya.

Pero bago pa man siya makapasok ay may kumurot sa tagiliran niya at hinihila siya pabalik sa kusina.

"Aray! Aray! Aray!" daing niya.

"Tulungan mo ako. Let's change the daily routine. Para matuto kang maghugas!"

"Okey! Okey! Pero bitawan mo na tagiliran ko, masakit na" sabi niya habang napapasinghap.

"Okey" binitawan siya nito. Napilitan naman siyang sumunod dito sa lababo habang dinadala nito ang pinagkainan nila.

"Since dadalawang plato lang naman 'to, tig-isa tayo" sabi nito.

"Ikaw nalang kasi"

"Hep! Walang reklamo! Yung mga hinugasan mo noon, di masyadong natanggal ang mga dumikit na kanin. At may sebo pa yung ilan"

"Eh hindi ko nga alam maghugas!"

"Kaya nga tuturuan kita"

"Ayoko!"

"Isa!"

"Ayoko!"

"Dalawa!"

"Okey! Fine"

"Good boy!"

"Para naman akong aso niyan"

"Mukha ka namang aso eh, kaya okey lang"
Tinuruan siya nito kung paano sabunin ang bawat parte ng plato. Ginagaya naman niya ito. Nang marami nang bula sa kamay niya ay ipinahid niya ang ilan sa ilong ni Cali.

"Ano ba? Wag ka na namang maglaro, Liam" reklamo nito. Hinugasan na nila ang mga sinabon nila at nagpunas ng mga kamay.

"Di ba, madali?"

"Hirap!"

"Madali" sabi nito at pinanlakihan siya ng mata. Bakit ba parang umaatras agad siya pag ito ang nagsalita. Dati naman, hindi siya apektado kahit pa hampas-hampasin siya nito kapag ayaw niyang maghugas ng pinggan.

Pero ngayon, parang ang dali siya nitong nauutasan.
"Nirerespeto niya tayo. Dapat nating ibalik sa kanya iyon" naaalala pa niyang sabi ni Eric. Siguro yun ang dahilan. Ayaw niyang si Cali ang gumagawa ng lahat ng trabaho para sa kanila.

"Dali, tuloy natin yung Puss n Boots. Tingnan natin kung makukuha nila yung beans" yaya nito sa kanya at hinila siya sa kamay papasok sa kwarto.

Pinanuod nila ang movie hanggang sa matapos.
Nang matapos ay nagbrowse pa si Cali sa folders ng movie niya.

"Aaaaaaahhh!" tili nito.

"Hoyy. Landi nito" sita niya rito.

"Thank you Liam!" sigaw nito at niyakap siya.

"Bakit ba?"

"Yes yes yes! Tagal ko nang hinahanap sa internet ang full movie nito!"

"Ano ba yan?"

"Warm Bodies!!"

"Ah 'yan ba? Kadadownload ko lang kanina yan. Di ko pa nga napapanuod eh. Yung trailer lang. Mukha naman kasing maganda kaya dinownload ko na" paliwanag niya.

"Oh! Buti naman. Let's watch it! Buti nalang, wala na akong klase. Yiiiiiii!" pumapalakpak pa ito na parang bata na may cake sa harap.

Nang magsimula na ang movie ay natahimik na sila pareho. At sa kalagitnaan ng movie ay kilig na kilig si Cali. Kinakagat pa nito ang damit at nangingiti ng ubod tamis.

"Grabe pala kiligin ang mga bading, naluluha!" puna niya kay Cali nang medyo mamasa ang mga mata nito.

"Oo Liam. Ganun talaga"

"Hindi kaya OA kalang?"

"Che!"

Pag may scene na nakakakilig, nahahampas siya nito dahil sa kilig.

Nang patapos na ang movie ay nagring ang cellphone ni Cali. Nang sagutin ito ni Cali ay nag-iba ang facial expression nito, mas lalong nagmukhang masaya ito.

"Oh, hello Alex!" sagot nito sa cellphone.

"Shit" bulalas naman niya sa isip.

Isinenyas ni Cali sa kanya na i-pause muna ang movie pero di niya ginawa.
"Sige lang, makipag-usap ka!" piping sabi niya.

Umupo si Cali sa kama nito habang di nawawala ang ngiti nito.

"Kumusta na pakiramdam mo? Nagtake ka na ng gamot mo? Baka di ka pa kumakain? Naku, baka nagpaulan ka kasi kahapon kaya nagkasakit ka?" sabi nito kay Alex sa pamamagitan ng cellphone.

Nagngingitngit naman siya pero tinuon nalang niya ang atensyon niya sa laptop at pinanuod ang movie.

"Oh sige. Pupunta ako mamaya diyan sa inyo" narinig niyang sabi ni Cali. Marahas siyang lumingon.













"Sige na naman oh! Please?"

"Eeeee! Nakakainis ka Liam, promise. Pupunta nga ako kina Alex. Kawawa yung tao, wala daw kasama sa bahay nila"

"Sige na. Ngayon lang naman 'to eh. Di ko kasi alam kung paano 'to.
Eh ipapasa na namin nextweek. Sige na, Cali, pleaaase?"

Nakakainis ang Liam na 'to! Kung kelan may pupuntahan ako saka magpapatulong! Grrrr!, sigaw ni Cali sa isip.

Ang nakakainis pa, kung kelan nakabihis na siya saka ito magsasabi. Nagpapatulong itong gumawa ng kung anong project na related ang grammar at English. Alam kasi nitong magaling siya sa english.

"Hmmmm"

"Sige na.." paglalambing nito. Pati boses nito ay pinalambing pa at dumikit-dikit pa sa kanya.

"Ew ka Liam, lumayo ka nga!"

"Ah basta, tutulungan mo ako sa project ko. Kung hindi, ipapalipat kita ng unit!"

Namaywang siya at naggalaiti ang mga ngipin. Gumalaw-galaw din ang mga kilay niya.

"Ah-bahh! Ang mokong na 'to. Porke't madatung ka ah"

"Umoo kana kasi!"

"Ayoko. Pupunta na ako. Pwede naman nating gawin mamayang gabi yan"

"Busy na ako mamayang gabi. Gagawa pa ako ng presentations ko"

"Waaaaahhh! Nakakaloka ka, Liam promise. Nakakaloka ka!"

"Ganito nalang, kapag natapos natin 'to ng maaga, sasamahan kita kina Alex"

Tumaas ang isang kilay niya.

"Well?"

"Umoo ka na. Ililibre pa kita ng pamasahe"

Saglit siyang napaisip. Siguro naman, madali lang ang project nito kung magtutulungan sila.

"Okey fine!"

"Yess!"

"Shut up!"












"Eeeh. Bakit ganito? Ang hirap naman!" reklamo ni Cali nang ipaliwanag ni Liam sa kanya ang kanilang gagawin. Sabi nito, mag-iisip daw siya ng isang novel or story na nabasa na niya at isasummarize niya. At kasama ang book na iyon na ipapasa sa summary nito.

"Yung Lightning Thief sana kaso wala akong printed book nun eh. E-book lang yung nasa akin. Pwede ba na iyon ang ipapasa mo?" tanong niya kay Liam na noo'y nakahilata lang sa kama at nakikinig ng sounds sa laptop nito.

Parang hindi siya nito narinig dahil nakasalpak sa mga tenga nito ang headset.

"Hoyy!"

"Ay bakit?"

"Gago! Ang sabi ko, may alam na ako na story kaso ang problema, wala akong hardcopy nun. E-book kasi yung binasa ko"

"Ahh. Okey lang yan. Hanap tayo sa National Bookstore"

"Ah. Okey, mayaman ka pala no? Sorry ha, nakalimutan ko" he put sarcasm on his words.

"Bibilhan pa kita ng dalawang books pag maganda ang gagawin mo. Libre ko sayo yun"

Napangiti siya. Mukhang wala sa ulirat ang mokong, biglang naging mabait.

"Oh? Talaga? Teka, irerecord natin 'tong agreement natin na ito" sabi niya at kinuha ang cellphone para irecord ang usapan nila pero pinigilan siya nito.

"Huwag na. Mayron akong isang salita, Cali"

"Sabi mo eh" nagkibit-balikat siya at ibinaba na ang hawak na cellphone.


Sa mga sumunod na oras ay abala na siya sa pag-iisip at pagsusulat habang abala naman si Liam sa pang-aasar sa kanya. Tanong ito ng tanong ng kung ano para madistract siya.

"Virgin ka pa?" tanong nito maya-maya.

"Ayy, hindi ka talaga titigil ano, Liam? Gusto mong matapos 'tong project mo o hindi?"

"Gusto. Pero, hindi nga, virgin ka pa?"

"Che! Bastos. Shut up! Di ako makapag isip ng maayos"

"Eh.."

"Shut.. Up!"

Tumayo na siya, kinuha ang papel at ballpen at lumabas sa kusina.
Hindi na siya sinundan nito. Kaya naman nakapagconcentrate siya. Naging maayos ang daloy ng mga sunod-sunod na pangyayari sa kwento sa kanyang isip. Ginandahan niya ang pagsusulat sa summary. Pakiramdam niya'y dapat maimpress niya si Liam sa gawa niya nang sa gayon ay matuwa rin ito sa kanya. Kaya naman hindi niya namalayan ang oras at nang matapos niya'y alas sais y media na ng gabi. Nangalay ang kamay niya at leeg niya. Pati rin ang kanyang likod ay nanakit.

Pagpasok niya sa room nila ay kasama na ni Liam si Eric.

"Oyy Eric, andito kana pala? Di kita namalayang pumasok ah" puna niya.

"Mukhang abalang-abala ka kasi kanina at ayaw paistorbo kaya dahan-dahan akong pumasok" sabi nito at tumawa ng mahina.

"Ahh" sabi niya. Lumapit na siya kay Liam para ibigay dito ang dalawang yellow paper na pinagsulatan niya sa summary.

"Oh heto na pos Boss ang summary. May dalawa akong book bukas ha? Ayy teka! Shit, anong oras na? Pupunta pa ba tayo kina Alex?" tanong niya.

"Uhhm. Di na siguro. Tinawagan ko na siya kanina. Nagpaalam akong di ka na makakarating kasi may emergency" sabi nito at ngumisi.

"Nakkuuuu Liam!" sabi niya at kinurot ito sa tagiliran.

"Aray! Aray aray aray! Masakit, ahhh. Aray!" daing nito dahil di niya binibitawan ang tagiliran nito.

"Aray! Bitawan mo, masakit talaga!" daing parin nito kaya binitawan na niya.

"Nakakahiya sa kanya! Baka sabihin niyang wala akong isang salita!"

"Hindi yun. Okey lang naman daw eh, sabi niya"

Napasimangot nalang siya. Hinihilot-hilot niya ang kanyang batok at braso dahil nangangalay.

"Pagod ka?" tanong ni Liam.

"Ay hindi!"

"Imasahe kita, gusto mo?"

"Naku hindi na. Baka madislocate pa ang mga buto ko"

"Uyy hindi a. Magaling akong magmasahe. Sige na, dumapa kana. Imamasahe ko na rin ang likod mo para marelax ka"

Tumaas ang kilay niya.

"Okey sige. Basta wag masyadong mabigat ang kamay mo ha?"

"Oo, promise. Baka hahanap-hanapin mo pa ang mga haplos ko pagkatapos"

"Duhh! Whatever" sabi niya at dumapa na siya sa kama nito. Umusod ng konti si Eric para makaayos siya ng dapa.

"Yung baby oil, bro?" tanong ni Liam kay Eric na noo'y nakatutok sa laptop ng una.

Pagkatapos nitong iabot ang baby oil kay Liam ay inutusan naman siya ng huli na tanggalin ang tshirt niya pero ayaw niya kaya itinaas nalang niya hanggang balikat.

Naitaas na niya ang kanyang tshirt pero hindi pa nito nilalagyan ng oil ang likod niya. Nainip na siya.
"Oyy, ngayon mo ba talaga ako planong imassage o bukas?" naiinis niyang saad.

"A-ahh. Heto na. Atat!"









Napalunok si Liam ng itinaas ni Cali ang damit nito. Ang kinis pala ng balat nito. Hindi ito gaanong maputi pero makinis at wala man lang kahit isang nunal o pilat.

Nanatili siyang nakatitig sa likod nito kaya naman tila nainip ito.

"Oyy, ngayon mo ba talaga ako planong imassage o bukas?" sabi nito.

Saka lamang siya parang natauhan.

"A-ahh. Heto na. Atat!"

Nilagyan na niya ng oil ang kanyang kamay at inihagod sa likod nito. Ang labis niyang ipinagtaka ay kung bakit parang nakuryente siya sa sandaling sumayad ang kanyang palad sa likod nito. Imbes na ito ang mapasinghap ay siya.

Pinilit niyang magconcentrate sa pagmamasahe dito. Kahit konti ay may nalalaman siya sa tamang pagmamasahe dahil masahista ang kanyang ina.

Di nagtagal ay napapaungol si Cali sa bawat diin at hagod niya sa likod nito. Kaya naman lalo niyang pinagbuti ang kanyang ginagawa.

"Ahh. Shit! Ang sarap!"

"Hoyy! Bastos. Para ka namang inaano diyan!" saway ni Eric dito at bahagya pa niya itong hinampas ng unan si Cali.

"Haha! Sorry naman. Ang sarap eh. Ang galing palang magmasahe ng asungot na 'to"

"Hey! Gusto mong ituloy ko o hindi?" singit niya.

"Gusto"

"Then shut up!"

Napahagikgik ito. Minasahe na niya ang bawat parte ng likod nito. Pati ang mga braso nito ay di niya pinalagpas.

Pero nang bumaba sa likod nito ang masahe niya ay napatigil siya.
Sa mismong taas ng puwitan nito ang susunod niyang mamasahiin. Hindi kaya ito magagalit?

Bahala na, sabi niya sa sarili.

Nang sumayad ang palad niya sa bandang iyon ay walang naging reaksyon si Cali.

Nang tingnan niya ang mukha nito ay nakapikit ito. Pinakiramdaman niya ang paghinga nito.

"Nak nam **** naman oh! Tinulugan ako" bulalas niya.
Napatawa sa tabi niya si Eric. Maging siya ay napangiti narin.

"Hayaan mo na. Napagod siguro yan. Tingnan mo naman 'tong sinulat niya oh. Haba tas English pa" sabi nito habang hawak ang papel na pinagsulatan ni Cali sa project niya.

Napabuntong-hininga siya at itinigil na niya ang pagmasahe sa taas ng pwit nito. Tumayo na siya at nagpunas ng kamay. Ibinaba rin niya ang tshirt ni Cali pagkatapos ay tumabi siya kay Eric.

"May nadownload kang new movie, bro?" tanong nito sa kanya.

"Meron, yung Wizard of Oz. Di ko alam kung HD yun o baka pirated. Tingnan mo nga!" sagot niya.

Hinanap nito ang movie at nang iplay nito ay medyo madilim at pirated kaya di nila itinuloy. Maya-maya, narinig nilang humilik si Cali. Napatawa sila pareho.

"Pagod nga!" bulalas niya.









Hindi namalayan ni Cali na nakatulog pala siya habang minamasahe siya ni Liam. Hindi niya alam kung masyado bang nasarapan siya sa masahe nito o dahil sobrang pagod siya sa pag-iisip at pagsusulat kanina.

Nagising siya na may nakadantay na braso sa kanyang baywang. Patay na ang ilaw sa kwarto nila kaya naman medyo madilim. Pero nang makaadjust na ang kanyang mga mata ay naaninag niyang si Liam ang may-ari ng brasong iyon. Magkatabi sila sa kama nito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakadantay ng braso nito sa kanyang baywang. At iniayos ito sa paghiga. Umungol ito kaya kinabahan siya baka nagising ito. Bumangon siya at bumaba sa kama nito para sana pupunta sa kama niya nang marinig niyang nagsalita ito habang tulog.

"Karla.. Karla" parang nangungulila ang boses nito kahit tulog.

Karla? Sino si Karla?, tanong niya sa isip. Tatalikod na sana siya pero muli itong nagsalita.

"Mahal na mahal kita, Karla"

Parang may kumurot sa kanyang dibdib. Nakaramdam siya ng pinong sakit. Kung bakit ay di niya gaanong maipaliwanag.
"Di ko naman siguro crush si Liam" bulong niya sa sarili.

Hinintay niyang muling magsalita ito pero naging payapa na ang paghinga nito kaya naman humiga na siya sa kanyang kama. At itinuloy ang kanyang pagtulog.
"Who are you, Karla?" tanong niya sa kanyang isipan. Hanggang sa muli siyang nakatulog.

Amoy ng pinipiritong itlog at hotdog ang gumising kay Cali. Napabalikwas siya ng bangon at agad tiningnan ang oras sa kanyang cellphone. 7:46!

"Nakuh! 7:46 na! 7:46 na! Nakuhh. Late na ako! Late na ako!" natatarantang sigaw niya. Agad niyang hinablot ang kanyang tuwalya sa kabinet at nagmadali sa banyo. Hindi na niya napansin si Eric na nagluluto sa kusina. Diretso siya sa banyo. Nang makarating ay agad niyang binuksan ito.

Bumagsak ang hawak niyang tuwalya at napanganga siya. Nakatitig lamang siya sa iisang bagay. Tila nakalimutan narin niyang nagmamadali siya. Basta napatulala nalang siya.












Hindi alam ni Liam kung anong una niyang tatakpan. Kung mukha ba niya o yung nasa baba. Nabigla siya ng bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang nagmamadaling si Cali.

Sa huli ay ang "sandata" niya ang tinakpan niya. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha ni Cali. Pati ang bahagyang pangnganga ng bibig nito.

"Hey! Stop staring!" bulalas niya. Saka lamang ito parang natauhan. Lumunok ito bago nagsalita.

"So-sorry. Pasensiya. Sorry. Labas na ako" hinging-paumanhin nito at nagmadali ring lumabas. Hindi na nito naalalang kunin pa ang tuwalya nito.

Nang makalabas na ito ay pinulot niya ang tuwalya nito at inilagay sa sampayan. Ini-lock narin niya ang pinto.

Pero nang nagbabanlaw siya, naalala niya ang ekspresyon ng mukha nito. Napangiti siya ng maluwag.











"Aray! Ano ba-- bakit ba kasi?" reklamo ni Eric. Kanina pa niya ito hinahampas at kinakagat sa balikat. Napakalakas ng kabog ng dibdib niya at hiyang-hiya siya kay Liam.

"Eric.."

"Oh! Ano?"

"Huhu. Eric.." naluluha niyang sambit.

"Huwag mo akong iyakan, oy! Di pa ako patay" pagpapatawa nito pero walang epekto iyon sa kanya. Wala siyang mukhang maihaharap kay Liam.

"Kasi.."

"Ano nga?"

"Kasi ano.. Eh! Nakakahiya ako!" bulalas niya at tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang palad.

"Ang gulo mo!" sabi ni Eric.

"Kwan.. Uhmm.."

"Ano yun?" nagulat siya nang biglang nagsalita si Liam sa kanyang likuran. Parang huminto ang tibok ng kanyang puso.

"Oyy, namumutla ka" puna sa kanya ni Eric. Parang umurong ang kanyang dila at nanlamig ang kanyang mga daliri.

"L-Liam, so-sorry! Di ko sinasadya promise!" humarap siya dito pero nanatili siyang nakayuko. Nahihiya siyang tingnan ito sa mata.

"Oh ba't nakayuko ka? Tingnan mo ako" sabi nito. Sa tono ng boses nito ay parang nagpipigil itong tumawa kaya umangat ang tingin niya.

Ganun na lamang ang tawa nito pagkakita sa kanyang mukha.

"Parang binuhusan ka ng suka a! Bigla kang pumuti" sabi nito na natatawa.

"Bakit ba?"

"Namumutla ka? Naku, kung iyon ang inaalala mo, okey lang yun!Alam ko namang hindi mo iyon sinasadya. Yun nga lang, di na ako virgin sa mata mo" sabi nito at lumakas ang tawa.

"Ah! Parang alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan, Cali" singit naman ni Eric sa kanyang likuran.

"Heh! Hindi ko yun sinasadya!" depensa niya sa kanyang sarili.

"Bakit ba kasi nagmamadali kang pumasok dun at di ka manlang kumatok?" tanong naman ni Liam sa kanya.

"8:00 po ang klase ko! Malelate na ako!" pabulyaw niyang sabi.

"Ayy! May klase ka?"

"Bakit kayo, wala?"

"Wala!" halos sabay na sagot ng mga ito. Nagpipigil tumawa.

"Aba! Hoy Liam, 8:00 din kaya ang klase mo kapag WF!" mataray niyang sabi.

"Alam ko. Pero wala kaming klase ngayon. Baka ikaw lang ang meron"

"Bakit naman?"

"Holiday po ngayon, shunga!" sagot sa kanya ni Eric. Nang marealize niya kung ano ang date. Napakamot siya sa batok.

"Ayy sssh.."

"Don't say bad words!" pinanlakihan siya ni Eric ng mga mata.

"Kung tiningnan mo muna ang kalendaryo bago ka nagmadaling pumasok at naki-- ah! Basta, kung tiningnan mo muna kasi, eh di walang nangyaring ganun" sabi ni Liam at pumasok na sa kanilang kwarto para magbihis. Habang naglalakad ito papasok ay namasdan niya ang likod nito. Nakabalabal lang ito ng tuwalya. Napakagat-labi siya nang maalala ang itsura nung bagay na iyon sa harapan nito. Lalo't semi-erected dahil siguro umaga.

Muli, hinampas niya si Eric.
"Aray!" daing nito.












Napapagod na ang binti ni Cali dahil sa tagal ng pagkakatayo niya sa pila. Magpapaclear na siya ng kanyang clearance. Exam na kasi nila nextweek kaya abala na sila sa pagpapapirma. Para hindi mabored ay isinalpak niya sa kanyang tenga ang headset niya at nagpatugtog sa cellphone niya.

"It's a quarter after one. I'm all alone and I need you now. Said I wouldn't call but I lost all control and I need you now" mahina niyang pagsabay sa awit sa kanyang cellphone. Paborito niyang kanta yun.

Hindi niya namalayan na malapit na siya pero pagod na talaga ang binti niya. Hindi naman siya pwedeng umalis sa kanyang pwesto dahil baka pagbalik niya, mas marami nang nakapila.

Makalipas ng isang sandali ay may kumalabit sa kanyang balikat. Akala niya ay aksidente lang na nakalabit siya ng nasa likuran niya kaya di niya pinansin. Pero muling may kumalabit sa kanyang balikat. Tinanggal niya ang headset sa kanyang tenga at humarap sa kanyang likuran.

"Ano ba--"

"Ako na magpapapirma. Magpahinga ka muna"

"Liam? Tapos ka na ba magpapirma?" bumaba ang tono ng boses niya ng malamang si Liam ang kumalabit sa kanya.

"Oo. Kahapon pa kaya akin na clearance mo. Ako na pipila para diyan. Basta bigay mo yung pambayad at ID mo" sabi nito. Ayaw pa sana niya pero pagod na talaga ang binti niya kaya pumayag narin siya. Pagkatapos iabot dito ang mga kailangan nito ay nagsabi siyang mauupo muna sa foodcourt sa loob ng school nila.

"Oh sige, pupuntahan nalang kita mamaya doon. Hintayin mo ako ah? Wag ka munang magmemeryenda" utos nito sa kanya.

"Opo boss. Masusunod" pagkatapos sumaludo dito ay lumabas na siya ng Administration Building at dumiretso sa foodcourt. Magkatabi lang ang foodcourt at Admin. building kaya nakaupo siya agad. Naginhawaan din ang kanyang mga binti sa mahabang minuto o oras na pagtayo niya para lamang makapagpapirma.

Hindi rin naman nagtagal ay nakita na niyang paparating na si Liam.

"Uy! Ang bilis ah" sabi niya.

"Tsk. Ako pa!" sabi nito at kinindatan siya. Iniabot na rin nito sa kanya ang exam permit niya.

"Naku! Salamat, Li" madamdaming wika niya dito.

"Salamat lang? Dapat may iaabot ka sakin" sabi nito at inilahad ang palad nito na parang nanghihingi.

Ampota! Ugali talaga nitong ulol na 'to, nakakainis!, sigaw niya sa utak. Nagngingitngit din ang kalooban niya.

"Magkano ba?" taray-tarayan niya.

"Ah. Ibili mo nalang ako ng spaghetti tsaka hotdog. Gutom na kasi ako" sabi nito habang hinihimas ang tiyan, hindi pansin ang pagtataray niya.

"Okay!" nasabi nalang niya pumili na sila ng table na mauupuan. Pagkatapos makakita ay pinahawak niya ang kanyang bag at books kay Liam at pinuntahan ang tindera para umorder ng meryenda nila ni Liam. Kagaya nito ay umorder narin siya ng spaghetti at isang hotdog at sa drinks naman, kanya yung buko juice at sting na red naman dito.

Hawak niya ang dalawang platito ng spaghetti at hotdog habang ang drinks naman ay isinunod ng tindera sa table nila.

Walang imikan sa pagitan nila ni Liam habang kumakain sila. Pero madalas niya itong nakatingin sa kanya habang nakangiti.

"Bakit?" sabi niya habang ang kanyang bibig ay puno ng spaghetti.

"Ganyan ka talaga kumain no? Walang arte kahit sa public" sabi nito habang di nawawala ang ngiti sa labi.

"Itinigil mo na yang kakatitig sakin at ubusin mo na yang pagkain mo. Alam ko nang maganda ako" sabi niya at humagikgik.

"Kapalmuks! Tanggalin mo yang ketchup sa gilid ng bibig mo. Para kang bata" sabi nito. Awtomatiko namang gumalaw ang kamay niya para kumuha sana ng tissue pero naunahan siya nito at ito pa mismo ang nagpunas sa gilid ng bibig niya.

"Naku naman! Sweet mo ngayon ah" sabi niya at di maiwasang di mapangiti.

"Say ahh!" utos nito. Siya naman itong uto-uto, sumunod. Nilagay nito sa bibig niya ang tissue at pagkatapos ay tumawa ng malakas. Halos ang lahat ng studyanteng naroroon ay lumingon sa kanila. Hiyang-hiya siya kaya yumuko nalang.

"Liam! Yang tawa mo nga. Lakas ng bunganga nito" saway niya rito dahil patuloy ito sa pagtawa.

Maya-maya ay may lumapit sa kanila. Nang lingunin niya ang mga ito ay sina Andrew, Lea at Faith pala, mga kaklase niya. Bakla si Andrew. Kilala niya itong mataray at malandi kaya di sila magkasundo. Pero di rin naman magkaaway.

"Friend. Sino siya?" tanong nito pagkalapit sa kanila.

"Hi girls! I'm Liam, boyfriend ni Cali" dire-diretsong pagpapakilala ni Liam na siyang ikinagulat niya.

"Hey! Teka--"

"Wow naman. Ang taray mo naman te. Ampogi ng boyfriend mo"

"Halla! Hindi ko siya boyfriend sis"

"Ay ganun? Dinedeny mo na ako? Hmmp" pagdadrama ni Liam. Naiinis siya rito. Bakit ba lagi siya nitong pinagtitripan?

"Shut up!" bulyaw niya rito. "Totoo, hindi ko siya boyfriend" baling niya sa tatlo habang umiiling.
Nakangiti si Andrew pero halatang plastic.

"Ano raw, sis? Di niya boyfriend? Aba naman. Siya pa ang may ganang magdeny. Kala mo kung sinong maganda" narinig niya sa likuran ng mga ito. Nang makita kung sino ay si Janine.

Oh! The ugly spoiled brat is here again! sabi niya sa isip.

"Ha?" tanging naisaboses niya. Nagtitimpi lamang siya.

"And who are you?" si Liam ang nagsalita pagkatapos.

"Ah! Hi po! I'm Janine, and you are?" malanding sabi nito kay Liam at inilahad ang palad para makipagkamay.

Nakita niyang tiningnan lamang ito ni Liam pagkatapos ay tumingin sa kanya. Kinindatan siya nito.

"Naghugas ka ba ng kamay?" tanong nito kay Janine. Muntik na siyang mapaubo dahil umiinom siya noon ng buko juice.

"Excuse me?" mataray na tanong ni Janine. Tumaas pa ang isa nitong kilay.

"I cannot repeat. Come on, honey. We still have things to do" seryosong sabi ni Liam pagkatapos ay tumayo at binuhat ang mga gamit niya. Na para bang totoong syota siya nito. Naweweirdohan na siya rito. Bakit ba ganun kung umasta ito?

Kahit nagtataka ay napilitan siyang tumayo.
"Naku, Janine. Sorry sa inasal ni Liam ha? Mataray talaga yun. Pero sa maniwala ka't hindi, di ko talaga siya boyfriend" sabi niya kay Janine na noon ay parang tulala pa sa sinabi ni Liam.

"Bitch!" mahinang usal nito. Nagkunwari na lamang siyang di ito narinig.









"Loko-loko ka talaga, Li! Ano na naman ba ang nakain mo at ganyan ka na naman umasta?" tanong ni Cali habang naglalakad sila pauwi sa kanilang boarding. Sinubukan na niyang kunin dito ang kanyang bag at books pero ayaw nito. Ang sabi nito ay baka nakasunod sina Janine.

"Yung spaghetti" maikling sagot nito. Ni hindi siya nito nilingon.

"Ay. Galit ka?" tanong niya. Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Gaano na nila katagal na ginagawa sayo ang ganun?" seryosong tanong nito.

"Ang alin?"

"Yung kagaya ng ginawa nung babaeng yun sayo kanina"

"Ang alin nga?"

"Narinig mo naman di ba?"

"Ah! Yun ba? Wala yun. Di ko na nga pinapansin"

Tumango-tango ito at nagsimula ulit maglakad. Sinundan nalang niya ito na walang imik. Habang naglalakad sila ay pasimple niyang hinawakan ang kamay nito na siyang nagpabagal sa paglakad nito. HHWW o holding hands while walking ang drama nila sa oras na yun.
Natatawa siya sa isipan kaya di niya maiwasang mapangiti. Nang lingunin siya nito ay napakunot ang noo nito.

"Anong nakakatawa?" seryosong tanong nito na nagpaluwang sa ngiti niya.

"Liam. Bakit ka badtrip? Di ka naman inano kanina ah" tanong niya.

"Naiinis ako dahil ikaw ang tinatarayan nila. At ikaw naman, wala kang ginagawa. Masyado ka kasing nagpapakabait eh! Kaya ka ginaganun" pagsesermon nito. Unti-unting bumaba ang ngiti niya at kumunot din ang noo niya.

"Eh bakit ba kasi apektado ka?"

"Dahil ma.."

"Dahil?" kinabahan siya. Lumakas din ang kabog ng dibdib niya.

"Dahil ano.. Uhm. Magkaibigan tayo! Yun, dahil magkaibigan tayo" sabi nito pero halatang pati ito ay kinakabahan dahil malikot ang mga mata nito at ang kamay nitong hawak niya ay bahagyang nanlamig.

Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya, mahal siya nito. Ay teka! Mahal? Napakaambisyosa naman niya para mag-isip ng ganun. Maging siya ay parang napahiya sa naisip. Para maiwala ang pagkapahiya ay sinubukan niyang magpakakulit.

Hinila niya si Liam dahil hawak niya ang kamay nito at tumakbo. Napilitan din naman itong sumabay sa kanya.

Nang may nakita silang mauupuan ay umupo sila na humihingal.

"Pagkatapos ng exam, uuwi ka ba sa inyo?" maya-maya ay tanong nito. Binitawan na niya ang kamay nito dahil namamawis na ang palad niya pero ayaw nitong bitawan. Kaya hinayaan nalang niya.

"Uhmm. Siguro.. Pero oo naman! Uuwi ako. Miss ko na ang kapatid ko eh. Tsaka sina mama" sabi niya habang nakatanaw sa malayo. Naramdaman niya ang mariing pagpisil nito sa kanyang palad.

"Pwedeng sumama?" tanong nito kaya naman napalingon siya rito.

"Sure ka?"

"Oo naman. Ikalawang taon nang magkakilala tayo pero di pa ako nakakapunta sa inyo" walang halong birong sabi nito.

Naku lagot!

"Sure ka talaga? Di ka nagbibiro?" paninigurado niya.

"Oo nga! Pero wag kang mag-alala, sakin lahat ng gastusin. Basta isama mo ako sa inyo"

Napakagat-labi siya. Napaisip din siya sa sinabi nito. Parang nakakahiya kasing isama niya ito sa kanilang lugar lalo na't madaming chismosa sa kanilang barangay. Baka kapag nakitang may iniuwi siyang lalaki, mag-iisip na naman ng masama at ichismis siya. Pero okey lang naman iyon sa kanya dahil sanay na siya. Ang inaalala niya ay si Liam. Pero sa huli ay nahanap din niya ang isasagot.

"Okay. Pero promise mo, sayo ang pamasahe ah? At sinasabi ko na sayong maraming chismosa sa aming lugar at baka kapag nakita nilang may iniuwi akong lalaki, iba na naman ang iisipin" pagpapaliwanag niya rito. Tumango-tango naman ito.









Dalawang araw na ang nakalilipas nang matapos ang final exams nila. Wala na silang pasok pero hindi pa siya umuuwi sa probinsya. Nagdadalawang isip pa kasi siya.

"Cali, ayos na ang gamit ko. Kelan tayo uuwi sa inyo?" maya-maya ay sumulpot si Liam sa kanyang likuran. Nasa rooftop siya at nag-iisip. Parang excited na excited ang itsura nito.

"Sure ka na ba talagang sasama ka sakin?"

"Alam mo, pang isanglibo't dalawampung tatlong beses mo nang tinanong sakin yan" sabi nito.

"Heh! Sinisiguro ko lang!" asik niya rito.

"Masyado mo namang pinapahalatang ayaw mo akong sumama" ngumuso ito.

"Wag mo ngang gawin yan! Para kang bata. Ampangit mo pa naman. Di mo bagay" saway niya rito.

Imbes na masupla ito sa sinabi niya ay tumawa pa ito.

"Kelan pa ako naging pangit? FYI, gwapo ine kahit anong anggulo!" sabi nito at nagpogi pose pa.

Tinampal niya ang noo nito.
"Aray!"

"Kapal"

"Totoo naman ah. Saan ka pa makakakita ng ganitong mukha?" ngumiti ito. "May dimple, magagandang ngipin at ngiti. Bilugang mata. Moreno at siempre, macho!" sabi nito at pinakita angmasel sa braso.

"Sige, uuwi na tayo bukas. Pahiram cellphone mo?"

"Bakit?"

"Basta! Akin na. Tatawagan ko sina mama" hindi pa man nito iniaabot sa kanya ang cellphone nito ay hinablot na niya rito.

Tiningnan niya ang number ng mama niya sa cellphone niya at dinial sa cellphone ni Liam. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumayo ng bahagya kay Liam.

Natagalan bago sumagot ang nanay niya.

"Hello?"

"Hello 'nay!"

"Sino 'to?"

"Nanay, si Estong 'to" may narinig siyang napahagikgik sa likuran niya kaya siya napalingon. Nakikinig pala si Liam sa likuran niya.

Tinakpan muna niya ang mouthpiece ng cellphone.

"Bakit ba?"

"Estong?" sabi nito at saka tumawa. Di na muna niya ito pinansin.

"Ah 'nay? Hello?"

"Hello. Napatawag ka. Bakit anak? Kaninong number 'tong ginamit mo?"

"Uhmm. Number ho 'to ng boardmate ko. Actually, kasama ko ho siyang uuwi bukas. Gusto raw niyang magbakasyon sa probinsiya" sabi niya. Napapakamot siya sa likod ng ulo niya.

"Naku anak. Okey lang iyon. Mas mabuti nga iyon nang makilala namin ang mga nakakasama mo diyan" parang excited ang boses nito. Kahit kailan ay napakabait ng mama niya. Kaya naman napangiti siya.

"Oh sige po. Yun lang po. Ay teka! Si Colossus nga po pala?" bigla niyang naalala ang kapatid niya.

"Andun sa silong ng mangga sa labas. Kasama tatay mo. Kakausapin mo ba?"

"Sige po"

Ilang sandali pa ay medyo naging maingay sa kabilang linya.

Narinig pa niya ang sinabi ng nanay niya, "Collong, kuya mo. Gusto ka raw kausapin. Eto oh"

"Kuya!!" malakas na sigaw sa kabilang linya. Inilayo pa niya ang cellphone sa kanyang tenga.

"Ibor! H-hello. Kumusta na ang pogi kong kapatid?" biglang naging masaya ang pakiramdam niya. Miss na miss na pala niya ang nag-iisang kapatid niya.

"Eto po, pogi parin! (tawa) Kelan ka uuwi kuya?"

"Bukas! Uuwi kami bukas" excited niyang sabi. Parang bigla-bigla niyang gustong umuwi.

"Kami? Sabi ni teacher, pag "kami" raw, ibig sabihin marami. Kaya bakit "kami" kuya? May kasama ka?" usisa nito. Magaling ang kapatid niya. First honor noong grade one.

"Oo baby. May kasama ako. Makilala mo siya bukas"

"Baby na naman si kuya eh! Di na ako baby. Sabi ni tatay, binata na raw ako kasi tuli na ako"

Biglang napalakas ang tawa niya. Halos hindi siya tumitigil.

"Wow naman! Nagpatuli na pala ang kapatid ko. Oo nga! Big boy ka na. Pero wag munang magjojowa ha?"

"Dyowa? Ano yun?"

"Girlfriend!"

"Ahh! Oo naman Kuya. Ay! Nga pala kuya, bili mo daw kami ng pancit Malabon ni tatay sabi niya" sabi nito. Narinig din niya ang bulong ng tatay niya rito.

Bigla siyang napaisip.
"Naku, baka wala na akong pera. Pero sige, ibibili ko kayo bukas. Ayaw mo ba ng laruan?" tanong niya.

"Huwag na kuya. Madami pa naman akong laruan dito eh. Pagkain nalang" napangiti siya. Ramdam niya ang labis na pagmamahal niya sa kapatid niya.

Halos magtatatlumpong minuto silang nag-usap bago natapos.

Nang patayin na niya ang cellphone ni Liam at harapin ito ay kakaiba ang ngiti nito. Hindi yung tipong nang-aasar o anuman. Ang ngiti nito ay parang may halong paghanga.

"Oh bakit? Eto cp mo" iniabot niya dito ang gadget. Agad naman nitong kinuha sa kanya.

"Kapatid mo ba talaga yung Colossus na yun?" tanong nito.

"Oo naman. Bakit ba?"

"Parang anak mo lang ah. Ang sweet niyo naman. Nakakainggit kayo ah"

"Eh ikaw? Wala ka bang nakababatang kapatid?"

"Meron"

"Oh. Eh hindi ba kayo close?"

"Close"

"Eh ba't naiinggit ka pa?"

"Wala lang"

"Ewan ko sayo" tumalikod na siya rito at naglakad pababa sa rooftop. Babalik na siya sa kwarto para mag-empake.









Ang bait pala niyang kapatid, naiisip ni Liam habang sinusundan niya si Cali papunta sa kwarto nila. Hindi niya maiwasang humanga rito. Minsan, kakaiba talaga ang pagtingin niya rito. Hindi ito yung mga kakilala niyang bading na oportunista. Nasasabi niyang oportunista dahil kapag napapalapit ang mga ito sa kanya ay kung ano ang ginagawa sa kanya. Hindi lang siya minsang nahipuan. Naiinis siya kapag ginagawa nila iyon.

Si Cali? Halos dalawang taon na silang magkakwarto pero ni minsan, hindi niya ito kinakitaan ng interes sa kanya. Kahit nakabrief lang siya sa karapan nito kapag nagpapalit siya ng damit, hindi nito pinapansin. Nagagalit pa nga minsan.

Naalala niya noong minsang nagtanggal siya ng tuwalya sa harapan nito. Awtomatikong napatakip ito sa mga mata at saka tumalikod. Nang makadamit na siya ay hinampas siya nito ng unan sabay sabing: Bastos! Kung ganyan lagi ang inaasta mo, sino ba ang bading na rerespeto sayo? Pagnanasaan ka lang nila pero hinding-hindi ka nila marerespeto.

Kahit tinamaan siya sa sinabi nito ay pinilit niyang magbiro. "Ey, nagagalit ka?"
Napabuntong-hininga ito at saka tumingin sa kanya sa mga mata. At sinabing "Liam, hindi ako galit."
Malumanay na ang boses nito. "Alam mo, hindi naman magiging ganun ang mga bading sa kung ano sila kundi dahil din sa inyo. Minsan kasi, kayo pa mismo ang nagpapakita ng motibo. Tapos kapag gumawa sila ng aksyon, galit kayo"
Napalunok siya. Hindi na siya nakasagot nun.

"Aray!" daing niya ng mabangga sa pader. Hindi niya napansin dahil sa iniisip. Nagtatakang lumingon si Cali sa kanya, nakakunot ang noo.

"Wala 'yun, uhmm, may tinik lang. Pero okay na" pagsisinungaling niya pero masakit ang gilid ng kilay niya kaya di niya maiwasang hawakan.

"Tinik? Sa gilid ng kilay?" tanong nito at lumapit sa kanya. Inalis nito ang kanyang palad na nakatakip sa gilid ng kanyang kilay. Narinig niya ang pagsinghap nito.

"Napano ka? May dugo oh! Hala" nag-aalalang tanong nito.

Naramdaman niyang sumasakit lalo ang gilid ng kilay niya. Papanong dumugo? Masyado bang malakas ang pagkakauntog niya?

"Halika, dali! Tara sa kwarto" sabay-hila sa isang kamay niya samantalang ang isa ay nakahawak parin sa sugat niya.

Nang makarating sa kwarto ay agad siyang pinaupo nito sa kama at naghalungkat sa gamit nito.

Nang humarap ito sa kanya ay may hawak na itong Betadine at bulak.

"Oy! Wag. Masakit yan. Ayoko" umusod siya sa kama palayo dito.

"Tanga! Hindi yan. Alcohol, gusto mo? Yun ang masakit. Hindi masakit ang betadine sa sugat. Lumapit ka rito, para kang bata" sabi nito at pilit siyang inaabot para hilain.

Umusod parin siya kaya sumampa ito sa kama at pinigilan siya.

"Akina! Nang matigil na yang dugo! Ang kulit eh" naiinis na sabi nito sa kanya. Tumahan siya at ibinaba ang kamay na nakatakip sa sugat niya.

"Ayan. Love na love kita kapag masunurin ka eh" sabi nito tsaka ngumiti. Napangisi siya dahil sa sinabi nito. Parang nabasa naman nito ang iniisip niya kaya agad nitong binawi ang sinabi.

"Hey! Hindi ganun ang ibig kong sabihin"

"Eh ano?"

"Basta. Wala lang. Tumahimik ka na nga, wag makulit. Hilahin ko bulbol mo" hindi na siya nito pinagsalita at nagfocus na ito sa paglilinis sa sugat niya. Ayan na naman siya, sumusunod sa bawat salita ni Cali. Parang ayaw niyang komontra kung ito ang nag-uutos. Hmm, pero blessing in disguise yata ang pagkakauntog niya. Naks naman!

Habang seryoso itong nakatunghay sa mukha niya at nililinisan ang sugat niya, seryoso din siyang nakatitig sa mga mata nito. Naririnig niya ang malalim na paghinga nito. Totoo kayang concerned ito sa kanya?

"Hoy! Tama na ang katititig. Tapos na po" sabi nito. Parang nahimasmasan siya. Agad niyang dinama ang sugat niya, may band-aid nang nakatapal.

"Ayan, binatang tatanga-tanga" sabi nito at ibinalik ang mga ginamit sa pinagkuhanan.

Nag-empake na ito pagkatapos. Inabot sila hanggang hapon dahil naglinis narin sila sa buong unit nila. Nang matapos nila ang lahat ng gawain ay saka naman dumating si Eric.

"Ay! Andito na po ang mahal na hari!" sigaw niya habang natatawa. "Bro, hindi pala ako uuwi satin bukas. Sasama ako kay Estong, este Cali sa probinsiya nila. Tinawagan ko narin sina mama kanina. Okay lang naman daw sa kanila" sabi pa niya.

"Aba. Sama rin ako, pwede?" sabi naman nito.

"Hala! Sure ka?"

"Oo. Sure na sure. In fact, wala pa talaga akong ideya kung ano ang itsura ng town niyo. Kaya gusto ko rin makita"

Napahawak si Cali sa sentido nito.
"Oh gosh. Dalawang lalaki ang sasama sakin pag-uwi ko? Katakot-takot na chismis na naman yun" mahinang usal nito na siyang ikinangiti niya.

"Bakit, ano bang sasabihin nila kapag may iniuwi kang lalaki?"

"Naku, sinasabi ko sayo, ayaw mong marinig"

"Gusto ko"

"Well, malalaman natin pag-uwi natin dun. Pero Eric, sure ka talaga?"

"Oo nga. Tatawagan ko si papa mamaya. Payag yun" seryosong sagot ni Eric.

"Well then, ayusin mo na gamit mo. Pero kelan naman kayo babalik sa inyo? Baka kasi di kayo masasamahan pabalik dito sa lungsod"

"Eh di sama-sama nalang tayo pagbalik mo dito sa lungsod" sabad niya.

"Oh my gosh!" gulat na bulalas ni Cali.










"Liam, gising na po. Tanghali na" nagising siya sa mahinang yugyog sa kanya ni Cali. Nang magmulat siya ng mata ay nakangiti itong nakatunghay sa kanya.

"Anong oras ba tayo pupunta sa paradahan ng biahe papunta sa inyo? Inaantok pa ako eh" namamaos pa ang boses niya at hindi pa niya masyadong maimulat ang mata. Muli niyang ipinikit at tinangkang matulog ngunit mas lalo lamang siya nitong kinulit.

"Oo na. Babangon na! Nakakainis ka talaga" reklamo niya. Tatawa-tawa naman itong umalis sa harapan niya at bumalik sa kama nito para ayusin ang mga maiiwan.

Alam niyang katatapos lamang nitong maligo dahil basa pa ang buhok nito. Si Eric naman ay nagpapantalon na. Kahit hihikab-hikab pa ay bumangon narin siya at tumuloy sa banyo.








"Cali, pano mo nagawa yun?" tanong ni Eric na siyang ikinalingon niya rito.

"Ang alin?" inosenteng balik-tanong niya.

"Yung pagpapabangon mo kay Liam" sabi nito habang nagsusuot ng black tshirt na may tatak na Blind Rhyme. Bagay na bagay dito ang suot. Mas lalong lalaki itong tingnan at mas lalong gumugwapo kapag nakapantalon at nakatshirt lamang.

"Anong nakakapagtaka dun?" muli niyang tanong.

"Walang nakakapagpabangon dun, kahit sina Tita Vilma. Gigising yun kung kelang gusto. Pero ikaw, agad mong napabangon ah" sabi nito. Siguro nanay ni Liam yung Tita Vilma na yun.

Nagkibit-balikat siya.
"Ewan. Siguro, ayaw lang machansingan kaya bumangon agad" sabi niya. Wala siyang inaasahang ibang rason. Tumango-tango na lamang si Eric na parang ayaw nang sumagot pa. Isinunod nitong nilinis ang sapatos at habang abala ito ay panay ang tanong nito sa kanya tungkol sa kanilang lugar. Sinabi naman niya ang mga lugar na exciting puntahan gaya ng hotspring, falls, yung manggahan nila, ilog at marami pa. Halata naman niyang excite na excite na ito.

Nagbiro din ito na baka marami daw siyang mapapaiyak na dalagang bukid pagdating nila doon. Natawa naman siya kahit papano.

"Ulol!" sabi niya rito habang tumatawa. "Baka ikaw ang iiyak dahil hindi ka papansinin"

"Nakah! 'Tong gwapo kong 'to, hindi mapapansin? Imposible yun. Pati nga hayop, napapalingon kapag ako ang dumadaan" sabi naman nito habang nakangiti. Nagpopogi pose pa.

"Ay oo! Maraming kalabaw doon. Oo nga pala, mapapansin ka. Maraming mamamansin sayo. May kalabaw, may baka, aso, pusa. At.. Oh! Yung monkey namin!"

"Kj kang beki ka! Bakit di ka nalang mag-agree?"

"Bleh! Hindi ako agree" sabi niya at dinilaan ito. Inilagay niya sa kanyang bag ang mga iuuwi niyang gamit.

"Hindi ka magkakaroon ng papa niyan kapag di ka nag-agree na gwapo ako" sabi nito sa kanya sa tonong parang hindi siya titigilan hangga't di siya nagsasabi ng "Oo na! I agree"

"Eh di mabuti. Magmamadre kaya ako" sabi niya na siyang ikinatawa nito ng malakas. Halos hindi ito tumigil. Pero nang mahimasmasan ay nagsalita ito. "Madre na may sandata!" sabi nito at muling tumawa.

"Okay. At dahil tinawanan mo ako, mas lalong di ka gwapo!" muli siyang dumila at ibinaling ang atensiyon sa kanyang ginagawa. Nang matapos ay tumayo na siya at nagpalit.

"Eric, get out" utos niya rito.

"Arte nito. Bakit ba? Wala ka namang boobs ah"

"Che. Kahit na. Labas!"

"Ayoko. Eh di ikaw na magpalit sa labas"

"Fine! Pangit!"

"Aray! Personalan?"

"Honest lamang ako no!" sigaw niya rito at lumabas sa sala. Total naliligo palang si Liam at nasa loob naman si Eric, pwede naman siguro siyang maghubad doon. Una niyang tinanggal ang shorts niya at isinunod ang tshirt. Yumuko siya ng bahagya para abutin sa sofa ang pantalon niya. Nang maisuot ay nagtshirt na siya ng kulay asul na may tatak na THE YUMMY RETURNS. Nang maayos na ang damit niya ay nagpivot na siya para bumalik na sana sa kwarto nang magulat siya dahil andun sa may pintuan ng banyo si Liam at titig na titig sa kanya. Halos mapalundag siya.

"H-hey! K-kanina ka pa ba diyan, Liam?" kinakabahang tanong niya. Baka nakita siya nito nang nagpapalit siya! Oh my gosh!

"H-ha? Ah.. Hindi, k-kalalabas ko lang" sabi nito at gumalaw ang adam's apple nito tanda na napalunok ito. Nakahinga siya ng maluwag. Buti naman, sa loob-loob niya

"Ah. Sige, pumasok ka na muna sa kwarto para magpalit. Mamaya na ako papasok" sabi niya rito.

"T-teka. May naiwan ako sa loob, kukunin ko lang" sabi nito at agad bumalik sa loob ng banyo sabay sara ng pintuan.

Patay-malisya naman siyang pumasok sa kwarto at muling nakipagsigawan kay Eric.







"Shit!!" mahinang usal ni Liam habang nakatapat ang katawan sa malamig na tubig sa shower. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang nararamdaman niya, nag-iinit.

"Nakakainis! Mawala ka na!" muli niyang usal. Bigla kasing lumukob sa kanya ang isang kakatwang pakiramdam na di naman dapat maramdaman lalo na't bading ang kanyang nakita.

Paglabas niya kanina sa banyo ay nakita niya ang pagtanggal ni Cali sa saplot nito at itinira lamang ang underwear. Gugulatin sana niya ito pero may kung anong bagay na pumigil sa kanya at nag-utos sa kanyang manahimik at panuorin ang pagpapalit ng damit ni Cali.

Nasilayan niya ang makinis na binti nito paakyat sa matambok nitong likod. Doon siya humanga. Hindi kasi niya ito napapansin dati. Ganun pala ito katambok? Pati ang likod nito ay makinis at maliit ang beywang nito na parang hindi sa lalaki. Pati ang mga binti nito ay pangbabae, hindi kaya ito nagtatrabaho ng mabibigat?

Nang lumingon ito ay saka lamang siya parang natauhan. Kita niya ang kaba sa mukha nito na kung sasabihin niyang nakita niya ang kahubdan nito ay malamang mamumula ito o mas malala pa kaya sinabi niyang kalalabas lamang niya. Pero ang pesteng bibig niya, nautal. Pakiramdam niya kanina ay parang natuyo ang lalamunan niya.

"Hindi pwede 'to. Hindi pwede 'to" bulong niya sa sarili. Nang bumaba na ng bahagya ang temperatura ng katawan niya at bumaba narin ang naka-salute sa kanya ay muli niyang tinuyo ang katawan gamit ang tuwalya at lumabas na ng banyo.






"Manong Marnel, sino po biahe?" tanong ni Cali sa lalaking kakilala niya. Nasa paradahan na silang tatlo nina Liam at Cali. Hindi niya maiwasang mapatitig kanina kay Liam dahil sa porma nito. Gwapong-gwapo talaga ito. Nakaayos ang buhok, nakatshirt ng gaya ng sa kanya. Yung tshirt na may tatak na THE YUMMY RETURNS, yun nga lang, puti ang kulay nito. Hindi niya alam na may ganun din pala itong tshirt.

"Bakit, uuwi ka ba satin?" tanong ng lalaki sa kanya.

"Oho"

"Si Mang Fermin pero hintayin niyo lang muna yung jeep kasi dinala niya sa bodega yung mga tabako" paliwanag nito.

"Ahh. Sige po. Salamat" tugon niya rito. Tatalikod na sana siya pero bumulong ito sa kanya.

"Sino'ng mga yun Estong. Kasama mo ba silang uuwi satin?"

"Ah, opo. Kaklase ko po sila. Ewan ko nga po eh. Biglang naisipang sumama sakin. Para daw makita nila ang lugar natin"

"Ay oo! Buti naman. Para naman makita nila ang ganda ng lugar natin, di ba?"

Napangiti siya.
"Oo nga po eh. Teka lang po muna ha? Pupuntahan ko lang muna sila" paalam niya rito at nilapitan ang dalawang bugok.

"Ano raw?" tanong ni Liam pagkalapit niya rito.

"Tingnan mo 'to, chismoso" sabi niya rito at ngumuso. "Wala pa daw yung biahe samin kasi nagpunta sa bodega na pinagbebentahan ng tabako. Mamaya pa yun pupunta rito kaya ilibre mo na kami ni Eric ng lunch" tuloy-tuloy niyang sabi.

"San ba tayo kakain?" tanong nito. Di na siya nagtakang agad itong pumayag dahil mapera naman talaga ito. May sarili itong ATM at Credit Card.

"Sa McDo" si Eric ang tumugon.

"Hindi, diyan nalang oh. Sa restaurant na kainan ng tagasaamin. Mura ang pagkain diyan" sabi niya.

"Turo-turo" naisatinig ng dalawa.

"Oh tapos? Walang sasama sakin kung ayaw niyong kumain diyan" pagtataray niya at nauna nang naglakad papunta sa 'turo-turo'. Wala namang nagawa ang dalawa kundi sundan siya.

"Manang, tatlo nga pong rice tsaka isang extra. At sa ulam naman, isang order po diyan sa adobong sitaw, sigang na bangus at isa din po sa kaldereta. Tsaka tatlong sabaw narin po. Salamat!" masiglang sabi niya sa tindera.

"Sige iho, maupo na muna kayo dun at iseserve nalang namin sa inyo"

Iginiya niya ang dalawa sa isang table na pangtatluhan. Makalipas ang ilang sandali ay kumakain na sila. Reklamo ng reklamo nung una ang dalawa dahil sa napili niyang ulam pero nang tikman ay nagustuhan din.

Nang kumakain sila ay may kumalabit sa kanya sa likuran kaya napalingon siya.
"Bestfriend!!!" bulalas niya nang makita ang kumalabit sa kanya. Agad siyang tumayo at niyakap ng mahigpit ang lalaking nakatayo.

"Ba't bumaba ka dito sa lungsod?" masayang tanong niya rito.

"Alam ko kasing darating ka kaya heto, sinasalubong ka" nakangiting tugon ng lalaki. Namiss niya ang mga ngiting iyon, ang pilyong ngiti. Ang kilay na makapal, ang kutis na sunog sa araw at ang mga matang sing-itim ng uling.

"Ikaw talaga, gumasto ka pa" sabi niya rito. May umubo sa likuran niya kaya siya lumingon. Natampal niya ang noo.

"Ayy oo! Sorry guys. Uhmm, Dennis, kaklase ko nga pala. Sina Eric at Liam. Guys, si Dennis, bestfriend ko. Kasama ko siyang uuwi dun sa atin" pakilala niya sa mga ito. Nagkamay naman ang tatlo.

"Ows?" sabi ni Eric habang nakataas ang isang kilay.

"Ows ang alin?" tanong niya.

"Bestfriend ba talaga?" sarkatikong tanong nito tsaka tiningnan si Liam na noo'y yumuko at itinuloy ang pagkain.

"Hala. Oo nga" sagot niya at binalingan si Dennis. "Kain tayo, halika. Order tayo"

"Wag na moks. Kakakain ko lang eh" sabi nito at bahagyang hinimas ang tiyan.

"Ah. Ganun ba? Upo ka nalang muna sa tabi ko" sabi niya at kumuha siya ng isang upuan para dito. Nagsasaya ang kalooban niya. Miss na miss na pala niya ang childhood bestfriend niya.

Habang masaya silang kumakain ay kwento naman ng kwento si Dennis na nagpapatawa sa kanya. Halos di niya namalayang tapos na silang kumain.

"Ako na hahawak sa bag mo. Tara na sa jeep, andiyan na sa paradahan" sabi ni Dennis pagkatayo nila.

"Teka, magkano lahat yung kinain natin?" tanong sa kanya ni Liam. Nag-abot ito ng limang daan sa kanya at sinabing siya na ang magbabayad.

Pagkatapos ay binalikan niya ang mga ito at isinauli ang sukli ni Liam.
"Hwag na. Di ba may pinapabili sayo yung kapatid mo? Ibili mo na" sabi nito. Hindi niya alam ang iniisip nito pero halatang nawalan ito ng gana.

"Sure ka?" tanong niya rito. Tumango lang ito pagkatapos ay binuhat ang mga gamit at sumunod kay Dennis. Naiwan sila ni Eric.

"Lagot ka" sabi ni Eric bago sumunod.

"Bakit?"

"Wala" sagot nito at tuloy-tuloy nang naglakad. Siya naman ay nagpunta sa tindahan ng Pansit Malabon para ibili ang tatay at kapatid niya. Pagkatapos ay nagpunta rin siya sa bilihan ng damit para ibili ang nanay niya ng bestida nito. Nang may magustuhan ay ibinili rin niya ang tatay at kapatid niya ng tig-isang tshirt para may magamit ang mga itong bago kapag nagpupunta sa simbahan.

Nang mabili ang lahat ng nais ay naglakad na siya pabalik sa paradahan. May natitira pang singkwenta sa perang ibinigay sa kanya ni Liam.

Naabutan niya ang dalawa na kausap si Dennis. Base sa mga ekspresyon ng mga ito sa mukha ay halatang kasundo nila ang bestfriend niya.

"Anong topic?" singit niya. Napalingon ang tatlo.

"Ay! Tungkol sayo moks" sagot ni Dennis.

"Sakin? Anong tungkol sakin?"

"Ah wala. Hindi naman masyadong importante" singit naman ni Eric. Hindi na siya nagtanong sa mga ito.

"Li, pasensiya ka na ah. Eto nalang natira sa pera mo. Ibinili ko pa kasi sina Mama at papa ng tig-isang damit eh. Tsaka si Ibor narin" sabi niya sabay abot sa singkwenta pesos dito pero hindi nito tinanggap.

"Sayo na yan. Keep the change" sabi nito at ngumiti na nagpalabas sa biloy nito sa magkabilang pisngi. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Bakit ba sa tuwing lumalabas ang biloy nito ay ganun ang nararamdaman niya? Ang gwapo-gwapo talaga nito kapag ganun ang ngiti.

Nabigla siya nang may sumiko sa kanya ng mahinang. "H-ha?" parang tangang tanong niya.

"Gwapo na ba si Liam at ganyan kana makatingin sa kanya?" nakangising tanong ni Eric.

"Gago!" asik niya rito. "Tara na sa jeep. Aandar na ata" akay niya sa mga ito. Binuhat ni Dennis ang mga karga niya at naglakad papunta sa jeep.

"Sa bubong tayong lahat ah. Para mangitim din kayo" sabi niya sa mga ito.

"Ayos! Siguradong exciting 'to. Tapos mamaya, ihuhulog natin si Liam" pilyong sabi ni Eric habang tawa ng tawa. Binatukan naman siya ng una.

"Tama na yan. Para kayong mga bata" sabi niya.

ITUTULOY..

No comments:

Post a Comment