Saturday, October 5, 2013

Call me Cali 2


Masaya ang naging biyahe ni Cali dahil na rin sa tatlong nagguguwapohang katabi niya sa bubong ng sasakyan. Parang mga matalik na magkakaibigan ang mga ito gayung ngayon lang nakilala nina Eric at Liam si Dennis.

Hindi siya nagkokomento sa usapan ng mga ito na puro kabastusan. Nangingiti na lamang siya dahil nasasanay na siyang ganun ang usapan ng mga lalaki kapag magkakasama. Besides, kelangan din niyang maging open minded sa lahat ng bagay upang mas mapapakisamahan siya ng mga kaibigan. Kasi kung ganung lagi siyang nag-iinarte, baka mainis sa kanya ang mga ito at sabihan siyang pa-inosente.

Naging maayos ang biyahe sa una pero nang mga sumunod na oras ay naging katawa-tawa para sa kanya. Lalo na nang dumaan ang dyip sa isang ilog. Namutla sina Eric at Liam habang mahigpit ang kapit sa kinauupuan. Lalo naman niyang pinagtitripan ang mga ito. Umakto siyang itutulak niya ang mga ito at lalo namang natakot.

"Ayoko na! Bumalik na tayo!" reklamo ni Liam nang gumalaw-galaw ang dyip na parang matutumba. Natawa siya dahil sa takot na nakabadha sa guwapong mukha nito.

"Ano ka ba! Parang di ka lalaki. Makakadaan din tayo rito ng maayos. Pero kung gusto mong lumangoy diyan, pwede naman kitang ihulog" tudyo niya kay Liam. Nanlaki ang mga mata nito na lalo lamang niyang ikinangisi. Umakma siyang itutulak ito kaya ito nagfreak out. Sumigaw ito at kumapit ng mahigpit. Kung hindi pa siya sinaway ni Dennis ay hindi siya titigil sa pananakot sa dalawa.

Tatawa-tawa parin siya ngunit umusod siya ng kaunti upang matabihan si Liam. Hinanap niya ang kanang kamay nito at nang mahagilap ay hinawakan niya ito ng mahigpit at humingi siya ng sorry, nonverbally. Nilingon siya nito at nginitian.

Hindi nito binawi ang kamay, bagkus ay hinayaan lamang siya nitong hawakan iyon. Pero hindi katulad ng dati na normal lang ang nararamdaman niya tuwing nadadaiti ang kutis niya rito. Ngayon ay tila nakuryente siya at may dumaloy na lamig papunta sa katawan niya.

Hindi niya iyon pinansin at itinuon ang pansin sa mga nadadaanan nilang mga puno at bundok. Nagsimula nang maging paakyat ang takbo ng sasakyan, tanda na malapit na sila sa kanila. Sa susunod na trenta minutos ay halos ganun lamang ang magiging takbo ng sasakyan, paakyat. Sa taas ng bundok kasi matatagpuan ang municipality ng San Mariano.

"Malapit na ba tayo Cali?" narinig niyang tanong ni Liam sa tabi niya kaya nilingon niya ito.

"Oo. Thirty minutes nalang siguro, andun na tayo" sagot niya. Napangiti siya nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Oh! Home, atlast!

Tulad sa Baguio, ang lugar nila ay malamig din pero lamang parin ang nasabing lugar dahil medyo mas mababa ang bundok na kinaruruoan ng San Mariano.

Sa unang bente minutos ay puro puno lang at bundok ang nakikita nila pero nang mga sumunod na sandali ay may natanaw na silang mga bahay. Lumuwang ang pagkakangiti ni Cali nang masulyapan ang mga palayan sa kabilang parte ng kabahayan. Ang San Mariano ay maliit lamang na munisipalidad na binubuo ng pitong Barangay at tatlong Sitio. Sa Barangay Madaweng nakatira sina Cali at kung manggagaling ang sasakyan sa lungsod, may madadaanan pa silang apat na Barangay bago tuluyang makarating doon. Bawat barangay ay may tig-isang dyip na namamasada kaya hindi pwedeng nakikisabit ang taga-ibang barangay, maliban nalang kung hindi makabiyahe ang dyip sa kanilang barangay.

Iginala nina Cali ang paningin sa pagilid. Ang sarap sa mata dahil green ang dominant color na makikita.

Diretso ang takbo ng sasakyan kung kaya't makalipas ang mahigit labinlimang minuto ay nakarating na sila sa barangay Madaweng. Gaya ng dati, ang munting plasa ay puno na naman ng mga taong naghihintay sa sasakyan. Ang iba ay hinihintay ang kanilang kapamilya na nagpunta sa lungsod at magbuhat ng mga bagahe at pinamili. Ang iba naman ay kunin ang mga pinamili sa konduktor at ang iba ay nakaupo lamang sa mga benches. Usual iyon sa kanila, kapag alas singko na ng hapon, marami nang tao sa kanilang plasa. Bata, matanda, dalaga, binata. Ang mga batang lalaki ay naglalaro ng mga katutubong laro gaya ng tumbang preso, habulan, baril-barilan at mga trumpong pinapaikot sa may gilid. Ang mga batang babae naman ay chinese garter. Sa gitna ng plasa ay may mga binatang naglalaro ng basketball na pansamantalang natigil dahil sa pagdating ng sasakyan. At sa ibang parte ng plasa ay tambayan ng mga matatandang kalalakihan na naglalaro ngabaraha.

"Anong meron, Cali?" nagtatakang tanong sa kanya ni Eric. Ngumiti siya na parang nahihiya.

"Wala. Ganito lamang sa amin tuwing hapon. Sige na, baba na tayo" sabi niya. Bumaba na sila at ang mga ito ang nagbuhat ng mga bagahe nila. Si Liam din ang nagbayad ng pamasahe nilang apat na kahit kumontra si Dennis ay wala namang nagawa. Nagpunta pala sa lungsod ang kanyang bestfriend dahil ito ang inutusan ng mga magulang na mamili ng mga abunong gagamitin sa mga pananim.

"Moks, punta nalang ako mamaya sa bahay niyo ah? Magbubuhat pa ako ng abuno eh" sabi sa kanya ni Dennis. Abuno ang tawag nila sa mga binibiling pataba na nakasako. Tumango na lamang siya at iginiya ang dalawang binata papunta sa kanilang bahay.

Habang naglalakad sila ay pansin niyang karamihan sa mga mata ay sa kanila nakatuon. Parang kinikilatis, parang inaalam kung sino ang mga bagong saltang tao sa kanilang lugar. Kung hindi lang siya sanay sa mga ganung akto ng mga ka-barangay niya ay malamang na maiilang din siya.

"Oy Estong, sino ang mga yan? Boypren mo siguro ano?" narinig niyang tawag ng isang ale. Lumingon siya at ngumiti ng totoo. Dahil totoo namang nakakangiti ang sinabi nito. Muntik rin siyang maubo dahil sa pagpigil niyang matawa.

"Naku manang, hindi po. Classmates lang!" sagot niya at muling iginiya ang dalawang kasama sa kanilang bahay.

Pagkarating nila sa kanilang bakuran ay nadatnan nila ang tatay at kapatid niya--na noon ay basang-basa ang damit. Sa ayos ng dalawa ay tila pinapagalitan ng tatay niya ang kanyang kapatid. Nakayuko ang tila basang-sisiw ba kapatid niya habang ang tatay niya ay lukot ang mukha at nakapamaywang.

Nang makita sila ay agad ngumiti ang tatay niya. Oh! The handsomest man in the word!, sigaw niya sa utak. Agad siyang tumakbong parang bata at yumakap sa ama. Namiss niya ang kanyang ama ng sobra. Papa's girl kasi siya, este boy at close na close sila ng kanyang ama.

"Tay! Namiss ko ho kayo" agad niyang bulalas pagkabitiw niya mula sa pagkakayakap sa ama.

"Hoh! Na-miss daw, ni hindi ka nga makauwi eh" tila nagtatampong sumbat ng ama niya. Amused na ngumiti siya. Ang tatay, parang bata.

"Eh 'tay, ano kasi.. Busy na kasi ako sa school kasi alam mo na, graduating na ako next year. Wag ka nang magtampo 'tay. May binili kaming pansit Malabon" pagsusuyo niya ama. Ganun silang mag-ama. Close na close sila at kinaiinggitan ng lahat ang closeness na 'yun. Kung titingnan sila ay para lamang silang magkabarkada.

Bata pa ang ama niya sa edad na trenta y nuwebe. Alam na, maagang naglandi. Ang nanay naman niya ay trenta y sais.

Nang maalalang may kasama pala siya ay agad niyang ipinakilala ang mga ito sa kanyang ama. Nangingiti pa ang mga ito nang binalingan niya.

"Tatay, si Liam Sabrosa po at si Eric Galdua. Mga kakwarto ko ho sa boarding house. Guys, this is my tatay Ador. Pogino?" pakilala niya habang nakaakbay sa kanyang tatay. Nakakatuwa silang tingnan dahil halos magkasingtangkad lang sila at parang magkapatid lang.

"Magandang hapon po Mang Ador" bati ng dalawa.

"Magandang hapon din mga binata. Mabuti naman at naisipan niyong magpunta dito sa amin" sabi ng kanyang ama bago bumaling sa kapatid niyang tahimik na nakatayo sa likuran nito.

"Ano bang nangyari sayo Ollong? Ba't basambasa ka?" tanong niya sa anim na taong gulang na kapatid. Kung di lang ito basa ay niyakap narin niya ito at pinupog ng halik. Ang cute cute talaga ng kapatid niya.

"Ay naku, nagpunta sa ilog kasama yung mga kalaro. Ayun, nadulas. Teka lang ah, pumasok na muna kayo sa loob at paliliguan ko lang ang kapatid mo. Andun ang nanay mo, naghahanda na siguro ng meryenda" sabi ng kanyang ama at binalingan ang kapatid niya. Sinenyasan naman niya sina Liam at Eric na sumunod sa kanya sa loob.

"Lagot ka mamaya Ollong. Papaluin ka ni mama" tumatawang pananakot niya sa kapatid bago pumasok.

Pagkapasok ay sumigaw siya. "Nanay! We're here!"

Nakita niya ang nanay niya sa may kusina na kasalukuyang nagtitimpla ng juice at inaayos ang suman sa plato. Halata itong nagulat at marahas na lumingon sa kinatatayuan nila.

"Susmaryosep! Nakakagulat ka namang bata ka!" bulalas nito habang sapo ang dibdib. Natatawang lumapit siya rito at yumakap din. Kumpara sa tatay niya, hindi siya ganun ka-close dito. Naaalala pa niya noong bata pa siya. Kapag pinapagalitan siya nito, sa tatay niya siya tumatakbo. Kapag hindi siya nito binibigyan ng baon, sa tatay niya siya humihingi.

Nang kumalas siya mula sa pagkakayakap dito ay ipinakilala na rin niya ang mga kasama.

"Ang gugwapo namang mga binata. Halikayo, magmeryenda muna kayo. Alam kong napagod kayo sa biyahe" yaya nito sa dalawa. Tipid na ngumiti ang mga ito bago tumalima.

Pagkaupo ng mga ito ay agad tumalak ang nanay niya. Agad nagtanong ng kung anu-anong bagay. Nangingiti lamang siya habang pinapanuod ang sina Liam at Eric na halatang nahihiya parin. Inabutan niya ang mga ito ng suman at tig-isang baso ng malamig na juice.

Makalipas ang ilang minuto ay tumatakbo papunta sa kinaroroonan nila ang kanyang kapatid, kasunod ang tatay niya. Nakasuot na ito ng tuyong damit at halatang bagong paligo. Agad niyang binuhat ito at pinaghahalikan sa pisngi at mukha habang pilit naman siya nitong inaawat.

"Kuya naman eh! Ayoko!" reklamo nito.

"Oy Collong ah. Kahit magbinata ka, kailangan mo parin akong i-kiss! Ang arte nito. Syanga pala.." bumaling siya kina Liam at Cali. "Sila sina Kuya Liam at Kuya Eric. Say hi to them baby"

"Kuya! Hindi na nga ako baby!" reklamo ulit nito. Hindi niya iyon pinansin. "Hello po!" maya-maya ay bati nito sa dalawa. Nang tingnan niya ang dalawa ay amused na nakangiti ang mga ito.














Kung hindi sila sumama kay Cali pauwi dito sa lugar nila ay hindi niya malalaman na sobrang sweet pala nito sa pamilya. Hindi niya maiwasang mapangiti at ma-amuse sa magkuya habang tinitingnan ang mga ito.

"Naku, pasensiya na kayo sa magkapatid na yan ah. Ganyan talaga ang mga 'yan" narinig niyang paumanhin ng nanay ni Cali kaya nilingon niya ito. Nahalata siguro nito na nakatitig lamang sila sa magkapatid.

"Okay lang ho--"

"Nanay Lilia. Tawagin niyo na lang akong Nanay Lilia" singit ng nanay ni Cali. Tipid siyang ngumiti bago sumagot.

"Okay lang ho Nanay Lilia" tuloy niya sa sasabihin bago kumagat sa suman na nakalagay sa platito. Hindi niya maiwasang muling kumagat nang malasahan ang sarap ng kakanin. Nakailang kagat lamang siya ay naubos agad niya. Hindi niya maikakailang dahil sa gutom kaya napabilis ang pagkain niya. Pero masarap din talaga ang suman na meryenda nila ngayon.

"Ubos mo agad? 'Nay, suman pa nga ho!" pasigaw na sabi ni Cali sa nanay na noon ay nasa may lababo.

"Kumuha ka nalang sa ref. Marami pa dun" sagot ng nanay nito. Agad namang tumayo si Cali habang buhat ang kapatid at dumiretso sa maliit na pridyider. Naglabas ito ng maliit na bilao na may nakalagay na suman. Yung bilaong parang pinaglalagyan ng pansit na nabibili nila sa bayan. Dinala nito iyon sa lamesa.

Tinitigan lamang niya ang pagkain dahil nahihiya siyang kumuha. Napansin iyon ni Cali kaya ipinaupo nito ang kapatid sa isang silya at ito mismo ang naglagay ng suman sa platito niya at kay Eric.

"Ayan. Kain lang ng kain. Masarap?" tanong nito sa kanila ni Eric. Agad silang tumango-tango bago muling nilantakan ang suman.













"Grabe! Busog na busog ako dun ah" bulalas ni Liam habang nakaupo sa sala at sapo ang tiyan. Dahil nasarapan ay hindi na niya napigilan ang sariling kumain ng marami. Unlike any other sumans he tasted before, ang suman na hinanda nina Cali ay hindi agad nakakaumay.

Iginala niya ang paningin sa kabuoan ng bahay nina Cali. Hindi iyon marangya pero malinis at ang mga kagamitan ay nasa tamang pwesto at ayos. Kongkreto din naman iyon kahit papano. The floor was covered with plastic mats. May tv, may refregerator at iba pang modernong kasangkapan. Sa dingding ay may mga nakasabit na picture frames. Sa nakita ay tumayo siya at nilapitan ang mga iyon.

Iba't-ibang picture ang nandun. Picture ni Nanay Lilia nung dalaga pa siguro ito, ganun din si Tatay Ador at mga picture ng baby. Hindi niya alam kung sinong baby iyon. Kung si Colossus ba o si Cali. May mga graduation pictures din ni Cali.

Iginala pa niya ang paningin sa mga pictures at isang larawan ang nakahuli ng kanyang paningin. Isang batang lalaki na nakasuot ng bestida habang hilam ng luha ang mga mata at nakasimangot. Napakacute nito at hindi niya mapigilang mapangiti.

"Guys--" narinig niyang pagtawag mula sa likuran niya. Tila natigil iyon sa anumang sasabihin kaya nilingon niya ito. Si Cali na nakakunot-noo.

"Anong tinitingnan mo diyan?" tanong nito at lumapit sa kanya.

"Ikaw ito?" tanong niya at itinuro ang litratong tinitingnan niya kanina. Bumaling ang tingin niya mula sa litrato hanggang sa mukha ni Cali na nakatingin sa litratong turo niya.

Napakagat labi ito at bahagyang namula ang pisngi. Siya nga!, kompirma niya sa isip.

"Ang cute mo rito!" bulalas niya at tumawa ng mahina.

"Is that a compliment or insult?" nakasimangot na tanong nito. Lumakas ang tawa niya. Maya-maya ay lumapit si Eric at nakiusyoso sa kanila. Nang ituro niya ang framed picture sa dingding at sabihing iyon ay si Cali noong bata pa ay natawa rin ito.

"Kelan 'to Cali?" tanong ni Eric maya-maya.

"Noong 5 years old ako. Ewan ko kay nanay pero siya daw nagpasuot niyan sakin. Dahil bata pa ako noon, ang akala ko ay papaluin ako ni tatay dahil nagsusuot ako ng damit-pambabae kaya umiyak ako. Yun, pinicture ako ni nanay na ganyan" pagpapaliwanag ni Cali. Bago pa man sila makasagot ay hinila na sila nito.

"Tara na sa room niyo. Pagpasensiyahan niyo na ha? Yun lang kasi ang available na room eh. Don't worry, maluwang naman yun e" sabi nito.

"Okay lang" sagot nila ni Eric at sumunod na sila dito. Umakyat sila sa taas at tumigil sa harap ng pangatlong pintuan. May dalawa pa kasing katabi iyon.

"Kwarto namin ni Ollong yang magkatabi. Sa baba sina nanay" sabi ni Cali na tila nabasa ang iniisip niya.

"Ah" yun lamang ang naibulalas niya. Pumasok na sila loob ng pangatlong kwarto. Maluwang nga iyon at walang masyadong kagamitan maliban sa aparador, study table, isang malaking banga na may nakatanim na halamang pambahay, kama na kasya siguro ang tatlong tao at ilang mga upuan sa tabi ng study table. Nakaayos na ang kama nila at may apat na nakalagay na unan sa ibabaw kasama ang dalawang makakapal na kumot.

"Iayos niyo na yung mga damit at gamit niyo sa aparador, walang laman yun. Yung laptop mo Liam, dito sa study table. At Eric, please.. Walang magmamasturbate mamayang gabi! Matalas ang pandinig nina tatay" bilin nito na siyang ikinahagalpak niya ng tawa. Nilingon niya si Eric na bahagyang napanganga sa huling sinabi ni Cali.

"Bakit ako? Si Liam ang sabihan mo, wag ako" reklamo nito habang kinakamot ang likod ng ulo. Nagprotesta naman siya.

"Wala akong alam diyan" sabi niya na ngiting-ngiti parin.

"Hayy! Basta, kayong dalawa ha. Lalo kana Liam. Kung manunuod ka ulit ng porn, magheadset ka" baling nito sa kanya. Si Eric naman ang natawa at siya ang walang masabi.

"Wala nang porn sa laptop ko. Denelete ko na. Nakakahiya naman kasi sayo Pastor!" sabi niya rito. Ngumiti naman ito.

"Good. Can I leave now? Magpapalit lang ako. Magpahinga na muna kayo at tatawagin ko kayo mamaya bago maghapunan" sabi nito bago tumalikod. May pumasok na kapilyuhan sa utak niya kaya niya ito tinawag. Lumingon naman ito.

"Ha?" tanong nito.

"Kiss ko?" nakangising tanong niya rito. Bahagya pa siyang lumapit. Kitang-kita niya ang paglunok nito at pagkabiglang nakabadha sa mukha. Ngunit saglit lamang iyon na parang gusto niyang isipin na guni-guni lamang niya iyon.

"Kiss?" balik-tanong nito at naglakad palapit sa kanya. Mas lalo siyang napangisi at lumapit din siya rito.

"Yes" mahina at tila nang-aakit na sagot niya. Narinig niya ang pagpalatak ni Eric sa tabi niya. Tiningala siya ni Cali at ngumiti ng makahulugan. Akala niya'y titingkayad na ito upang i-kiss siya pero hindi niya inaaasahan ang ginawa nito.

Marahas at mabilis ang pagkakahablot nito sa ibabang harapan niya at hinila palapit dito.

"Aray! Aray! Aray! Aray ko! Bitiwan mo, awwww!" daing niya dahil mahigpit ang pagkakadaklot nito sa bagay na iyon at pakiramdam niya ay mas lalo pang humihigpit. Narinig niya ang pagbunghalit ng tawa ni Eric sa tabi niya.

"Ano!? Kiss, gusto mo!?" madiing sabi ni Cali na hindi binibitawan ang harapan niya. Inilalapit niya rito ang katawan niya para maibsan ang sakit.

"Hindi! Hindi! Bitiwan mo na please. Masakit na talaga" pagsusumamo niya. Dahil doon ay binitawan nga nito iyon at agad tumalikod.

Diretso itong lumabas ng kwarto habang tumatalon-talon siya para mawala ang sakit. Sa kabila ng lahat ay hindi niya maiwasang matawa sa sarili at kay Cali. Grabe, mamamatay ata lahat ng lalaking babastos dito.

"Ano, gusto mo pa ba ng kiss?" mapanudyong tanong ni Eric habang humahagikgik. Nakagat niya ang ibabang labi at umaktong babatuhin ito ng unan. Mas lalo lang lumakas ang tawa nito.

May araw ka rin sakin Cali!, bulong niya sa sarili bago nagsimulang mag-ayos ng mga gamit sa loob ng kwarto.














"So saan ang lakad natin bukas?" tanong ni Liam kay Cali habang nakatitig dito. Katatapos lamang ng hapunan nila. Masaya kanina sa hapag-kainan dahil ramdam nila na hindi sila tinatrato ng mga magulang ni Cali bilang bisita. At walang ilangan sa pagitan nila. Kwento ng kwento naman si Colossus na tinatawanan nitong mag-isa. Nakikitawa nalang sila para hindi magtampo ang bata.

Nilingon siya ni Cali dahil sa tanong niya.

"Good question! I'm thinking na ipapasyal ko kayo bukas sa manggahan namin. Maganda dun, promise!" sagot nito habang hinihimas ang sariling baba. Bahagya siyang natawa sa inakto nito kahit hindi naman talaga iyon nakakatawa. Nang may naisip ay umusod siya papalapit dito.

Nang malapit ay pabigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito pero nakatuon ang mata niya sa taas ng upper lip nito. May sinusuri siya. Nagsalubong ang kilay niya dahil sa nakikita. Nagulat naman ito sa ginawa niya kaya inilayo nito ang mukha sa kanya pero hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito upang hindi makapalag.

"Ano ba?!" naiiritang sambit nito.

"Teka.." sabi niya at patuloy ang pagsuri sa bandang iyon ng mukha nito. "Ba't wala kang bigote? Nag-aahit ka?" tanong niya nang masuri niyang wala talaga itong makapal na bigote. Eighteen na nito ah!

Tila nakahinga ito dahil sa tanong niya. Sabihin nang weird siya pero parang sa pandinig niya ay frustrated ang paghinga ni Cali. Na para bang may inexpect ito na hindi nangyari. Hmmmm? Hinawakan nito ang dalawang palad niya at inalis sa pisngi nito bago nagsalita.

"Oo. Wala akong bigote. Pati buhok sa kili-kili, wala! Ewan ko ba. Buti nalang may buhok sa ulo ko no?" sabi nito. Napangisi siya.

"Ah! Baka nga babae ka talaga.." sinadya muna niyang bitinin ang sasabihin. Para namang nagliwanag ang mukha nito. "May lawit nga lang" dugtong niya at sinundan ng matunog na tawa na naging dahilan upang itulak siya nito sa upuan at bumagsak siya sa lupa. Ito at si Eric naman ang nagtawanan.

"Maganda na yung una eh! Dinugtungan mo pa" natatawang sabi ni Eric nang muli siyang maupo sa tabi ni Cali na nakahalukipkip.

"Di ba ang 'lawit' sa inyong dialect dito means.." hindi niya naituloy ang sasabihin dahil tinakpan ni Cali ang bibig niya gamit ang palad nito.

"Oo! Wag mo nang sabihin" sambit nito pero hindi parin inaalis ang kamay sa bibig niya kaya inilabas niya ang dila at dinilaan ang palad nito. Tila nandidiri naman nitong ipinunas ang palad sa likod ng shorts nito.

"Pakilala mo ako sa mga chicks bukas ha?" untag niya rito at inakbayan.

"Why not? Ipapakilala kita kay Jinky. Maganda yun, I'm sure, you'll like her" diretsong sabi nito. Wala, normal ang tono nito. Ah! Ano ba kasing tono ang gusto niyang marinig? Yung tonong.. parang nagseselos?

Asa ka! Hindi ka niyan type, tomboy na ata yang bading na 'yan!, sigaw ng mapanudyong utak niya.

Nagthumbs-up siya gamit ang kaliwang kamay habang ang kanan ay nakaakbay parin dito. Hindi ito nagreact sa ginawa niya.

“From this moment.. Life has begun.
From this moment, you are the one
Right beside you is where I belong, from this moment on..

Ewan ba niya sa sarili pero bigla nalang siyang napaawit. Agad namang umangat ang tingin ni Cali sa kanya at mataman siyang tinitigan. Hindi niya ito nilingon at ituloy ang wala sa tonong pagkanta. Tahimik sina Cali at Eric habang nasa first stanza siya ng awit. Pero nang magchorus, sumabay narin ang mga ito.

I give my hand to you with all my heart.
I can’t wait to live my life with you, I can't wait to start.
You and I will never be apart.
My dreams came true because of you.
From this moment!

Hindi na sila sure sa lyrics pero sige parin sila sa pagkanta. Para silang mga sira-ulong nakahithit ng damo at nagtatawanan pa sila tuwing may pipiyok. Maya-maya, tumayo siya at sinabayan ng macho dance ang kanta sa harapan ni Cali. Natatawa ito pero hindi itinitigil ang pagkanta.

Inilapit niya ang sarili dito at dahil nakaupo ito at siya naman ay nakatayo, masagwa ang magiging ayos nila kapag tuluyan siyang lalapit dito. Sige parin siya sa pagmacho dance na ikinalalakas ng tawa ni Cali. Pati narin si Eric ay hindi maiwasang matawa sa ginagawa niya.

"Sige pa bro! Kaya mo 'yan. Bibigay na mamaya si Cali niyan!" sabi nito at pumalakpak pa. Ang ginawa niya ay hinila niya si Cali patayo. At nang makatayo ito ay ipinatong niya ang isang kamay nito sa balikat niya. Ang isa naman ay nakaunat pagilid habang hawak niya ang palad nito. Ang isa namang kamay niya ay dumako sa bewang nito na nagpasikdo rito kaya marahas siyang hinampas sa balikat habang natatawa.

"Ano ba! May kiliti ako dun" sabi nito. Amused na napangiti siya pero muli niyang hinawakan ang bewang nito. This time, hindi na ito nagreact.

Nang magsimulang gumalaw ng banayad ang kanilang mga katawan ay itinuloy nila ang pagkanta. Si Eric naman ay hindi maiwasang mapangiti dahil sa trip nilang dalawa ni Cali. Oo. Trip nga siguro iyon pero para sa kanya, may hatid iyong saya sa kalooban niya at nais niyang sana ay magtagal pa ang pagkakahawak niya sa mainit ngunit nagsisimulang manlamig na palad ni Cali. Bakit nga kaya pakiramdam niya ay nanlalamig na ang mga kamay nito?

"Nanlalamig ka?" sambit niya. Ang boses niya'y sapat lamang upang marinig ni Cali at hindi ni Eric. Umangat ang tingin nito sa kanya.

"Hah? Hindi ah" tanggi nito.

"Whe. Nilalamig ang kamay mo eh. Bakit, natatakot ka ba?" bahagya na niyang nilakasan ang boses niya kaya pati si Eric ay kumunot ang noo.

"Bakit naman ako natatakot? Suntukin kaya kita?" mapanghamon na sabi nito na ikinatawa niya ng mahina. Sa naging reaksyon niya ay namula ang pisngi nito pero agad yumuko upang itago iyon sa kanya.

Hindi nalang niya iyon pinansin at ipinagpatuloy ang pang-aasar dito.

"Pag sinuntok mo ako, hahalikan kita" walang-halong birong sabi niya.

"Whoa!" narinig niyang bulalas ni Eric sa kanilang likuran. Muli ring umangat ang mukha ni Cali.

"Halik?" tanong nito sa kanya at muling sumilay ang kinakatakutan niyang ngiti nito. Yung ngiti na may ibang kahulugan. Yung ngiting nasilayan niya rito bago nito dinakot ang..

"H-hindi.. Ang ibig kong sabihin--"

"Gusto mo eh. Gusto mo ng kiss?" singit nito. Bumitaw na ang isang kamay nito na hawak niya kaya nag-panic agad siya. Mabilis na tinakpan niya gamit ang kanyang dalawang palad ang harapan niya.

"No! Wag! Masakit eh. Hindi na, biro ko lang yun" agad niyang bulalas at umatras dito. Alam na kasi niya ang gagawin nito at ayaw na niyang gawin ulit nito ang ginawa nito sa kanya. Masakit talaga eh.

Ang ngiti ay naging mahinang tawa. Na kalaunan ay lumakas lalo't sumabay si Eric. Nag-apir pa ang dalawa.

"Isa pang kiss at pipisa na yang itlog mo, sige ka!" banta ni Cali sa kanya habang ngising-ngisi.













"Malayo pa ba?" hinihingal na tanong ni Liam kay Cali. Mag-aalas otso na at kaninang alas siyete y medya pa sila nagsimulang maglakad. Pupunta sila sa bukid nina Cali, sa manggahan ng mga ito. Mayroon siyang dala-dalang backpack na may lamang kanin para sa tatlo na nakalagay sa malaking lunchbox. Meron ding mga lutong ulam dahil sa bukid nila planong mag-lunch. Si Eric naman may karga ring backpack na may lamang softdrinks at mga panghimagas. Si Cali? Naku, senyorita ito ngayong nasa lugar ng mga ito sila. Wala man lang bitbit liban sa hawak nitong patpat na iwinawasiwas nito sa mga nadadaanang damo.

Marami silang nadaanang pilapil kaya puro putik ang mga tsinelas nila. Muntik pa nga siyang matumba kanina sa may palayan. Buti at nahawakan siya ni Eric at hindi siya tuluyang napahiga sa mga tanim na palay.

"Malapit na tayo. Mga tatlong oras pa" sagot nito.

"ANO!???" histerikal na bulalas nila ni Eric. Hindi pa naman masyadong mainit ang sinag ng araw pero basa na ng pawis ang likod niya.

Tumawa ng mahina si Cali. "Biro lang. Malapit na talaga tayo" sabi nito. Nakahinga naman sila ng maluwag.

May inakyat silang tila maliit na bundok at nang tuluyang makarating sa taas ay isang malawak na manggahan ang bumulaga sa kanilang paningin. Siguro ay isa't kalahating hektarya iyon o aabot na sa dalawa. Karamihan sa mga puno ay hitik sa bunga na lalo nilang ikinamamangha.

"Sa inyo lahat ng mga punong ito?" tanong ni Eric kay Cali habang mabagal silang naglalakad palapit sa isang kubong nakatayo sa isang silong ng malaking puno ng mangga.

"Hindi. Yung kalahati nito, kina tito Alfredo, yung kapatid ni tatay" sagot nito at agad naupo sa isang upuang kawayan nang makalapit sila sa kubo na para bang pagod na pagod ito. Na para bang ito ang may karga at hindi sila. Naupo narin sila nang maibaba ang mga backpack na dala.

"Mula nung mamatay sina lolo't lola, napagkasunduan na nina tito at tatay na tamnan nalang ng mangga ang lupaing ito. Sa baba ng bundok na ito sila nagtatanim ng palay para mas malapit sa bahay. So far, wala naman silang naging problema sa hati dito. Mamayang hapon, punta tayo sa bahay nila" patuloy nito pero hindi niya iyon binibigyan ng pansin dahil abala siya sa paghahalungkat ng maiinom sa backpack na dala ni Eric.

Nang makita ang pepsi na maliit na nakalagay sa plastic bottle ay agad niya iyong kinuha.

Mabilis niyang ipinihit ang takip nito at nang tuluyang mabuksan ay agad sumabog ang laman nito na siyang ikinabasa ng mukha at harapan ng tshirt niya. Gulat na gulat naman siya dahil hindi niya inaasahan iyon. Maging sina Eric at Cali ay nabigla rin sa pagsabog ng nasabing inumin.

Sandaling natahimik sina Eric at Cali habang nakatingin sa kanya at tila nagulat din sa biglaang pag-burst out ng laman ng pepsi. Nang mamasdan ng mga ito ang itsura niya ay bumunghalit ng tawa ang mga ito. Si Cali, sapo ang bibig para pigilan ang malakas na tawa nito. Si Eric naman ay napapasapo na sa tiyan dahil sa kakatawa.

Siya naman ay hindi alam ang mararamdaman. Kung matatawa rin ba sa katangahan niya o maiinis dahil sa pagtawa ng mga ito. Nilukot niya ang harapan ng tshirt at pinilit na pigain habang hindi tinatanggal. Dahil doon ay tumayo si Cali at lumapit sa kanya. Hindi na ito tumatawa.

"Tanggalin mo na yang tshirt mo. Malagkit yang pepsi pang natuyo sa damit" sabi nito at hinawakan ang laylayan ng tshirt niya. Walang tugon niyang itinaas ang kamay at ito naman ay itinaas ang damit niya. Pero dahil matangkad siya ay hindi rin nito tuluyang maitaas ang damit niya at maalis sa katawan niya kaya bahagya siyang yumuko. Halos naramdaman niya ang init ng hininga nito sa mukha niya nang yumuko siya.

Nang tuluyang matanggal ang damit niya ay binasa nito ng tubig ang parteng hindi nabasa ng pepsi at nang matapos pigain ay ibinalik sa kanya.

"Punasan mo yang dibdib mo. Basa ng pepsi. Makati yan sa balat pag natuyo" malumanay na utos nito sa kanya. Oo, utos iyon dahil pakiramdam niya ay kailangan niyang sundin ng walang tutol, ng walang anumang reklamo. Inabot niya ang damit niya at sinimulang punasan ang dibdib niya.

Patapos na siya nang may iniabot itong isang long sleeve na medyo luma na.

"O. Isuot mo na muna 'to. Buti nalang at nagdala ako ng damit-pambukid" sabi nito. Agad niyang inabot ang long sleeve at walang reklamong isinuot. Comfortable namang isuot iyon kahit papano. Itiniklop niya hanggang siko ang manggas nito.

"Bilib talaga ako kay Cali, laging handa!" natatawang sabi ni Eric at tumingin sa kanya pagkatapos ay ngumisi. "Cali, kumuha ka nga ng dahon at ilagay natin sa ulo ni Liam. Grabe 'tol! Mukha nang si Balagtas si Liam oh!" tuloy nito at tumawa. Napangiti rin si Cali nang tumingin sa kanya. Nakita niyang binuhusan nito ng tubig ang parte ng damit niyang nabasa kanina at piniga. Matapos ay isinampay nito sa may nakausling kawayan ng kubo.

"Sinong gustong umakyat?" tanong nito nang lumingon na sa kanila.

"Ako!" agad niyang sagot. Sa totoo lang ay excited na rin siyang umakyat muli ng puno. Noong bata kasi siya, hilig niyang umakyat sa puno ng kaimito sa likod ng bahay nila. Pero nung pinutol na iyon ay hindi na siya nakakaakyat pa. Hindi naman siya mahilig manghingi ng bunga sa mga kapitbahay nila upang makaakyat sana siya sa ibang mga puno.

"Ikaw Eric, di ka aakyat?" baling nito kay Eric. Nakita niyang tila naging alanganin ang ekspresyon ni Eric. Dahil doon ay agad niyang inakbayan si Cali at hinila palayo.. papunta sa may isang puno ng mangga.

"May sasabihin ako sayo mamaya. Basta wag mo nang yayain si Eric pagdating sa akyatan ng puno dahil hinding-hindi mo yan mapapapayag" bulong niya rito.

"Ah-" tanging naibulalas nito dahil sa paghila niya rito palapit sa isang puno ng mangga. Nang makalapit sila ay nagturuan pa sila kung sino ang mauunang aakyat.

"Ikaw na mauna! According to face value. Since pangit ka at gwapo ako, ikaw na mauna" biro niya. Inirapan siya nito pero agad ding sumagot.

"Di ba dapat, mas mauna ka kasi ikaw yung gwapo?"

"Sinabi mo yan ah" nakangiting sabi niya bago lumapit sa puno at nagsimulang umakyat.

"Anong sinabi ko?" narinig niyang tanong nito.

"Na gwapo ako" sagot niya.

"Naniwala ka naman dun?"

"Oo ah!"

"Biro ko lang yun, oy!"

"Wala nang bawian, gwapo talaga ako"

"Whatever! Sige, ikaw nalang ang umakyat. Tapos ako sasalo ng mga makukuha mong bunga" sabi nito. Hindi na siya sumagot at nagsimulang umakyat.











Hindi maiwasan ni Cali na mapangiti nang makaakyat si Liam nang walang kahirap-hirap. Halatang gustong-gusto nitong umakyat. Curious lang siya sa sinabi nito kanina tungkol kay Eric.

Dahil sa naisip ay nilingon niya si Eric sa may kubo malapit sa kanila. Abala ito sa paglalabas ng mga dala nila mula sa dalawang backpack.

"Aray!!!" malakas na sigaw ni Liam ang nakapagpatingala sa kanya. Base sa tono nito ay parang may kumagat dito. Bigla siyang nag-alala dahil baka kinagat na ito ng ahas. Naku, wag naman sana!

"Aray! Aray!" muli nitong sigaw. Nang makita niya ito ay panay ang kamot nito sa lahat ng parte ng katawan. Sa likod, sa harap, sa may paa, sa kili-kili at pati sa ulo nito.

"Ang daming langgam!!" sigaw nito. Dahil doon ay biglang naglaho ang nararamdaman niyang pag-aalala at bigla siyang napatawa.

Kung gaano kabilis ito umakyat kanina ay syang bagal naman nitong bumaba. Lalo tuloy dumadami ang kumakagat ditong mga langgam. Malalaki ang klase ng mga langgam na iyon na kung tawagin nila sa kanilang dayalekto ay "abuos". Hindi naman tulad ng ibang langgam ang mga ito na nagtatagal ang sakit ng kagat pero masakit parin at makati.

Nang makababa ito ay agad itong tumakbo palapit sa kanya na panay ang pagpag sa damit at suot na pantalon.

Panay parin ang pagtawa niya nang makalapit ito.
"Tanggalin mo yung mga nasa likod ko" natatarantang sabi nito at agad hinubad ang suot na long sleeve. Natatawa man ay tinanggal niya ang mga langgam na ang iba ay kagat-kagat pa ang balat ni Liam. May mga red spots narin na marka ng kagat ng mga langgam. Pinagpag rin niya ang mga paakyat na langgam sa pantalon nito habang ito naman ay abala sa pagtanggal ng iba mula sa buhok nito.

"Aray ko!" impit na sigaw nito. Alam niyang iba na yun kaya medyo nag-alala siya. Nang tingnan niya ang mukha nito ay kagat nito ang sariling labi.

"Bakit?"

"May kumagat kay junior!!" sagot nito at mabilis na binuksan ang zipper ng pantalon at agad pinasok ang kamay sa loob ng brief nito. Habang tila hinahanap ng kamay nito ang langgam na kumagat sa "junior" nito ay shocked naman siyang nakatitig sa brief nito. Buti nalang at tila natataranta ito dahil kung hindi, nahuli na siyang nakatitig sa harapan nito.

At dahil sa kakatitig dito, hindi niya inaasahang malilihis ang suot nitong brief at tatambad sa kanya ang...

"Oh my God!" gulat na bulalas niya at nanlaki pa ang kanyang mata. Ang cute ha, tudyo ng isip niya. Alin ang cute?

Dahil sa naging reaksyon niya ay umangat ang tingin nito sa kanya. Salubong ang kilay nito at kagat parin ang ibabang labi pero nang marealize nito kung saan nakapako ang mga mata niya ay tila nahiya ito at mabilisang tinakpan ng dalawang palad ang sariling bukol.

Napalunok siya at alam niyang matunog iyon.












"Nakita mo na naman for the second time?" iyon ang unang namutawi sa bibig ni Liam matapos ang halos isang oras na hindi ito nagsalita. They are having their lunch at the kubo.

Tiningnan ito ni Eric bago sumubo ng pagkain na kinakamay nito. They were eating in a clean banana leaves. Magkatabi ang mga ito ni Liam sa kabilang side samantalang mag-isa siya sa harapan ng mga ito.

Muli siyang lumunok hindi dahil sa kumakain siya pero pakiramdam niya ay biglang natuyo ang lalamunan niya.

"Uy hindi ah! Wala akong nakita" tanggi niya.

"Ano 'yun? Bakit ba pagdating sa inyong dalawa, andaming nangyayari kahit ilang minuto lang kayong nagsasama? Ano na naman yang issue na yan? Alin ang nakita mo Cali, yung junjun niya? Malaki ba?" tuloy-tuloy at walang tigil na sabi ni Eric samantalang siya ay napapa-ah nalang dahil sa hindi siya makasingit dito.

Nang matapos na ito ay agad siyang nagsalita.
"Ikaw Eric ah, chismoso ka talaga kahit kelan! Hindi totoo ang mga sinabi mo. May nakita ako, oo! Pero hindi yung ano niya. Yung.. Yung ano lang.."

"Yung? Asus. Alin ang nakita mo?"

"Yung ano.." hindi niya alam ang tamang sasabihin. Paano ba niya sasabihing "ulo" lang naman ang nakita niya at hindi buo?

"Nakita mo ba yung hikaw sa--"

"Uy tol! Bastos nito! Kumain ka na nga" agad na sita ni Liam kay Eric na nilagyan pa ng pagkain ang bibig nito upang tuluyang manahimik. Siya naman ay gusto na niyang matawa. Hikaw? Naku, the topic is getting interesting the way he didn't expect it to be.

"Ano nga yung nakita mo?" muling sabad ni Eric nang malunok ang pagkaing nanguya. Dahil doon ay penektusan ito ni Liam.

"Kumain ka na nga! Wala, wala siyang nakita. Yung highcut na buhok lamang ni junjun yung nakita niya kaya tumahimik kana kung hindi, huhubaran kita at yang ano mo ang makikita niya" banta pa ni Liam dito. Nangingiti man ay nanahimik na nga ito at ipinagpatuloy ang pagkain. Nang magtama naman ang paningin nila ni Liam ay agad itong nagbawi ng tingin habang siya ay natatawa ng mahina. Hindi na tuloy siya makakain ng diretso.

Mukhang magiging malandi na siya kapag ganung lagi siyang nakakakita ng.. Hayy, sabagay, dadalawa palang naman ang nakikita niya. Iyong sa kanya at yung ano ni Liam.

Naku Liam, pasalamat ka't Maria Clara ako. Kung hindi, lagot ka sakin, sabi niya sa isip.














Sa hapon ng araw ding iyong ay nagpunta sila sa bahay ng Tito Alfredo ni Cali. Mga ilang bahay lamang ang pagitan mula sa bahay nina Cali.

Isang lalaking siguro ay nasa late forties ang naabutan nila kasama ang isang binatang familiar sa kanya. Parang nakita na niya ito noon, hindi lang niya matandaan kung saan at kelan.

Naging maayos ang pakikitungo ng mag-ama sa kanila ni Eric at nagbiro pa ang matanda na bagay raw si Eric kay Cali na siya namang ikinasimangot niya. Ewan ba niya kung bakit. Siguro ay dahil sanay siyang sa kanya nali-link si Cali at hindi kay Eric. Siguro ay nanibago lang siyang hindi ang pangalan niya ang nadawit kay Cali. Siguro..

Nagpaalam na sila nang mag-aalas sais na ng gabi pagkatapos nilang kumain ng kung anu-anong kakanin na niluto ng tita ni Cali. Aaminin niyang nabusog siya ng husto.

Kinabukasan ay nakilala niya si Jinky--dahil na rin kay Cali. Maganda ang babae at balingkinitan ang katawan. Magkasingtangkad lang ang mga ito ni Cali and he must admit, Jinky has an instant effect on him. Yun bang parang gusto niya ulit maggirlfriend. And speaking of such, halos tatlong buwan na rin pala mula nung huling break up niya.

Base sa pagkakangiti nito sa kanya at paraan ng pag titig, he had an effect on her too, he's certain of that.

Lingid sa kaalaman ni Cali ay kinuha niya ang number ni Jinky. Just like what he expected, hindi nagpatumpik-tumpik ang dalaga.

Pagkatapos nilang magliwaliw sa buong barangay ay tumambay sila sa plasa. Mag-aalas singko na ng hapon kaya medyo marami-rami na naman ang mga tao doon na nakatambay at naglalaro ng basketball. Sila naman ay nakaupo lamang sa may bench at pinapanuod ang mga kalalakihang naglalaro ng nasabing laro. Parang gusto niyang sumali pero nahihiya siya lalo't wala siyang kilala sa mga kalalakihang iyon.

"Gusto niyong sumali?" tanong ni Cali na nagpalingon sa kanya dito. Nakangiti ito.

"Tomong!" tawag nito sa isang lalaki na naglalaro kahit hindi pa siya tumutugon sa tanong nito. Nang lumingon ang isang lalaki ay sinenyas ni Cali na lumapit ito sa kanila na ginawa naman nito.

"Bakit?" tanong nito nang makalapit sa kanila. Hinihingal pa ito dahil sa paglalaro.

"Uhm, guys, si Crisostomo nga pala" pakilala nito sa lalaki. Nagkamay naman sila pati ni Eric.

"Tomong, sila nga pala sina Liam at Eric, mga kaibigan ko. Pwede niyo ba silang isali sa laro niyo?" pakiusap ni Cali dito.

"Oo naman! Tamang-tama at kulang ng dalawang members yung isang team. Halikayo at ipapakilala ko kayo sa mga kasama ko" yaya ng lalaki sa kanila na agad naman nilang pinaunlakan ni Eric.














Kanina pa sigaw ng sigaw si Cali at pakiramdam niya'y namamaos na siya. Ngayon lang niya makitang naglalaro ng basketball sina Eric at Liam at magagaling ang mga ito. Hindi siya mahilig sa basketball. Katunayan ay iyon lagi ang ipinagsisintir sa kanya ng kanyang ama tuwing manunuod sila. Siya naman kasi ang nasusunod kaya sa mga cartoons o movies niya nilalagay ang channel ng tv at hindi makapanuod ang tatay niya ng basketball.

Minsan naman ay hinahayaan nalang niya ang tatay niyang manuod ng basketball habang siya ay parang bata parin na nakahiga sa kandungan nito sa kanilang sofa sa sala.

"Shoooooooot!" muli niyang sigaw nang hawak ni Eric ang bola at itinatakbo para ishoot sa ring.

Halos sampung minuto siyang nagche-cheer nang may lumapit sa kanya sa kanyang kinauupuan. Si Dennis ang nalingunan niya.

"Uy moks! Okay na pakiramdam mo?" tanong agad niya rito. Nagkasakit kasi ito kaya hindi makalabas-labas at hindi nakasama sa pamamasyal nila sa kanilang manggahan.

Sinalat niya ang leeg at noo nito at okay naman ang temperatura nito.

"Okay na ako moks. Hindi mo manlang ako pinuntahan kanina" tila nagtatampong saad nito at ngumuso pa na siyang ikinangiti niya. Pinisil niya ang pisngi nito.

"Eyy, ang bespren ko, nagtatampo. Sorry na. Eh kailangan ko namang ipasyal yung dalawa para hindi ma-bore sa bahay" hinging-paumanhin niya rito. Umakbay siya at inihilig ang ulo sa balikat nito.

"Hmmp!"

"Sorry na moks"

"Oo na. Naiintindihan ko. Tsaka kahit naman pupuntahan mo, pauuwiin din kita kasi baka mahawa ka"

Napangiti siya. Hindi na siya sumagot at nanatili lamang sa ganung posisyon, nakahilig ang ulo niya sa balikat nito. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganung ayos nang magsalita ito.

"Crush mo siya no?" tanong nito. Gumalaw ang ulo niya at tiningnan ang mukha nito.

"Sino?" balik-tanong niya.

"Yung ano.. Yung naka-red" sabi nito at inginuso si Liam na abala sa pakikipaglaro. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Hindi niya mawari kung kinabahan ba siya o ano dahil sa tanong nito.

"H-ha? H-hindi ah" biglang tila nagkaroon ng bikig ang lalamunan niya.

"Moks, ako pa ba ang paglilihiman mo? Ako, na bespren mo?" may hinanakit ang tono ng boses nito kaya bigla naman siyang nakonsensiya. Una, hindi niya ito nabisita nung magkasakit ito dahil lamang kina Liam at Eric. At pangalawa, hindi siya umaamin dito na dapat naman talaga niyang ginagawa dahil may karapatan itong malaman iyon. Ganun kasi sila mula pa noong naging matalik silang magkaibigan. Lahat ng sekreto nito, nasabi na sa kanya. Kung sino ang first crush nito, first love, first sex at kung anu-ano pa.

Napakagat-labi siya. Aamin na ba siya? Pero una sa lahat, sure na bang crush nga niya si Liam? Paano kung nagkakamali lamang siya ng nararamdaman? Na masaya lamang siyang nakakasama ito at hindi iyon crush na matatawag.

"E-ewan ko moks. Naguguluhan ako" bigla na lamang niyang naibulalas.

Sumeryoso ito at pagkatapos ay tumingin ng diretso sa kanyang mga mata na tila ba sinusukat ang sinseridad niya. Naging malikot naman ang mata niya na parang ayaw niyang mahuli ito ng paningin nito. Ewan ba niya kung bakit tila nahihiya siyang tumingin rito dahil baka may makita na naman ito sa pamamagitan ng kanyang mga mata.

"Uyyy, ang bespren ko. Inlove!" maya-maya ay tudyo nito habang abot-tenga ang ngiti. Malakas ang naging buntong hininga niya.

Sabi ko na ee!, reklamo niya sa isip.

"Kahit hindi mo na aminin, okay lang. Alam ko na rin naman eh. Hindi mo na yun maidedeny sakin" dugtong pa nito. Dahil doon ay parang isa siyang magnanakaw na nasukol. Parang hiyang-hiya siya bigla na may nakakaalam na ng kanyang nararamdaman.

He buried his face on Dennis's broad shoulders. Bakit kaya may mga taong ganito? Yung tumingin lang sa mga mata ng iba, nalalaman na nila ang nararamdaman nung tao?

"Moks, I'm so confused!" maya-maya ay nasambit niya. Umayos na siya ng upo at humarap dito. Napakunot naman ang noo nito.

"Anong confused? Ah, I mean bakit ka naman confused?"

Nagkibit-balikat siya.
"Ewan ko. I'm not sure pa kung crush ko na nga ba si Liam o hindi. The feeling is new to me. Hindi pa ako nakakaramdam ng ganito kasaya tuwing kasama ko ang isang tao. Crush na bang masasabi yun, moks?"

"Seryoso ka? Hindi ka pa nagkakacrush?"

"Loko! Parang di mo naman ako kilala. You know I didn't have any crushes before"

"Oo nga pala. At alam kong birhen ka parin hanggang ngayon" natawa ito ng mahina.

"Wag mo nang ipangalandakan yun moks!"

"Okay! So crush mo na ba itong si Liam?" tanong nito sa kanya na hindi agad niya nasagot. Kailangan muna niyang obserbahan ang sarili niya kung ano ba talaga ang tunay niyang nadarama sa ngayon kay Liam.

"Hindi ko alam" tanging nasambit niya makalipas ang ilang sandaling pagmumuni-muni. Nagsalubong ang kilay ni Dennis habang nakatingin sa kanya ng seryoso.

"Hindi mo alam? Papanong hindi mo alam? Ikaw dapat ang unang nakakaalam kung nagkakagusto ka na sa kanya o hindi" sabi nito.

"Oo nga moks, pero.." napakamot siya sa leeg. "Ewan ko ba! Ang alam ko lang, masaya ako kapag nakakasama ko si Liam. Unlike before, I feel something.."

"Something what?" tanong nito.

"Different" tuloy niya. Sukat doon ay napangiti si Dennis na parang nasagot na ang tanong na umiikot sa isip nito. Umakbay ito sa kanya.

"Uyyyy, ang baby girl namin, in love! Ano kaya ang reaksyon ni Tatay kapag nalaman niyang in love ka sa isa sa mga bisita mo?" makahulugang sabi nito habang pinapagalaw ang magkabilang kilay. Nagfreak out naman siya dahil sa sinabi nito. Isusumbong nito sa tatay niya na crush niya si Liam!

"Moks! Naku naku naku. Wag na wag mong susubukan kung ayaw mong maputulan!" banta niya rito. Ang lakas ng tawa nito. Pinisil nito ang baba niya.

"Oo na po ate! Biro lang yun" tumatawang sabi nito.

"Dapat lang" sabi niya. Maya-maya ay marami pa silang pinag-usapan habang nakatanaw sa court kung saan naglalaro sina Liam. Tungkol lahat dito ang naging paksa nila ni Dennis.

Hindi nagtagal ay natapos ang laro nina Liam at lumapit ang mga ito ni Eric sa kinauupoan nila ni Dennis. Pasalampak na umupo doon ang dalawa dahil sa pagod sa paglalaro ng basketball.

Dumikit sa braso niya ang braso ni Liam na pawisan at amoy na amoy niya ang naghalong amoy-pawis at pabangong gamit nito. Kung hindi niya napigilan ang sarili, malamang ay idinikit na niya ang ilong sa leeg ni Liam upang amuyin ito.

"Whoo! Grabe, 'bagsik ng mga yun ah. Di man lang ako maka-three points samantalang sila, puro three points ang tirada" bulalas nito makalipas ng ilang sandali. Hingal na hingal parin ito at tumatagaktak ang pawis sa noo.

Bahagya pa itong dumikit sa kanya at pagod na humiga sa may kandungan niya. Narinig niya ang mahinang pag-ubo ni Dennis sa tabi niya kaya niya ito nilingon. Kumindat ito.

Pinatahimik niya ito sa pamamagitan ng mata. Maya-maya lang ay pinabangon na niya si Liam at umuwi na sila.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising at pinuntahan ang mga kabarkada at kababata niya sa lugar nila. Plano niyang magpicnic sila ngayon sa may talon at gusto niyang may kasama sila para hindi boring.

Una niyang pinuntahan sina Robbie, Jinky at Alpha. Kaklase niya noong highschool sila sina Jinky at Alpha. Si Robbie naman ay bakla na hindi niya masasabing kaibigan at hindi rin kaaway. Pero good vibes naman sila.

Nang masabihan ang mga ito ay pinuntahan naman niya ang mga kalalakihang barkada niya noong highschool sila. Sina Crisostomo at lima pang kasama nito. Sinabihan rin niya sina Dennis at ang pinsan niya.

Umuwi na siya pagkatapos at ginulo ang buhay ng dalawang tulog na tulog na binata. Pero si Liam nalang pala ang tulog dahil naabutan na niyang nagkakape si Eric sa kusina. Katabi nito ang kapatid niya na umiinom ng gatas nito. Ang nanay niya ay nagsasangag samantalang ang tatay niya ay hindi mahagilap ng mata. For sure, nagpunta na naman ito sa bukid. Alas sais na kasi ng umaga.

"Si Liam?" tanong niya kay Eric bago hinalikan ang kapatid ng matunog sa pisngi.

"Tulog pa. Parang di mo naman kilala yun" sagot nito. Oo nga naman, nasabi nalang niya sa isip. Pinuntahan niya ang binata sa kwartong tinutulugan ng mga ito ni Eric.

Tulog na tulog pa ito. Lumapit siya at banayad na umupo sa kama malapit dito upang hindi ito magising. Sabagay, tulog-mantika naman ito. Kailangan yatang buhusan ng tubig para magising.

Pinagmasdan niya ang mukha nitong napakaamo dahil sa malalim na pagtulog nito. Bahagya itong nakanganga at gulo-gulo ang buhok.

Dahil alam naman niyang tulog na tulog ito at hindi magigising ay inilapit pa niya ang mukha sa mukha nito. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa nakakatuwang ayos nito pero agad ding natigilan.

What am I doing?, tanong niya sa isip nang mapagtanto ang ginagawa. Tatayo na sana siya nang bigla nalang niyang naramdaman ang isang kamay sa batok niya at ang labi niya ay mabilis na dumikit sa labi ng inaakala niyang natutulog na si Liam.

Nagpanic siya dahil una, pandidiri ang naramdaman niya dahil.. hello? Kagigising tapos halik agad? Hindi ba bad breath ang bagong gising?

Pilit siyang kumakawala sa pamamagitan ng pagtutulak sa dibdib nito pero pumulupot ang dalawang braso nito sa beywang niya kaya mas lalo siyang napadikit dito.

Nasa ibabaw siya nito kaya ramdam niya sa kanyang puson ang "morning wood" nito na naging dahilan ng pag-init ng pisngi niya. Wala naman siyang magawa dahil nakapalupot ang mga braso nito sa beywang niya at hindi niya makabangon.

"Good morning misis" bati nito nang matapos ang pagpupog nito ng halik sa mukha niya. Hindi agad siya nakapagsalita kaya napalunok nalang siya at napatitig dito.

"Tulog muna tayo" parang wala sa diwang sabi nito at pumikit habang nakangiti. Nakayakap parin ito sa kanya. Pinuno niya ng hangin ang kanyang dibdib upang makaipon ng lakas ng loob dahil pakiramdam niya'y nanginginig na ang buo niyang katawan.

Bakit mo ginagawa sa'kin 'to Liam?, sabi niya sa isip.

Nang makaipon ng sapat na tapang ay tinapik-tapik niya ang pisngi ng binata.

"Uy, wag ka nang matulog! Kakain na oh. Bitiwan mo na ako, baka mamaya makita tayo nina nanay" sabi niya. Mas lalong napangiti ang lalaki kahit nakapikit. Parang gusto niya tuloy halikan ito pero agad niyang sinaway ang sarili.

Maya-maya ay naramdaman niyang lumuwag ang pagkakayapos nito sa kanya. Pero bago pa man siya makatayo ay biglang bumukas ang pintuan.

"Bro-- Ayy oh! Ops, sorry!" iyon lamang ang nabigkas ni Eric at agad-agad lumabas din. Sila man ay nagulat din. Oh mas tamang sabihin, SIYA ay nagulat din. Dahil base sa mukha ni Liam, tila tuwang-tuwa pa itong nakita sila ni Eric.

Hinampas niya ang dibdib nito
"Ikaw kasi eh! Ang tagal mong bumangon. Bangon na!" naiinis na sabi niya rito. Nagmulat na ito ng mata at mabilisan siyang hinalikan ng matunog sa labi. Halos tatlong segundo lamang iyon pero natulala na naman siya. Ganun ba talaga ito? Mahilig manghalik? Kung ganun, ilan na kayang babae at bakla ang nahalikan nito?

Bumangon na sila. Nang maiayos ang higaan ay sabay na silang lumabas at naabutan nila si Eric sa kusina. Nang makita sila ay napabungisngis ito kaya niya ito tinabihan at mahinang kinausap.

"Eric, it's not what you think" sabi niya nang magkadikit ang mga ngipin at sa mahinang tono upang hindi marinig ng kanyang ina na nagluluto ng pancake.

"Wala naman akong sinabi ah. Ikaw lang diyan ang masyadong defensive!" napapabungisngis parin ito at nang gumawi ang tingin niya kay Liam ay ganun din ito kaya siya nainis. Pinagkakaisahan ba siya ng mga ito?

Naiinis siyang lumayo kay Eric at lumapit sa kanyang kapatid. Binuhat niya ito ng bahagya at kinandong.

"Anak, wala ba kayong pupuntahan ngayon? Ipasyal mo kaya sila?" maya-maya ay sabi ng nanay niya habang isinasalin nito ang nilutong pancake sa bandehadong nakalagay sa lamesa.

Kumagat muna siya sa hawak na pancake ng kapatid niya bago nagsalita.

"Opo 'nay. Pupunta ho kami sa Amburayan ngayon" sabi niya habang ngumunguya. Sinita naman siya ng kanyang ina. "Sinabihan ko narin sina kuya tsaka sina pinsan upang sumama samin. Pati narin sina Jinky at Tomong, sasama na samin" tuloy niya.

"Oh di mabuti"

"Nay, pwede po akong sumama?" tanong ni Colossus.

"Hindi pwede baby. Baka hindi kita maasikaso doon at tsaka hindi ka pa naman marunong lumangoy" siya na ang sumagot sa bata.

"Oo nga. Sa ibang lakad ka nalang sumama anak, wag muna ngayon" dugtong naman ng kanyang ina. Hindi naman na nagpumilit ang kapatid niya. Madaling makaintindi ito na siyang ikinakatuwa niya. Alam niyang magiging bibo at matalino ito paglaki.

Nang mag-aalas siyete y medya na ay isa-isang nagsidatingan ang mga sinabihan niya. Nakahanda narin naman sila nina Eric at Liam. Marami silang dala-dala. Bigas, kaserola at mga rekado sa pagluluto ng tinola kasi magdadala sila ng dalawang manok na kakatayin at lulutuin nila sa kanilang pupuntahan.

"Amburayan ba kamo ang pangalan ng ilog na pupuntahan natin? Naks, Lam-ang lang ang peg?" natatawang tanong ni Eric.

"Tungik! Hindi ilog yun kundi talon. And no, walang Lam-ang na involve" nakangiting sagot niya. Nang lumabas na sila ng bahay ay naghihintay na doon ang mga makakasama nila. Limang lalaki, dalawang binabae at tatlong mga babae ang makakasama nila. Lahat ng mga ito ay kababata't barkada niya.

"Si Kuya?" tanong niya kay Jimson, ang pinsan niya. Si Dennis ang tinutukoy niyang kuya. Kuya ang tawag niya sa binata in public. Pero in private, moks--short for mokong!

"Papunta na yun dito. Kumuha lang ng itak" sagot nito. Tumango nalang siya. Napansin niyang panay ang tingin nito kay Liam na parang nakikilala si ang binata. Hindi nalang muna niya pinansin.

Nang dumating na si Dennis ay nagsimula na silang maglakad papunta sa Amburayan. Halos sampu hanggang labinlimang minuto ang itinagal ng paglalakad nila bago narating ang nasabing talon.

"Wow, astig! Papicture naman" agad na bulalas ni Liam nang makarating sila sa hindi kataasan pero napakagandang talon. Malamig ang paligid dahil narin sa hangin na dulot ng pagbagsak ng tubig.

Tumayo si Liam patalikod sa talon at pinicture'an naman niya ito dahil hawak niya ang cellphone nito. Maya-maya ay sumali narin si Eric. Magandang maging background ang talon.

Nang magsawa ay nagsimula na silang maglabas ng mga dala-dala nila. Yung ibang mga kalalakihan ay nagsimula nang manguha ng mga tuyong kahoy sa paligid habang ang iba'y gumagawa ng lutuan gamit ang tatlong medyo may kalakihang mga bato. Ang mga kababaihan naman ay sa mga rekado nagpakabusy. Siya ay nagpunta sa may taas ng talon upang sumalok ng tubig. May balon kasi doon.

Nang makababa siya ay naabutan niyang may dalawang litro ng emperador lights na nakahanda. Bukas na ang isa.

"Uy uy! Wala munang inuman. Magluto muna!" saway niya.

"Oo nga! Sabi sa inyo mamaya na kasi yang inom eh" segunda ni Jinky sa kanya. Mabilis kumilos ang mga kalalakihan kaya wala pang trenta minuto ay nalinis na nila ang manok na kinatay din ng mga ito kanina.

Makalipas pa ang ilang sandali ay nagluluto na sila ng kanin at ang tinolang manok. Habang hinihintay maluto ay doon na sila natipon at nagsimulang mag-inuman. Pabilog silang umupo sa gilid ng talon.

Tumabi sa kanya si Robbie at binulungan. Tungkol iyon kay Liam. Ang gwapo gwapo raw nito, yummy at kung ano pa. Napapangiti nalang siya.

"Taga-saan nga ulit kayo mga brad?" si Crisostomo ang nagtanong kina Liam at Eric.

"Ah. Sa Sta. Lucia pero nag-aaral din kami sa Adamson" si Eric ang sumagot dahil tumatagay si Liam. Ito talaga, hindi paaawat sa inuman!

"So magkakaklase kayong tatlo nina Callisto?" muling tanong ni Crisostomo.

"Hindi. Magkakaboarding lang kami pero close naman na kaming tatlo"

"Ahh" napatango-tango nalang si Crisostomo.

Maya-maya'y halos lahat na ay nagtanong ng iba't-ibang katanungan kina Liam at Eric na sinasagot naman ng mga ito. Alam niyo na, getting-to-know-each-other process na naman!

Halos paubos na ang unang litro ng empe nang maubos ang chaser nila kaya nagboluntaryo siyang sumalok ulit ng tubig sa taas ng talon. Matapos kunin ang pitsel ay nagpunta na siyang mag-isa doon.

Nang makaakyat ay pakanta-kanta pa siya nang biglang matigilan. Pakiramdam niya ay napunta ang puso niya sa lalamunan niya kaya nagkaroon ng bikig doon. Parang napako rin siya sa kinaroroonan at hindi makagalaw.

Mabilis na gumapang palapit sa kanya ang isang kulay-berdeng ahas na lalo niyang ikinanginig. Meron siyang phobia sa mga ahas!

Ngunit hindi pa man nakakalapit ang ahas sa kanya ay may malaking batong dumagan sa ulo nito na ikinangisay nito.

"Ayos ka lang Cali?" si Liam ang tumambad sa kanyang harapan. Agad nitong hinawakan ang magkabilang balikat niya. Hindi parin siya makakilos dahil sa shock at nanginginig parin siya.

"Oh my God, you're shaking" sambit nito at pagkatapos ay niyakap siya ng buong higpit na parang sinasabing ayos na siya. Pero hindi parin niya maiwasang mapaiyak dahil sa takot.

Ayaw na niyang mangyari ulit sa kanya ang dinanas niya mahigit walong taon na ang nakakalipas. He had been bitten by a venomous snake when he was ten years old. Buti't agad siyang nabigyan ng lunas noon kaya hindi umakyat sa utak niya ang venom at hindi siya namatay. Thanks to the elders in their barangay who are expert in removing venom.

Walang kasinsakit na pagtatandok ang pinagdaanan niya bago tuluyang matanggal ang venom sa kanyang katawan. But still, he had been sick for a week. Hanggang ngayon, may dalawang marka parin sa kanyang binti na hindi naaalis sa kanyang paglaki.

Nang humagulhol siya ay mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Liam.

"Ssssh. You're safe now baby, andito na ako. You're safe now" assurance nito sa kanya. Unti-unti naman siyang tumigil dahil narin dito.

Bumitiw na ito at muli siyang tiningnan na may pag-aalalang nakabadha sa mukha. Nang makitang hilam ng luha ang kanyang mga mata ay pinunas nito gamit ang dalawang hinlalaki ang luha sa kanyang pisngi.

Habang ginagawa iyon ay lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Hindi na siya nakapalag nang dumampi sa kanyang labi ang mga labi nito. The kiss is gentle. Dampi lamang iyon at hindi torrid pero napapikit siya at dinama ang mga labi nito.

Gusto pa sana niyang magtagal sila sa ganung ayos pero may sumisigaw na sa baba ng pangalan niya.

"Cali!! Asan na ba kayo?" si Robbie. Tuluyan na itong nakaakyat sa taas ng talon pero nakapag-ayos narin sila ng sarili. "Oh, anong ginagawa niyo diyan? Ba't ang tagal niyo?"

"Uhmm. A-ano kasi.."

"Look, muntik nang makagat si Cali ahas. Buti nalang at sumunod ako sa kanya dahil kung hindi, malamang ay nakagat na siya" si Liam.

Halatang nagulat naman si Robbie habang tinitingnan ang wala nang buhay na ahas sa may paanan ni Liam.

Siya naman ay hindi na nagsalita at tumuloy sa may balon at mabilisang sumalok ng tubig saka nagmamadaling bumaba ng talon.

Nang makababa ay agad niyang tinimplahan ng juice ang pitsel. Medyo umayos na ang pakiramdam niya. Nagsubside na ang takot na nararamdaman niya kanina.

Dahil hindi naman talaga siya umiinom, nagconcentrate nalang siya sa pagkain. Nilantakan niya ang isang malaking Mang Juan na kulay brown.

Tumabi siya kay Dennis na noo'y tumatagay rin. Binuksan na ng mga ito ang pangalawang litro ng empe dahil ubos na ang una.

"Uy uy! Wala munang maglalasing. Di pa tayo naglalunch" paalala niya pero mukha namang wala pang may tama sa mga ito.

"Asan na si Liam?" tanong sa kanya ni Dennis. Bigla niyang naalala ang binata. Asan na nga ba ang mga ito ni Robbie? Kanina pa ang mga ito taas ng talon ah.

Ayaw man niyang mag-isip ng kung anu-ano ay iyon din naman ang pumapasok sa isip niya. What if..

No!, kontra niya sa isip.

Tatayo na sana siya nang makitang pababa na si Liam sa talon. Lukot ang mukha nito na parang naiinis. Nakasunod dito si Robbie na hindi niya mawari kung anong ekspresyon ang nakabadha sa mukha nito. Hawak nito ang kabilang pisngi. Nang tuluyang makalapit sa kanilang kinarorooan si Liam ay nahalata niyang naiinis nga ito. Tumabi ito sa kanya.

"Hindi pa ba tayo kakain?" tanong nito, seryoso. Naguguluhan naman siya sa inaakto nito. Dahil sa tanong nito ay naghanda na sila upang kumain.

May mga kumuha ng dahon ng saging at inilatag sa pinag-iinuman nila kanina. Nilinis muna nila ang dahon bago inilagay doon ang kanin. Nilagyan narin niya ng konting sabaw at mga karne ng manok. Magana silang kumain at nagtatawanan pa dahil kay Liam. Parang first time nitong kumain sa ganung paraan at ang gilid ng bibig nito ay puro kanin.

Nang matapos silang kumain ay iniligpit nila ang pinagkainan at muling umupo ng pabilog upang ipagpatuloy ang inuman.

"Uy pinsan! Kanina pa kita napapansin, panay ang titig mo kay Liam. Wag mong sabihing kafederasyon kita?" biro niya sa kanyang pinsan.

"Ulol! Hindi ah. Para kasing nakita ko na siya eh. Pamilyar siya" sagot nito.

"Pareho pala tayo, parang pamilyar karin sakin" sabi naman ni Liam na nakikinig pala sa kanila.

"Ikaw ba yung lalaki sa beach noon? Yung nagtanong kung boyfriend ako ni Cali? Di ba pinsan, nagkita tayo noon sa may resort? Naalala mo?" baling nito sa kanya. Unti-unti naman siyang nagkaroon ng idea.

"Ay oo! Inaway nga ako noon nito eh. Sinabihan ba naman akong malandi?" sabi niya na si Liam ang tinutukoy. Muli siyang nakaramdam ng inis para kay Liam dahil sa pagkakaalala sa pangyayaring iyon.

"Oh di sorry! Di ko naman kasi alam na magpinsan pala kayo" tugon ni Liam.

"Eh bakit ka naman kasi inis na inis noon? Maano ba kung magsyota nga kami?" tila nanghahamong tanong ng pinsan niya. Hindi agad nakasagot si Liam at nakita pa niya itong napalunok.

"Wala. Kalimutan na nga natin yun! Tapos na yun. Muli, pasensiya!" sabi ni Liam. Napangiti ang pinsan niya at sinabing okay na.

Nang umupo na sila ay nagsalita naman si Dennis.
"Ba't nga pala ang tagal niyo kanina sa taas ha, Cali?" Sinabi naman niya ang dahilan at agad bumadha ang pag-aalala sa mukha nito. Concerned! Hay, ang haba ng hair ko, sigaw niya sa isip.

"Naku, buti nalang pala at sinundan mo siya Liam. Ano kasi.. May phobia ito sa ahas" sabi nito sa binata at inakbayan siya.

"Bakit ka naman nagkaphobia sa ahas?" tanong sa kanya ni Liam pero muli, si Dennis ang nagkwento.

"Ay! Oh, kahit siguro ako, magkakaphobia rin ako" komento ni Liam nang si Dennis. Maya-maya ay ngumiti ito. "Let's lighten up the day! Let's play truth or consequence!" masiglang sabi nito na sinang-ayonan naman ng lahat. Kinuha ni Crisostomo ang walang lamang bote ng empe at inilagay sa gitna.

"Sinong unang magpapaikot ng bote?" tanong nito.

"Ako na" presinta ni Jinky. Pinaikot nito ang bote at isa sa mga kalalakihan huminto ang bunganga ng bote. Si Aries! Si Crisostomo ang nagtanong dito.

Nang matapos ay si Aries naman ang nagpaikot sa bote at kay Dennis naturo ang bote.

"Ako! Ako ang magtatanong!" sabad ni Eric. Hinayaan naman nila ito.

"What are you two?" tanong nito na ang tinutukoy ay sila ni Dennis.

"Ha?" tanging nasambit ni Dennis.

"Bestfriends, why?" sagot niya.

"Lang? Bestfriends lang? Are you not exes or something?" follow-up question ni Eric.

"Anong pinagsasabi mo? Exes ka diyan. Bestfriends nga! Para na kaming magkapatid nito no, kahit itanong mo pa sa kanilang lahat" matapang na sabi niya. Tumango-tango nalang ito. Maya-maya ay pinaikot ni Dennis ang bote.

Hindi pa tumatama sa kanya ang bote, pati si Liam. Pero sa malas niya, sa kanya tumigil ang bunganga ng bote pagkatapos ni Jinky.

"Ako naman ngayon ang magtatanong" si Robbie.

"Baka kung ano na naman yan sis ah?" sabi niya.

"Hindi, keri 'to sis. May napansin lang kasi ako. Crush mo ba si Liam?" tanong nito na ikinabagsak ng panga niya. Huh? Yun na yung tanong?

Sinulyapan niya si Liam at ito man din ay napatingin sa kanya. Si Dennis naman ay pasimpleng humawak sa kamay niya at pinisil iyon.

"H-ha? Crush?"

"Oo sis, crush! Bet! Ganern"

"Si Liam? Crush ko?"

"Oo nga! Paulit-ulit?"

"Uhmm.."

Natahimik ang lahat. Muli niyang sinulyapan si Liam pero nakayuko lang ito.

"No!" tuloy niya. Nakatingin parin siya rito kaya nakita niya ang pag-angat nito ng tingin at tila dismayadong tumingin sa kanya.

Nagtagal pa ang laro nilang iyon hanggang sa maubos ang huling bote ng empe. Dahil marami pa silang oras ay nagsawa sila sa paglulunoy sa malamig na tubig ng talon. At nang mapagod sila sa kakalangoy ay inutusan niya mga kalalakihan na umakyat sa niyog upang kumuha ng bunga.

"Aries! Kumuha nga kayo ng bunga ng niyog? May dala akong condensed milk. Yung medyo hindi pa matigas ang laman ang kunin niyo ha?" sabi niya sa lalaki. Pumayag naman ang mga ito pero pinigilan niya yung mga may tama. Mahirap na baka mahulog pa.

Sina Makmak at Adonis ang umakyat. Pinilit naman niyang wag pansinin si Liam kaya kunwari ay sinundan niya ang mga umakyat ng niyog at tiningala. Inabala niya ang sarili sa pagtuturo ng bungang dapat kunin ng mga ito.

Nang makasampung bagsak ng bunga ang mga ito ay sinabihan na niyang bumaba at nang matalupan na ang mga niyog. Tuwang-tuwa siya dahil sa dami ng bungang kinuha ng mga ito. Sigurado, mabubusog siya ng sobra!

Tinawag niya sina Jinky upang tulungan silang magbuhat ng mga bunga at dalhin sa pinag-iinuman nila. Nagtulong-tulong ang mga kalalakihang talupan ang niyog at ilagay sa malaking kaserolang pinaglutoan nila kanina ng tinola ang tubig nito. Hinugasan muna nila ito ng mabuti bago ginamit.

Hinati rin nila ang mga ito upang tuklapin ang laman at ihalo sa tubig. Dun sila lalong nag-enjoy sa pagtutulongan nila. Napansin rin niya sina Eric at Liam na tumutulong upang mahati ang mga bunga.

Masaya silang nagpakabusog sa tubig at laman ng niyog. Hindi niya pinapansin si Liam hanggang sa magsiuwian na sila. Habang-daan ay lumapit sa kanya si Liam.

"Oy, iniiwasan mo ba ako?" tanong nito. Nilingon niya ito at ikinunot niya ang kanyang noo.

"Bakit naman kita iiwasan? Hindi ah" pagdadahilan niya.

"Oo eh. Pansin ko, kanina pa noong bumaba ka sa talon. Galit ka ba dahil hinalikan ulit kita? Akala ko ba ginusto mo rin?" sabi nito. May halong pagkadismaya sa boses nito na bahagyang ikinagulat niya.

"Sinabi ko bang hindi?" maikli niyang tanong bago tumalikod rito at ipinagpatuloy ang paglalakad. Naiwan na sila ng mga kasama nila.

"Oh? Eh bakit parang naiinis ka parin?" muli itong bumuntot sa kanya.

"Hindi nga ako naiinis!" matigas niyang sabi.

"Ayan! Sabi mong hindi ka naiinis pero sinisinghalan mo ako" sabi nito na sinasabayan ang bilis ng paglalakad niya. Tumigil siya at hinarap ito.

"Umamin ka nga Liam. Anong ginawa niyo ni Robbie kanina sa taas ng talon, ha?" tanong niya rito. Kung tutuosin lang ay wala naman siyang pakialam sa mga pinaggagagawa ni Liam pero gosh, he kissed him! At may ibig sabihin iyon para sa kanya. Hinalikan na siya nito at ang alam niya, may ugnayan na sila. May nagbubuklod na sa kanila bilang isa, kahit hindi man iyon verbal. At sa mga inaakto nito lately ay alam niyang may unawaan na sila. Pero bakit..

Urgh! Basta masama ang loob niya at gusto niyang sabihin ni Liam ang totoong nangyari kanina. Nakita niyang kumunot ang noo nito.

"Ginawa? Wala naman kaming ginawa ah" inosente ang tono ng tanong nito.

Wala nga ba? Paranoid lang ba siya at kung anu-ano ang iniisip at pati ang mga simpleng bagay ay binibigyan niya ng malisya? Bumuntong-hininga siya. Oo, alam niyang nag-oover react lamang siya.

"I'm sorry.. Kalimutan mo na yun" bagsak ang balikat na sabi niya rito maglalakad na sana pero pinigilan siya nito at iniharap dito.

"Are you thinking na may ginawa kaming milagro kanina?" tanong nito at nang hindi siya makasagot at napalatak ito. "Ey, ang baby ko, nagseselos!" tudyo nito sa kanya. Bahagya siyang kinilig sa endearment na binanggit nito. Ngayon, wala pa bang ibig sabihin ang lahat para sa kanila? Ang alam niya, meron na!

"Heh!" singhal niya rito.

"Don't worry, kung may ginawa man kami, hindi mo yun dapat ikaselos. Alam mo bang hinipuan niya ako kanina? Kaya sinapak ko siya" sabi nito na ikinanganga niya. Totoo? Sinapak nito si Robbie? He's so mean! Kaya pala sapo ni Robbie ang kabilang pisngi nang bumababa ito.

"Totoo? Hala! Ang sama mo naman" nag-aalalang bulalas niya. Kawawa naman si Robbie, naisip niya.

"Eh ang bastos eh! Nakakainis. Ayokong hinahawakan yung birdie ko" reklamo nito. Ngumisi pa ito at iginalaw-galaw ang mga kilay.

"Howw, ayaw daw pahawakan" sarkastikong parinig niya at nauna nang naglakad. Biglang gumaan ang pakiramdam niya at napalis ang inis na nararamdaman niya kani-kanina lang. Wala naman palang ginawa ang mga itong kakaiba eh.

"Baby!" tawag nito.

"Heh! Wag mo akong ma-baby-baby!" sigaw niya at binilisan ang paglakad.













Hindi maiwasan ni Cali ang mapangiti nang makita sina Eric at Liam na basang-basa ng pawis. Kagagaling ng mga ito sa plasa at nakipaglaro siguro ng basketball. Sa ikatlong araw nila doon ay medyo kumportable nang gumalaw ang dalawa at meron naring mga nabarkadang mga kalalakihan sa kanila.

Pati narin sa mga magulang niya ay kumportable na ang mga itong makipag-usap at ang nakakatuwa ay mas close si Colossus kay Liam kesa kay Eric.

"Oh, panalo?" tanong niya sa mga ito.

"Talo!" sabay na sagot ng mga ito. Napahagikgik naman siya at itinuloy ang pagbilog sa harina. Magluluto sila ng tambo-tambo kaya kasama ang kapatid ay nagbibilog sila ng harina samantalang ang nanay niya ay inihahanda ang mga ingredients sa loob ng bahay. Nasa silong sila ng mangga.

"Oy, para saan yan?" puna ni Liam at tumabi sa kanya. Agad niyang naamoy ang amoy ng pawis nito na nahahalo sa deodorant at pabango nito.

"Umalis ka nga diyan, ang baho mo!" pagtataboy niya rito at itinakip sa ilong ang likod ng braso niya dahil puro harina ang kamay niya. Natawa sina Eric at Colossus sa inakto niya. Si Liam naman ay sumimangot pero hindi umalis sa tabi niya.

"Para saan yan?" tanong ulit nito.

"Magluluto si nanay ng tambo-tambo" sagot niya.

"Pwedeng tumulong? Paano ba yan?" tanong ulit nito at aktong dudukot sa harina pero pinigilan niya ito.
"Err! Ang dumi ng kamay mo, ano ka ba?" saway niya rito. Hindi na ito nagpumilit pa at pinanuod silang magkapatid sa ginagawa. Kwento ito ng kwento tungkol sa mga bagong kakilala nito.

"Bro, ganda nung Jinky ano?" narinig niyang sabi nito kay Eric. Natigil siya sa pagbilog ng harina pero agad ding itinuloy nang makabawi. Parang nanadya si Liam ah! Pwes, hindi siya papaapekto.

"Type mo?" tanong naman ni Eric. Tiningnan niya si Liam at napatingin din ito sa kanya. Siya ang unang nagbawi ng tingin.

"Ewan ko bro. Pero nagagandahan ako sa kanya" sagot nito.

"Collong, puntahan mo nga si nanay. Tingnan mo kung natapos na siya sa ginagawa niya" utos niya sa kapatid. Tahimik naman itong sumunod. Nagtatakbo itong pumasok sa loob ng bahay. Nang mawala na ito ay hinarap niya sina Eric at Liam.

"Oy, kayong dalawa ha. Pwede wag kayong mag-usap tungkol sa mga chicks niyo sa harap ng kapatid ko? Baka mahawa sa pagiging chickboy niyo" nakasimangot na sabi niya sa mga ito. Tumawa lang ang mga ito ng mahina. Maya-maya ay inutusan niya ang mga itong balatan yung niyog at hatiin upang kudkurin na niya.

Mukhang sanay naman ang mga itong magbalat ng tuyong bunga ng niyog dahil mabilis ang mga ito. Nag-unahan pa.

Kinuha niya ang kudkuran sa loob ng bahay at lalagyan at inutusan si Eric na ito ang gumawa ng bagay na sana ay siya ang gagawa. Hindi naman ito kumontra.

"Ikaw naman Lilong, kunin mo sa loob yung thermos ng mainit na tubig. Gagamitin natin yun pag nakudkod na ni Eric yung niyog" utos niya kay Liam. Sumunod naman ito na walang salita. Lihim siyang napapangiti dahil pakiramdam niya ay hanggang sa talampakan niya ang haba ng buhok niya ngayon. Dalawang nagguguwapohang lalaki, nagmimistulang slave niya ngayon. Eee, kakilig ano?

Naging seryoso sila sa pagpipiga ng nakudkod na laman ng niyog sa mga sumunod na oras. Halatang excited ang dalawa dahil gusto na daw tikman ng mga ito ang lulutoin nila.

Abala sila sa pagluluto nang may tumao sa labas ng bahay nila. Inutusan niya ang kanyang kapatid na tingnan kung sino at nang bumalik ay kasama na nito ang taong ayaw muna niyang makita sa mga sandaling iyon.

"Uy, Jinky!" bati ni Liam at agad lumapit dito. Umingos siya bago bumaling sa niluluto niya. Napansin naman ni Eric ang kanyang ginawa at ngingiti-ngiti lang.

"Bakit?" tanong niya rito.

"Ah? Wala" nakangiting sagot nito. Sinubukan na niyang magconcentrate sa niluluto niya kahit rinig niya ang usapan nina Jinky at Liam na nakaupo sa may hapag-kainan.

"Kelan kayo uuwi?" si Jinky.

"I'm not sure pero maybe magtatagal pa kami dito for three more days. Bakit mo natanong?" sagot ni Liam na sa pandinig niya ay may halong paglalambing sa babae. Dumiin ang hawak niyang sandok sa niluluto.

"Ay, sana balik ulit kayo rito sa January. Barangay fiesta kasi namin eh. Sabay narin sa Bagong Taon" sabi ni Jinky. Parang gusto niyang tanggalin sa kalan ang niluluto niyang malapot na tambo-tambo at ipaligo rito. Ang landi! Parang ipinaglihi sa hitad. At sa Makati siguro ipinanganak. Urgh! Dahil sa tinitimping inis ay pakiramdam niya, may lumalabas nang usok sa ilong at tenga niya.

"Obvious ka na, Cali" bulong sa kanya ni Eric. Nilingon niya ito at inirapan.

"Wala kang pakialam" mahina pero madiing sabi niya. Narinig lamang niya ang mahinang tawa nito. Sinubukan na niyang ituon lahat ng pansin sa niluluto. Hanggang sa makaisip ng kalokohan. Kumbaga, pang-save niya sa pride niya. Hindi kasi niya matanggap na siya ang hinahalikan, sa iba naman lumalandi.

"Eric, tikman mo nga kung tama lang yung tamis" sabi niya kay Eric na nasa tabi niya. Kumutsara siya ng konti sa tambo-tambo at hinipan para lumamig ng konti bago isinubo kay Eric. Sa sulok ng mga mata niya ay napansin niyang nakatingin sa kanila si Liam. Napangiti siya. Mainggit ka please...

"Hmm! Yeah, tama lang. Masarap" komento ni Eric at nagthumbs up pa. Mas tinamisan niya ang pagngiti.

"Ang sweet no?" sarkastikong tanong niya rito. Napangiti ito nang ma-gets ang ibig niyang sabihin.

"Ah, oo! Sweet nga. Parang tayo minsan, di ba?" makahulugang tanong nito. Kung pwede lang sana siyang magtatalon at halik-halikan ang pisngi nito ay ginawa na niya bilang pasasalamat sa pakikisabay nito sa kanya. Buti nalang at matalino ito kaya madaling nakakagets.

Kunwari ay natawa siya ng mahina bago tumutok muli sa niluluto. Ilang sandali pa ay pinatay na niya ang apoy at kumuha ng apat na mangkok.

"Bigay mo sa kanila, Ric" utos niya nang malagyan ang dalawang mangkok. Kinuha naman nito iyon at dinala sa dalawang naglalandian. Ang OA talaga niya! Parang di naman sila naglalandian eh, nag-uusap lang. Pero naiinis talaga siya. Nakadikit na kasi si Jinky kay Liam at ang hudas naman ay abot-tenga ang ngiti. Dun siya naiinis.

Umayos ang mga ito ng upo nang maihain ni Eric sa mga ito ang meryenda. Maya-maya ay tinawag niya ang kapatid na naglalaro sa tablet ni Liam sa sala upang magmeryenda narin.

Ang nanay niya ay nanunuod ng paborito nitong programa sa TV kaya dinalhan nalang niya ito roon.

Nang makabalik sa hapag-kainan ay hindi na niya nilagyan ang kanyang mangkok ng tambo-tambo. May naiisip na naman kasi siya. Umupo siya sa tabi ni Eric na hinihipan ang kutsara nitong may laman na kakanin. Hinawakan niya ang kamay nito at iginiya sa bibig niya.

"Hmmm. Ang sarap pala ng luto ko!" bulalas niya. Nakatingin sa kanila ang tatlo kaya ngumiti siya. "How's my cooking?" tanong niya.

Tumango-tango sina Liam at Jinky.
"Masarap. Siguro ganito rin si Jinks" sagot ni Liam. Dahil sa sinabi nito ay humagikgik si Jinky at hinampas ng mahina ang balikat ni Liam.

"Ikaw talaga, napakabolero mo" maarteng sabi nito at inihilig-hilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Hindi niya ibinaba ang ngiti niya kahit gustong-gusto na niyang ngumanga ng todo at lamunin ang babaing ito!

"Gusto mo pa?" tanong sa kanya ni Eric. Nilingon niya ito. Lihim siyang nagpapasalamat gamit ang mata.

"Yes please. Ay wait, ikaw naman. Teka" sabi niya at kinuha rito ang kutsara at sumandok sa tambo-tambo at hinipan upang lumamig ng konti saka isinubo rito.

"Ammm" sabi pa niya. Nginitian niya ito ng ubod tamis. Pero hindi nito nakayanan na hindi matawa sa inaakto nila. Dahil doon ay nasamid ito. Agad siyang tumayo at kumuha ng tubig at pinainom ito. Maya-maya ay okey na ulit ito.

"Cali, tubig nga rin please?" si Liam. Nilingon niya ito at nginitian ng pilit. Tumayo naman siya at ikinuha ito ng tubig. Pero sa pagtalikod niya ay agad siyang sumimangot.

Bakit di mo utusan yang babaeng yan?, naggagalaiting naisaisip niya.

Agad siyang ngumiti nang humarap muli rito upang iabot ang baso ng tubig. Itinuloy niya ang panlalandi kay Eric.












"Ang sweet nila. Sila ba?" tanong ni Jinky sa kanya. Kasalukuyan silang nakaupo sa may silong ng mangga at nagpapababa ng kinain. Sinulyapan niya sina Eric at Cali. Nakatayo habang nakatingala si Cali habang si Eric naman ay nasa taas ng maliit na puno ng Indian mango. Nagsisigawan ang mga ito at nagtatawanan habang isa-isang inihuhulog ng huli ang mga bungang nakukuha nito. Sinusubukan namang saluhin ni Cali ang mga ito.

"Hindi siguro. Magkakaibigan lang kaming tatlo. May gf si Eric" sagot niya kay Jinky. Sa totoo lang, nagagandahan siya rito. Sexy din ito kaya type niya. Alam niyo na ang ibig niyang sabihin. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nawawala ang atensyon niya rito kapag ganung "sweet" sina Eric at Cali. Hindi naman ganun dati ang mga ito ah. Bakit bigla yatang naglambing si Cali rito? Si Eric naman, sumasabay! Nakakainis.

Naramdaman niya ang pag-usod ni Jinky palapit sa kanya kaya nilingon niya ito. Ngumiti ito ng matamis kaya nginitian rin niya.

"Ang cute mo talaga!" bulalas nito. "Uhmm, pwede ba tayong magkita sa plasa mamayang gabi?"

"Ha?" tanging nasambit niya. Ayaw niyang isiping ganun itong klase ng babae pero ano naman ang gagawin nila mamayang gabi sa plasa? Magjajack en poy?

Kumislap ang mga mata nito at bahagyang kinagat ang ibabang labi. Gets na niya. Hindi niya maiwasang mapangiti at makaramdam ng excitement.

"Oo ba! After dinner, hintayin mo ako" agad niyang sagot na ikinasinghap nito.

"Really? Sige. I'll wait for you" bulalas nito at tumayo na. Nagpaalam na itong uuwi muna. Hindi pa ito nakakalayo nang muli siyang nilingon at kumindat. Napangiti siya. Nang naglalakad na ito palayo ay napagmasdan niya ang mahubog nitong katawan. Shit, may kumislot!













"San ka pupunta?" tanong sa kanya ni Cali. Naabutan siya nitong nagpapabango sa kwartong tinutulugan nila. Katatapos nilang kumain at nagtoothbrush. Maagang natutulog ang nanay at tatay nito kasama na rin si Colossus. Ganun pala ang mga tao rito? Alas siyete palang ng gabi, halos natutulog na ang karamihan.

"Diyan lang sa labas" maikling sagot niya at humarap sa full-length mirror. Nakasuot lamang siya ng pambahay. Simpleng jersey shorts at t-shirt. Tutal naman, hubaran din mamaya. Napangiti siya sa naisip. Ngayon palang, nalilibugan na siya. Matagal na palang hindi active ang sex life niya.

"Ah, ganun ba? Sige. Uwi ka bago mag-ten" sabi nito at lumabas na. Mukha itong walang idea sa pupuntahan niya. Saglit siyang nag-alangan kung tutuloy ba siya o hindi. Pero sa huli ay kinumbinsi niya ang sariling kailangan niyang gawin iyon upang patunayan sa sariling straight parin siya. Na sa babae siya mauugnay, hindi sa kaparehong lalaki.

Tumango pa siya sa sariling repleksyon bago lumabas. Nakasalubong niya si Eric sa may pintuan at tinanong rin nito kung saan siya pupunta. Pareho ang naging sagot niya. Hindi rin naman ito nagtanong pa.

Pagkalabas niya ay agad siyang naglakad papunta sa maliit na plasa ng barangay Madaweng. Cellphone lamang ang gamit niyang ilaw.

Nang makarating siya doon ay iginala niya ang paningin at hinagilap ng mata niya si Jinky. Pinailaw niya ang screen ng cellphone niya at maya-maya ay may umilaw din sa banda ng maliit na stage. Napangiti siya at agad naglakad palapit doon. Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa L!

Pagkalapit niya rito ay agad niyang naamoy ang humahalimuyak na pabango nito kaya mas lalo siyang naexcite. Dahil madilim ay hindi niya napaghandaan nang bigla itong yumapos sa kanya at hinalikan siya. Lumaban nalang siya pero agad bumitaw dito.

"Wag tayo dito. Baka may makakita satin" bulong niya rito. Hinila siya nito papunta sa likod ng stage at doon ay muli silang naglaplapan.

"Wala nang makakakita satin dito" bulong nito. "Alam mo, crush na crush talaga kita"

Napangiti siya bago muli itong hinalikan. Hindi nagtagal ay naging malikot na ang kanilang mga kamay. Kung saan-saan dumadapo at lumalamas. Magaling si Jinky, halatang hindi ito bago sa ginagawa dahil alam na alam ang parte kung saan mas nasasarapan siya.

Nagtanggal ito ng damit at bigla siyang nailang. Para silang mga aso na nagtatalik sa likod ng stage. Inalis niya ang mga agam-agam sa isip at naghubad na rin.

Napamura siya at bahagyang nagulat nang yumuko ito at dumampi ang bibig sa pagkalalaki niya. Grabe, wala siyang masabi. First time na may gumawa sa kanya ng ganun na babae. Marami na siyang nakatalik na babae, in fact, lahat ng naging girlfriends niya ay nakuha niya pero si Jinky lamang ang nakagawa ng ganung bagay sa kanya. Hindi niya lubos akalain na ang babaeng mukhang inosente ay wild pagdating sa sex.

Nagtagal ng halos tatlumpong minuto ang pagtatalik nila at pawis na pawis na sila nang matapos. Dahil wala silang mahigaan ay nakakapagod ang mga naging posisyon nila na puro patayo.

Walang sinabi si Jinky maliban sa "ang laki!" bago humalik sa kanya at nagmamadaling umalis. Nag-ayos na rin siya ng sarili bago naglakad pauwi sa bahay nina Cali. Napapailing siya nang nasa daan siya. Pero aaminin niyang isa iyon sa pinaka"masarap" sa mga naging experiences niya.

Pagkauwi ay hindi agad siya pumasok sa loob ng bahay dahil napansin niya si Cali na nakaupo sa silong ng mangga at tila may iniisip. Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito at ninakawan ito ng halik sa pisngi. Paimpit itong napatili dahil sa gulat. At nang makita siya ay hinampas-hampas siya nito sa balikat. Tawa naman siya ng tawa habang umiilag.

"Nakakainis ka talaga!" asik nito sa kanya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah" tanong niya rito at hindi pinansin ang pagsusungit. Umupo siya sa tabi nito.

"Ha? Hindi naman. Nabo-bore lang kasi ako sa loob kaya lumabas ako" sambit nito. Mahina ang boses nito at pakiramdam niya ay ipinaghehele siya niyon. Banayad, malambot at tila naglalambing ang boses nito. Hindi niya maiwasang isipin kung anong klase ng drugs ang hinithit nito. Napangiti siya sa naisip.

"Ang drama mo ngayon ah. Nakadrugs ka ba?" isinaboses na niya ang iniisip upang patawanin ito at naging effective naman. Tumawa ito ng mahina.

"Gago! Hindi. Teka nga, san ka ba talaga galing?" tanong nito. Bakit ba pakiramdam niya, may nagawa siyang isang malaking kasalanan? Aba'y oo. Anong tawag mo sa ginawa mo kanina?, tanong ng mapanudyong utak niya.

"Ah.. Eh.. Ano, nagpunta ako sa plasa niyo. May pustahan kasi kami nina Crisostomo kanina sa basketball. Eh natalo kami eh. Kaya binigay ko yung pusta namin" pagdadahilan niya. Nakagat niya ang ibabang labi nang tumango-tango lang ito at parang naniwala agad.

"Ba't kasi kayo pumayag na may pustahan? Dapat laro lang" malumanay nitong sambit.














Pakiramdam ni Cali ay biglang napalis ang boredom na nararamdaman niya kani-kanina lang. Hindi siya makatulog kaya lumabas siya ng bahay. At sa pagsama ni Liam sa kanya doon ay tila naging mas maningning ang mga nagkalat na bituin sa langit. Ang buwan ay tila nakangiti at ang ulap ay nagsialisan upang hindi matakpan ang liwanag ng buwan at mga bituin.

Maya-maya ay nagpaalam si Liam na may kukunin lang sa kwarto at babalik din agad. Wala pang tatlong minuto ay bumalik nga ito. Kinuha lang pala nito ang sigarilyo nito sa bag. Nagsindi ito at humithit. Alam niyang naninigarilyo ito at okey lang naman iyon sa kanya kasi hindi ito yung masasabing adik sa yosi. Tig-isang stick lamang ang napapansin niyang hinihithit nito araw-araw.

"Anong lasa?" hindi niya maiwasang tanungin habang nakatitig dito. Ang gwapo nito habang nagbubuga ito pataas ng usok na pabilog. Mukha itong modelo ng Rough Rider Jeans. Lihim siyang napangiti sa deskripsyon niya rito. Nilingon siya nito.

"Hindi ko masasabing masarap. Pero it's good. Lalo kapag busog na busog ka at nagyosi ka. But don't ever try it. Wag mo akong gayahin" sagot nito bago muling humithit. Iwinagayway niya ang kamay sa harapan ng ilong niya para mapalis ang mga usok na nagpupunta sa direksyon niya.

"Ofcourse! Ayoko niyan. Wala naman akong makukuha diyan kundi nicotine" sambit niya. Muli niyang tinitigan ito sa paghithit-buga nito ng usok. Natutuwa siya kapag nagbubuga ito ng perfect circle na usok. Hindi na niya namalayan ang sarili na nakatitig na lamang dito at pinagmamasdan ang gwapong mukha nito. Mula sa makapal na kilay hanggang sa mapupulang labi nito. Teka, bakit ganun parin ang kulay niyon? Ang alam niya ay maitim ang labi ng mga nagyoyosi. Tumaas ang tingin niya sa ilong nito. Dahil nakatagilid ay kitang-kita ang magandang korte niyon. Medyo matangos. Siya ay maliit pero hindi rin naman yung masasabing pango.

Sumulyap ito sa kanya kaya agad siyang tumingin sa ibang direksyon. Pero pakiramdam niya ay ito naman ang nakatitig sa kanya.

"Cali.." bahagya pa siyang napaigtad sa pagtawag nito sa kanyang pangalan. Nilingon niya ito.

"Hmm?"

"Pwedeng magtanong? Pero promise mo, wag mo akong uupakan ah?" sabi nito. Napatawa siya ng mahina.

"Siguraduhin mo lang na maayos yang tanong mo dahil uupakan talaga kita" banta niya. Napangiwi ito.

"Wag nalang pala" bawi nito. Lumakas ang tawa niya.

"Biro lang. Sige, magtanong ka lang. Kahit ano. Game ako ngayon sa kahit anong tanong" sabi niya. Totoo iyon. Kahit pag-usapan pa nila ang sizes ng kanilang mga.. Ew, wag naman pala yung ganun.

"Sure ka?" paninigurado nito. Tumango lamang siya.

"Uhmm. Ano, rated SPG yung tanong ko eh" sabi nito. Humagikgik siya.

"Saang kategorya kabilang ang tanong mo? Sa tema, lengguwahe, karahasan, sekswal, horror o droga?" natatawang tanong niya. Natawa rin ito at dahil doon ay tila nagtayuhan ang mga buhok niya sa batok. OA ah.

"Sekswal.." maikli lamang nitong sagot.

"Ah, see. So anong tungkol sa sex ang itatanong mo sakin?" hindi siya nakakaramdam ng pagkailang. Bagkus ay kumportable siya sa anumang magiging tanong nito at handa siyang sagutin iyon.

"Nakailan kana?" tanong nito.

"Ng?"

"Ng sex experience"

"Oy mister. Tanungin mo muna kung may karanasan na ako"

"Ay, wala ba?"

"Wala! Walang-wala!" nakangiting sagot niya. Tumaas ang isa nitong kilay. Ang cute nito sa anggulong iyon.

"Whe? Di nga?" eksaheradong tanong nito.

"Totoo nga. At feeling ko nga, matatatakan ng RIP: Born a virgin, died a virgin ang lapida ng puntod ko pag namatay ako" natatawang sabi niya. Nakitawa rin ito. In fact, tawang-tawa ito sa naging sagot niya. Binitawan na nito ang upos ng sigarilyo nito at tinapakan upang mamatay ang sindi nito.

"Grabe ka naman. Be positive. Malay mo, magkaexperience ka rin" natatawa nitong sambit.

"Sana katulad ni Enrique Gil!" kinikilig niyang sabi. Grabe, ang kati ko rin pala!, sabi niya sa isip.

"Ahrmm!" parinig nito at tumayo. Itinaas nito ng bahagya ang laylayan ng t-shirt at kunwari ay nag-inat inat. Napansin niyang walang pinagkaiba ang katawan nito sa nasabing actor. Mas gwapo nga lang si Enrique ng konti. Konti lang naman.

"Kapalmuks! Kay Pepe Smith nalang ako magpapatira kung ikaw din lang ang.." hindi niya naituloy ang sasabihin.

"Ang ano? Wala naman kasi akong sinabi ah" natatawang sabi nito. "At tsaka, Pepe Smith? Mahina na ang resistensiya nun! Maawa ka naman. Ako nalang" tuluyang sabi nito kaya umismid siya at hinila ang damit nito palapit sa kanya. Pagkaupo nito ay agad niyang sinunggaban ang balikat nito at kinagat.

"Aray ko!" reklamo nito at pinigilan siya.

"Ang landi mong lalaki ka! Alam mo ba yun?"

"Oo alam ko yun. Eh totoo naman ah. Mas mabuting ako nalang kesa sa matandang iyon. Di ba?" maangas nitong sabi kaya sinuntok niya ang tiyan nito. Namaluktot ito.

"Ang landi-landi mo, Li! Kadiri ka!" sabi niya rito. Natawa ito kahit namamaluktot ito sa sakit.

"Grabe ka naman! Amazona ka pala" sambit nito nang makabawi. Umakbay ito sa kanya at sumeryoso.

"Good girl ang baby ko. Dapat, wag mo munang susubukan iyon kasi bata ka pa" tila nang-aasar nitong sabi na para bang isa siyang paslit at ito naman ay big brother. Tinanggal niya ang kamay nito sa balikat niya.

"Para ikaw yung makauna sakin, ganun?" diretsahang tanong niya rito. Nanlaki ang mga mata nito bago humagalpak ng tawa. Dumating pa ito sa puntong naluluha na ito at napapasapo sa tiyan sa kakatawa.

"Para kang tanga!" sabi niya rito habang nakasimangot.

"Grabe Cali. Hindi ko alam na ang taas pala ng fighting spirit mo. I-push mo yan. Malay mo, maging friends with benefits din tayo" tumatawa parin ito kaya bahagya na siyang naoffend.

"Che! Halika na nga, matulog na tayo. Pupunta tayo sa bukid bukas. Maggagatod kasi kami ng tabako" sabi niya rito. Tumigil na ito sa pagtawa at tumayo na rin.

"Oo ba! Nang maexperience nga rin kung paano maggatod" sabi nito.

"Tungik! Hindi ka maggagatod bukas. Babae lang ang gumagawa nun dito kasi yun yung usual na nangyayari. Magbubuhat lang kayo ng mga tabakong gagaturin namin" paliwanag niya.

"Ah, ganun ba?"

"Malamang hindi!"

"Sungit!"

"Pangit!"

"Aba, aba! Bawiin mo yun"

"Eh kung ayaw ko? Pangit ka naman eh"

"Hindi ah!"

"Pangit ka kaya!"

"Hindi"

"Pang-- Uhmp!" ayun, hinalikan na naman ulit siya.















"Gising na mga mahal na hari! Bangon na diyan. Pupunta tayo sa bukid!" sigaw ni Cali upang magising ang dalawang binata. Infairness, effective kahit pumiyok siya. Kakamot-kamot na bumangon ang mga ito.

"Anong oras na ba?" tanong ni Liam.

"Five o'clock!" sagot niya. Dahil doon ay muling humiga ang mga ito kaya lumapit na siya sa mga ito at pilit pinapabangon. Kailangan kasing by six thirty, nandun na sila sa bukid kasi magpapakape sila sa mga naggatod. Oo, alas singko palang ay nagsisimula nang maggatod ang mga sinabihan nilang mga tao na maggagatod. Per day ay 200 ang sahod ng isang tao at 100 siyempre ang half-day. Mga kababaihan lang ang maggagatod samantalang iba ang mga lalaking magbubuhat ng mga tabako at dadalhin sa pugon at doon itutusok yung mga dahon sa tinatawag nilang "taib" bago ilagay sa loob ng pugon at magsimulang lutoin.

Bukod sa dalawandaang sahod ay may meryenda sa umaga, may pananghalian at may meryenda ulit sa hapon dahil mahirap ang trabahong iyon. Maraming proseso bago ipagbili ang mga tabako.

"Ano ba, bangon na diyan hoy!" sabi niya at hinila-hila ang mga kamay ng dalawa.

"Ba't naman ang aga?" reklamo ni Eric. Bumangon na ito pero kakamot-kamot sa ulo bago bumaba sa kama. Si Liam na makulit naman ay tumagilid sa kanya at nagtulog-tulogan. Pinilit niya itong iniharap at pinatihaya. Nakakainis dahil halata namang nagtutulog-tulogan na lang ito. Lumabas na si Eric upang makapagmumog at makapaghilamos pero siya naman, puputi na ang buhok sa pagpapabangon kay Liam.

"Ayaw mo talagang bumangon diyan?" sabi niya. Umungol lang ito at hindi dumilat. Dumako ang paningin niya sa bukol nito. Naninigas iyon dahil siguro naiihi.

Ah, morning wood ah! Siguro naman babangon ka na dito, sabi niya sa isip bago marahas na dinakot ang bukol nito.

"What the--" gulat na bulalas nito. Hindi niya binitawan iyon kaya ramdam niya ang kalakihan nito.

"Ayaw mong bumangon? Pipisa ang itlog nito! Isa!" banta niya. Hinawakan nito ang kamay niya pero humigpit ang hawak niya kaya napaigtad ito.

"Ouch! Ouch! Oo na, babangon na! Babangon na!" reklamo nito. Saka lamang niya binitawan iyon nang babangon na ito.

"Hirap mong pabangunin ah. Sa susunod--"

"Sa susunod, dilaan mo nalang! Wag mong pisain!" sabi nito sa kanya habang nakasimangot. Pinisil niya ang pisngi nito at hinila na palabas ng kwarto.

"Aray! Aray ko!" muling reklamo nito. Alam niyang naiinis na ito pero ang ipinagpapasalamat niya ay hindi siya nito pinapatulan. Abah, subukan niya lang!

Hinila niya ito papunta sa kusina.


"Hala! Anong ginagawa niyo, mga bata kayo?" tanong ng nanay niya nang makitang pisil-pisil niya ang pisngi ni Liam. Binitawan na niya iyon.

"Eh Nanay Lilia, inaaway po ako nitong anak niyo" sumbong ni Liam. Nilingon niya ito.

"Hoy--"

"Anak, magtigil ka nga! Bakit mo naman inaaway itong si Liam?" saway sa kanya ng kanyang ina.

"Nay, hindi ah! Nilalambing ko lang yan" pagdadahilan niya. Nilapitan niya si Liam ay inakbayan niya ito. Pero itinuloy niya iyon sa sakal.

"Tsk tsk! Bahala nga kayo diyan. Mag-almusal na nga kayo. Magluluto pa ako ng pananghalian ng mga naggatod. At ikaw naman Estong, dalhin mo yung meryenda mamaya pagkakain niyo.

"Oho" sagot niya at binitawan na niya si Liam. Nagpunta ang nanay niya sa kwarto at tiningnan ang kapatid niya.

"May oras ka din, Estong!" banta ni Liam sa kanya at tiningnan pa siya ng matalim. Sinalubong niya iyon ng irap.

"Magtigil nga kayo, lovers! Umagang-umaga, LQ kayo. Narinig niyo si Nanay Lilia, kaya mag-almusal na tayo" singit ni Eric. Bigla naman siyang nahiya kaya ipinaghain na ang mga ito at ipinagtimpla ng kape.

"So, anong gagawin natin dun mamaya?" tanong ni Eric habang kumakain sila.

"Magbubuhat kayo ng mga dahon ng tabako at dadalhin niyo sa pugon. Magkalapit lang naman iyon" sagot niya.

"Anong gagamitin namin?" si Liam.

"Basta, makikita niyo mamaya. Ang tawag namin doon ay Alula" sagot niya.

"Anong alula?"

"Basta, makikita niyo nga mamaya" sagot niya at itinuon ang pansin sa pagkain. Ang alula ay parang nilagang basket na nakalagay sa dulo ng bulo (yung manipis na kawayan). Ilalagay ang mga tabako sa magkabilang basket at bubuhatin sa balikat gamit ang bulo. Ang itsura, parang yung nagtitinda ng taho. Kaso nga lang, tabako ang buhat-buhat.

Nang matapos silang kumain ay inihanda na niya sa lalagyan ang kape, mga tinapay, kutsara, asukal at creamer. Binigyan niya ng damit-pambukid sina Eric at Liam at nagmukha ang mga itong modelo ng nasabing damit. Ang ku-cute ng mga itong tingnan kaya naman hindi niya maiwasang matawa.

"Mukha na ba kaming magsasaka?" tanong ni Eric.

"Oo Ric, gwapong magsasaka, to be exact!" sagot niya. Siya naman ay nagsuot ng damit na may mahabang manggas, jogging pants na hindi na ginagamit at boots na pambukid. Naglagay siya ng tshirt bilang proteksyon sa ulo niya at binigyan naman niya ng sumbrero ang dalawa.

Nang makarating sila sa bukid nila ay nangingiti ang mga kababaihang naggatod dahil sa ayos ng dalawang kasama niya. Mukha naman kasing hindi akma ang mga pinasuot niya sa mga ito. Ang bagay sa mga ito ay ang mga mamahalin at may tatak na damit. Pero alangan namang pagsuotin niya ang mga ito ng signatured na damit sa bukid? Eh di mas nagmukhang hindi angkop ang kasuotan sa bukid.

"Estong, bakit mo naman sila dinala rito? Baka hindi sanay ang mga yan sa trabahong-bukid" tanong sa kanya ni Femee, mas nauna lang ito sa kanya ng limang taon pero may dalawa nang anak.

"Sanay ho ang mga yan, maniwala kayo" nakangiting sagot niya at sinulyapan ang dalawang lalaki na napapalingon sa mga bukirin. Maya-maya'y nilapitan niya ang mga ito at sinabihang kumuha na ng alula sa gilid ng pugon at magsimula nang magbuhat.

"Ayos! Gaganda lalo ang katawan ko nito" sambit ni Liam at ngumiti sa kanya ng makahulugan.

"Heh!" singhal niya.

"Oo nga eh. Magiging tan na rin ako mamaya" sabi naman ni Eric habang nakangiti. Sinamahan niya ang mga itong kumuha ng alula at sabay-sabay silang nagpunta sa taniman ng tabako kung saan nagatod na ang mga dahon.

Ibinaba na niya ang hawak niyang meryenda at sinabihan ang mga trabahador na lumapit at magmeryenda.

Nang naipon na ang may sampung naggatod ay nagmeryenda na ang mga ito. Umupo lamang sila sa may gilid ng taniman ng tabako.

Sina Eric at Liam naman ay nakaupo sa tabi niya at nahihiya. Maya-maya'y may kumausap sa mga ito. Si Aling Bebang.

"Mga binata, taga-saan kayo?" tanong nito.

"Taga-Sta. Lucia ho kaming pareho" sagot ni Liam, since ito naman ang mas makapal ang mukhang makiharap sa mga tao.

"Ah. Ganun ba? Kaklase niyo ba itong si Estong?" muli nitong tanong.

"Hindi ho nana. Boardmates lang ho kami" si Liam. Chinika pa ni Aleng Bebang ang mga ito at pati ang ilang kababaihan ay nakisama narin sa pag-iinterview sa mga ito. At nang makapagmeryenda ay nagsibalikan ang mga ito upang ituloy ang paggatod. Sumunod naman siya matapos ayusin ang mga ginamit. May mga naglalagay narin ng tabako sa alula nina Eric at Liam at sa apat pang tagabuhat kasama na ang tatay niya.

Mula sa paggagatod ay sinulyapan niya sina Eric at Liam nang buhatin na ng mga ito ang kanya-kanyang alula at natawa dahil sa naging reaksyon. Si Eric ay namula ang mukha senyales na masyadong nabigatan nang pasanin niya sa kanyang balikat ang alula. Samantalang si Liam ay ibinaba agad ang alula pero muling binuhat nang makabawi.

"Ano, kaya ba?" sigaw niya upang marinig siya. Lumingon ang dalawa at nagthumbs up bago muling binuhat ang kanya-kanyang alula at dinala sa pugon. Oh, kaya naman pala eh.

Abala siyang naggagatod nang lapitan siya ng kanyang tatay.

"Anak, bakit mo naman sila pinagbubuhat? Nakakahiya sa kanila" sabi nito sa kanya.

"Tay, ginusto rin naman nila eh. Tingnan mo nga't nag-eenjoy sila oh. First time daw kasi kaya gustong maranasan. Don't worry 'tay, okey lang sila" sagot niya sa kanyang ama.

"Sigurado ka ah? Pero sabihan mo silang tumigil na kapag pagod na" bilin sa kanya ng ama bago tumalikod at naglagay ng mga tabako sa alula nito. Nakangisi naman siyang tinapos ang linya niya at nakisabay sa mga kababain nang magpunta na ang mga ito sa pugon upang makapagpalit at magtutusok na ng dahon. Sa kanilang dialect, tinatawag nila ang prosesong iyon na "pagtataib". Napangiti ang lahat--pati siya--nang makita nila ang dalawang nagbubuhat ng tabako. Pawis na pawis at humihingal pero nakangiti din. Pinauna na niya ang mga kasamaan at lumapit sa dalawa na noon ay nagpapahinga at nakaupo sa bulo ng alula nila.

"Oy, kaya pa?" untag niya.

"Oo. Kami pa!" nakangiting sagot ni Liam. "Ang bigat pala. Sakit na ng balikat ko" reklamo nito.

"Oo nga eh" segunda ni Eric. Napangiti niya.

"Halina kayo, tama na muna yan. Sina tatay na ang magbubuhat ng mga yan. Kayo naman ang magmeryenda. Come!" yaya niya sa mga ito at hinila na ang mga kamay ng mga ito. Kawawa ang mga ito. Halata sa mukha ang pagod. Alam niyang mabigat ang alulang may lamang tabako at nakakailang balik na ang mga ito upang lagyan muli ang nasabing lalagyan.

Pagkahawak niya sa mga kamay ng mga ito ay nanlalagkit na ang mga ito at talagang pawis na pawis. Halatang hindi sanay sa ganung uri ng trabaho.

"Alam niyo na siguro kung gaano kahirap ng trabaho sa bukid. Energy talaga ang kailangan at mababatak ang katawan" sabi niya sa mga ito.

"Oo nga eh. Kaya pala ang batak ang mga katawan ng mga kalalakihan dito eh wala namang gym" sambit ni Eric.

"Eh bakit ikaw, hindi batak ang katawan?" baling sa kanya ni Liam. Kinurot niya ito sa tagiliran.

"Shungik! Anong alam mo, nagbubuhat din ako ng tabako? No way! Hindi ako pinagbubuhat ni tatay no. Bukod kasi sa mahina ang baga ko at madali akong mapagod, alam niyang sasama ang loob ko sa kanya 'pag panglalaking trabaho ang iuutos niya sakin" sagot niya. Nakarating na sila sa pugon at kasalukuyang nagtatanggal ng mga damit na pamproteksyon sa lagkit ng dahon ng tabako ang mga kasamaan nila. Ang iba ay nagsimula nang magtusok ng tabako.

Iginiya naman niya sina Eric at Liam sa nagsisilbing hapag-kainan nila doon. Naabutan nila doon si Colossus na kumakain ng tinapay at umiinom ng coke. Binili siguro ng nanay niya nang magpunta sila sa pugon. Hinalikan niya ang kanyang kapatid at nagreklamo naman ito. Nag-iiba na ang kanyang kapatid. Noong mas bata ito, gustong gusto nitong hinahalikan niya ito at kung minsan ay ito pa ang humahalik sa kanya. Ngayon, pinupunasan pa nito ang pisngi kapag hinahalikan niya ito.

"Oy Collong, arte mo na ah. Porke tuli ka na, ayaw mo nang pahalik sakin?" sabi niya rito.

"Si kuya naman kasi, binibaby pa ako" sagot nito at lumagok sa coke.

"Bakit? Baby ka pa. Six years old ka palang hoy, anong akala mo, binata ka na?" away niya sa kapatid at muli itong hinalikan bago nilagyan ng coke ang dalawang baso at iniabot kina Liam at Eric na noo'y nakaupo at nagpapaypay. Muntik na siyang matawa nang naubos kaagad ng mga ito ang inumin. Muli niyang nilagyan ang mga baso ng mga ito at inabutan ng tig-isang voice sandwich. Tsaka muling binalingan ang kapatid at nilambing. Pero tumakbo ito at nagpunta sa kanilang nanay.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nina Eric at Liam kaya nilingon niya ang mga ito. Naupo si Liam sa higaan na ginawa ng tatay niya na nagsisilbing tulugan nito kapag nagbabantay ito roon.

"Binata na kasi kaya wag mo nang halik-halikan. Eto nalang ang halikan mo" sabi ni Eric sabay turo kay Liam. Nasamid naman ang huli.

"Ayoko nga, hindi naman siya nagtoothbrush kanina" sabi niya. Hindi naman ito kumontra at nagconcentrate lang sa pagmemeryenda. Kawawa, halatang pagod na pagod.

"Magpalit kayo ng damit, basang-basa kayo ng pawis. Kumuha nga pala ako kanina ng damit niyo para may mapagpalitan kayo. Andun sa may bag" sabi niya sa mga ito bago tumalikod.

Hindi muna niya pinagtrabaho ang mga ito pero siya ay nagpunta na sa pinaglagyan ng mga dahon at nakitulong sa pagtutusok. Gaya ng palaging nangyayari, usap-usap sa mga kasamaan hanggang sa magtanghalian na. Kapag ganung natuon na ang pansin mo sa ginagawa, hindi mo na mamamalayan ang oras. May inutusan ang nanay niya sa mga kalalakihan na magpunta sa bahay at kunin ang mga nakakaldero at nakakaserolang pagkain doon habang ang mga kasamaan ay naghuhugas ng kamay. Mahirap matanggal ang lagkit ng tabako kaya naman mga dalawang minutong kuskosan para luminis muli ang kamay.

Naabutan niyang nakahiga sina Eric at Liam sa higaan ng kanyang ama at natutulog. Napangiti siya bago nilapitan ang mga ito at ginising.

"Tanghalian na po!"

Nakapagpalit na ang mga ito ng t-shirt. Tumayo na rin ang mga ito. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na ang lalaking inutusan ng kanyang ina kaya naging abala siyang muli sa paghahanda ng pagkain kasama ang kanyang ina. Nang mabigyan lahat ng pagkain ang mga manggagawa ay ang dalawang binata naman ang pinagtuonan niya ng pansin. Tinolang manok, monggo na may sahog na karne ng baboy at pickles na papaya ang hinanda ng nanay niya. May panghimagas din na minatamis kaya naman, sarap na sarap ang dalawa at halatang noon lang nakaranas ng ganun. Malamig ang simoy ng hangin sa may hapag-kainan kasi hinarangan ng malalaking puno ng kaimito at mangga.

"Sarap! The best ang luto ni Nanay Lilia" komento ni Eric habang kumakain na nakakamay. Panay ang subo nito ganun din si Liam. Siya naman ay pinapakain si Colossus dahil makalat itong kumain mag-isa.

"Naku, salamat naman iho. Oh heto pa. Tikman niyo 'to" sagot ng ina ni Cali at nilagyan ng langkang maanghang ang mga plato ng mga ito. Hilaw na langka iyon na tinadtad sa maliliit ang laman tsaka ginisa at nilagyan ng tinadtad ring bunga ng siling labuyo. Paborito niya iyon kaya sinabihan niya ang nanay na magluto ng ganun kagabi.

Mukhang nasarapan naman ang mga ito at nagustuhan ang pagkaanghang ng nasabing ulam.

"Ang sarap! Ano po 'to?" tanong ni Liam.

"Hilaw na langka yan iho" sagot ng nanay niya.

Tumango-tango si Liam at ipinagpatuloy ang pagkain. Maya-maya'y kinakausap na ng mga kasamaan nila ang dalawa at kung anu-ano ang tinatanong.

Nagsiuwian ang mga ito pagkatapos ng tanghalian upang makapagpahinga at babalik ulit mamayang alauna y medya upang ipagpatuloy ang pagtutusok. Siya naman ay tinulungan ang inang maghugas ng pinggan sa ilog malapit sa kinatatayuan ng kanilang pugon. Nang bumalik ay naabutan niya sina Eric at Colossus na naglalaro sa higaan samantalang si Liam ay nakaupo sa labas ng at nagyoyosi. Lumapit siya rito at umupo sa tabi.

"Oh. Kumusta ang balikat? Hindi ba nananakit?" tanong niya rito. Bumuga muna ito ng usok bago sumagot.

"Mmm-hmm. Masakit nga. Hindi talaga ako sanay" sagot nito. Tumayo siya at nagpunta sa likuran nito. Sinimulan niyang masahein ang likod nito. Dahil nadidistract siya sa usok ng sigarilyo nito ay inagaw niya ang hindi pa nakakalahating stick at itinapon. Saka muling itinuloy ang pagmamasahe sa balikat nito.

"Sorry ah" sabi niya.

"Saan?"

"Sa pagpapabuhat sa inyo ng tabako"

"Naku, wala yun-- ah, aray. Ulitin mo nga sa bandang iyon. Dun mo masahein" sabi nito kaya nagfocus siya sa bandang sinabi nito.

"First time niyo ba yun?" tanong niya rito.

"Ako, oo. Pero si Eric, naranasan na niya. Mas masipag kasi yun kesa sa akin-- ouch!"

"Mayaman ka siguro ano?"

"Hindi naman" sagot nito. Hindi na siya nagsalita ay maya-maya ay hinilot niya pati ang sentido at temple nito dahil masakit daw ang ulo. Pinagalitan niya ito na kung hindi ito magyoyosi, hindi sana sasakit ang ulo nito. Pero nagdahilan itong hindi ang pagyoyosi nito ang dahilan kung bakit nananakit ang ulo nito.

Nang makontento ay pinatigil na siya nito.
"Hindi ko maiwasang isipin kung bakit hindi ka nagkakaboyfriend, Cali. I mean, look at you. Sweet ka, caring at malambing" sabi nito na ikinabilis ng tibok ng puso niya pero hindi niya maitatangging nalungkot siya dahil sa kaalamang hindi man lang siya nagkaboyfriend kahit minsan lang para maranasan man lang ang may kalambingan.

"Tanggap ko na yun, Li. Ang mga katulad ko, mahirap talagang makahanap ng true love" sagot niya.

"You mean naniniwala ka sa true love?"

"Oo naman? Bakit, ikaw ba hindi?" nakakunot ang noong tanong niya rito.

"Hindi. Sa movie lang ang true love" mabilis nitong sagot.

"Oy, no"

"Basta, hindi ako naniniwala dun. Sa lust and affection, oo" muli nitong tugon. Mataman niya itong tinitigan. May nahimigan siyang lungkot at galit sa tono nito. Napansin din niyang minsan ay malungkot ang mga mata nito at tila may nais sabihin.

"One day, babawiin mo yang sinabi mo. I swear! Maniniwala ka rin sakin na may true love" determinadong sabi niya rito. Napangiti ito at pinisil ang kanyang pisngi.

"Oo na. Panalo ka na, misis" sabi nito at kumuha ng isang stick ng yosi at sinindihan.

"Nabitin ako eh" sabi nito at ngumiti. Umungol siya pero hinayaan na lamang niya ito.














"Liam!"
Napalingon siya sa may pintuan at tiningnan kung sino ang tumao. Nakita niya doon si Jinky na nakatayo at lihim siyang sumimangot bago ito hinarap.

"Ah Jinky, ikaw pala. Wala sina Liam, lumabas. Nakipaglaro ng basketball sa plasa" sagot niya sa babae. Maagang natapos ang gawain nila sa bukid kaya alas singko palang ay umuwi na sila. At matapos maligo ang dalawa ay agad lumabas upang makipaglaro ng basketball sa plasa.

"Ah sige. Dun ko nalang siya pupuntahan. Salamat!" sabi nito at nagpaalam. Pagkatalikod nito ay nag-make face siya dahil sa inis. Ang kati talaga!

Muli siyang pumasok sa loob ng bahay at naabutan ang inang nagsusulsi ng damit sa sala habang nanunuod ng panghapong programa sa TV. Ang kapatid naman niya ay hindi mahagilap. Lumabas siguro at naglakwatsa. Ke bata-bata!

Naisipan niyang pumasok sa kwartong tulugan nina Eric at Liam at nalukot ang mukha niya dahil sa ayos ng kwarto. Magulo ang loob at nagkalat ang mga pinagpalitan ng mga ito. Ang kumot ay hindi man lang naayos. Ang mga pinagpalitan ng mga ito ay magulong nakasiksik sa isang bag. Nagpasya siyang kunin ang mga ito at isama sa mga lalabhan niya bukas. May tatlong t-shirts, pantalon, shorts at briefs!

Ewan ba niya sa sarili kung anong pumasok sa utak niya upang amuyin ang itim na brief na alam niyang kay Liam. Nalukot ang ilong niya nang maamoy ang amoy-lalaking dumikit doon. Pagkatapos ay napangiti dahil sa ginagawa. Mukha siyang manyak! Nahaluan ang brief ng tila amoy ng pawis. At may kakaibang amoy doon.

Sinipat niya ang brief nito, sa may garter at sa mismong harapan. May tila natuyong uhog doon. Kumunot ang noo niya. Ano kaya 'yun?

Baka pre-cum lang. Nagwet dream siguro kagabi, naisip niya at napangiti siya.

"Ang libog talaga ng mokong na 'yun" wala sa sariling nasambit niya. Sinamsam na niya lahat ng kalat ng mga ito doon at inilabas at nilagay sa lalagyan ng mga lalabhan niya bukas. Pagkatapos ay muling bumalik sa kwarto. Inayos niya ang kama at mga gamit ng mga ito at nagwalis narin. Nang matapos ay naligo siya at nang matapos ay naabutan na niya sina Liam at Eric sa sala na kinakausap ang kanyang ina. Nakatapis lamang siya ng tuwalya na itinaas niya hanggang sa dibdib at dadaan siya doon bago makarating sa kwarto niya. Nakabagsak ang basang buhok niya at kita ang mga binti niya dahil medyo maiksi ang tuwalya. Binilisan nalang niyang maglakad upang hindi siya mapansin ng mga ito.

"Witweww!" narinig niyang bulalas ni Liam kaya nilingon niya ito at inirapan. Ngumisi lang ito. Manyak!, sigaw niya sa isip.

Nagtuloy-tuloy siya sa kwarto at nagbihis at muling lumabas sa sala upang bugbogin si Liam.

Pagkatabi rito ay agad niyang inakbayan at sinakal. Natatawa naman si Eric.

"Ikaw ah, ang manyak mo!" bulong niya rito. Sinita naman siya ng kanyang nanay kaya binitawan din ito. Tatawa-tawa pa ito kaya mas lalo siyang naiinis.

"Oy kayo. Hindi ba kayo tumatawag sa inyo? Tawagan niyo naman sila para hindi nag-aalala sa inyo. Baka isipin nilang nilamon na namin kayo" sabi niya sa mga ito. Biglang napalis ang ngiti ni Liam at si Eric naman ay tumingin dito.

"Bakit? May problema ba?" tanong niya. Hinarap siya ni Eric.

"Wala. Tinawagan ko na si papa kanina" si Eric.

"At ikaw naman Liam?" baling niya rito.

"Ha? Di na siguro kelangan" sabi nito at tumayo at diretso sa labas. Nagtataka naman siya sa inakto nito kaya binalingan niya si Eric.

"Anong problema nun?" tanong niya.

"Ewan ko"

"Ewan mo? I'm sure, may problema yun at alam kong alam mo. Ric naman. Di ba friends na tayo? Sabihin mo naman sakin" pilit niya rito. Bigla siyang na-curious sa kung anuman ang pinagdadaanan ni Liam. Gusto niyang kilalanin pa ito ng mabuti dahil wala pa siyang ideya tungkol sa pamilya nito.

Tumitig sa kanya si Eric na parang tinatantiya siya kung karapat-dapat bang sabihin nito sa kanya ang alam nito. Sa huli ay bumuntong hininga ito.

"Halika sa room" yaya nito sa kanya at nauna nang naglakad papasok sa kwarto. Nang makapasok ay muli niyang pinilit itong magsalita.

"Liam came from a broken family.." umpisa ni Eric at napasinghap siya. Si Liam? Galing sa broken family? Kaya pala.. Kaya pala parang malungkot ito at hindi naniniwala sa true love.

"His parents decided to go in separate ways when we are in grade three. I was there when Tito Teofilo said that he can't stay with Tita Vilma anymore because he doesn’t love her like before. Kagagaling namin noon sa school and sumama ako kay Liam sa bahay nila pero yun ang naabutan namin, nakaempake na si Tito Teofilo at hinihintay na lamang si Liam upang makapagpaalam" kwento nito. Nang hindi siya nagsalita ay itinuloy nito ang pagkukwento.

"Tita Vilma married another man and had a baby with him. Since then, Liam felt neglected. Though Tita Vilma never failed to give him money and support his schooling, still, Liam is a lonely child. Pero mabait yun sa kabila ng lahat. Kaya nga naging best of friends kami kahit mas nakakaangat siya sakin.." sabi nito.

"Kaya pala.."

"Ha?"

"Kaya pala hindi siya naniniwala sa true love because his parents didn't last" sagot niya. Tumango ito.

"Yeah. Kaya nga chickboy 'yun at ayaw magseryoso sa isang relasyon eh. Because he believes that there's no such thing as true love. All he believe is affection and lust" sabi nito. Bigla siyang naawa kay Liam. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit ito hindi nagseseryoso sa mga nakakarelasyon nito at ganun na lamang ka-vocal pagdating sa sex.

"What else?" tanong niya kay Eric.

"Ha?"

"Ano pang alam mo tungkol sa kanya?"

"Uhmm. He has a brother named Livor. He loves his half-brother so much at hindi siya naiinggit dito kahit na halatang ito ang paborito ni Tita Vilma and his new husband" tugon nito. Dahil sa pagkukuwento nito ay hinalikan niya ito sa pisngi. Maarte nitong pinunasan ang pisngi at nag-yuck! Natatawa siyang nagpasalamat dito dahil sa pagkukwento tungkol kay Liam. Marami pa sana siyang itatanong pero hahanap nalang siya ng tiyempo upang kay Liam mismo tanungin ang mga iyon.












Later that night, muling lumabas si Liam dahil sa usapan nila ni Jinky kanina sa plasa. Pinuntahan siya nito at kinausap nang matapos ang laro nila.

Sino ba siya para tumanggi? Palay na ang lumalapit sa manok. They had a very intense and wild sex at the same place. Game na game ito sa anumang posisyon at talagang iba ito sa mga naging babae niya. Aminin man niya o hindi ay talagang napapabilib siya sa performance nito kaya nang matapos ay hingal na hingal siya. Kung ganito rin lang ang magiging partner niya, magtatagal ang relasyon nila. Because all he need is a woman who is capable of bringing him to the other side of the world. He don't believe in love and there no such!

Muli siyang umuwi na kontento at tila ubos ang enerhiya. At sa muling pag-uwi niya sa bahay nina Cali ay naabutan na ulit ito sa may silong ng mangga na nag-iisip. Nilapitan niya ito at ninakawan niya ulit ito ng halik. Nagulat ito pero hindi na gaya ng dati na hinampas-hampas siya. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang gusto niyang awayin siya ulit nito. Akbayan at sakalin at kagatin ang balikat. Gusto niyang nakikita ang naiinis pero cute nitong mukha habang pinapagalitan siya. Umiling siya. Siguro ay naninibago lamang siya kasi tahimik ngayon ang beki.

"Oy Misis hampas, tahimik ka ngayon ah" untag niya rito. Nilingon siya nito at nginitian. That is! That's the smile he wanted to see every morning. Hindi niya alam ang nararamdaman at hindi niya kayang pangalanan niyon. Infatuated siguro siya.

Ugh, to a gay?, reklamo ng utak niya. Bakit naman siya maiinfatuate sa isang bakla?

"Sorry ah?" mahinang sambit nito. Ang boses nito ay parang naglalambing ulit. Smooth and full of concern.

"Ha? For what?"

"Sa pananakit sayo. Bigla akong na-guilty" sabi nito kaya lumawak ang ngiti niya.

"Asus! Sanay na ako no" sabi niya. Tipid itong ngumiti kaya inakbayan niya ito. Ang cute cute talaga ng batang ito!

"Don't worry, di naman ako naiinis sayo eh. Kahit nga noong dinakot mo si junjun, kahit masakit, di ako nainis" paalala niya. Isinubsob nito ang mukha sa may kili-kili niya dahil siguro sa hiya.

"Isa pa yun. Sorry dahil dun ah?" tiningala siya nito. Parang biglang gusto niyang yukuin ito at pupugin ng mumunting halik. Sa noo, sa talukap ng mata, sa ilong, sa pisngi at sa makapal pero katakam-takam na labi. Bigla siyang natigilan sa iniisip kaya umayos siya ng pagkakaupo.

"Ayos lang yun. Di ka talaga marunong humawak no?" tanong nito at nginitian muli.

"Ng alin?" inosente nitong tanong.

"Ng bird" napatawa siya ng mahina. Naalala niya ang marahas nitong pagdakot sa bukol niya kaninang umaga dahil sa pagpapabangon nito sa kanya. Napayuko ito dahil sa tanong niya. Lalo siyang natawa.

"May tama bang paghawak?" tanong nito.

"Oo meron. Yun bang nakakatigas lalo. Hindi yung masakit, at yun ang ginawa mo kaninang umaga" sagot niya. Naghanda siyang hampasin ulit nito pero hindi nito ginawa. Natahimik lang ito.

"Is it.. Is it really necessary to have sex with your partner? Yun ba talaga ang gusto ng isang lalaki? What if.. What if I'll have a boyfriend and he'll ask me to pleasure him? Gosh, parang wala akong alam" sabi nito at natampal ang noo. Lihim siyang natuwa sa sinabi nito kaya muli siyang umakbay rito. Bukod kasi sa nakaramdam siya ng lamig ay gusto niya itong i-congratulate dahil sa innocence na meron ito.

"You'll learn it in your own way. Manuod ka ng porns, hindi yung puro love stories at cartoons ang pinapanuod mo para magkamikrobyo naman ang utak mo. At tsaka malay mo, pag nagkaboyfriend ka baka siya pa magturo sayo" sabi niya. Bakit ba pakiramdam niya, ang sarili niya ang tinutukoy niya? Yikes, he can't imagine himself having sex with a gay. Hala, why not? Masarap daw ang anal sex, sagot naman ng utak niya.

"Grabe ka naman. May mga bed scenes din naman ang mga pinapanuod kong love stories ah" sagot nito.

"It's not enough. Manuod ka ng porno. There are a lot of gayporns. Yun yung bagay sayo para magkaideya ka" hala, bad influence na ata siya. Para siyang isang nympho na hinahawaan ng kalibugan ang isang walang kamuwang-muwang na bata. Pero good thing is, open minded si Cali and curious for such things at gusto lamang nitong madagdagan ang carnal knowledge nito.

"Okey, I'll try to watch pag balik natin sa city" sabi nito saka tumaya. Pinilit na siya nitong tumayo upang makatulog na kaya tumayo na siya at pumasok na sila sa loob.

"Good night mister" mahinang sambit nito kaya ngumiti.

"Good night din, misis" awww, sweet!















"Mga pangit! Gising na! It's sunday. Simba tayo" muling sigaw ni Cali kinabukasan. Sa takot na baka mapisa ang mga itlog ay agad bumangon sina Eric at Liam.

"Hep hep! Ayusin ang higaan" pigil ni Cali kay Eric nang lalabas na sana ito. Bumalik ito at inayos ang higaan at sabay na silang lumabas. Maaga siyang nagising kanina kaya nagluto siya ng sinangag at hotdog.

"Good morning nanay!" bati ng dalawa sa kanyang ina na noo'y nagkakape sa kusina.

"Good morning din mga iho. Oh, kain na. Magsisimba raw kayo sabi ni Cali?" tugon ng kanyang ina.

"Opo" magalang na sagot ni Eric. Matapos maghilamos at magmumog ang mga ito sa lababo ay humarap na sa hapag-kainan. Nandun na rin ang kapatid niya na kasalukuyang nagkakape ng gatas at pagkaupo ni Liam ay agad itong nangulit.

"Ipaghanda mo na sila, Estong. Dadalhan ko pa ng pagkain ang tatay mo sa pugon" bilin ng ina niya bago umalis. Nagmistula na naman siyang nanay na may tatlong anak.

Naging abala ang lahat sa paliligo nang matapos sila habang naghuhugas siya ng pinggan.

"Oy Li! Isabay mo na si Collong pag maligo ka" sabi niya kay Liam at tumango naman ito. Naunang naligo si Eric at nang matapos ay nagsabay ang magtatay, este sina Liam at Collong na pumasok sa banyo.

Paglabas ay buhat ni Liam ang huli habang balot na balot ng tuwalya. Natawa siya sa itsura ng dalawa.

Binihisan niya ang kapatid bago pumasok sa banyo. Pagkatapos maligo ay nakabihis na rin sina Eric at Liam. Agad siyang nagtungo sa kanilang kwarto upang magbihis na rin. Pinili niya ang polo-shirt at pantalon na semi-fitted at nagsapatos ng puting converse. Paglabas niya ay naabutan sina Eric at Liam sa harap ng malaking salamin sa sala na nagwa-wax ng buhok. Nilapitan niya ang dalawa.

"Ako na" presinta niya at iniharap si Liam sa kanya. Hindi ito kumontra kaya siya ang nag-ayos ng buhok nito. Pataas ang pag-ayos niya sa buhok nito samantalang si Eric ay wavy dahil bumabagsak ang medyo makapal nitong buhok kapag itinataas niya. Bumagay naman dito ang ganuong ayos ng buhok kaya hindi na nagreklamo.

Nang matapos ay pinalayas niya ang mga ito sa harap ng salamin at siya naman ang nag-ayos. Nagpolbo lamang siya at nagsuot ng salamin sa mata. Pang-porma lang kumbaga. Naglip gloss rin siya para hindi dry ang lips niya.

"Cali, pakiss nga!" narining niyang sabi ni Eric. Nilingon niya ito at nakita ang mensahe sa mga mata.

"Oo ba!" sabi niya saka ngumuso. Lumapit naman ito at umaktong hahalikan siya pero pumagitna si Liam.

"Hoy! Umalis ka nga diyan!" sita niya rito.

"Ano ba kayo? Nakatingin si Colossus oh" sabi nito. Tiningnan naman niya ang kapatid at mataman nga itong nakatingin sa kanila. Bigla naman siyang nahiya.

Pero infairness, mukhang nagselos!, sigaw ng utak niya kaya siya napangiti.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" puna sa kanya ni Liam.

"Ahrmm, nagseselos ka no? Gusto mo, ikaw ang halikan ko?" dahil sa tanong ay narinig niya ang pag-ubo ni Eric na nasundan ng mahinang pagtawa. Nang tingnan niya ito ay yumuko ito tsaka nilapitan ang kapatid niya.

"Ulol! Selos ka diyan. Tara na nga!" masungit na sabi ni Liam kaya umabrisete na siya rito at sabay-sabay na silang lumabas ng bahay at dumiretso sa kapilya.

Nagsisimula na ang divine service nang pumasok sila. Assemblies of God ang relihiyon nila at kahit Roman Catholic ang dalawa ay nakisama nalang sa paraan ng pagwoworship nila. Gaya ng inaasahan, hindi pumapalakpak ang mga ito kapag nag-aawitan sila ng religious songs.

Dumating ang part ng Testimony na kung saan ay magsasabi ang mga nagsimba ng mga kwentong nagpapakita na tinulongan sila ng Diyos.

Nang dumako na sa message ng pastor ay nakatulog na ang kapatid niya habang kalong niya at sina Eric naman ay hindi mapigilan ang paghikab. Sinita naman niya ang mga ito kaya umayos sa pagkakaupo.

Nang matapos ang simba ay alas onse y medya na.

"This is our last day here. Remember, kailangan na nating bumalik sa city. Mag-eenroll pa tayo for the second semester" paalala niya sa mga ito nang nasa bahay na sila. Umungol ang mga ito na parang ayaw pang bumalik sa lungsod.












Nakaupo si Liam sa silong ng mangga habang malalim ang kanyang iniisip. Gulong-gulo na talaga ang isip niya. At iisang tao lang ang may dahilan nun.. Si Cali. Hindi niya maintindihan ang damdaming pinupukaw nito sa kanya kapag nginingitian siya nito, kapag hinahawakan ang kamay, kapag inaakbayan at kapag sinisigawan.

Kaninang umaga habang inaayos nito ang buhok niya, mataman niyang tinitigan ang mukha nito na nakatingala sa kanya. Kung hindi niya inisip ang maaaring maging reaksyon nina Eric at Colossus, malamang, siniil na niya ito ng mainit na halik. Niyakap ng buong higpit habang ang kanilang katawan ay nagsisimulang magdarang.

Ugh! I hate myself today, sabi niya sa isip.

Naalala pa niya nang umaktong magkikiss ang mga ito ni Eric, nakaramdam siya ng pagnanais na pigilan ang mga ito. Na parang ayaw niyang mangyari iyon kaya agad siyang pumagitna kahit alam naman niyang hindi totohanin ng mga ito ang halik.

"Ahrmm, nagseselos ka no?" naalala niyang tanong sa kanya ni Cali. Sa una ay napaisip siya kung iyon ba ang tamang salita para sa nararamdaman niya.

The feeling is so.. different. Merong damdamin na hindi niya alam, na ngayon lamang niya naramdaman at si Cali lamang ang may kakayahang pukawin iyon sa kanyang dibdib.

Naisip niya si Jinky. Oh, the very passionate girl. Jinky is capable of satisfying his sexual needs, in fact, he is very contented whenever they have sex. And Cali.. Cali is otherwise but with him, he felt.. Loved? Maybe. He don't feel neglected and alone. Pakiramdam niya ay kahit lagi siya nitong inaaway at iniinis, hinding-hindi naman siya nito hinahayaang malungkot. And for that, he found himself falling.

Ipinilig niya ang ulo sa naisip. No! Hindi niya matatanggap na sa bakla ang bagsak niya. At kahit maubusan pa ng babae sa mundo, magsasalsal nalang siya kesa makipagtalik sa isang bakla.

"Is it really necessar to have sex with your partner?" naalala niyang tanong ni Cali. The innocence in his voice makes him wonder at isipin kung nakakita narin kaya ito ng ibang ari maliban sa ari nito? Ah, wait! He remembered the incident in their boarding kung saan nakita siya nitong hubo't hubad habang naliligo. Ah! So titi palang niya ang nakikita nito?

Mukha siyang tangang napapangiti sa naisip. Nagsindi siya ng sigarilyo para umayos ang pakiramdam niya. Pakiramdam kasi niya ay nababaliw na siya. Kung anu-ano ang pumapasok sa utak niya niya at hindi maayos ang sistema niya.

Nakakailang hithit-buga palang siya nang may umagaw sa hawak niyang sigarilyo. Nilingon niya ang nakapamaywang na si Cali. Nakataas ang isang kilay nito. Dumako ang paningin niya sa ayos ng buhok nito. Nakasuot ito ng headband para hindi tumakip ang may kahabaang bangs nito sa mukha nito.

"Yosi na naman! Nabawasan na naman ng ilang minuto ang life span mo niyan!" sabi nito. Despite the loud voice, there is concern. Muling sumikdo ang puso niya nang walang anu-ano'y umupo ito sa tabi niya nang hindi siya nagsalita.

Be still, my heart..

"You're not that addict, are you? Tigilan mo na ang pagyoyosi Li. Masama yan sa katawan. Nakakapurol ng utak" sabi nito. Ngumiti siya para hindi nito mahalatang nababato-balani siya sa feminine na mukha nito. Nakasuot lamang ito ng pambahay. Simpleng shorts at t-shirt pero damn.. the legs!

Manyak ka talaga!, muling sigaw ng utak niya.

"Hayaan mo nalang ako" sabi niya rito. Nilingon niya ito na salubong ang kilay.

"Hayaan? Anong silbi kong kaibigan kung hinahayaan ko kayong maadik sa ganyang bisyo?" sambit nito. Natahimik siya.

I wish, mom is like you.

"Eh hindi pa naman ako adik eh. Tingnan mo nga't tig-isang stick lang ang kinokonsumo ko araw-araw" pagdadahilan niya.

"Hihintayin mo pa bang maadik ka bago mo itigil? Liam, mas maganda yung sa una palang, itinitigil mo na kapag alam mong mali" seryosong sabi nito. Bigla siyang napaisip. Ganun ba talaga? Paano kung mali ang nararamdaman niyang happiness kapag malapit ito? Pipigilan rin ba niya ang sarili?

"Oo na! Panalo ka na misis" sumusukong sabi niya at dinukot sa bulsa niya ang kaha ng sigarilyong may mahigit sampu pang laman at iniabot dito.

"Good boy" sabi nito at hinalikan ang pisngi niya bago tumayo at mabilis na umalis. Awtomatiko namang napahawak siya sa pisnging hinalikan nito. Bakit ba hindi nasasanay ang katawan niya sa halik nito?













"Bukas na ang balik namin sa city" sabi ni Liam sa nakaupong si Jinky. They were in the river. Hapon na iyon at magdidilim na. Nagpaalam siya kanina kay Cali na makikipag-usap lang kina Crisostomo pero ang totoo, may usapan sila ni Jinky. Again, he was there again to prove himself that the feeling he felt for Cali is plain platonic.

Nilingon siya ng babae. Nakaupo sila sa malaking bato and the place is safe for love-making. No, sex is the right word. Love-making is different.

Umusod siya palapit dito upang gumawa ng hakbang pero pinigilan siya nito. Nagtataka man ay tumigil nga siya. Nang tumingin ito sa kanya ay seryoso ito.

"Ayoko na Liam" sabi nito.

"What?" nagtatakang tanong niya.

"Nakokonsensiya ako kay Cali eh" sagot nito. Kumunot ang noo niya. What's with Cali? Anong connection nito sa pagtatalik nilang dalawa?

"Bakit naman nasama si Cali sa usapan?" tanong niya. Ito naman ang nagkunot ng noo.

"Seryoso ka ba? Ibig mong sabihin, bale-wala lang sayong kahit gusto ka niya, ako ang nakaka-ano mo?" tanong nito sa kanya. Nagsalubong ang kilay. Gusto? Gusto siya ni Cali? Imposible.

"Sinong may sabing gusto ako nun?" inosenteng tanong niya. Bakit naman kasi siya magugustuhan ni Cali?

"Wala. Pero hindi mo ba napapansin? Ako, napansin ko noong nagpunta ako sa bahay nila at kumain tayo ng tambo-tambo. I saw it in his eyes" seryosong sabi nito. Tumayo siya. Walang kwenta ang sinasabi nito. Kung anu-ano ang napapansin.

"Tara na nga. Uwi na tayo. Kung anu-ano ang sinasabi mo" yaya niya rito.

"I'm serious. Gusto ka ni Cali. Maybe, not a hundred percent sure pero I know--"

"Tama na nga!" saway niya rito. Naiinis na siya dahil kung anu-ano ang sinasabi nito. Nonsense! Kung gusto siya ni Cali, nahalata na sana niya. Pero Cali is just a good friend, at kung anu-ano ang pinaparatang ng babaeng ito dito. Ano nalang ang iisipin nito kung pinagbibintangan nila itong crush siya?

"Kung crush ako nun, nahalata ko na sana. Sa tagal ba naming magkasama" sabi niya.

"Wag ka namang maging manhid. Hindi lahat ng nakikita ng mga mata ay ang katotohanan. Minsan, kailangan mong makiramdam" sabi nito at tinalikuran siya. Nauna na itong naglakad patungo sa kabahayan. Naging mabagal naman ang paglakad niya dahil pakiramdam niya ay nanghihina ang tuhod niya.

Siya? Crush ni Cali? It can't be. Hindi niya maatim na ang kaibigan niya ay may gusto sa kanya. Dahil alam niyang hinding-hindi niya masusuklihan ang pagtinging iyon. Oo nga't parang nagugustuhan na rin niya ito pero he's still not sure of what he feel. Baka tinging-kapatid lamang iyon.

Pero paano nga kaya kung totoong gusto siya nito? Bakit hindi man lang niya nahalata? Ah, kailangan na palang maging observant siya.













Na-conscious na si Cali dahil sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Liam habang kumakain sila ng panghapunan kaya nilingon na niya ito at sinaway.

"Napano ka? Kanina ka pa nakatingin sakin ah. Kumain ka na nga!" sabi niya rito. Tila natauhan naman ito at agad niyuko ang pagkain. Narinig naman niya ang mahinang tawa ni Eric sa tabi nito. Sa gabing iyon, kumpleto sila. Andun ang nanay at tatay niya dahil bukas ay babalik na ulit sila sa lungsod.

"Anak, tanggalin mo kasi yang kanin sa ilong mo kung ayaw mong titigan ka" sabad ng kanyang ina. Agad naman niyang dinama ang ilong at may kanin nga doon kaya naman napahiya siya. Itinuon nalang niya sa pagkain ang atensyon niya.

"Oh mga iho. Ihahabilin ko na sa inyo itong anak ko ah. Kayo ang sumaway pag nagloko sa lungsod. Paluin niyo sa pwet kapag nagpasaway" singit naman ng kanyang ama at bumaling sa dalawa. Napangiwi naman siya sa huling sinabi nito. Iba kasi ang dating nun sa kanya. Ang sagwa. Natawa naman ang dalawa.

"Tay! Ano ka ba naman" nahihiyang saway niya.

"Oo naman po 'tay Ador! Maaasahan niyo po kami" sabad ni Eric. Si Liam naman ay iba ang pagkakangiti at parang nagpipigil tumawa. Nang tumingin sa kanya ay makahulugan ang tingin nito. Inirapan naman niya ito.

"Kuya, kelan ka ulit uuwi?" tanong ng kanyang kapatid.

"Aw. Mamimiss mo ako no? Wag kang mag-alala. Uuwi ang kuya sa December para sama-sama tayong magcelebrate ng Christmas" tugon niya sa kanyang kapatid at tinanggal ang kaning dumikit sa gilid ng bibig nito.

"Kasama niyo ho ba ulit sina Kuya Liam?" tanong muli nito. Sinulyapan niya si Liam na nakatingin sa kanila.

"Uhmm. Hindi na siguro kasi uuwi naman sila sa kanila--"

"Oo. Sasama ako rito sa December. Yun ay kung okey lang po sa inyo" sabad ni Liam at hindi siya pinatapos magsalita.

"Aba! Okey lang naman. Pero baka hindi na kayo payagan ng mga magulang niyo. At di ba, dapat lang na sama-sama kayo sa December? Mas masaya iyon kung kumpleto kayo" tugon ng kanyang ina. Nilingon niya si Liam na hindi na sumagot at kumain nalang.

Hindi na ito nagsalita hanggang sa matapos ang panghapunan nila. Lumabas ang mga ito at nagpunta sa may silong ng mangga. Sumunod naman siya matapos niyang maghugas ng pinggan at makausap ang mga magulang.

Binigyan na kasi siya ng tatay niya ng perang pang-enroll niya kasama na doon ang pambayad niya sa boarding house niya sa isang buwan at ang allowance niya. Hindi na kelangan ng pambili ng ulam dahil marami na naman siyang dadalhin bukas na mga beans, iba't ibang klase ng gulay at alam niyang hindi agad masisira dahil may ref naman sa boarding house nila.

Matapos siyang bigyan ng kanyang ama ng pera, bumalik ito sa kanilang pugon dahil magbabantay ito ng nilulutong tabako.

Nang pinuntahan niya sina Eric sa labas ay seryosong nag-uusap ang mga ito ni Liam at mahina lamang ang boses na parang ayaw iparinig sa iba ang pinag-uusapan.

"Oy, anong pinag-uusapan niyo diyan? Puro kalibugan na naman ba?" singit niya na ikinagulat ng dalawa.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong agad ni Liam.

Kumunot ang noo niya.
"Ngayon lang. Bakit?"

"Ah, wala" sagot nito. Umupo siya sa pagitan ng mga ito at umakbay.

"Thank you sa pagsama sa akin dito ah? Thank you talaga!" pasasalamat niya. Gumanti ang mga ito ng akbay at nagtinginan ng makahulugan.

"Hoy, kayo! May hindi ba kayo sinasabi sakin ha?" pagpapaamin niya sa mga ito.

"Hala! Wala ah" tanggi ni Liam at sinulyapan si Eric.

"Oo nga. Ano naman ang ililihim namin sayo?" sabad naman ni Eric. Kahit nagtataka parin ay hindi na siya nagtanong. Baka tungkol lang sa mga babae ng mga ito ang pinag-uusapan ng mga ito. Nanahimik nalang siya habang nakaupo at nakasandal ang ulo sa balikat ni Liam.

Sa nakalipas na araw, nagsimula siyang makaramdam ng hindi maipaliwanag na saya tuwing nakikita niya si Liam. Kapag nakangisi, nakasimangot at lalong-lalo na kapag lumalabas ang biloy nito ay hindi mapakali ang puso niya. Bigla-bigla ring tila nanginginig ang tuhod niya tuwing nasa malapit ito pero pinipigilan niya ang sarili. Naiinis rin siya tuwing nag-uusap ang mga ito ni Jinky, na dati naman ay wala siyang pakialam maski sinuman ang magkaaffair kay Liam.

Naalala pa niya noong mga unang tatlong buwan nila sa boarding nila, may iniuuwi noon si Liam na babae na kapag ginabi ay doon matutulog. Pero okey lang sa kanya noon. No! Hindi pala, naiinis na siya noon. Pero yung klase ng inis na parang nababastusan siya, hindi naiinggit o nagseselos.

Urgh! Inlove na ba ako? Ganito na ba ang feeling ng inlove? Wag naman sana. Chickboy si Liam! Eh hindi naman ako chick, naiisip niya.

ITUTULOY....

1 comment:

  1. Casinos - DrMCD
    Casinos · 1. Red Dog Casino · 2. Red Dog Casino · 3. 사천 출장마사지 Betway Casino · 4. Wildz Casino · 경상북도 출장안마 5. 의정부 출장안마 Wildz Casino · 6. Royal Ace 서귀포 출장샵 Casino · 7. SlotWolf Casino. 용인 출장샵

    ReplyDelete